• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 30th, 2022

Sikat na US ski mountaineer Hilaree Nelson natagpuang patay

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATAGPUANG patay sa Mount Manaslu sa Himalayas ang sikat na US ski mountaineer na si Hilaree Nelson.

 

 

Pababa na ang 49-anyos na si Nelson sa pang-walong pinakamataas na bundok sa mundo kasama ang partner nito ng ito ay nawawala nitong Lunes.

 

 

Nakita siya ng mga rescuers sa may 8,613 meters sa ibaba ng bundok.

 

 

Taong 2018 ng siya at partner nito na si Jim Morrison ang naging unang taon na makababa sa Mount Lhotse sa Nepal ang pang-apat na pinakamataas na bundok.

 

 

Siya rin ang unang babae na nakaakyat sa pinakamataas na bundok na Mt. Everest at Lhotse sa loob ng 24-oras.

 

 

Sa araw na nawala si Nelson ay isang tao rin ang nasawi at marami ang sugatan sa naganap na avalanche.

Kamara umaasang hindi na mabi-veto ang SIM Registration Bill

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA  ang liderato ng Kamara na hindi ma-veto ang SIM Registration Bill, matapos niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang SIM Registration Bill na nag-uutos na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang inaaasahan na ang SIM Registration Act ang kauna-unahang batas na mapipirmahan ng Pangulong Bongbong Marcos sa panahon ng kanyang panunungkulan.

 

 

Aniya, sa ipinasang bersiyon ngayon ng panukalang SIM Card Registration Act ay inalis nila ang probisyon ukol sa pagpaparehistro ng social media accounts na siyang dahilan ng pagveto noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Binigyang-diin ni Romualdez, napapanahon na itong maisabatas bilang solusyon sa talamak na panloloko sa pamamagitan ng text messages na maaring magdulot ng trahedya sa buhay at makasira sa public order.

 

 

Sinabi ni Speaker Romualdez, kapag naisabatas ang SIM Registration Bill ay mas magiging responsable ang mga gumagamit ng Cellphone o iba pang electronic devices na may sim card.

 

 

Naniniwala kasi si Romualdez, maituturing din itong sandata ng mga alagad ng batas laban sa mga gumagawa ng krimen gamit ang telecommunication devices.

 

 

” Na-ratify ngayon ng House of Representatives ang bicameral committee report sa SIM Registration Act. Kung mara-ratify na rin ito ng Senado, maaari nang ipadala ang panukalang batas para mapirmahan ng Pangulo,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ads September 30, 2022

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.

 

 

“Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa grand opening  ng bagong terminal building ng  Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga.

 

 

Wika pa ni Pangulong Marcos, ang ilang  flights ay hindi na dapat pang dumaan sa  Maynila kung maaari namang dumaan direkta sa mga lalawigan.

 

 

“Huwag nating pinipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin. Ganon, para di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa niya na ang bagong paliparan ay “a perfect example of what government and the private sector can do.”

 

 

Para sa Punong Ehekutibo, ito aniya ay “very strong signal” na ang Pilipinas ay bukas na para sa investments  mula sa ibang bansa.

 

 

Samantala, kasama ng Pangulo sa nasabing event sina Unang Ginang  Louise “Liza” Araneta-Marcos, Transportation Secretary Jaime Bautista, Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at iba pang key officials mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Distribusyon ng P1.7b halaga ng educational aid, matagumpay; ekstensyon, malabo

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang distribusyon ng P1.7 bilyong halaga ng  educational aid  sa 713,916 benepisaryo.

 

 

“Yung ating educational assistance, una nakakatuwa po dahil kahit papaano po ay talagang naging successful po ‘yung anim na Sabado na pamamahagi natin ng ating educational assistance,”  ayon  Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Rommel Lopez.

 

 

“Ang atin pong napamahagi na ay P1.7 billion na po. ‘Yung atin pong naabot ng ating programang ito ng ating educational assistance ay umabot na po sa 713,916 students o beneficiaries,” dagdag na wika ni Lopez.

 

 

Malabo naman na palawigin pa ng departamento ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng programa.

 

 

Ang katwiran ni Lopez,  naubos na ng DSWD ang lahat ng inilaang pondo at gumamit na rin ito ng karagdagang budget.

 

 

Sa katunayan nga aniya ay  una nang naglaan ang DSWD ng P1.5 bilyong piso para sa educational assistance program.

 

 

Ngunit, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na  mangangailangan pa sila ng karagdagang P200 milyong piso hanggang  P300 milyong piso para muling buksan ang  educational assistance program para sa mga  indigent students.

 

 

Ayon sa  Kalihim, hindi sapat ang P1.5-billion budget lalo pa’t umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga estudyante na nagpa-rehistro para makasama sa programa.

 

 

Unang tinarget ng DSWD  na makapagbigay ng tulong sa  400,000 estudyante lamang sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng  programa,  hanggang tatlong estudyante kada  indigent family ang makatatanggap ng P1,000 para sa mga  elementary students;  P2,000 para sa  high school students; P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa  college students o vocational courses.  (Daris Jose)

UAAP Season 85 kasado na!

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASADO  na ang lahat para sa engrandeng pagbubukas ng University Athletic Association of the Phi­lippines (UAAP) Season 85 sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Matapos ang dalawang taong pagkagipit dahil sa pandemya, masisilayan na ng lubos ang pagbabalik ng lahat ng sports sa season na ito.

 

 

“Now, we are back and full of life. For the past two years, it’s not just the UAAP that was affected. The entire world was affected,” ani UAAP Season 85 President Fr. Aldrin Suan, CM ng Adamson University.

 

 

Nangunguna sa listahan ang men’s basketball na hahataw sa Sabado habang aariba rin ang kabuuang 60 events mula sa 21 iba’t ibang sporting events.

 

 

“Emotionally, economically, socially, in one way or another, we were down. We are hoping to use the UAAP as one of the platforms in helping bring the new normal to the Filipino people. As we RISE AS ONE, we are back to being full of life,” ani Suan.

 

 

Unang maglalaro ang season host Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng defending champion University of the Philippines at De La Salle University sa alas-4 ng hapon.

 

 

“We are excited that collegiate sports  is fully back with women’s basketball opening our festivities this weekend. We are grateful to Cignal as it will air the women’s basketball games during weekends on the Varsity Channel,” sambit ni UAAP Executive Director Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr.

 

 

Sa Oktubre 2, masisilayan naman ang bakbakan ng National University at University of the East sa alas-2 at ng Far Eastern University at Ateneo de Manila University sa alas-4.

 

 

Lalaruin ang men’s basketball tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo.

 

 

Katuwang ng UAAP sa season na ito ang Cignal at Smart Communications na siyang magiging daan sa pagsasahimpapawid ng mga laro at updates sa liga.

‘Tár’ New Trailer Showcases Cate Blanchett Performance, Earned Her Oscar Buzz

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE new trailer for the Cate Blanchett vehicle Tár shows off the powerhouse performance that has earned her Oscar buzz.

 

Blanchett is an actress known for her versatility and range, with her abilities spanning from thrillers like 1999’s The Talented Mr. Ripley to dramas like 2015’s Carol to TV miniseries like FX’s Mrs. America, in which her performance as historical figure Phyllis Schlafly where she earned her first Emmy nomination.

 

She has also proven able to slip back and forth between arthouse dramas and big budget blockbusters with ease, with some of her major credits including playing Galadriel in the Lord of the Rings trilogy and appearing as the villain Hela in Taika Waititi’s MCU debut Thor: Ragnarok.

 

Tár features Blanchett back in Oscarbait mode, playing a composer named Lydia Tár who is the first female chief conductor of a prestigious European orchestra. The film will follow her as her hubris and passion lead her to greater heights and a potential precipitous drop.

 

The film is the first directorial feature from celebrated filmmaker Todd Field after 2006’s Little Children, a Tom Perrotta adaptation that ended up being nominated for three Oscars, including a Best Actress nomination for its lead, Kate Winslet. In addition to Blanchett, Tár stars Noémie Merlant, Nina Hoss, Sophie Kauer, Julian Glover, Allan Corduner, and Kingsman: The Secret Service’s Mark Strong.

 

Focus Features unveiled a brand-new official trailer for Tár. The clip opens with a speech introducing the title character, over a variety of shots that showcase Lydia’s obsession with perfection. The tension then begins to build as she struggles to write a new piece, becoming overwhelmed by sensitivity to noise.

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=Na6gA1RehsU

 

Even before this trailer premiered, Tár already staked a claim as one with a significant amount of Oscar buzz, and is certain to receive its share of nominations during the coming awards season. At the very least, many of the most respected prognosticators put Blanchett as a top choice for a Best Actress nomination.

 

Although the exact nature of her competition won’t be known until the Oscar nominations are officially announced, it could potentially include Viola Davis for The Woman King, Olivia Colman for Empire of Light, and Michelle Williams for Steven Spielberg’s The Fabelmans.

 

The Academy may find her deserving of another win after so much time, and so far Tár’s early reviews have talked up her performance so much that it seems most critics agree. While it’s hardly a lock, it looks like Blanchett is certainly in the running with the performance this new trailer shows off. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang  shabu  na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys”  ang nasamsam matapos  na naaresto ang isang babae na  tumanggap nito  sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ang naaresto na si  Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si  Octavia Dela Cruz, 30, dalaga, kapwa residente ng Blk 11 Lot 23 Magdiwang Subd., Brgy. Queens Row Central, Bacoor Cavite.

 

 

Sa ulat, isang package mula sa London ang dumating nitong September 23, 2022 na nakapangalan kay Dela Cruz at  idineklarang “Baby Soft Toys” pero nang dumaan ito sa X-ray inspection at K9 sniffing dogs, lumabas na kahina-hinala ito at may indikasyon na may nakasilid na droga dito

 

 

Muling ipinadaan ang nasabing bagahe sa Rigaku Progency ResQ FLX Chemical Analyzer at nakumpirmang naglalaman ito ng Methamphetamine Hydrochloride  o Shabu.

 

 

Dahil dito, nagsagawa ng controlled delivery operation ng pinagsamang pwersa ng  PDEA RO3 (RSET), PDEA RO III RSET, PDEA RO III CLARK AIU, Bureau of Customs, Port of Clark, at Bacoor SDEU kung saan sinundan hanggang sa delivery address sa  187 Queen’s view St., Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Azul sa aktong tinatanggap nito ang nasabing package dakong alas-5:50 kamakalawa ng hapon.

 

 

Si Azul ay binigyan ng authorization ni Dela Cruz na tumanggap sa  nasabing package.

 

 

Narekober sa lugar ang isang package na naglalaman ng dalawang light Green stuffed toys at bawat isa nito ang may laman na tatlong blue na plastic bag na naglalaman ng kabuuang  1,140 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱7,866,000.00; anim na  Identification Cards at isang unit ng Huawei  Cellular Phone.

 

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sender ng nasabing package na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan. (Gene Adsuara)

Degradation ng Sierra Madre, pinaiimbestigahan

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ng chairman ng House committee on natural resources ang degradation o unti-unting pagkasira ng Sierra Madre mountain range.

 

 

Sa House Resolution No. 430, nais din makahanap ng mga paraan si Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., upang maprotektahan ang naturang kabundukan upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t iban lugar sa bansa.

 

 

“There is an urgent need to determine whether human activity such as illegal logging, gold mining, limestone mining, construction aggregate quarrying, deforestation and dam construction are being conducted at the Sierra Madre Mountains,” ani Barzaga sa naturang resolusyon.

 

 

Kung may nagaganap aniyang quarrying sa nasabing lugaray kailangang mabatid kung may nakuha silang permits at kung may ginawang environmental impact assessments.

 

 

Ang Sierra Madre Mountains ay pinakamahabang kabundukan o mountain range sa Pilipinas na may total land area na 2.8 million hectares at sumasakop mula Cagayan province sa hilaga hanggang Quezon sa timog at 10 probinsiya sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna at Quezon.

 

 

Nagsisilbi itong natural shield laban sa bagyo at pagbaha na nanggagalin sa Pacific Ocean.  Sinusuportahan ng watershed nito ang water system ng Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.

 

 

“It is home to flora and fauna including the Philippine eagle and the golden-crowned flying fox.  It is also home to 15 different indigenous peoples holding Certificate of Ancestral Domain Titles or ancestral domain claims groups,” dagdag nito.

 

 

May naging papel din ang Sierra Madre Mountains sa pagbibigay proteksyon sa pagtama ng mga bagyong “Karding,” “Ompong” noong 2018, “Lawin” at “Karen.”

 

 

Subalit, hindi nito naprotektahan ng buo ang bayan ng San Miguel, Bulacan mula sa bagyong ‘Karding’ na dumanas na matinding pagbaha naikinasawi ng limang provincial anti-disaster rescuers. (Ara Romero)

Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas

Posted on: September 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng   investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang  na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value  na  $3.9 billion at potential employment generation na  112,285 trabaho.

 

 

Ang $4 bilyong dolyar na  potential investment ay magmumula sa  Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data centers, at manufacturing.

 

 

Ang paglilinaw naman ng Malakanyang, na ang nasabing estimate o pagta-tiyantiya ay hindi naman sumasalim sa ‘full potential’ ng  future investments  mula sa ilang kompanya na nakapulong ni Pangulong Marcos sa New York.

 

 

Bagama’t marami aniyang mga kumpanya na nagpahayag na ng interes na mamuhunan, kailangan pa rin ayon sa Malakanyang na maselyuhan ang mga investment pledges. (Daris Jose)