• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 7th, 2022

May ginawang movie sa Switzerland na panggulat: RK, inaming career muna ang priority nila ng karelasyon na si JANE

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED pero kabado at the same time si Gerald Santos sa napipinto niyang muling pagganap as Thuy sa Denmark production ng ‘Miss Saigon.’

 

 

Kailangan niya kasi mag-aral ng Danish language na mas mahirap kumpara sa German.

 

 

Panibagong challenge na naman ito for Gerald na excited na muling dalhin ang Pilipinas sa international music scene.

 

 

Sa November ang alis ni Gerald dahil kailangan daw niya na maghanda para sa rehearsals ng ‘Miss Saigon.’

 

 

Sana raw ay makisama ang boses niya dahil winter by that time. Ayon sa kanya, mas mahirap daw kumanta pag malamig ang panahon.

 

 

Pero ang maganda daw rito sa Danish production ng ‘Miss Saigon’ ay six days a week lang ang show. Hindi sila masyadong mapapagod.

 

 

Hindi pa raw niya kung ano ang gustong maging atake ng director niya for the role of Thuy. Pero sabi ni Gerald, hindi raw kontrobida ang role kundi isa rin biktima.

 

 

“Kasi ipinagkasundo na silang dalawa ni Kim ng parents nila tapos nalaman ni Thuy na in love ito kay Chris, na kalaban nila kaya mas masakit,” kwento ni Gerald sa role niya.

 

 

Pero bago umalis ay mag-perform muna si Gerald sa ‘I Will The Musical’ na gagawin sa Metropolitan Theater on October 14.

 

 

Isa itong original Filipino musical sa buhay ni Doc Willie Ong.

 

 

***

 

 

UNANG nagkasama sa pelikula sina RK Bagatsing at Jane Oineza noong 2018.

 

 

Doon din sila unang na-link pero they only made their relationship public last year sa isang TikTok video.

 

 

One and half years na raw ang relasyon nila, ayon kay RK. For now ay career muna ang kanilang priority. Sayang naman daw ang mga projects na dumarating kay Jane.

 

 

Since ngayon din lang naman bumubwelo sa career niya si RK kaya sa career din ang focus niya. Marami pa raw siyang gustong magawa sa kanyang career bilang actor.

 

 

May ginawa silang movie sa Switzerland titled ‘The Swing’. Isa itong love story na medyo sexy. Sabi ni RK na magugulat daw ang lahat sa mapapanood sa movie.

 

 

Sobrang enjoy daw silang dalawa ni Jane sa shoot nila sa Switzerland.

 

 

Two weeks sila doon and few days lang ang kanilang bakasyon. Pero sarap daw sa pakiramdam na nakarating sila doon for work and nakapasyal din.

 

 

Sulit naman daw ang five days vacation nila sa Switzerland dahil marami rin silang napasyalang lugar na first time din nila nakita.

 

 

(RICKY CALDERON)

P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.

 

 

Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at pribadong nurses, ay makakatulong na mabuhay sila ng disente at katumbas umano ng krusyal na papel nila sa promosyon at proteksyon ng kalusugan ng mga Filipino.

 

 

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod lamang umano ng P537 kada araw sa Metro Manila at mas mababa pa sa labas nito.  Mas mababa ito sa P570 na minimum wage sa NCR.

 

 

Sa mga pampublikong ospital naman, nasa P35,000 lamang ang ‘minimum salary’ na bagaman mas mataas ay matindi naman umano ang sakripisyo nila dahil sa rami ng trabaho at pasyente.

 

 

“Lahat kami sa go­vernment at nurses sa private sector ay medyo hirap talaga kaya ‘di niyo kami mapipigilan na umalis ng bansa kasi mas mataas ang ino-offer nila sa amin,” saad ni Ivan Paguio, pinuno ng FNU-San Lazaro Hospital.

 

 

Sinabi naman ni FNU vice presidente Elea­nor Nolasco na may pondo naman para dito ang pamahalaan. Maari umanong makuha ito sa ‘unprogrammard funds’ para sa pagtataas sa sahod at pagkuha pa ng dagdag na 42,000 nars para sa mga barangay health centers at 10,000 na mare-regular.

 

 

Nagpahayag naman ng suporta si Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panawagan ng mga nurse at iginiit sa Department of Budget and Management at mga mambabatas na gumawa na ng hakbang para maisabatas ito. (Daris Jose)

Alex Eala pasok na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMUSAD  na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala.

 

 

Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3.

 

 

Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro.

 

 

Susunod na makakalaban niya ang sinumang manalo sa pagitan nina Angella Okutoyi ng Kenya o No. 8 seed Taylah Preston.

REESE WITHERSPOON PRODUCES INSPIRING TALE “WHERE THE CRAWDADS SING”

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BESIDES being an Academy Award®-winning actress, Reese Witherspoon is now also a powerhouse producer heading Hello Sunshine, her billion-dollar production company, whose first feature film is Where the Crawdads Sing, based on Delia Owen’s best-selling mystery novel.

 

 

 

[Watch the video in which star Daisy Edgar Jones and producer Reese Witherspoon  talk about the film — https://youtu.be/v_dk8SAN3lo]

 

 

“I read the novel in one day. I just couldn’t put it down,” says Witherspoon. “I fell in love with Kya as a main character, as a little girl who’s growing up in a very rural area, shunned by society and trying to find a way to just save herself, just survive. The experiences she has with the two men in her life are both so touching but also terrifying. Delia Owens wrote this book with such authenticity, you could just tell she really grew up in this place.”

 

 

Where the Crawdads Sing tells the story of Kya, an abandoned girl who raised herself to adulthood in the dangerous marshlands of North Carolina. For years, rumors of the “Marsh Girl” haunted Barkley Cove, isolating the sharp and resilient Kya from her community. Drawn to two young men from town, Kya opens herself to a new and startling world; but when one of them is found dead, she is immediately cast by the community as the main suspect. As the case unfolds, the verdict as to what actually happened becomes increasingly unclear, threatening to reveal the many secrets that lay within the marsh.

 

 

A literary phenomenon, the book skyrocketed to the top of the bestseller lists when Witherspoon picked it for Reese’s Book Club – and its record-breaking run has lasted over 191 weeks. With over 12 million copies sold in total, it was the top-selling book of 2019 and 2020 and set a new record for the most weeks at #1 on the New York Times hardcover fiction bestsellers list.

 

 

“I remember when Reese first told me about this book,” says producer Lauren Neustadter, President, Film and Television at Hello Sunshine. “We loved Kya, we loved the world, we loved the story of her survival, against all odds. When we thought about it as a movie, there was so much that was so appealing. The backdrop is absolutely magnificent and the story is epic in scope. The marsh itself is incredibly cinematic. The lush greens and also the world that she lives in, the lagoon, the beach all of the settings are so incredibly beautiful and romantic. And then Kya herself is such an extraordinary character – an unconventional heroine and certainly the hero of her own story. To see this remarkable woman against such a beautiful backdrop felt inherently cinematic, and it felt perfect to bring to life on screen.”

 

 

“I don’t know where my book would be without Reese Witherspoon,” says Owens. “First it was her Book Club, then the Best Seller list, and now the movie. She’s done a lot for this book and for many, many authors.”

 

 

3000 Pictures presents in association with HarperCollins Publishers a Hello Sunshine production, Where the Crawdads Sing. Starring Daisy Edgar-Jones, Taylor John Smith, Harris Dickinson, Michael Hyatt, Sterling Macer, Jr., and David Strathairn. Directed by Olivia Newman. Produced by Reese Witherspoon and Lauren Neustadter. Screenplay by Lucy Alibar. Based upon the novel by Delia Owens. The executive producers are Rhonda Fehr and Betsy Danbury. The director of photography is Polly Morgan, ASC. The production designer is Sue Chan. The editor is Alan Edward Bell, ACE. The costume designer is Mirren Gordon-Crozier. The music is by Mychael Danna.

 

 

In cinemas across the Philippines starting September 14, Where the Crawdads Sing is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #CrawdadsMovie

(ROHN ROMULO)