• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 8th, 2022

Kahit tahimik lang sa mga pamumuna o panlalait: BEA, magiging ipokrita kung sasabihing hindi siya nasasaktan

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAHIMIK lang si Bea Alonzo sa mga ibinabatong pamumuna o panlalait o kritisismo sa kanya.

 

Pero inamin nito sa naging solo presscon niya para sa GMA Telebabad na “Start-Up PH” na magiging ipokrita raw siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan.

 

Sabi nga ni Bea, “Siyempre hindi ako magiging ipokrita, sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, e.”

 

“Kasi, ‘di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao ko. Tao yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan. “

 

Pero pinipili raw niya ang mga criticism sa kanya. Yung alam niyang makakatulong sa kanya, lalo na kung galing ito sa mga taong alam niyang mahal siya tulad ng mga fan niya.

 

At sa kabila ng lahat, pinaiiral na lang daw palagi ni Bea ang positivity.

 

Sa isang banda, masaya si Bea dahil pagkatapos daw ng sold-out series of shows nila sa U.S. kunsaan, ito nga naman ang unang out-of-the-country shows niya na isa na siyang Kapuso, nagsunod-sunod na daw lahat mga magaganda at positive talaga.

 

Ang ‘Start-Up PH’ na unang serye naman niya sa GMA-7 ay puro magaganda ang reviews at feed back at gayundin ang ratings.

 

At nasampolan na rin ang mga Kapuso viewers ng mga eksena niya with her co-stars like Yasmien Kurdi, Gina Alajar at Alden Richards. Pero sabi nga ni Bea kung para sa kanya, ang dapat abangan daw talaga ay ang magiging revelation.

 

“Ginawa namin ‘yung scene before I left for the States. Excited ako na mapanood niyo ‘yung scene,” sey niya.

 

***

 

IBA talaga si Jake Ejercito dahil hanggang ngayon, naninindigan siya sa kanyang naging choice in-terms of political/leader ng bansa.

 

Hindi man nanalo sa pagka-Presidente ng bansa si Attorney Leni Robredo na siyang inendorso ni Jake, hanggang ngayon, consistent ito sa kanyang choice o stand.

 

Kasabay ng pag-alala sa October 7 kunsaan, nabuo ang pink movement, nag-post din si Jake sa kanyang Twitter account.

 

Nag-post siya ng picture niya na naka-pink suit siya same day last year na may hashtag na, “Ngiting lalaban tayo.” Pero this time, ang bago niyang caption ay, “Lalaban ako. Lalaban tayo.”

 

Binasa namin ang mga comment sa kanya sa Twitter, thinking na baka inuulan siya ng bashers, pero puro positibo naman at nagpapasalamat kay Jake.

 

Ilan sa mga comments, “The true good one.”

 

“Kakaibang Ejercito talaga ‘to.”

 

“Sana manatili kang consistent.”

 

***

 

SIYEMPRE, masaya si Ivana Alawi dahil ang kanyang Facebook page na merong 19 million followers ay active na naman.

 

Pagkatapos nga na magpo-post sa kanyang mga social media accounts kunsaan, nagtataka at nagreklamo na rin kung bakit biglang natanggal ang FB page niya, to think na wala naman daw siyang ginagawang violation, ilang araw after that, muli nang ibinalik ng Facebook ang account niya.

 

Nag-post naman ito at nagsabi na, I’m back!!

Finally naibalik at naayos na ng Meta yung page ko, Working na sila to fix our Ivana Skin page.”

 

At dahil mas nag-ingay pa sa pagkawala ng FB page niya, expect na mas dadami pa ang followers ng Kapamilya sexy actress/Youtuber.

 

(ROSE GARCIA)

Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na rin sa selebrasyon ng World Day for Decent Work ngayong October 7.

 

 

Sinabi ni Matula na makukunsiderang disente ang isang trabaho kung ang sapat at tama ang pasahod, may garantiya ng security of tenure at ligtas na kundisyon sa trabaho at may freedom of expression at mag-organisa ang manggagawa.

 

 

Una nang naiulat ng pulisya ang pagkasawi ng isa at pagkasugat ng 10 iba pang construction workers nang bumigay ang scaffolding na kanilang ginagamit sa trabaho sa Quezon City.

 

 

Nitong Agosto 28, naiulat din na isang trabahador din na nasa isang poste ng Cebu-Cordova bridge, ang nasawi matapos mahulog nang bumigay umano ang tinutuntungan nitong table.

 

 

Noong Agosto 22, isang construction worker ang nasugatan matapos na maipit makaraang bumagsak ang backhoe na kanyang ginagamit sa isang quarry site sa Cebu City.

 

 

Habang noong Hulyo 11, anim na construction workers ang namatay matapos gumuho ang pader sa isang construction site sa Tagaytay City at noong Hulyo 8, dalawang elevator installers ang nasawi matapos bumagsak ang elevator mula 38th floor hanggang ground floor sa Burgundy Tower sa Makati City.

 

 

Sinabi ni Matula na sa ilalim ng RA 11058, dapat siguruhing ligtas ang mga manggagawa sa lugar ng trabaho.

 

 

Dapat aniyang magbigay ang employers ng kumpletong job safety instructions o orientation sa lahat ng trabahador at sumunod sa Occupational Safety and Health Standards.

 

 

Upang makasiguro, hinikayat ng grupo ang mga employers at gobyerno na ipatupad ang pagbuhay sa health committees sa lahat ng lugar ng trabaho at payagan ang mga construction workers na magbuo ng unyon.

 

 

Ikinalungkot ng grupo na maramisa mga construction workers ay hindi protektado dahil walang unyon. (Ara Romero)

MPD AT NPC, NAG-USAP

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGDAYALOGO  ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa  National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .

 

 

Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director  na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa mga media sa kanilang nasasakupan.

 

 

Ito ay kasunod nang nangyaring pamamaril at pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi.

 

 

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, ang naturang pagpupulong ay bilang precautionary measures na rin para sa mga media na laging nasa panganib ang kanilang buhay sa kanilang pag-uulat ng mga balita lalo na  kung  may mga death threat.

 

 

Sinabi ni Bueno na bukas ang NPC sa anumang komunikasyon sa kanila sakaling may matanggap na anumang pagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag.

 

 

Pinayuhan naman ni Dizon ang  kanyang mga tauhan na huwag daanin sa emosyon sakaling binatikos ng media.

 

 

Sinabi ni Dizon, bilang isang pulis, kaakibat nito ang salitang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon.

 

 

Aniya natural sa aksyon at pagtupad sa tungkulin ng mga pulis ang mga reaksyon ng mga hindi pinapaboran at nasasagasaan.

 

 

Kaya naman aniya dapat huwag daanin sa emosyon kapag may batikos at sa halip ay sagutin na lamang kung ano mang mga usapin .

 

 

Sinabi rin ni Dizon kay Bueno kasama ang ilang miyembro ng Manila Police District Press Corps sa ginanap na dayalogo na magkaroon ng close coordination at ipaalam lamang agad sa kanya sakaling may mga matanggap na mga pagbabanta sa buhay. (Gene Adsuara)

Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood  pagkatapos ng “24 Oras.”

 

 

Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa pinupuri ng mga netizens si Barbie at sa husay ng pagganap nito.

 

 

Kaya, tiyak na masayang-masaya si Barbie na mapuri siya ng kontrobersiyal director na si Darryl Yap, ng blockbuster movie na “Maid in Malacanang,” na kilala bilang isang prangka at hindi basta pumupuri sa mga napapanood niya, at madalas niyang siraan ay ang mga teleseryeng ginagawa ng mga TV networks.

 

 

Sinasabi niya kung cheap at walang class ang napanood niya.

 

 

“Dalawa pa lamang ang shows ng GMA na wala akong pinalagpas na episode, ang “Ghost Fighter” at “Starla and the Jewel Riders.”  Ngayon katatapos ko lamang mapanood ang unang episode ng pangatlo kong susubaybayan, ang “Maria Clara at Ibarra,” post ni Direk Darryl sa kanyang Facebook.

 

 

“Hindi siya nakakabato, hindi pilit ang lipad ng istorya, hindi kailangan ng hype, maganda talaga.”

 

 

“Congrats po Suzette Severo Doctolero and the rest of the team! Looking forward to the next episodes. Congrats Zig Dulay!”

 

 

At sa mga bida nga ng serye, special mention ni Direk Darryl si Barbie: “Nagulat ako kay Barbie, she’s effective.”

 

 

Bukod kina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose, umiikot ang story nito kay Klay, tipikal Gen Z na magically ay napasok sa libro ng “Noli Me Tangere” at nakakasama ng mga kilalang karakter dito.

 

 

***

 

 

OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, dahil today. Saturday, October 8, ay limang taon na ang “Tadhana,” ang award-winning drama anthology ng GMA Public Affairs.

 

 

Kaya buong puso ang pasasalamat ni Marian sa mga walang sawang sumusubaybay sa kanya at sa “Tadhana” sa loob ng limang taon.  Bilang pasasalamat ni Marian at ng programa, handog nila ay isang three-part anniversary special na mapapanood simula ngayong October 8, then on October 15 and 22.

 

 

“Totoo namang hindi laging masaya – may mga kuwento ng pagkabigo, mayroon ding tagumpay.  Mayroon ding nagbibigay-inspirasyon at maraming pagkakataon,” wika ni Marian.

 

 

“Ang mahalaga, sa huli, laging may gintong aral na makukuha at mas nagpapalakas sa atin.  Hindi man laging masaya ang buhay, mas malakas, mas matatag, at mas matatapang tayo ngayon sa anumang hamon ng buhay.  Kaya saan man kayo dalhin ng Tadhana, kapit lang, Kapuso.”

 

 

Sa anniversary offering ng “Tadhana” ang “Baliw na Puso” na magtatampok kina Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin at Mylene Dizon, directed by Rommel Penesa, mapapanood ito at 3:15PM sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NASA GMA Pinoy TV anniversary show sa US si Bea Alonzo, kasama ng mga kapwa Kapuso na sina Dingdong Dantes, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose,  Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha, nang magkaroon ng world premiere ang first teleserye niya sa GMA Network, ang “Start-Up Philippines.”

 

 

Kaya pagbalik lamang nila sa bansa, saka niya nalaman na big success ang showing nito.

 

 

“When I came back, I was told that it is rating well and the feedbacks on the net is all very positive, so parang back-to-back happiness ang natanggap ko.  Masaya ako na sa series, nakatrabaho ko hindi lamang sina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales, but with the senior stars like Gina Alajar, Jackielou Blanco, Ayen Laurel, na ang sarap nilang kakuwentuhan sa set.”

 

 

Marami nang naitanong kay Bea tungkol sa bago niyang serye, pero ang gusto niyang mapanood ng audience ay ang memorable scene na ginawa nila ni Alden.

 

 

“Ito yung revelation scene kasi it’s the peak of the story.  We shot it sa ulanan nang buong araw, from 5AM to 7PM, kaya dapat itong abangan ng ating mga viewers.”

 

 

After ng last two days pang taping ni Bea, nakahingi siya ng one month vacation sa GMA, at kasama ang family ay magbabakasyon sila sa Madrid, Spain para ayusin niya ang apartment na binili niya roon a few months ago.

 (NORA V. CALDERON)

PBBM, kinilala at itinuturing ang mga mangingisda at magsasaka bilang mga bayani ng Pinas

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING at kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga bayani ng Pilipinas dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito para sa mga Filipino.

 

 

Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, inihayag ni Pangulong Marcos na unsung heroes na maituturing ang mga mangingisda at magsasaka na aniya’y katuwang sa pag-unlad ng bayan.

 

 

Dahil aniya sa kanila sabi ng Pangulo ay may pagkain sa  hapag kainan na siyang nagbibigay lakas at maipursige ang mga dapat gawin para sa patuloy na pag-angat ng bansa.

 

 

Sa gitna nito’y sinabi naman ng Pangulo ang iba’t ibang tulong na naipamahagi na ng pamahalaan sa mga mangingisda at magsasaka gaya halimbawa ng financial assistance at fuel discount program na umabot na sa 3 daan at 20 milyong piso.

 

 

Nandiyan na rin aniya ang quick response fund na pantulong din sa mga magsasaka at mangingisdang naging biktima ng kalamidad.

 

 

Sa kasalukuyan aniya ay nasa P1.54 bilyong piso na ang nailalabas ng gobyerno para sa may 17 milyong mga nakabenepisyo na sa naturang ayuda ng pamahalaan para sa mga nasa sektor ng agrikultura. (Daris Jose)

SWS: 66% ng Pinoy gusto unahin ng gobyerno paglaban sa ‘inflation’

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGSUGPO sa pagtaaas ng presyo ng bilihin ang “numero unong” pinoproblema ng 66% ng mga Pinoy, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia, Huwebes. Aniya, dapat itong bigyan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinakamabilis na aksyon.

 

 

 

“This [controlling inflation] is the prevailing view in all geographic areas and socio-economic classes (56% to 81% and 51% to 71%, respectively),” sabi ng Pulse Asia sa kanilang Ulat ng Bayan survey.

 

 

 

“[Meanwhile, almost] half of Filipino adults cite increasing workers’ pay as an urgent national concern (44%) while around a third of them are concerned about job creation and poverty reduction (35% and 34%, respectively).”

 

 

 

Kamakailan ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na lumobo ang September inflation rate sa 6.9% — ang pinakamataas sa loob ng apat na taon.

 

 

 

Pang-lima lang naman ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno, bagay na pinili ng nasa 22% ng mga Filipino adults.

 

 

 

Kriminalidad at kagutuman naman ang pinaka-concern ng 1/5 ng populasyon, habang nasa 1/10 lang naman ang pumili sa pagpapatupad ng rule of law.

 

 

 

Ang naturang survey ay ikinasa ng Pulse Asia Research mula ika-17 hanggang ika-21 ng Setyembre 2022 gamit ang harapang panayam.

 

 

 

Pagresponde ni Marcos Jr. sa kalamidad pinaka-pinuri

 

 

Nakakuha ang administrasyong Marcos na majority approval ratings sa 11 sa 13 isyung kinakaharap ng bansa, bagay na nakitaan daw ng taumbayan ng mabilis na aksyon.

 

 

 

Kabilang na riyan ang:

 

pagresponde sa nasalanta ng kalamidad (78%)

pagkontrol ng COVID-19 (78%)

pagtataguyod ng kapayapaan (69%)

pagprotekta sa overseas Filipino workers (68%)

paglaban sa kriminalidad (67%)

pagpapatupad sa rule of law (62%)

paglikha ng maraming trabaho (59%)

pagtaas ng sahod ng manggagawa (59%)

paglaban sa katiwalian (58%)

pagprotekta sa kalikasan (57%)

pagdepensa sa territorial integrity (52%)

 

 

Inaral ng naturang surbey ang nasa 1,2000 katao, edad 18-anyos pataas. Meron itong  ± 2.8% error margin sa 95% confidence level habang narito ang subnational estimates para sa geographic areas na sumusunod sa 95%:  ± 5.7% para sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Kasama sina Gretchen at ibang PIE Jocks sa ‘PIE Channel’: ELMO, masaya na makatrabaho si VIVOREE na nakasama sa acting workshops

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKABULUHANG kwentuhan at masayang kantahan ang hatid ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa viewers mula umaga hanggang gabi dahil sa mas pinasiksik na palabas ng BRGY. PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG.

 

 

Tuwing umaga (10 am – 12 nn), makakasama ng viewers ang ‘brunchkada’ nina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (tuwing Linggo) sa BRGY PIESILOG na layuning maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng paghatid ng mahalaga at praktikal na impormasyon sa viewers.

 

 

Mula Lunes hanggang Sabado, mapapanood ang “Eto na Nga,” kung saan malalaman ng publiko tulad ng paano makahanap ng trabaho, mga importanteng public service announcements mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, NGOs, at advocacy groups.

 

 

Praktikal na tips sa buhay naman ang hatid ng “Life Guro,” samantala pwedeng humingi ng advice ang mga taong may pinagdadaanang pagsubok sa “Sumpungan HQ.”

 

 

Ibibida naman tuwing Linggo ang iba’t ibang klase ng negosyo at paninda sa “Pasok mga Suki,” habang libreng on-air consultations kasama ang guest doctors at kaalamang pangkalusugan ang itatampok sa “Dr. Care.”

 

 

Ayon pa kay Gretchen, marami raw ang dapat abangan sa BRGY. PIESILOG. “Makaka-expect kayo ng practical life tips, life hacks, Gustong-gusto ko ‘yung ‘Life Guro’ kasi meron tayong life coach.”

 

 

Kwento naman ni Migs na mas relaxed ang kanilang hosting style sa PIE. “Siguro mas casual compared sa news style. Talagang mas friendly, mas engaging to the audience. It encouraged us to loosen up more, to be able to really connect with the audience.”

 

 

Pagsapit ng tanghali, samahan sina Janine Berdin at Raco Ruiz para sa PIEBORITO (Monday to Sunday, 12 nn – 4 pm) na magpapakilala ng mga bagong music video sa “Playlist Natin!.”

 

 

Mapapanood din ang kulitan ng PIE jocks sa likod ng kamera sa “PIE Extra Slice” at mababalikan ang kilig sa rerun ng “On The Wings of Love” at “Iba: Long Cut.”

 

 

Nagbahagi rin si Raco tungkol sa una niyang salang bilang PIE jock. “Actually when I started hosting on PIE sinabi ko kay Direk na ‘Direk, tama ba ko para dito?’ I was always tripping over my words. Sabi niya, ‘Character mo yun. Make it your own. Be yourself. That’s gonna be your branding.”

 

 

Makakasama naman kada gabi (8 pm – 11 pm) sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona, at Vivoree (tuwing Linggo) sa PIE NIGHT LONG.

 

 

Sa segment na “How to B U?,” masusubukan ng PIE NIGHT LONG jocks ang buhay ng isang manggagawa. Itatampok naman sa “Moment Mo” ang buhay ng isang artista o ordinaryong tao, habang love at life advice naman ang hatid ni Karen Bordador sa “Tender Love & Karen.”

 

 

Makiki-marites din ang PIE jocks dahil pag-uusapan nila ang mga kontrobersyal na isyu sa “UZI.” Tuwing Linggo, kantahan at chikahan naman ang magaganap kasama ang musical guests ang hatid ng “PIE NIGHT LONG Sessions.”

 

 

Masaya naman si Elmo na makatrabaho ang co-PIE jock niya na si Vivoree. Sabi niya, “Masaya ako na I got to work with Vivoree kasi before nakasama ko siya in acting workshops. Since we both love music ni Vivoree, we work very easily dito sa PNL sessions.”

 

 

Bukod sa BRGY PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG, may bagong shows at PIE jocks din ang PIE para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado) sa PIEGALINGAN, Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo) sa PAK! Palong Follow; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (tuwing Linggo) sa PIENALO PINOY GAMES; at sina Melai Cantiveros, Jhong Hilario, Kaila Estrada, at ex-PBB housemates sa “The Chosen One.”

 

 

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.

 

 

 

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa worldwide sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100. Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures. Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.

 

(ROHN ROMULO)

90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023.

 

 

Ayon kay LTO Chief  Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon.

 

 

Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng backlog pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.

 

 

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagama’t ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon.

 

 

Gayunman, nananatiling positibo ang LTO Chief na maaaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga backlog ng plaka ng sasakyan.

 

 

Sa ngayon ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting background ang kailangang matapos. Mayroon namang 11.5 milyon ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.

 

 

“Right now, we have already extended the ope­rating hours of the LTO license plate manufacturing plant. It now operates even on Saturdays so that it can produce more replacement plates and reduce the backlog,”ayon kay LTO chief Guadiz.

 

 

Batay sa datos ng LTO Plate Plant, umaabot na sa mahigit 300,000 pares ng replacement plates ang nagawa hanggang noong Oktubre 3 ng kasalukuyang taon. Nagsimula ang produksyon ng replacement plates nitong Mayo.

 

 

Samantala, binigyang-diin ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para sa mga bagong rehistrong sasakyan.

 

 

Kaugnay naman ng sinisingil ng LTO para sa replacement license plates, sinabi ni Guadiz na idinideposito ito sa National Treasury araw-araw at kung kakailanganin ng pondo para sa paggawa ay hinihingi ito sa Kongreso o sa DBM. (Daris Jose)

Kontrata para sa pinakamalaking railway line sa bansa, pinirmahan na

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA  ang bansa ng mga kontrata para sa pagtatayo ng isang railway project sa Southern at Central Luzon na tinaguriang “pinakamalaking railway line.”

 

 

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 147-kilometers North-South Commuter Railway Project, na magkakaroon ng 35 istasyon at 3 depot, ay inaasahang magbabawas ng oras ng paglalakbay mula Calamba, Laguna hanggang sa Clark International Airport.

 

 

Aniya, ibabalik ang kultura ng riles sa Pilipinas dahil sa proyekto na ito.

 

 

Magbibigay din ito ng “ligtas, abot-kaya at maginhawang transportasyon” para sa mga Pilipino habang pinabibilis ang ating economic rebound.

 

 

Base sa datos ng Department of Transportation (DOTr), ang railway project – na ikokonekta sa iba pang linya ng tren sa Pilipinas – ay inaasahang makakatanggap ng 600,000 pasahero araw-araw.

 

 

Magsisimula ang konstruksyon sa Pebrero 2023, habang ang buong operasyon ay inaasahang magsisimula sa 2029.

 

 

Mayroong 110,000 direct at non-direct jobs ang bubuo mula sa proyektong ito.

 

 

Ang P90-billion projects ay popondohan ng mga pautang mula sa Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA). (Daris Jose)

Oil petroleum exporting countries nag-anunsiyo ng pagbawas ng 2 million barrels kada araw

Posted on: October 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC+) na babawasan nila ang oil production ng 2 million barrels kada araw kung saan ito na ang itinuturing na pinakamalaking pagbabawas ng produksiyon mula noong simula ang COVID-19 pandemic.

 

 

Ang naturang hakbang ay posible umanong magdulot ng pagtaas na naman ng presyo ng mga produktong gasolina sa international market.

 

 

Ang OPEC+ ay grupo ng mga major oil producers kasama na ang Saudi Arabia at Russia.

 

 

Ang anunsiyo ng OPEC+ ay matapos naman ang kauna-unahan nilang pagpupulong na huling naganap ay noon pang Marso ng taong 2020.

 

 

Sinasabing ang pagbabawas ng 2 milyong bariles kada araw sa produksiyon ay katumbas ito ng 2% sa global oil demand.

 

 

Agad namang naapektuhan ang presyuhan ng tinatawag na Brent crude oil na umangat ang presyo ng 1.5% na katumbas sa mahigit sa $93 kada bariles.

 

 

Ang production cuts ay magsisimula na sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Samantala, binatikos naman ng Biden administration ang naging desisyon ng OPEC+ na tiyak na tatamaan ang mga low and middle-income countries na nakakaranas na rin ng mataas na presyuhan ng krudo.

 

 

Ang OPEC at mga kaalyado nito na kumukontrol sa 40% ng global oil production ay umasang mapigilan ang pagbaba ng demand dahil sa economic slowdown sa China, Amerika Europe.

 

 

Naniniwala naman ang ilang analyst na ang pagtaas ng presyo ng langis ay nangangahulugan din na mananatili ang inflation nang matagal at inaasahang magbibigay ng pressure sa Federal Reserve na mas lalong magtataas din ng interest rates. (Daris Jose)