Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian.
Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan.
For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang Kasarian ang Digmang Bayan), Lav Diaz (Ang Historya ni Ha), Lawrence Fajardo (A Hard Day), Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon), Erik Matti (On The Job: The Missing 8) at Jun Robles Lana (Big Night!).
Except for Miss Charo Santos-Concio, na nominado para sa Kun Maupay Man It Panahon, parang puro first timers sa Urian ang mga finalists sa Best Actress namely Donna Cariaga (Rabid), Elora Espano (Love and Pain in Between Refrains), Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending) at Yen Santos (A Faraway Land).
Exciting naman ang labanan for Best Actor sa pagitan nina John Arcilla (On The Job; The Missing 8), Christian Bables (Big Night!), Paolo Contis (A Faraway Land), John Lloyd Cruz (Ang Historya ni Ha), Dingdong Dantes (A Hard Day), Francis Magundayao (Tenement 66), at Shogen (Gensan Punch).
Best Supporting Actress contenders naman sina Dolly de Leon (Ang Historya ni Ha), Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8), Eugene Domingo (Big Night!), Jay Valencia Glorioso (Rabid), Mae Paner (Ang Historya ni Ha), at Shella Mae Romualdo (Arisaka).
Sa Best Supporting Actor category, nominado sina John Arcilla (Big Night! at A Hard Day), Ronnie Lazaro (Gensan Punch), Sandino Martin (Walang Kasarian ang Digmang Pambayan), Dante Rivero (On The Job: The Missing 8), at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8).
Ang Manunuri ang oldest critics group sa bansa at siyang nagbibigay ng Gawad Urian taon-taon. Sila ay binubuo nina Gary Devilles (Chair), Shirley Lua, Gigi Alfonso, Laurence Marvin Castillo, Butch Francisco, Mike Rapatan, Anne Frances Sangil, Nic Tiongson, Roland Tolentino, at Tito Genova Valiente.
Ang mga nominado para sa Best Short Film at Documentary ay ipapahayag sa September 16. Ang awards night na gagawin online ay gaganapin sa October 27, 2022.
***
PINAG-UUSAPAN nang husto ang katatapos lang na PBA Philippine Cup Game 7 last Sunday, September 4 kung saan tinutukan ng basketball aficionados ang matinding labanan ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga.
The match scored record-high viewership para sa TV 5 at OneSports Channel. Napuno rin ang Araneta Coliseum.
Ayon sa Nielsen NUTAM Overnight Data, ang PBA Game 7 telecast sa TV5 at OneSports ay nakakuha ng “cumulative unduplicated reach” of 6.9 million viewers and a combined ratings of 6.85 average minute rating (AMR), placing Top 6 Program of the Day across all channels.
Umapaw din ang tao na nanood sa Araneta Coliseum kung saan may 15, 195 gate attendance para sa do-or-die Game 7 match kung saan napuno ng hiwayan ng mga PBA fans ang venue.
Nakatutuwang makita ang excitement ng mga sports fans sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. At kung titignan ang high viewership rating ng TV5 at OneSports, at ang full gate attendance ng Araneta Coliseum, maasahan natin na mas lalo pang magiging matagumpay ang next PBA conference at mas marami pang sports fans ang manonood.
(RICKY CALDERON)
ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021.
Sinabi ni PopCom executive director, Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.
Noong nakaraang taon naman ay nakapagtala ng 2,700 deaths daily.
Base sa kanyang pansariling obserbasyon at pag-aanalisa sa nakalipas na mga taon, sinabi ni Perez na mayroong isa hanggang limang porsiyento ang itinaas sa mortality rate sa normal years subalit noong taong 2021, ang pagtaas ay lumobo sa 43% kumapara sa taong 2020.
“Translated into figure, the reported death in 2021 is 265,493 higher than in 2020 which recorded a total of 613,936 deaths,” ayon kay Perez.
” It was in September which had the most number of deaths in 2021 when a total of 119,758 Filipinos perished—which means that 3,992 Filipinos died daily in that month or almost three deaths per minute,” dagdag na pahayag nito.
May kabuuang 146,137 naman ang namatay dahil sa Covid-19.
“In 2020, there were 30,188 Covid-related deaths reported in the country. In 2021, it ballooned to a total of 105,723.
From January 1 to May 21 in 2022, a total of 10,226 Covid-related deaths were already reported,” ayon sa ulat.
Sinabi ni Perez na ang Covid-19 ang itinuturing na “major factor” sa labis-labis na mortality sa bansa noong 2021.
Samantala, ang mga namatay naman dahil sa malnutrisyon ay tumaas ng 47%.
Bago pa pumutok ang Covid-19 sa bansa, sinabi na ng PopCom na ang mataas na “excess mortalities” ay dahil sa health-related matters.
Kabilang dito ang “heart attacks, cerebrovascular disease or referred to as strokes, diabetes at hypertension.”
“Many of the diseases that caused increased mortality are preventable at the primary level of care, but the health system was not flexible enough to treat and care for both COVID and non-COVID patients,” ayon kay Perez. (Daris Jose)
SA patuloy na selebrasyon ng ika-13 na anibersaryo ng Beautéderm Corporation, pormal nang sinasalubong ang social media star at influencer na si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral care products nito gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.
With over 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-impluwensyal na personalidad sa social media dahil sa kanyang mga lifestyle vlogs at challenge videos na taalaga namang paboritong paborito ng mga netizens di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.
Isang stellar addition si Zeinab constellation of stars ng Beautéderm na patuloy na isinusulong ang mga kamangha-mangahang produkto ng brand na kinabibilangan skin care essentials, health boosters, home fragrances, iba’t-ibang klase ng mga sabon, at marami pang iba.
“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan na kung saan ini-launch na rin si Beauty Gonzalez bilang newest face ng BeautéHaus, at makakasama niya sa pag-i-endorse ang aktor na si JC Santos.
“Sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”
Samantala, aminadong si Zeinab na halos mangisay siya sa tuwa nang i-follow siya ni Marian Rivera-Dantes, at ngayon ay looking forward na siya ma-meet ang asawa ni Dingdong Dantes. Willing din siyang mag-extra kung sakaling may gagawin movie ang magandang ina nina Zia at Sixto.
Na-meet na niya si Dingdong, nang mag-guest sa ‘Family Fued’, say niya ni Zeinab sa interview, “sobrang bait ni Sir Dong at sobrang bango, sabi ko nga sa kanya, ‘DongYan lover po ako’
“Ang guwapo talaga, lahat kami parang napanganga, sobrang bagay talaga sila. Ako talaga ‘yun number one supporter nila noon, naging notebook ko pa sila.”
Dream niya na makapag-collab sa mag-asawa, bukod pa kay Papa Piolo Pascual, na hindi naman imposible dahil pare-pareho silang sikat na endorsers ng Beautederm.
Para sa karagdagang impormasyon sa Beautéderm at pati na rin sa mga kapanapanabik na balita ukol sa mga brand ambassadors nito, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; sundan ang @beautédermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.
(ROHN ROMULO)
FILIPINO young star Kai Sotto flexed his offseason improvement in his return to the Adelaide 36ers in NBL Australia.
The 7’3″ Sotto delivered 11 points and 11 rebounds in limited playing time in Adelaide’s 98-87 loss against Perth Wildcats.
Despite not getting the win, Sotto impressed everyone including his three slam dunks in the game.
This is a good sign after he went undrafted in the 2022 NBA rookie selection.
Sotto and the 36ers will play several pre-season games including against NBA teams Phoenix Suns and Oklahoma City Thunder.
Filipino fans were expecting the Sotto-Chet Holmgren matchup in OKC before the No. 2 overall pick got injured in the Crawsover Pro-Am league that will force him to sit out the entire season.
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang lahat ng mga guro ng kanilang mga insentibo kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang insentibo.
Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang anunsyo sa isang press conference, na sinabing magpapatuloy ang ahensya sa pagbibigay ng insentibo, katulad ng nakaraang administrasyon.
Ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Binigyang-diin ni Poa ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag-aaral, na nangakong gagawin ng ahensya ang lahat para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Hindi sila mapapagod na makinig sa mga hinaing ng guro
Aniya, hindi man mabibigyan ng resolusyon overnight o sa mga susunod na linggo ngunit talagang adhikain nila sa Department of Education na matugunan ang kanilang mga suliranin.
MAKARAANG mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.
May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod ang aalisin sa alarm tagging system at papayagang marehistro ang mga nasabing sasakyan.
Sinabi ng LTO na ang tatlong (3) local government units (LGUs) naaalisin ang alarm tagging ay ang Quezon City na may 1,190 alarms, Paranaque City na mayroong 93,083 na alarms, at Bataan na may 7,616 na alarms.
Natapos na ng lungsod ng Quezon, Paranaque at Bataan ang proseso para sa pag-aalis ng alarm tagging ng mga sasakyan habang ang Manila ay patuloy pa rin ang ginagawang proseso.
“This will allow the renewal of registration of apprehended motor vehicles through the NCAP pending the final decision/resolution of the Supreme Court on the matter,” wika ni LTO assistant secretary Teofilo Guadiz.
Subalit kung sakaling pagtibayin ng SC ang validity ng NCAP, ang mga LGUs ay papayagan na muling ma-re-tagged ang mga nasabing sasakyan na may corresponding fines at penalties.
“In the event the Supreme Court will affirm the validity of the same, the alarms shall be re-tagged in our system, and the fines/penalties shall be reflected and/or applied during the next renewal for registration,” dagdag ni Guadiz.
Ganon pa man, pinaalalahanan ni Guadiz ang motoring public na maging responsible kung sila ay nagmamaneho at huwag magmaneho kung nakainom o nasa ilalim ng drugs.
Mula nang magsimula ang taon, may 353 na drivers ang nag-positive sa alcohol intoxication nang sila ay nasangkot sa aksidente na naging sanhi ng 15 kaso ng pagkamatay at 232 na kaso ng physical injuries.
Ang mga drivers ay nabigyan ng 90 days suspension at humarap sa administrative sanctions at penalties.
Sa ilalim ng NCAP, ang isang motorista ay binibigyan ng multang P2,000 para s aunang offense, P3,000 sa ikalawang offense at P4,000 naman para sa ikatlong offense nakaugnay sa disobedience sa traffic, control signals at signs, obstruction ng pedestrian lanes, driving sa yellow yellow box, overspeeding, non-wearing of helmet ng motorcycle riders at disregard sa lane markings.
Para naman sa offenses tulad ng counterflow, reckless driving at non-wearing ng seatbelts ay nagkakahalaga ng P3,000 sa unang offense, P4,000 sa ikalawang offense at P5,000 sa ikatlong offense. LASACMAR
THERE are heroes, there are villains and there is Black Adam.
Check out the new trailer of Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.
YouTube: https://youtu.be/MgSTfFxO88o
Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/845733809923068/
About “Black Adam”
From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).
Nearly 5,000 years after he was bestowed with the almighty powers of the ancient gods—and imprisoned just as quickly—Black Adam (Dwayne Johnson) is freed from his earthly tomb, ready to unleash his unique form of justice on the modern world.
Johnson stars alongside Aldis Hodge (“City on a Hill,” “One Night in Miami”) as Hawkman, Noah Centineo (“To All the Boys I’ve Loved Before”) as Atom Smasher, Sarah Shahi (“Sex/Life,” “Rush Hour 3”) as Adrianna, Marwan Kenzari (“Murder on the Orient Express,” “The Mummy”) as Ishmael, Quintessa Swindell (“Voyagers,” “Trinkets”) as Cyclone, Bodhi Sabongui (“A Million Little Things”) as Amon, and Pierce Brosnan (the “Mamma Mia!” and James Bond franchises) as Dr. Fate.
Collet-Serra directed from a screenplay by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, screen story by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, based on characters from DC. Black Adam was created by Bill Parker and C.C. Beck. The film’s producers were Beau Flynn, Dwayne Johnson, Hiram Garcia and Dany Garcia, with Richard Brener, Walter Hamada, Dave Neustadter, Chris Pan, Eric McLeod, Geoff Johns and Scott Sheldon
“Black Adam” smashes into theaters and IMAX in the Philippines beginning 19 October 2022. It will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures. Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam
(ROHN ROMULO)
TUMAAS na sa 15, “as of June” ngayong taon ang bilang ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng “Build, Build, Build” initiative ng nagdaang administrasyon.
Sa isinagawang House Organizational Meeting of the Committee on Flagship Programs and Projects, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil Sadain na mayroong tatlo pang IFPs ang nakumpleto sa loob ng unang bahagi ng taon.
Ito ang dahilan para makumpleto ang IFPs sa 15 mula sa 119. May 12 lang kasi ng IFPs ang natapos ng DPWH noong Abril.
“These three newly completed projects are the P7.505-billion Flood Risk Management Project in Cagayan, Tagoloan, and Imus Rivers; the P5.947-billion China grant-funded Metro Manila Logistics Network (Estrella-Pantaleon and Binondo-Intramuros Bridges); and the P9.759-billion LRT-2 East Extension Project,” ayon kay Sadain.
Napaulat na ang unang 12 proyektong nakompleto para sa taong 2020 ay “P1-billion Improvement of remaining sections along Pasig River from Delpan Bridge to Napindan Channel, P245-million Pulangi 4 Selective Dredging Phase 3, P1.436-billion Sangley Airport, P3.29-billion Angat Water Transmission Improvement Project, P18-billion New Clark City Phase 1, P14.972-billion Clark International Airport Expansion Project at P1-billion Luzon Bypass Infrastructure Project.”
Habang ang mga proyekto naman na nakompleto para sa taong 2021 ay P950-million LTO Central Office Command Center, P1.096-billion General Santos Airport, P971-million Programme for the Support to Rehabilitation and Reconstruction of Marawi City and its Surrounding Areas, P5.724-billion Metro Manila Logistics Network: Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project at P21.966-billion MRT-3 Rehabilitation Project.”
Samantala, ang mga proyekto naman na natapos lamang nitong nakaraang buwan ng Hunyo ay “P1.166-billion Samar Pacific Coastal Road Project at ang P5.445-billion Matibug-Maridagao Irrigation Project Stage 2.”
Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang P750-million Motor Vehicle Recognition and Enhancement System Project na may 87% completion rate, habang ang P2.783-billion Unified Grand Central Station ay nagpapatuloy din na mayroong 76.29% progress rate.
Mayroon ding 10 IFPs ang inaasahang mako-kompleto sa Disyembre 2022, kabilang dito ang “P4.573-billion Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 5 (92.73% complete), P4.497-billion Chico River Pump Irrigation Project (87.64% complete, partially inaugurated noong Hunyo 25, 2022), at P4.798-billion Bicol International Airport Development Project (97.328%, inaugurated noong Oktubre 6, 2021).
Sa kabilang dako, mayroon namang 90 IFPs ang nasa “implementation and completion stage” para sa taong 2023 pasulong.
Mayroong ongoing construction na 37; ongoing detailed engineering design na 11; ongoing processing ng financing na 7 ; ongoing procurement na 8 eight; ongoing government approval na 8 ; at ongoing project preparation na 19.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maglalaan ang pamahalaan ng 5% hanggang 6% ng gross domestic product (GDP) sa infrastructure projects ng bansa. (Daris Jose)
NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation rates.
“Kaya importante na tumaas ang budget ng DA. As we know, iyong inflation rate kasi weighted average iyan ng inflation rate ng iba’t ibang commodities. As we know, iyong commodity na mayroong pinakamalaking weight is of course food, one way to reduce food inflation rate is to ensure na mayroon tayong adequate supply,” ani Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, senior vice chairperson ng House committee on appropriations.
Ayon sa mambabatas, makakatulong ang pagtaas sa alokasyon ng DA para sa pagpapatupad ng mga programa nito na magsisiguro sa food security ng bansa.
“So ibig sabihin, kailangan nating palawakin ang suplay ng agricultural crops natin. Nandiyan ang bigas, corn, of course nandiyan ang karne, ang fish at meat,” dagdag ni Quimbo.
Naniniwala rin ito na tama ang direksiyon ng gobyerno na bigyan ng sapat na atensiyon at sapat na dagdag ang budget ng Department of Agriculture dahil kapag dumadami ang suplay ay puwedeng mapababa ang presyo ng pagkain.
Ang badyet ng DA para sa susunod na taon ay tumaas ng P46.5 billion o 39.62% mula sa P117.29 billion ngayon taon o magiging P163.75 billion sa 2023.
Importante rin aniya ang patuloy na ibinibigay na subsidiya ng DSWD para matulungan ang bulnerableng sector sa impact ng mataas na presyo ng bilihin.
“Kaya importante ang DSWD assistance programs, we have to make sure na ang ating mga kababayan na nangangailangan, nandiyan ang sufficiently funded na iba’t ibang assistance programs. With or without the pandemic, dapat may assistance programs talaga,” pahayag pa ni Quimbo. (Ara Romero)