NANINIWALA si Kych Minemoto na pwede siyang magkagusto to an elder woman, tulad ng karakter na ginagampanan niya sa Viva movie na ‘May, December, January.’
Sa pelikulang dinirek ni Mac Alejandre, magkakagusto si Kych sa character being played by Andrea del Rosario, na nanay ng best friend niya played by Gold Azeron.
“Iba rin kasi ang impact pag nagkagusto ka to someone older. Grabe sila magbigay ng time, mag-care, magbigay nang pag-unawa,” pahayag pa ni Kych.
Dream come true daw para kay Kych na nakasama siya sa cast ng ‘May, December, January’ kasi mula ito sa script ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Pinag-aralan daw niya at pinaghandaan ang role ni Migoy dahil na-challenge siya rito.
“Hindi naman ko naman masasabi na sobrang hirap ng role pero kailangan ko itong maintindihan lalo na may connection ‘yung anak at ina sa akin. I really needed to understand the script para maitawid ko ‘yung role nang tama,” wika pa ni Kych.
Wala rin kaso kay Kych na mayroon silang kissing scene at love scene ni Gold na matagal na niyang kaibigan.
“Wala naman itong effect sa akin kasi parte naman ito ng acting and I am just playing a role. I guess mas madali for me and Gold to do the intimate scene kasi magkaibigan kami at hindi kami nailing sa isa’t-isa.”
Natuwa rin si Kych nang malaman na sa mga sinehan ipalalabas ng Viva ang ‘May, December, January’ on October 12.
Ito ang biggest role ni Kych since he appeared sa ‘Gameboys’.
***
SA October 15 ang simula ng concert tour ni Megastar Sharon Cuneta sa Australia and she will be performing sa Woodville Town Hall sa Adelaide at 7 p.m.
Ang next show niya ay sa October 22 sa Perth na gagawin naman sa Winthrop Hall ng University of Western Australia.
Sa Sydney, Australia naman ang susunod niyang concert na gagawin naman sa Sydney Coliseum Theatre on October 28 at ang final show niya is on October 29, na gaganapin naman sa Williamston Town Hall sa Melbourne.
Sa November 5 naman ay nakatakdang mag-perform si Sharon sa Orleans Arena ng The Orleans Hotel and Casino kasama ang tropa ng ‘ASAP Natin ‘To’. Ang show ay produced ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC at TFC.
Tiyak na nakaabang na ang mga fans ni Ate Shawie na manood ng kanyang concert both sa Australia at sa Las Vegas.
Inaasahan din na pagbalik ni Sharon from her concerts abroad ay magsisimula na siya ng trabaho sa ‘Concepcion,’ ang TV series na co-prod ng ABS-CBN at isang foreign company.
(RICKY CALDERON)