• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2022

DoH, naglaan ng P31 million na halaga ng gamot at mga supplies para sa tinamaan ng bagyong Paeng

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) na naka-preposition na ang nasa P31,063,736.14 na halaga ng gamot at medical supplies at iba pang mga commodities sa mga rehiyon na labis na naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng.
Sinabi ng departamento na ang mga suplay ay dinala na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga, Bangsamoro Region at National Capital Region (NCR) bago pa man tumama ang bagyo.
Mayroon din umanong P72,803,656.64 na halaga ng commodities ang inihanda na para sa mobilization sa DoH Central Office Warehouse.
Sinabi ni DoH officer-in-charge Health Secretary Maria Rosario Vergeire na bago pa man mag-landfall ang bagyo ay nakahanda na ang DoH dahil alam daw nilang marami ang maaapektuhan ng bagyo sa buong bansa.
Maliban sa mga tulong na ito, mayroon na rin umanong idineploy ang human resources for health (HRH) na kanilang mga tauhan sa 633 evacuation centers nationwide.
Ito ay para siguruhing patuloy ang provision ng essential healthcare services sa mga lugar na sinalantan ng bagyo.
Naatasan ang human resources for health na mag-screen sa mga evacuees sa mga evacuation centers at naatasang tutukan ang health, nutrition, medical, psychosocial at water-sanitation-hygiene services.
Nagsagawa rin ang mga ito ng rapid health assessments para ma-evaluate ang kondisyon ng mga apektadong indibidwal.
Una na ring inilagay ang mga DoH Regional Hospital sa high alert para paghandaan ang agarang deployment o augmentation maging ang anticipation sa posibleng pagtaas ng hospital admissions.
Mahigpit ding binabantayan ng DoH ang mga apektadong health facilities kabilang na ang cold chain facilities at equipment para masiguro ang tuloy-tuloy pa operasyon.

Sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng Puregold: JUSTIN at EJ, kasama sa nagkuwento ng kanilang tagumpay sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pagdiriwang ng ika-25 na taon sa industriya ng retail ng Puregold, isang mahalagang layunin ang ibida ang ‘Panalo Stories’ sa mga suking Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, musika, at sports.

 

Inanunsyo ng Puregold ang mga bago nitong endorser sa isang kampanyang pinamagatang “Nasa Iyo ang Panalo.” Tampok ang mga video na na ipinapakita ang tinahak ng mga nasabing indibiduwal upang marating ang estado ng kanilang mga buhay ngayon, may isang mensaheng isinisiwalat ang mga video na ito: na maaari ring magwagi sa buhay ang mga Pilipino.

 

Ayon kay Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc, “Hindi magiging possible ang tagumpay naming kung wala ang aming mga mamimili, ang mga Pilipinong nakasama naming sa pagdaan ng mga taon. Ngayong ika-25 na taon ng Puregold, gusto naming maiparating ang taos-puso naming pasasalamat, at umaasa kaming makikita rin ng mga Pilipino na posible rin ang tagumpay para sa kanila.”

 

Isa sa mga bida sa “Nasa Iyo ang Panalo” si Justin de Dios, mas kilala bilang “Justin,” ang sub-vocalist at creative lead ng sikat na boy band na SB19. Isang singer, rapper, at aktor, minsan nang nagduda si Justin kung makakamit ba niya ang tagumpay gamit ang talent niya sa musika, subalit dahil sa determinasyon, naging isa siya sa mga kilalang mang-aawit ngayon ng Philippine Pop.

 

“May panahong walang gustong makinig sa’kin; mga panahong gusto ko nang sumuko. Pero hindi ako nagpatalo,” kuwento niya sa kanyang video, na sa kasalukuyan ay umani na ng 3.9 milyon na views, isang patunay na napakaraming nakikinig at naniniwala sa kaniya.

 

Nakita natin sa marami na niyang mga teleserye na hindi lamang magandang mukha si Francine Diaz, kung hindi mahusay rin sa pag-arte. Sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo” video, ibinahagi niya, “May mga iniyakan, pero mas marami akong nilabanan. Ang pagpursigi ko, walang cut, dahil alam kong nasa akin ang panalo.”

 

Dahil inspirasyon niya ang kaniyang pamilya, nakapagpursigi si Francine at narating kung nasaan na siya ngayon—isang magaling na aktres na may mga fan nagmamahal sa kaniya, at mga proyekto at endorsement na nakapila.

 

Tampok rin sa “Nasa Iyo ang Panalo” ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, mga malalaking pangalan sa showbiz bago pa man sila magtagpo.

 

Sa kanilang video, ibinunyag ng malapit nang maging first-time parents ang kanilang pagmamahal bilang pinakamatayog nilang tagumpay, at kung paanong ang kanilang samahan ang nagpapaniwala sa kanilang malalagpasan nila ang ano mang pagsubok na haharapin. Sabi nga ng mag-asawa, “Hindi mo kailangang maging mag-isa. May kasama kang sasalubong sa kahit anong ibigay ng tadhana.”

 

Isang kilalang pangalan sa Tiktok, na napakasikat na plataporma sa social media para sa henerasyong ito, mayroon ding kuwento ng tagumpay si Queenay Mercado, isang influencer, aktres, at kilala bilang “Reyna Batangueña ng Tiktokverse.”

 

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay mula sa kanyang pinagmulan sa Tiktok, mayroon na ngayong 12 milyon na followers si Queenay. Kahit ganito, nananatili siyang lapat sa lupa. Sabi nga niya sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo” video, “Isang maliit na boses mula sa malayo . . . ipinagmalaki ko at ipinarating sa buong bansa, at sa ibang parte ng mundo.”

 

Mayroon ding kuwento ng determinasyon at pagsusumikap ang pole vaulter at record-holder na si EJ Obiena, ang kokompleto sa anim na matagumpay na personalidad na tampok sa “Nasa Iyo ang Panalo.”

 

Dahil sa kaniyang tibay ng loob at tiyaga, narating ni EJ ang estado niya ngayon bilang atleta. Patuloy lamang siya sa mga kompetisyon at sa pag-uwi ng tagumpay para sa sarili at para sa bayan. Pahayag niya, “Sugod lang hanggang tuktok, dahil kahit anong mangyari, alam kong nasa akin ang panalo.”

 

Maaaring abangan ng mga suki ng Puregold at mga follower ng mga digital channel ang iba pang mga Panalo Stories ng mag personalidad na ito, at ng mga ordinaryong Pilipino rin, ngayong nagdiriwang ang retail chain ng kaniyang ika-25 na taon.

 

Ayon kay Vincent, “Isang karangalan para sa Puregold ang magkaroon ng oportunidad na hikayatin ang mga Pilipino na hawakan ang kanilang tadhana at simulan ang paglalakbay tungo sa pagkamit ng kanilang mga aspirasyon. Sana, sa pamamagitan ng “Nasa Iyo ang Panalo” makita natin na ang panalo ay nasa bawat isa sa atin.”

 

Para sa iba pang mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa Puregold Channel sa Youtube.

 

(ROHN ROMULO)

Crane operator, 2 pa timbog sa P136K shabu sa Valenzuela

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa tatlong hinihinalang drug personalties, kabilang ang isang crane operator ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Ariel Ibañez alyas “Arjay”, 34, Jose Dasigan alyas “Duds”, 46, crane operator, kapwa ng Brgy. Ugong at Jose Garry Pre, 50, carpenter ng Novalichez Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa No. 5175 Maya St., Ugong kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng shabu kay Ibañez.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba si Ibañez, kasama ang kasabwat nitong si Dasigan at si Pre na nakuhanan naman ng isangsachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, buy bust money, P600 recovered money at dalawang cellphones.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Kelot isinelda sa pananaksak sa kapitbahay sa Valenzuela

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 29-anyos matapos pagsasaksakin ang kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilala bilang si Marc Ale Canuto, 29 ng Dela Cruz, Dulong Tangke, Brgy. Malinta.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni PCpl Raquel Anguluan, mataas umano ang boses ng suspek na nanita dahil may nakaharang na bisikleta sa kanyang daanan nang umuwi ito sa kanilang bahay.

 

 

Tinangka siyang awatin ng kapitbahay na si Jay, 38, subalit nauwi ang dalawa sa mainitang pagtatalo hanggang sa maglabas ng isang improvised knife si Canuto at inundayan ng apat na saksak sa tiyan ang biktima.

 

 

Kaagad isinugod ang biktima sa Valenzuela Emergency Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan siya patuloy na ginagamot habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga tauhan ni Sub-Station 4 commander PCpt Ronald Sanchez at narekober sa kanya ang ginamit sa pananaksak na isang improvised knife. (Richard Mesa)

Henry Cavill Confirms Reprising His Role As The Man of Steel

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPERMAN is back! 

 

 

British actor Henry Cavill has officially confirmed that he will be returning to the role of Clark Kent, also known as Superman, in the DC Comics’ extended cinematic universe (DCEU).

 

 

In a social media post, Cavill announced that he will be donning the iconic suit and cape once more. This comes after Superman was teased in Dwayne ‘The Rock’ Johnson’s new superhero movie, Black Adam where the Man of Steel appears in a mid-credit scene.

Cavill confirmed that there’s more to come for Superman in the DCEU through social media, saying “the image that you see in this post, and what you saw in Black Adam, is just a very small taste of things to come.”

 

 

Henry Cavill last appeared as Superman in 2021’s Zack Snyder’s Justice League, director Snyder’s cut of the 2017 Justice LeagueSuperman was also teased in 2019’s Shazam! movie, although the superhero only appeared from the neck down.

 

 

More details about Henry Cavill’s Superman are yet to be revealed. Meanwhile, the DCEU continues to release movies, with Shazam! Fury of the GodsThe FlashAquaman and The Lost Kingdom, and Blue Beetle making up their lineup of upcoming films.(source: clickthecity.com)

(ROHN ROMULO)

Successful sitcom, nagtapos na after ten months… JOHN LLOYD, babalik din next year at tuloy na ang movie with BEA

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na mami-miss ng kanyang mga fans ang multi-awarded actor, na si John Lloyd Cruz, dahil after the highly successful ten-month run, “Happy ToGetHer” nag-air na kagabi, October 30, and season 2 finale, after “24 Oras Weekend.”  

 

 

Puring-puri ng mga viewers ang husay ni JLC, sabi nga ng isang fan, “kahit sinong actress and i-pair sa kanya bagay, napu-pull off niya at ang galing niyang mag-handle, walang ilang.  He is the King of Romcom up to now.”

 

 

Nakasama ni JLC sa show sina Carmi Martin, Vito Quizon, Miles Ocampo, Jayson Gainza and Kapuso beauties Ashley Rivera and Jenzel Angeles.

 

 

But don’t worry, dahil  muli silang magbabalik for a big surprise next year, sa direksyon pa rin ni Edgar “Bobot” Mortiz.

 

 

Balitang  gagawin na nina JLC at Bea Alonzo ang isang movie na matagal nang naghihintay sa kanila.  Tapos na rin kasi si Bea sa Pinoy adaptation ng K-drama na “Start-Up PH” with Alden Richards, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi and Ms. Gina Alajar, na napapanood sa GMA-7.

 

***

 

 

IKATUTUWA na ng mga fans ni Kapuso singer Golden Canedo, na may balita na tungkol sa The Clash Season 1 grand champion.

 

 

Nagtaka lamang sila nang biglang hindi na nag-apir si Golden sa noontime musical show ng GMA Network every Sunday, ang “All-Out Sundays.”

 

 

Nasagot nga ang katanungan ng mga fans and followers niya, nang mag-post si Golden sa kanyang Instagram, ng mga snap shots when she attended her capping, badge investiture, and candle lighting ceremony last Thursday, October 27.

 

 

Matagal na palang dream ni Golden na maging isang registered nurse, kaya isinaisantabi muna niya ang pagkanta at ipinagpatuloy ang studies niya sa Univesity of Visayas.

 

 

“I still cannot believe I have made this far.  I know what awaits me is a long journey to success, but I’m willing to continue as God and those who are supporting me will always be by my side, no matter what.

 

 

“SN now forda RN puhon,” Golden wrote in her caption.

 

 

Wait natin kung itutuloy pa rin ni Golden ang pagkanta kapag isa na siyang Registered Nurse.  Congratulations, Golden!

 

 

                                                            ***

 

 

SIMULA today, October 31, mapapanood na ang newest GMA powerhouse primetime drama series, ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na tiyak na aabangan ninyo gabi-gabi, ang mahuhusay na acting ng sisters na sina Aiko Melendez as Lily, Thea Tolentino as Dahlia, Angel Guardian as Iris, at Beauty Gonzalez as Violet.

 

 

Ang pinakahihintay dito ay sina Aiko at Beauty dahil bago pa sila magsimulang mag-taping ay ini-expect na  nila ang banggaan sa acting nila.

 

 

“Ito pong pagbabalik ko sa show business ay blessing po, dahil bukod sa makakatrabaho ko si Beauty na dati’y magkatapat ang aming shows, nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan,” sabi ni Aiko.

 

 

“Worth it ang lahat after seeing the trailer of Mano Po 3.  I don’t have any regrets na tinanggap ko itong project.  Show po naming lahat ito at makikita ninyo na magsa-shine kaming lahat dito.”

 

 

“Everytime na pumupunta ako sa work, I’m so excited kasi masaya talaga ‘yung set namin.  We get to collaborate with our directors and with our co-actors also,” sabi naman ni Beauty. “I’m very privileged to be part of Mano Po kasi this is a legacy and I thank Sir Joey (Reyes) and Ms. Roselle (Monteverde) for choosing me.  I’ll make sure that it’s worth it.”

 

 

Bukod sa four major characters ng ‘Mano Po Legacy’, ito yata ang seryeng napakalaki ng cast, more than 20 sila, dahil three generations ito ng Chua family, directed by Ian Lorenos, Nick Olanka and Sean Lim with Jose Javier Reyes as head writer.

Mapapanood ito ngayong gabi after “Start-Up PH.”

 (NORA V. CALDERON)

PBBM, labis na nabahala sa Paeng death toll sa Maguindanao

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mataas na  fatality count sa Maguindanao province  dahil sa  pagbaha  sanhi ng pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng.

 

 

Sa isinagawang  full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Sabado, Oktubre 29, hiningan ng reports ng Pangulo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ukol sa mataas na death toll sa lalawigan sabay sabing  “That seems very high for a flooding incident.”

 

 

“I would like to start with the flooding in Maguindanao simply because we have to already look at it dahil ang daming casualty, 67 kaagad. It will be important to us to look back and see why this happened na hindi natin naagapan ito na 67 ang casualty,” wika ng Pangulo.

 

 

“So, maybe if we can start with that first just to give me a better idea of what happened, what caused the flooding, and bakit hindi natin sila na-evacuate at nagkaganyan ang casualty napakataas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Acting Defense Secretary Jose Faustino Jr.,  kaagad na  itinama ang pigura na 40 fatalities mula sa bilang na 67 sa meeting na isinagawa sa BARMM area, Sabado ng umaga.

 

 

“The report coming from BARMM initially was 67 [fatalities] for validation. They conducted a meeting this morning in the BARMM area and they have corrected the figure from 67 to 40,” ayon kay Faustino.

 

 

Base sa presentasyon, sinabi ni  BARMM chief minister Ahod Ebrahim na 40 fatalities ang tamang pigura, 27  ang naitala sa Datu Odin Sinsuat, anim sa Upi, lima sa Datu Blah Sinsuat, at dalawa sa  Barira.

 

 

Tinatayang 31 indibidwal ang naiulat na nasugatan 15 iba naman ang nawawala.

 

 

Sinabi ni Ebrahim kay Pangulong Marcos na ang mga apektadong residente  sa rehiyon ay nangangailangan ng  portable na tubig at malinis na tubig.

 

 

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na i-prayoridad ang pagde-deliver ng malinis na tubig at magkaroon ng follow-up na purifying systems sa mga naging biktima ng bagyo.

 

 

“Ang una muna naming [gawin], magpapadala kami bottled water lang, bottled water muna. But this is not going to be sufficient so we will eventually follow it up with, as you say, purifying systems para yung malalayo at least may maiinom silang tubig,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Ipinag-utos din ng Pangulo na iprayoridad ang power restoration sa mga ospital at  evacuation centers.

 

 

Sinabi naman ni Maguindanao Bai Mariam Mangudadatu na  57.27%  ng mga residente sa lalawigan ang apektado.

 

 

Mayroon namang 83,326 pamilya o 416,630 indibiduwal ang apektado.

 

 

Tinanong naman ni Pangulong Marcos si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum kung bakit walang advance warning hinggil sa pagbaha sa lalawigan.

 

 

“I just wanted to know why we had no advance warning that flooding in Maguindanao was going to be like this? I don’t think it happened in those areas before,” ang tanong ng Pangulo kay  Solidum.

 

 

Ang tugon naman ni Solidum, nagpalabas na sila ng  forecasts hinggil sa heavy rains at  flood advisories sa Mindanao.

 

 

“For the Maguindanao area, it was emphasized that the heavy rainfall due to the trough of low pressure [area] yun nga pong bagyo at shear line yung kaulapan will cause heavy rains in Mindanao, yun po ang nangyari,” ani Solidum.

 

 

“So essentially, although it is not directly related to the typhoon, there were already forecast that there will be heavy rains and they issued flood advisories in Mindanao,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na tulungan ang  BARMM na kaagad na   ma-access ang  calamity funds.

 

 

“Sec. Benhur Abalos, tulungan natin ang BARMM because they can access calamity funds. Kung kailangan nila ng calamity funds, tulungan natin sila. Kasi as far as I know ang budget ng transition authority still has some funds that they can use so we can facilitate ‘yung kanilang pag-download ng calamity funds kung sakali mang kailangan pa para they have everything they need,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Ani Abalos, pakikinggan niya ang panawagan ng Pangulo.

 

 

Inatasan din ng Punong Ehekutibo  si  Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella  na ibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa lalawigan.

 

 

“The general instruction is always to find ways to bring it all back as quickly as possible,” anito.

 

Wala naman aniyang apektadong power plants sa lalawigan. Gayunman, sinabi nito na naapekuhan naman  ang  transmission at distribution lines.

 

 

“May affected na transmission at may affected po na distribution lines. Malaki ang coverage kasi. Some of them are already back but we need to come up more comprehensive report that give us a better picture. As far as the generation is concerned, no problem,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Iniulat naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na may kabuuang  P426,827 halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong pamilya sa mga rehiyon ng VI, VII, at Caraga.

 

 

Aniya, may  P413,282 ang mula sa  DSWD at  P49,590 naman ang mula sa local government units.

 

 

Mayroon naman aniyang sapat na  standby funds na may kabuuang  P1.5 billion.

 

 

“We have a total of P1,512,200,382.42 total standby funds and stockpile which we have enough. But we are already preparing because there is another typhoon loitering outside the Philippine Area Responsibility (PAR) dyan po sa Mindanao,” anito.

 

 

Ipinag-utos naman ni Tulfo sa national resources operation center,  na  nag-produced ng food packs, na maghanda na.

 

 

Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na magpasaklolo sa LGUs para maibigay ang pangangailangan ng mga naging biktima ng bagyo.

 

 

“Pero yung iba din kailangan siguraduhin natin na kahit hindi sila nakapunta sa evacuation center nangangailangan sila. Patulong tayo sa mga LGU at puntahan natin ang mga ‘yon,” anito.

 

 

Iniulat naman ni Department Of Information And Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na ‘unstable’ ang telecommunications sa ilang munisipalidad ng lalawigan.

 

 

Sinabi ni Uy na nagsagawa sila ng redeployed satellite phones sa municipal mayors.

 

 

“We redeployed satellite phones so we are waiting once weather [is better] we can also send it over via chopper,” ayon kay Uy.  (Daris Jose)

Hindi naman kailangan na may relasyon: DERRICK, inaming mahal niya si ELLE at nag-a-‘i love you’

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA mediacon via Zoom ng Return To Paradise ng GMA, inamin ni Derrick Monasterio na nag-a-‘I love you’ siya kay Elle Villanueva.

 

 

Pero wala raw silang relasyon, ayon pa rin kay Derrick.

 

 

Hindi naman raw porke sinasabihan niya ng ‘I love you’ si Elle ay nangangahulugang may relasyon na sila.

 

 

“Mahal ko naman talaga si Elle, pero it doesn’t mean na may relasyon kami,” pahayag ni Derrick.

 

 

“Puwede mo namang mahalin ang isang tao kahit wala kayong relasyon. Puwedeng mahal mo ang isang tao dahil mabait siya sa iyo, masarap siyang katrabaho at masarap siyang kasama.

 

 

“So yeah, mahal ko si Elle!”

 

 

***

 

 

KAMAKAILAN lang, habang nasa set ng GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap ay magkasunod na binisita si Carmina Villarroel ng kaniyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

 

 

Makalipas ang ilang linggo, hindi na rin nagpahuli ang asawa ni Carmina at former Apoy Sa Langit star na si Zoren Legaspi sa pagsorpresa sa aktres.

 

 

Sa latest Instagram post ng aktres, makikitang sweet na sweet sila ng kaniyang asawa sa isang video at ilang photos. Kuha ito nang bisitahin ni Zoren si Carmina habang nasa taping ng hit drama series.

 

 

Ayon sa Abot Kamay Na Pangarap lead star, gusto raw ni Zoren na personal siyang batiin nito dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng kaniyang proyekto.

 

 

Mababasa sa kaniyang caption, “Woohoo! Another visitor and this time it’s tatay! @zoren_legaspi he wanted to congratulate me in person because of Abot Kamay na Pangarap’s high ratings… Thank you honey. ARF ARF.”

 

(ROMMEL GONZALES)

Muling pagbangon ng salt industry, isinulong

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD na rin ng panawagang suporta para sa industriya ng asin sa bansa, isinulong ng isang mambabatas ang panukalang muling magpapabangon dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ahensiya na siyang magbubuo ng mga hakbang para sa modernisasyon at proteksyon ng naturang industriya.

 

 

Nakapaloob ito sa House Bill No. 5676 o Philippine Salt Industry Development ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na magbubuo sa Philippine Salt Industry Development Task Force.

 

 

Ang nasabing ahensiya ay magiging responsable sa pagbuo at pagpapatupad ng Philippine Salt Industry Development Roadmap na magsisilbing gabay sa development, expansion, at protection ng lokal na salt production industry.

 

 

Kabilang dito ang mga programa, proyekto at interventions para sa development and management, research, processing, utilization, business development, at commercialization ng Philippine salt.

 

 

“This bill seeks to lessen our reliance on imports by providing our local salt stakeholders with ample support and protection so they can develop. We recognize that this is a long-term task, that is why we need a roadmap that will take us step by step through the years. But we have to start now,” ani Lee.

 

 

Kabilang sa tungkulin ng task force ay ang koordinasyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Climate Change Commission (CCC) ukol sa mga programa na magbibigay proteksyon sa lugar na pinagkukunan ng asin at mga coastlines.

 

 

Isinusulong din ng panukala ang promosyon ng alternatibong pamamaraan at techniques ng salt farming upang makagawa ng asin sa buong taon kahit na paiba-iba ang panahon.

 

 

Sinabi ni Lee na batay sa datos ng Philippine Chamber of Agriculture and Food, Inc. (Pcafi), 93% ng pangangailangan asin ng Pilipinas ay imported, kung saan nag-iimport ang bansa ng nasa 550,000 metric tons taon-taon na nagkakahalaga ng $303 million sa nakalipas na 11 taon.

 

 

“This is a great tragedy because we are an archipelago with one of the longest shorelines in the world, yet we rely on other countries for an ingredient that is deeply ingrained in our life,” pahayag pa nito. (Ara Romero)

Matibay na pagkakaibigan ng Pinas at China, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na ground -breaking ceremony Samal Island-Davao City Connector bridge project

Posted on: October 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tibay ng bilateral relations sa pagitan  ng Pilipinas at  China.

 

 

Sa isinagawang ground -breaking ceremony  sa Samal Island-Davao City Connector bridge project, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing proyekto ay isang patunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tinuran nito na  noon  pa man ay isa ng dependable partner ang China lalo na sa infrastructure program.

 

 

Marami na aniyang naitulong ang China na ganitong kahalintulad na mga proyekto na aniya’y nakapagbibigay at magbibigay pa ng benepisyo sa mga tao at ekonomiya.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na umaasa rin siyang magpapatuloy ang partnership ng Pilipinas at China na aniya’y lalong magpapalapit sa bilateral relations ng dalawa.

 

 

Samantala, ang  konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector bridge ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at  China. (Daris Jose)