• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 7th, 2022

Nagpapasalamat sa production na binusisi ang mga detalye: BARBIE, nalula sa mga papuri sa performance sa bagong GMA teleserye

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PROUD daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent.

 

 

Inamin ng bida ng GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito lumaki.

 

 

Ngayon daw ay kahit pagod siya sa kanyang trabaho, pag-uwi niya ay didiretso raw siya sa kuwarto ni Baby Dylan at tinitigan daw niya ito habang tulog. Kung gising naman daw ito, ihehele niya hanggang makatulog.

 

 

“Minsan kapag umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no’n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan palitan ng diaper, Natutunan ko lahat yan dahil kay Baby Dylan. Kasi nga, hindi ko nagawa iyon kay Calix noon. Ngayon lang talaga ako naging hands-on dad at mukhang okey naman ang ginagawa ko. Wala namang reklamo mula kay Jen!” tawa pa ni Dennis.

 

 

Kaya noong nag-lock-in taping sila ng dalawang buwan sa Ilocos Sur para sa ‘Maria Clara At Ibarra’, panay ang check niya sa kanyang mag-ina.

 

 

“Matagal akong nawalay sa mag-ina ko kasi. Tapos inabot pa kami sa taping ng bagyo at lindol. Ayokong mag-worry si Jen sa akin kaya parati akong may communication sa kanya. Kahit mahina minsan ang signal sa location namin, gumagawa ako ng paraan para makausap ko sila to say na okey kami sa location,” sey pa ni Dennis.

 

 

***

 

 

NALULA sa maraming papuri sa kanyang performance sa GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ ang Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza.

 

Sa unang episode pa lang ay nagpakita na ng husay si Barbie bilang si Klay, isang Gen Z working student na dala sa kanyang mga balikat ang hirap sa kanyang pag-aaral at sa kanilang tahanan. Para makapasa sa kanyang nursing course, kailangan niyang gumawa ng book report tungkol sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Isang gabi ay bigla siyang na-transport sa panahon kunsaan naganap ang mga nangyari sa libro at makilala niya ang iba’t ibang karakter nito.

 

Nagpasalamat si Barbie sa mga papuri dahil hindi raw madali ang ginawa nilang pagbuo ng isang historical portal fantasy. At dapat din daw purihin ang buong production ng teleserye dahil sa mabusising pag-alaga nila sa kahit na kaliit-liitan na bagay sa bawat eksena.

 

 


“Ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay nakabuo kami ng pamilya sa set namin na talagang very maalaga. From the program manager to the executive producer to the staff, to our director, lahat talaga, concern nila ang mga artista and ‘yung buong team, ‘yung lahat ng taong nagtatrabaho. ‘Yun lang din ‘yung pinagpapasalamat ko. It may be very challenging pero teamwork pa rin talaga ‘yung nanaig sa set namin.” 


***

 

 

NAGKAROON na ng first public appearance si Adam Levine pagkatapos ng kinasangkutan niyang cheating scandal.

 

 

Nag-perform ang 43-year old Maroon 5 singer para The Shaquille O’Neal Foundation’s “The Event” fundraiser sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas. Kasama niyang nag-perform sina H.E.R., Maren Morris, John Mulaney at Pitbull. 

 

 

I-announce din ni Levine na magkakaroon ng residency ang Maroon 5 sa Las Vegas na magsisimula sa March 2023 at M5LV The Residency.

 

 

Noong nakaraang buwan ay nabugbog sa social media si Levine dahil sa alleged affair niya sa isang model. Nagkataon pang buntis ang misis ni Levine na si Behati Prinsloo sa ikatlo nilang baby.

 

 

Ayon sa report ng Entertainment Tonight, inaayos na raw ito ni Levine sa kanyang misis: “Adam wanted to speak out as soon as possible so that any stories didn’t get out of hand. He wanted to confront everything head on and address things right away. He is embarrassed and recognizes that his actions were inappropriate. He’s trying to make things right with Behati and his family. Adam loves to get attention from women and crossed a boundary, but he’s telling Behati it will never happen again.” 

(RUEL J. MENDOZA)

Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI  bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.

 

 

 

Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.

 

 

Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion na si Steve Kerr ng Golden State Warriors.

 

 

Sinundan naman ito nina Gregg Popovich ng San Antonio Spurs at Monty Williams ng Phoenix Suns.

 

 

Pumang-lima naman sa puwesto sa survey si Los Angeles Clippers coah Tyronne Lue.

 

 

Bagama’t sa tatlong taong sunod-sunod na napili bilang head coach si Spoelstra, hindi pa ito nagagawaran bilang NBA’s Coach of the Year.

 

 

Ito ay sa kabila na nabigyan na niya ng kampeonato ang team ng dalawang beses at nitong lamang nakaraang season ay muntik na silang umabot sa NBA Finals.

 

 

Narito pa ang coaching-based results GM survey:

 

Best Motivator of People: Kerr

Best In-Game Adjustments: Lue

Best Offense: Kerr

Best Defense: Spoelstra

New Coach Who Will Make Biggest Impact: Darvin Ham (Los Angeles Lakers)

Best Assistant Coach: tie between Kenny Atkinson (Golden State Warriors) and Charles Lee (Milwaukee Bucks)

Active Player Who Will Become Best Coach: Chris Paul (Phoenix Suns)

Bagong subvariant maaaring dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region – OCTA

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING nagdudulot ng kamakailang pagtaas ng mga bagong kaso sa National Capital Region (NCR) ang isang bagong subvariant ng COVID-19 ayon sa OCTA Research group.

 

 

Inihayag ni OCTA fellow Guido David na hindi sila sigurado kung bakit may muling pagkabuhay sa mga kaso sa Metro Manila.

 

 

Maaari itong maging bagong subvariant dahil sinusubaybayan din namin ang mga bagong subvariant sa ibang bahagi ng mundo.

 

 

Sinabi ni David na maaari ding tumaas ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa ibang mga lalawigan, dahil sa mataas na mobility dahil sa pagpapatupad ng face-to-face classes at sa darating na Christmas season.

 

 

Sinabi niya, gayunpaman, na ang ibang mga lugar kung saan isinasagawa ang mga in-person classes ay hindi nag-ulat ng pagtaas ng trend sa mga kaso tulad ng sa NCR.

 

 

Nauna nang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na may naitalang kaso ng COVID-19 sa mga estudyante, guro at non-teaching personnel, bagama’t hindi pa ito naglalabas ng datos.

 

 

Nang tanungin tungkol sa epekto ng boluntaryong face mask policy sa mga panlabas na lugar, sinabi ni David na hindi pa sila sigurado dahil ang pagtaas ay kasalukuyang limitado sa ilang mga lugar.

5 drug suspects kalaboso sa P312K shabu sa Caloocan, Navotas

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa limang drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Medium House Rising 4, Brgy. 188, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dariel Nave, 41 ng Brixtonville Subdivision, Brgy. 175.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 170,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Ani Lacuesta, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng SDEU makaraan ang natanggap na impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta umano niya ng ilegal na droga.

 

 

Sa Navotas, alas-9:30 ng gabi nang mabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen si Napoleon Naval alyas “Napo”, 43, at Ronaldo Cruz alyas “Jojo Mata”, 60, kapwa (pusher/listed).

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at P500 marked money.

 

 

Nauna rito, nalambat din ng kabilang team ng Navotas police SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid St., Brgy, NBBS Dagatdagatan si Darwin Apas alyas “Buboy”, 40, (Pusher/listed) at Lawrence Rodica, 28, ala-1:05 ng madaling araw. Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at P500 buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Caloocan police at Navotas police dahil sa mahusay nilang trabaho kontra illegal drugs. (Richard Mesa)

LTFRB: walang matrix, walang fare hike

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN ng mga public utility vehicles (PUVs) ang kumuha muna ng fare matrix mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe.

 

 

 

Mula sa datos ng LTFRB noong Huwebes, may 30,183 na PUVs ang naghain ng kanilang applications para sa bagong fare matrix na kailangan ng mga drivers upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe.

 

 

 

Ang mga nasabing aplikante ay 11 percent lamang mula sa kabuuang 256,621 na PUVs na pumapasada sa buong bansa sa ilalim ng ginagawang fare increase.

 

 

 

Sa pinakabagong datos ng LTFRB, lumalabas na may 17,496 mula sa kabuuang 182,615 na mga public utility jeepneys (PUJs) sa buong bansa ang kumuha ng fare matrix.  Habang may 1,263 na city buses at 5,344 na provincial buses ang naghain ng kanilang aplikasyon. Samantalang, ang mga taxis at airport taxis ay may 6,053 at 27 na aplikasyon, ayon sa pagkasunud-sunod.

 

 

 

Pinaliwanag naman ng LTFRB na hindi na kailangan ng mga transport network vehicle service (TNVS) units ang maghain ng aplikasyondahil ang fare matrix ay nakalagaynasa app nila.

 

 

 

“Commuters may file complaints against PUV operators and drivers who demand higher fares as it is for their safety that the guides are being required,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Ang base fare para sa mga traditional na jeepney ay provisionally tinaas ng P12 mula sa dating P11 habang ang modern jeepneys ay nagtaas ng base fare na P14 mula sa dating P13. Magkakaroon din ng per kilometer rate increase na P1.80 mula sa dating P1.50 para sa traditional jeepneys at P2.20 naman mula sa dating P1.80 para sa modern jeepneys.

 

 

 

Magkakaroon naman ng P2 uniform base fare ang city at provincial buses kung saan ito ay magiging P13 at P15, ayon sa pagkasunud-sunod. Binigyan din ng board ang approval para tumaas ang per kilometer ng ordinary city buses ng P2.25, P2.65 para sa air-conditioned buses, P2.65 para sa air-conditioned city buses, P2.10 sa provincial deluxe, P2.35 para sa special deluxe at P2.90 sa luxury buses.

 

 

 

Binigyan din fare hike ang taxis at TNVS kung saan ito ay naging P5 ang flagdown rate.

 

 

 

Pinaalalahanan naman ni LTFRB chairman Cheloy Garafil ang mga PUV drivers at operators na kumuha ng fare matrix bago sila mangolekta ng mataas na pamasahe. Ayon sa kanya, ang isang pasahero ay puwedeng magbayad ng kusa kahit na walang fare matrix subalit ang isang pasahero ay maaari ring maghain ng reklamo laban sa mga drivers na hindi sumusunod.

 

 

 

“It it’s a donation, there’s nothing wrong with that, but some passengers may have a problem with that because it is for their safety that fare guides are required to stamp out colorum vehicles, or those plying the roads without a franchise. A fare matrix is required as a protection for our passengers. We want to make sure all vehicles operating on the road are not colorum,” wikaniGarafil.

 

 

 

Sinabi naman ni Garafil na wala pang desisyon ang LTFRB tungkol sa inihain na petisyon ng UV Express para sa pagtataas ng pamasahe.  Ang mga taxis naman hindi na kailangang sumailalim sa calibration ng kanilang meters kung sila ay mayroong fare matrix.  LASACMAR

NTF-ELCAC exec, NegOr guv, Palace photog officers nag-oath taking sa harap ni PBBM

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang panunumpa sa tungkulin  ni retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang  executive director ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Ibinahagi ni Pangulong Marcos  ang ilang larawan ng mass oath-taking ceremony na isinagawa sa President’s Hall sa Malacañan Palace sa Maynila.

 

 

Buwan ng Hulyo nang italaga ni Pangulong Marcos si Salamat  bilang  executive director ng  NTF-ELCAC National Secretariat.

 

 

Ang NTF-ELCAC,  itinatag sa bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan ni dating  Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa 2018,  ay may mandato  na isulong ang  “whole-of-nation approach to counter communist insurgency and attain inclusive and sustainable peace.”

 

 

Bago pa ang kanyang bagong posisyon,  nagsilbi si Salamat  bilang board member  ng  Metropolitan Waterworks and Sewerage System  sa ilalim ng  administrasyong Duterte.

 

 

Si Salamat, bago pa ang kanyang  retirement mula sa military service, ay nanguna sa Tarlac-based Northern Luzon Command.

 

 

Maliban kay Salamat, nanumpa rin sa kanyang tungkulin si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

Si Degamo,  isang reelectionist governor ay pinroklama bilang duly-elected governor ng Negros Oriental province matapos na ang  boto ng dating proklamadong nanalo na si Pryde Henry Teves ay inilipat sa kanya (Degamo) at ibinilang pabor sa kanya.

 

 

Samantala, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang  oath-taking ng  “new set of officers” ng Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA).

 

 

Sa isang Facebook post, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos  na  magagampanan nina Salamat, Degamo, at mga  opisyal ng  MCA at PPA ang kani-kanilang mga tungkulin  “with excellence and integrity.”

 

 

“Nagpapasalamat tayo sa kanilang dedikasyon at umaasang buong husay at katapatan nilang gagampanan ang kanilang tungkulin para sa bayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pangako ni PBBM, susuportahan ang karapatan ng mga mamahayag

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na susuportahan at  poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga mamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang kanyang  kahandaan na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.

 

 

“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa idinaos na President’s Night  na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa  Sofitel Plaza sa Pasay City.

 

 

Ang nasabing event ay dinaluhan ng mahigit sa 400 media professionals at top executives ng mga malalaking kumpanya sa bansa.

 

 

Batid ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paghulma ng  aktibong mamamayan na nakapag-aambag sa pag-unlad ng lipunan.

 

 

“The nation counts on media in improving access to information and increasing awareness on issues that affect our country and the world,” wika ng Pangulo.

 

 

Tinukoy din ng Chief Executive ang kahalagahan ng  ”proactive participation” ng media  na panatilihing ipabatid sa mamamayan ang   “forms part of our collective goal to empower Filipinos and establish a more robust Philippines.”

 

 

Nangako rin ang Pangulo  na ipaaalam  niya sa  mga miyembro ng media ang plano ng kanyang administrasyon.

 

 

“As I share your club’s conviction in the importance of upholding the universal right of free speech and press freedom, as well as giving and receiving accurate information, I’m committed to remain open with you, constantly communicating our progress as we move forward,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang  mga mamahayag na epektibong iparating sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at inisyatiba nito tungo sa pag-unlad ng bansa.

 

 

“It is the job of our media practitioners to not only analyze, not only give their opinion, but to also inform and let our people know what the government is doing and how it will help their lives, and how they can be part of that process of progress that we have started,” aniya pa rin.

 

 

Sa halip na maging lider,  magiging katuwang rin aniya siya ng mga mamahayag sa pagsisikap na pamunuan ang bansa na mapagtanto ang “shared aspirations” nito.

 

 

Sa  nasabi pa ring event,  inulit ng Punong Ehekutibo ang panawagan nito na pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagbuti ng buhay ng mga filipino.

 

 

“Unity remains one of the primary driving forces in pursuing economic recovery,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

BI, NAGBABALA KONTRA PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng social media accounts sa Facebook ang mga larawan at impormasyon ng kanilang mga empleyado gamit ang official seal ng ahensiya upang mahikayat ang publiko na makipagtransaksyon sa kanila.

 

 

Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng mga ulat na ginagamit ng mga scammers ang social media accounts na nagpapanggap silang mga empleyado ng ahensiya.

 

 

“These scammers reportedly disguise as immigration lawyers and legal officers. They create profiles using photos of our employees, their badges, and even the logo of the bureau,” ayon kay Tansingco .

 

 

Kasunod nito, ipinaalala ni Tansingco sa lahat ng empleyado na makipag-transaksiyon sa labas ng pasilidad o tanggapan ng ahensiya.

 

 

“There have been reports in the past where fake social media profiles have fueled scams and have gotten people duped out of money,” ayon pa Tansingco.

 

 

Ikinadismaya rin ni Tansingco ang paglaganap ng bilang ng mga pahina ng social media. “It is illegal to assume the identity of others, more so to demand money from anyone using the government’s name,” sinabi ni Tansingco. “The BI strongly warns the public against internet acquaintances. Remain keen to avoid being victimized,” dagdag pa nito.

 

 

Nakipag-usap na rin sila Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang upuan ang isyu na nakakaapekto sa operasyon ng BI.

 

 

Pinapayuhan ang publiko na tumawag sa BI’s hotline (02) 8465-2400, o sa kanilang BI social media page sa www.facebook.com/officialbureauofimmigration. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

16 DILG regional offices, ISO-certified na-DILG

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG may  16 regional offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinagkalooban ng International Organization for Standardization (ISO) 9001: 2015 certification.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng pagtalima ng 16 DILG regonal offices sa quality management system standards.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.  na ang pagkakaloob ng ISO certification sa mga  regional offices (RO) ay isang patunay ng commitment ng departamento na ipagpatuloy na itaas ang tinatawag na “bar of quality services” sa local government units (LGUs) at mga komunidad.

 

 

“The DILG central and regional offices have worked so hard for the alignment of the QMS (Quality Management System) at the central and regional offices. This milestone is a welcome recognition of the department’s unparalleled dedication to our quality policy and client satisfaction, being matino, mahusay, at maaasahang kagawaran,” ayon kay Abalos.

 

 

Ang pagkakaloob ng ISO certificate of registration sa  DILG ay nagpapahiwatig na nago- operate ito ng management system na in-assessed  bilang pagtalima sa ISO 9001: 2015 certification para sa mga sumusunod na “scope of activities” gaya ng  “public administration covering policy formulation, provision of technical and administrative services, performance oversight, and rewards and incentives.”

 

 

Ang mga regional offices naman aniya ay  Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), 4-A (Calabarzon), 4-B (Mimaropa), 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao region), 12 (Soccsksargen), 13 (Caraga), National Capital Region, at Cordillera Administrative Region.

 

 

“Now that the alignment of all 16 ROs is complete, we are looking forward to bringing the ISO certification down to our provincial and field offices. This is to ensure that quality processes and programs within the DILG are documented and synchronized with the processes at the central office,” wika ni  Abalos.

 

 

“The ISO certification certifies that a management system, manufacturing process, service, or documentation procedure has all the requirements for standardization and quality assurance. ISO is an independent, non-governmental, international organization that develops standards to ensure the quality, safety, and efficiency of products, services, and systems,” ayon naman sa ulat.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Abalos  ang   overall deputy quality management representative ng DILG, Assistant Secretary Ester Aldana, ang mga  process owners, at ang lahat ng  DILG central at regional personnel sa pagtiyak na mapananatili ng departamento ang  ISO certification  nito at may taglay na “global standards of quality.”

 

 

Sa ulat, itinatag ng DILG central office ang QMS noong  2015 bilang pagtalima sa Executive Order 605  na “directing all government offices to implement QMS that will institutionalize structures, mechanisms, and standards in government to ensure quality in systems and processes in government operations.”

 

 

Matapos ito ay nakatanggap na ang DILG ng unang  ISO certification noong 2016 at sumunod naman ay  ISO 9001: 2015 certification noong  2019 para sa  80 QMS enrolled processes.

 

 

“Since then, the DILG has been taking strides to replicate the best practices of ISO standards from the central to the regional offices,” ayon sa ulat.

 

 

Kabilang naman sa itinuturing na certified sites sa central office ay ang  Bureau of Local Government Development, Bureau of Local Government Supervision, Office of Project Development Services, National Barangay Operations Office, Administrative Service, Information Systems and Technology Management Service, Financial and Management Service, Internal Audit Service, Legal and Legislative Liaison Service, Planning Service, Public Affairs and Communication Service, Project Management Offices, Office of the Assistant Secretaries, Office of the Undersecretaries, at Office of the Secretary.  (Daris Jose)

Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel.

 

Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day.

 

Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at inalala din nila ang mga paborito nilang mga guro.

 

 

Binahagi din ni Attorney Michael ang kanyang mga nakatatawa at hindi malilimutang mga alaala nung siya ay nag-aaral pa ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas.

 

 

At ngayong Sabado, Oktubre 8, nagbabalik ang ‘ImeeSolusyon’ vlog ni Sen. Imee habang ibinabahagi ang mga footages ng kanyang outreach efforts para sa mga nasalanta ng super typhoon na Karding.

 

 

Una siyang bumisita sa Nueva Ecija kung saan mainit siyang tinaggap ng Gapan habang mahahagi siya ng tulong pinansyal, Nutribun, at mga gulay para sa mga biktima ng bagyo.

 

 

Nagpasalamat ang mga taga- Nueva Ecija, sa pamumuno ni Vice Governor Anthony Umali at Gapan City Mayor Joy
Pascual, sa tulong at suporta ng Senadora.

 

 

Pumunta din ang Senadora sa San Miguel, Bulacan at nakipagkita kay Mayor Roderick D. Tiongson at namigay rin ito ng tulong na talaga namang ikinaligaya ng mga San Migueleños.

 

 

Ipagdiwang natin ang mga sakripisyo ng lahat ng mga guro at silipin natin ang mga outreach programs ni Sen. Imee, at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

 

 

(ROHN ROMULO)