SA latest YouTube vlog ni Megastar Sharon Cuneta na “MEGA Travels-Seoul Part 3,” naging usap-usapan ng mga netizens sa social media ang bahaging hindi pinapasok sa isang luxury shop sa Seoul, South Korea.
Nangyari nga ito habang nagbabakasyon si Sharon kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel at asawang si Kiko Pangilinan, na kung saan enjoy na enjoy siya sa mga nakatatakam na foods, at pagbili ng mga K-pop merchandise.
At siyempre, ang favorite niyang pagsa-shopping. Pero nangyari ang ‘di inaasahan dahil hindi nga nakapasok si Mega sa isang luxury boutique shop kung saan type niyang bumili ng mamahaling belt na ang hinala ng netizens dahil bawal mag-walk in.
Makikita nga sa vlog ang pakikipag-usap ni Sharon sa isang doorman pero hindi siya pinasok kaya naglagay siya ng caption na, “Turned away at the Hermès Store.”
Kaya minabuti na lang ni Sharon na sa Louis Vuitton pumasok at doon na lang mamili ng wala sa plano, na buong-puso namang inasikaso at makikitang binigyan pa ng, “I got champagne and flowers! Thank you, Louis Vuitton,” say ni Sharon sabay inom at labis ang pasasalamat.
Muling nadaanan ni Sharon ang Hermès store na bitbit ng mga kasama ang naglalakihang bag ng mga pinakyaw niya sa Louis Vuitton.
Say ng isa, kung type pa ba niyang bumili ng belt…
“No more, I buy everything,” sagot ng aktres at ipinarinig sa doorman na hindi nagpapasok sa kanya.
Kasunod ang video ang iconic scene ni Julia Roberts sa Pretty Woman, na kung saan binalikan nito ang saleswoman na nag-discrimate sa kanya at nagsabing “big mistake, big, huge!”
Iba’t-iba ang naging reaksyon ng netizens sa insidenteng nangyari, na kahit naman si Sharon ay naintindihan naman kung bakit siya siya pinapasok.
“Di ba matagal namang kalat na ganyan ugali ng mga nagwowork sa hermes? same as louis vuitton, naswertehan lang siguro ni tita shawie.”
“In demand ang hermes at top luxury brand kaya malakas loob nila mag taray parang technique narin nila yan na i down yung customer para lalo mang gigil at bumili sa kanila para ma hurt yung ego nila at bumili lalo.”
“Each store works differently naman. Even Oprah was profiled and refused by Hermes and LV before.”
“Hermes is not really as welcoming kasi ang taas talaga ng demand kaya primadona sila! Sa LV Gucci Dior aamuhin ka talaga at pagsisilbihan give you wine chocolates cakes and whatever.’
“Haha,funny nung di sya pinapasok sa hermes tapos after nya mag-shop sa louis vuitton dumaan tlaga dun with many shopping bags.”
“it was funny but I doubt Hermes was thinking “we should have let her in…” when they saw all those LV bags she bought. The total worth of those LV items is probably only half the price of 1 Hermes bag. LV is cheaper than Hermes.”
“Imagine Billionaire na, naka-experience pa ng ganyan. Ang fulfilling din dumaan after mo magshopping galore sa LV na kadaming dala-dalang paper bags.”
“Beh, Buti nga! Sayang Hindi nila pinapasok si Mega! Kahit ako, babalikan ko sya at ipamukha ko na may pera ako no?! Magkano ka?!!’
“Dapat nagbihis sya na parang milyonarya!”
“Sa Hermes you have to have appointment kahit sino pa yaman dyan kaya wag ka magtampo Sharon.”
“Sa Hermes kasi by appointment ahead of time. Now kung pupunta ka lang don without calling ahead, you can just fall in line, or else they’ll turn you down.”
“Baka nakakalimutan nyo ang Hermes collection of bags ni Sharon. Kung pinapasok nila si Sharon makikita nila ang kanyang account at mapapahiya sila kasi even before pa ganito sumikat ang Hermes ay namimili na dyan ang Mommy Elaine nya.
“Please watch some videos of Sharron and KC sa kwento nila ng Hermes bag. Mabait lang si Sharon at di sila tinarayan para ipamukha kung ang account nya sa Hermes kung iyon ang naging batayan nila.”
Sa kanyang IG post na kung nag-iimbita nga siya na out na ang new episode ng kanyang vlog sa kanilang Seoul-searching sa Korea.
Sa dulo nito, mababasa ang, “P.S. Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.
“Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh! 😂❤️.”
(ROHN ROMULO)