• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 13th, 2022

Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.”

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day.

 

 

Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health.

 

 

“Ang kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan — kasama ng climate change, kahirapan at kapayapaan ,” ayon kay Pangulong  Marcos sa kanyang official Facebook page.

 

 

Sa pinagdaanan  aniyang krisis sa nakaraang dalawang taon, sinubok aniya nang labis ang tatag ng isipan ng bawat isa  kaya’t ang pagmamalasakit at kabutihan sa kapwa ay kinakailangan ngayon at higit kailanman.

 

 

“Maging maingat at suportahan natin ang isa’t isa,” wika pa ni Pangulong Marcos.

 

 

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na  dahil sa sitwasyon ngayon na marami pa rin ang nagkakasakit at dinadapuan ng Covid-19, at bunga ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, at marami ang nauwi sa depresyon ay  mahalaga talang mabigyang pansin at ma-educate  ang  bawat isa ukol sa kalusugang pangkaisipan.

 

 

Matatandaang sinabi ng National Institute of Mental Health, ang kahulugan ng mental illness ay “physical illness of the brain that causes disturbance in thinking, behavior, energy or emotion that make it difficult to cope with the ordinary demand of life.”

 

 

Marami ang hindi naipagagamot dahil sa stigma na nakaakibat o maling kaisipan na kapag may problema sa mental health ay iisipin agad na baliw, luko-luko, krungkrung at kung ano-ano pang katawagan. Kaya nga dapat talagang maging aware tayo kung kailan dapat humingi ng tulong at kung sino ang lalapitan.

 

 

Mali na may problema sa kaisipan at ang gagawin ay itatali o ikukulong dahil nahihiyang malaman ito ng iba.

 

 

Ayon sa mga espesyalista, kapag pinabayaan lamang, nangangahulugan ng mas malaking gastusin. Maliban pa sa hindi magiging produktibo sa paaralan o tanggapan man, nababawasan o nawawalan ng oportunidad at tumataas ang panganib ng suicide. (Daris Jose)

PEKENG OPTOMETRIST, INARESTO NG NBI

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng Optometrist sa Iriga City

 

 

Ang pagkakaaresto kay Josephine Nazarrea y Balang ay bunsod sa reklamo ng  Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur dahil sa pagpa-practice nito ng Optometry sa  N. Balang Sagara Optical Clinic sa  New Iriga City Public Market.

 

 

Lumalabas din na wala ang pangalan ni Nazarrea sa database ng registered o lisensyadong Optometrist.

 

 

Nauna dito, isang poseur client ang nagpanggap na magpakonsulta ng kanyang mata at nakalipas ng ilang minuto ay niresetahan siya ng isang salamin na na nagkakahalaga ng P3,500 at sa puntong tinatanggap ng suspek ang bayad ay inaresto ito.

 

 

Narekober din sa suspek ang isang set ng Trial Case na may incomplete lenses ; sampung Diopter), isang piraso ng Trial Frame, isang piraso ng Reading Chart, isang Prescription Paper, isang Nike Brand Plastic frame; isang Snellen Chart.

 

 

Si Josephine Nazarrea y Balang ay iniharap sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office sa Iriga City dahil sa paglabag sa Section 32(f) in relation to Section 5 ng  RA 8050, sa ilalim ng Section 33 of RA (Revised Optometry Law). (Gene Adsuara)

Balik-training after na magkasakit nang dalawang ulit: PIA, palaban sa sasalihang marathon sa New York City

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FIGHTING si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa sasalihang New York City marathon on November 6.

 

 

Hindi tinago ni Pia na may ilang training days siyang hindi nagawa dahil sa pagkakaroon niya ng sakit. Hindi lang daw ang pisikal na pangangatawan niya ang naapektuhan kundi pati ang mental balance niya.

 

 

Pero hindi siya pinanghinaan ng loob at nagtuluy-tuloy siya sa kanyang training, kahit na minsan daw ay naisip niyang hindi na lang siya tutuloy sa marathon.

 

 

Post ni Pia sa Instagram: “TRAINING UPDATE! Finished running 32km last weekend — my longest run so far, and now we’re on the final stretch of training!

 

 

“I faced a lot of setbacks the past few months…di ko lang shinare kasi kinabahan ako. I was worried I couldn’t do the marathon anymore cos I got sick twice and previously got Covid. I missed training days and some of those essential long runs so I was really worried.

 

 

“My performance suffered. I couldn’t get the mileage in, and I was slower than before. Mabagal na nga ako bumagal pa lalo. And nobody ever mentioned na mentally maaffect ka rin pala sa ganon. When you miss those long runs or you fail at reaching goals during training, you get so disappointed in yourself to the point of wanting to give up. Durog ang confidence mo, wala ka nang gana.

 

 

“But but but…with the right guidance, support and A LOT of determination, I’M BACK. 32km done and my coach @gabbrosario is confident I can finish the 42km. So now the goal is to just finish the marathon.

 

 

“No matter how slow or fast it’ll take me. I realized that this isn’t a pageant. I’m not competing against anyone but myself. Ang daming life lessons noh? Til the next update.”

 

 

***

 

 

PARANG imposibleng maging single pa rin si Chef Jose Sarasola dahil bukod sa guwapo at may sariling business, ang husay pang magluto.

 

 

Ibig sabihin ba nito na hindi pa siya nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Maria Ozawa?

 

 

Sa kanyang Instagram, walang photo ng babae, except ng kanyang mother. Ang mga post niya ay kung hindi siya nagluluto, nasa gym siya or naglalaro ng basketball with friends.

 

 

Ngayon nga sa ika-4th season ng cooking show nila ni Iya Villania-Arellano na ‘Eat Well. Live Well, Stay Well’, magiging busy si Chef Jose sa pag-prepare ng health foods ngayong holiday season courtesy of Ajinomoto. Kaya siguro wala siyang panahon para makipag-date ngayon.

 

 

Sa naganap na Zoom mediacon kamakailan, sinabi ni Chef Jose na maayos naman daw ang naging hiwalayan nila ni Maria at kahit paano ay may communication pa rin sila. Wala lang daw siyang time ngayon to date dahil mas nakatutok siya sa kanyang work, business at sa pamilya niya.

 

 

“Maria has her own thing back in Japan and I have my work here. We are both prioritizing our careers and okey para sa amin iyon. I am mostly focused on my family aside sa resto-bar business ko. I just want to spend lots of time with them. This Christmas nga, we might be spending it in Bangkok,” sey ni Chef Jose.

 

 

***

 

 

HINDI na makapaghintay ang mga Swifties sa bagong album ni Taylor Swift na ‘Midnights’ na magda-drop sa October 21.

 

 

Nagpatikim na si Taylor ng unang single sa bagong album na may title na “Lavender Haze” na inspired daw sa relasyon niya sa kanyang boyfriend of six years na si Joe Alwyn.

 

 

Kuwento pa ni Taylor sa Instagram: “I happened upon the phrase ‘lavender haze’ when I was watching ‘Mad Men.’ And I looked it up — because I thought it sounded cool — and it turns out that it’s a common phrase used in the ‘50s where they would just describe being in love. Like, if you were in the lavender haze, then that meant you were in that all-encompassing love glow. And I thought that was really beautiful.

 

 

“I guess, theoretically, when you’re in the lavender haze, you’ll do anything to stay there and not let people bring you down off that cloud. And I think a lot of people have to deal with this now, not just like ‘public figures,’ because we live in the era of social media. And if the world finds out that you’re in love with somebody, they’re going to weigh in on it.”

 

 

“Like my relationship for six years, we’ve had to dodge weird rumors, tabloid stuff and we just ignore it. And so this song is sort of about the act of ignoring that stuff to protect the real stuff.”

 

 

Naglalaman ng 13 songs ang Midnights na sa pagkaka-describe ni Taylor ay: “Midnights, the stories of 13 sleepless nights scattered throughout my life, will be out October 21. Meet me at midnight.

 

 

“We lie awake in love and in fear, in turmoil and in tears. We stare at walls and drink until they speak back. We twist in our self-made cages and pray that we aren’t – right in this minute – about to make some fateful life-altering mistake.”

 

 

“This is a collection of music written in the middle of the night, a journey through terrors and sweet dreams. The floors we pace and the demons we face. For all of us who have tossed and turned and decided to keep the lanterns lit and go searching – hoping that just maybe, when the clock strikes twelve… we’ll meet ourselves.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads October 13, 2022

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pilipinas magpapadala ng 814 atleta para sa 32nd SEA Games sa Cambodia

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 814 na atleta ang ipapadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia.

 

 

Ito ang napagpasyahan sa dalawang consultative meeting ng national sports associations.

 

 

Mayroong 49 sports ang lalaro sa Cambodia na magsisimula mula Mayo 5 hanggang Mayo 15.

 

 

Target kasi ng Philippine Olympic Committee na salihan ang lahat ng kompetisyon kung saan nakalaan dito ang 608 na medalya.

 

 

Sinabi ni POC President Abraham Bambol Tolentino na layon nilang magpadala ng full contingent sa nasabing torneo.

 

 

Noong nakaraang mga linggo kasi ay nakapulong na niya ang mga representante ng mga combat sports at ibang sports organizations.

 

 

Magugunitang noong Vietnam SEA Games na ginanap nitong Mayo ay nagpdala ang bansa ng 656 na atleta habang noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa ay mayroong halog 1,000 atleta ang isinabak ng bansa.

Senate Pres. Zubiri giit na ‘di siya ‘fake news’

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMALMA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, matapos na mabaligtad at i-deny ng Chinese embassy na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted na bansa na puntahan ng mga turistang Tsino dahil sa umano’y isyu kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

 

 

Sa pahayag ni Senate President Migz Zubiri, sinabi nito na parang lumalabas daw na siya ang “Marites” na nagbibigay ng maling impormasyon na samakatuwid naman daw hindi naman raw iyon fake news.

 

 

Dagdag pa ni Zubiri, ang term daw na “blacklist” ay nanggaling mismo kay Chinese Ambassador to the PH Huang Xilian.

 

 

Gayundin, willing daw magprisenta si Zubiri sa media ng transcript kung saan binanggit ng Chinese envoy ang blacklisting o possible blacklisting sa Pilipinas.

 

 

Sa kabilang banda, ang kamalian at sisi raw sa Chinese ambassador sapagkat siya ang nagpahayag ng terminolohiyang blacklist.

 

 

Ani Zubiri, maninindigan daw siya sa kanyang mga inihayag at hindi ito umano hihingi ng paumanhin.

 

 

Aminado naman ang lider ng Senado na kung matuloy ang blacklisting ng Pilipinas sa mga Chinese tourists ay malaking dagok ito sa ekonomiya ng bansa.

 

 

Noong taong 2019 ani Zubiri, nasa dalawang milyon daw ang mga turistang Tsino na bumisita na kung susumahin ay may katumbas na bilyong piso ang ibinuhos na gastos habang nasa bansa. (Daris Jose)

“Depektibong” National ID system rollout, pinasisiyasat

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASISIYASAT ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Kamara ang mabagal at ‘ depektibong’ rollout ng National ID system sa bansa.

 

 

Sa House Resolution 471, dapat magpaliwanag ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nangangasiwa sa naturang prokyeto kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), at Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Isinuwestiyon din ng mambabatas ang pagpalit sa kasalukuyang liderato ng PSA dahil umano sa “inefficiencies” nito sa pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys), na dapat sana ay magpapabuti sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

 

 

“An accountability mechanism must be established to allow a closer look into what went wrong, or what may still be improved, in the implementation of the National ID system,” ani Herrera.

 

 

Ang PhilSys project na nabuo sa pamamagitan ng Republic Act 11055.

 

 

Nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa noong 2020, ipinag-utos noon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte ang agarang implementasyon ng PhilSys project para mabilis na matukoy ang mahihirap na pamilya na kabilang sa government cash aid kapag may lockdowns.

 

 

Naatasan ang BSP na magpaggawa at magpadala ng 116 million pre-personalized IDs mula 2021 hanggang 2023.

 

 

Subalit, nabatid sa Commission on Audit (COA) na hanggang December 31, 2021, nasa 27,356,750 pre-personalized cards o 76% ng 36 million required number ng IDs ang napamigay ng BSP.

 

 

Bago nito, sinabi ng COA na nagawa lamang ng BSP na mamahagi ng 8,764,556 personalized cards, o 17.53% ng 50M kinakailangang bilang ng IDs para sa taong 2020 at 2021.

 

 

Sinabi ni Herrera na bukod sa pagkaka-delay na maabot ang quota para sa bilang ng ID cards ay may mga reklamo di sa inaccuracy ng personal information at malabong imahe o litrato sa cards, at hindi na ring mabasa pagkatapos ng tatlong buwan.

 

 

May mga ulat din ng hacking, na pinangangambahan sa pagkalat ng personal data o sensitibong personal information ng mamamayan.

 

 

Batay pa sa government records, sinabi ni Herrera na nasa 21M Pinoy ang nakatanggap ng kanilang physical national ID cards mula sa mahigit na 70M na nakapagparehistro.

 

 

Napansin din ng COA na sa total na P28.4 billion alokasyon para sa PhilSys project, tanging P6.8B ang nailaan simula 2018. (Ara Romero)

Sa rami ng pinagdaanan, naging matatag ang relasyon: RONNIE, ‘di naniniwala sa 7-year itch na kontra sa sinabi ni LOISA

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naniniwala si Ronnie Alonte sa kasabihang 7-year itch, kontra sa sinabi ng gf niyang si Loisa Andalio.

 

Sabi ni Ronnie, sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ng tandem nila ni Loisa, feeling niya ay matinding patunay ang pagiging solid ng relasyon nila up to now.

 

Kaya naman nakikinig din sila sa mga pangaral sa kanila ng kanilang co-stars sa ‘Love in 40 Days’ na nasa last two weeks na.

 

“Alam namin ni Loisa na yung constant communication namin ay mabisang sandata sa mga tsismis na posibleng bumuwag sa aming strong foundation but we won’t allow that to happen,” sabi ni Ronnie.

 

“Hindi kami nagpapaapekto sa tsismis dahil mas kilala namin ang isa’t-isa. We know our strengths and weaknesses,” dugtong pa ni Ronnie.

 

Thankful din si Ronnie sa mga co-stars nila like Lotlot de Leon na laging may pangaral sa kanila ni Loisa para tumibay pa ang kanilang pagsasama.

 

Nagpapasalamat din si Ronnie sa ABS-CBN management dahil sa tiwala na gawin silang bida ni Loisa sa ‘Love in 40 Days’.

 

***

 

NANINIWALA si Loisa Andalio sa tinatawag na seven-year itch pero may tiwala naman siya na matatag ang relasyon nila ng bf na si Ronnie Alonte.

 

“Kahit naniniwala ako dahil may mga relasyon na nalusaw after 7 years, kampante naman ako na solid ang relasyon namin ni Ronnie,” pahayag ng dalaga.

 

Marami na raw pagsubok na dinaanan ang relasyon nila pero nanatili silang matatag at nakakapit sa isa’t-isa.

 

Isang bagay daw na pinagkasunduan nila ni Ronnie ay pag-usapan ang anumang conflict sa pagitan nila.

 

“Hindi naman maiwasan na kung minsan may misunderstanding kami pero di namin ito pinatatagal. Nag-uusap agad kami para ayusin ang anumang bagay na may kinalaman sa relasyon namin,” dugtong pa ni Loisa.

 

Very thankful nga si Loisa na pinagsama sila ng ABS-CBN sa ‘Love st 40 Days’. Nakatulong daw ang lock in taping para mas tumibay pa ang kanilang relasyon ni Ronnie.

 

“Mas maganda sng trabaho namin sa lock-in tapong dahil focused kami sa trabaho. In character kami all throughout the taping kasi contained kami in one place, walang umuuwi,” say pa ni Loisa.

 

 

(RICKY CALDERON)

Ateneo inungusan UP bilang no. 1 pamantasan sa Pilipinas sa world rankings

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAUNAHAN na ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang “pinakamahusay” na pamantasan sa bansa kung pagbabatayan ang bagong labas na Times Higher Education World University Rankings 2023.

 

 

Lumapag sa 351-400 na pwesto ang Ateneo sa naturang world university rankings, dahilan para makuha ang top spot sa lahat ng mga unibersidad sa Pilipinas.

 

 

Nasungkit naman ng UP ang 801-1,000 pwesto matapos ma-unseat ng pribadong pamantasan na nakatayo rin sa Katipunan Ave. sa Quezon City.

 

 

Inanilisa rin ngayong taon ang nasa 121 milyong citations sa mahigit 15.5 milyong research publications, kasama ang survey responses mula sa 40,000 iskolar sa buong mundo.

 

 

Sa kabuuan, nangolekta rin ng nasa 680,000 datapoints mulka sa 2,5000 institutions na nagsumite ng datos.

 

 

Nauwi naman sa ikatlong pwesto ang De La Salle University ngayong taon, na siyang napanatag sa ranggong 1,201-1,500.

 

 

Ikaapat naman sa mga Filipino universities sa parehong listing ang Mapua University sa ranggong 1,501+.

 

 

“The University of Oxford tops the ranking for the seventh consecutive year. Harvard University remains in second place, but the University of Cambridge jumps from joint fifth last year to joint third,” patuloy pa ng THE.

 

 

“The highest new entry is Italy’s Humanitas University, ranked in the 201-250 bracket.”

 

 

Estados Unidos pa rin ang “most-represented” country sa kabuuan sa naturang listahan na may 177 institusyon. Amerika rin ang may pinakamaraming paaralan na nasa top 200 sa bilang na 58.

 

 

Mainland China naman ang ikaapat na may pinakamaraming institusyon sa top 200 sa bilang na 11, kumpara sa 10 lang noong nakaraang taon. Naunahan na nila ang Australia, na siyang dumulas sa ikalima (kapantay ng Netherlands).

NDRRMC, iniimbestigahan ang di umano’y hacking ng official Facebook page nito

Posted on: October 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang  National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang  security breach hinggil sa  kanilang official Facebook page.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng  NDRMMC na ang kanilang Facebook page  ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes.

 

 

Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na ito nang pagbawi sa  account at masusing imbestigasyon sa bagay na ito.

 

 

“We uphold data privacy and security, alongside the welfare of the members of the NDRRMC,” ayon sa ahensiya.

 

 

“We would like to apologize for any inconvenience or confusion this incident might bring to the public and stakeholders,” dagdag pa nito.

 

 

“As of 8 p.m., araw ng Lunes, Oktubre 10 makikita na ang huling post sa Facebook page ng NDRRMC ay noong Oktubre  4. (Daris Jose)