• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2022

Panuntunan sa paggunita ng Undas, inilabas ng Navotas

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon.

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022.

 

 

Aniya, upang maging maayos ang paggunita ng Undas, dapat sundin ang mga inilabas na patakaran ng pamahalaang lungsod kung saan ang mga bibisita sa sementeyo ay kailangan kumuha ng cemetery pass sa pamamagitan ng TEXT JRT 09088868578 at 09152601385. I-text ang pangalan, address, edad, petsa at araw kung saang sementeryo bibisita (public, catholic, immaculate garden).

 

 

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang ng tatlong tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at vaccination ID sa mga nakabantay sa sementeryo

 

 

May walong time slot ang pagbisita, 7am-9am, 9am-11am, 11am-1pm, 1pm-3pm, 3pm-5pm,5pm-7pm, 7pm-9pm at 9pm-11pm.

 

 

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, matutulis na bagay, pagsusugal at maingay na musika at panatiliin ang tamang pagsuot ng face mask at physical distancing nang sa ganoon ay hindi na tumaas at patuloy na bumaba ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.

 

 

Pinaalalahanan naman ni Mayor Tiangco ang mga magpupunta sa sementeryo na huwag nang magsama ng mga bata at matatanda para matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

 

https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2022/10/NAVOTAS-2.jpg

“Gawing tahimik at matiwasay ang paggunita sa araw ng mga patay at igalang ang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng panalangin”, ani Tiangco. (Richard Mesa)

Ads October 22, 2022

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments
PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga.
Sa isang chikahan over lunch with Direk Phil, nalaman namin na bata pa lang siya ay gusto na niyang maging director. Dahil he’s an only child, inaaliw niya ang kanyang sarili by writing out stories and acting out the characters himself.
Kuwento ni Direk Phil, madalas daw siya sa attic ng kanilang bahay kung saan siya naglalaro as a kid. Hindi raw siya masyado comfortable in groups. Pag nagkakagusto naman daw siya sa babae ay nagkakagusto naman daw ito sa iba, which happens.
At dahil hindi siya naka-experience ng happy lovelife kaya maging sa movie niya, tulad ng “Pabuya” ay walang happy ending ang mga karakter na ginagampanan nina Diego at Franki Russel.
Crime stories fascinate him a lot kaya may element ng crime ang kwento ng “Pabuya.” Gusto niya na may hatid na turmoil at anguish ang kwento.
“I am working to have more empathy so hopefully my next film will be more well-rounded. So even people will be doing shitty things, the audience will kind of like them. I am working on it,” pahayag pa ni Direk Phil.
Sa “Pabuya,” the bad guys got away with murder pero nang tanungin ito kay Direk Phil, ang sagot niya “some people change while others don’t.” Ganyan naman kung minsan ang nangyayari sa tunay na buhay.
Pangrarap niya na makatrabaho si Anne Curtis sa isang horror film.

***

 

MAHIGIT 200 na aspirants ang nag-audition para maging bagong frontman ng Lily pero ang maswerte napili ay si Joshua Bulot. 

 

Edgy ang kanyang dating kaya siguro nagustuhan siya ng remaining members ng Lily.

 

Ipinakilala si Joshua bilang new vocalist ng banda kasabay ng relaunching ng group as Lily after umalis ang dati nilang frontman na si Kean Cipriano na bitbit ang pangalang Callalily.

 

Ang mga dating band members na sina Lem Belaro, Aaron Ricafrente, Alden Acosta at Nathan ay itinuloy pa rin ang Lily and via an audition sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay sinubukan makahanap ng bagong frontman at si Joshua ang final choice nila.

 

Hindi naman baguhan sa mundo ng musika si Joshua dahil noong college days niya sa San Beda ay sumali siya sa glee club para sundin ang kanyang hilig sa pagkanta.

 

Sumali rin siya sa Pop trio na J.B.K. na nakapaglabas ng ilang single at nag-audition din sa XFactor UK noong 2017. Sila ang unang Pinoy band who auditioned and performed before Simon Cowell and other judges.

 

As part of Lily, magkakaroon si Joshua at kanyang mga kasama ng unang self-titled concert nila na gaganapin sa Music Museum sa December 2.

 

Ayon sa band members naka-move on na sila sa anumang nangyari sa kanila at sa dati nilang kasama na si Kean.

 

Sabi ni Loie Magan, Chief Executive Officer ng LX2 Entertainment’s na producer ng concert ng Lily, matagal na raw hinihintay ng grupo na muling mag-perform onstage. At tulad ng Lily, excited din ang LX2 Entertainment na iprodyus ang banda ng concert.

(RICKY CALDERON)

Chopper deal sa Russia, matagal ng kanselado-PBBM

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG  balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  itulak pa ang  $38-million military helicopter contract  sa  Russia  na kinansela ng nagdaang administrasyon.

 

 

Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung may balak pa itong itulak ang  kasunduan kasunod ng panawagan mula kay  Ambassador Marat Pavlov  na dapat lamang na igalang ng gobyerno ng Pilipinas ang $38-million military helicopter contract na naunang kinansela ng gobyerno dahil sa takot sa sanction ng United States.

 

 

Giit pa ni Pavlov,  hindi sila nakatanggap ng pormal na anunsyo ng pagkansela sa nasabing kontrata.

 

 

“I think it has already been determined. It was already determined by the previous administration that that deal will not carry through, will not go on,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Matatandaang kinansela ang nakatakda sanang pagbili ng Pilipinas ng Mi-17 helicopters na nagkakahalaga P12.7 bilyon mula sa kumpaniyang Sovtechnoexport ng Russia.

 

 

Katuwiran ni Pangulong  Marcos, mayroon ng alternatibong suplay  para sa kakailanganing mga helicopter ang Pilipinas.

 

 

Napaulat na nakatakdang magpaabot ng $100 million “in foreign military financing” ang Estados Unidos sa Pilipinas kasunod ng ginawang pagkansela ng gobyerno sa kasunduan.

 

 

“At so mayroon na tayong ginawa, we have already… The deal with Russia was for some heavy-lift helicopters and now we have secured an alternative supply from the United States through the manufacturer Poland — in any case, we have — mayroon na tayong kapalit,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Unfortunately, we made a down payment that we are hoping to negotiate to get at least a percentage of that back. But the deal as it stood maybe at the beginning or in the middle of last year, has already been cancelled and we have, as I said, secured another alternative supply for those helicopters that we need,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Dahil dito, hindi pa umano tumitigil ang Russian contractor sa paggawa ng 16 helicopters at ang mga Pinoy na piloto na inatasang magpatakbo ng sasakyang panghimpapawid ay nakatapos ng pagsasanay sa Russia.

 

 

“The downpayment was made for the start of the assembly operation, so we continue to assemble. Kasi we received the amount of the money so fulfilling all the contractual obligation,” aniya.

 

 

Sinabi ni Pavlov na isang fully assembled helicopter ang ihahatid sana sa Pilipinas noong Hunyo, ngunit tinanggihan ito ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Ang unit ng helicopter ay ibibigay nang walang bayad bilang side bonus ng deal.

 

 

“Ito ay isang napakahalagang isyu ng aming bilateral na relasyon. Ito ay natapos nang walang anumang presyon mula sa panig ng Russia sa nakaraang administrasyon,” sabi ni Pavlov.

 

 

Nang tanungin kung posible ba ang refund sa nakanselang kontrata.

 

 

“We’d like to see the position of the Philippine government and after that we discuss the process of contractual obligation,” tugon ni Pavlov. (Daris Jose)

2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.

 

 

Kinilala ni  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians na si Amritpal, 30 at Pritpal Singh, 24, na tinangkang sumakay sa Tiger Air patungong Singapore nitong October 6.

 

 

Ayon kay Manahan, si Lai ay nagpakita ng Turkish na may pangalan na Lai Bulut gayundin ang kanyang Special Investor’s Resident Visa (SIRV) card subalit nang beripikahin ang kanyang travel history at dokumento, nalaman na si Lai ay may summary deportation order na inisyu noong April 2021 dahil sa paglabag sa kanyang pamamalagi sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940.

 

 

Nalaman din na si Lai ay wanted ng Taiwan Police Attache dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Drug Act.

 

 

“He tried to evade prosecution for his crime by using his Turkish passport, but his plan was foiled by our officers who were very thorough in checking his records,” pagkaklaro ni Manahan.

 

 

Samantalang si Amritpal at  Singh ay inaresto dahil sa pagkakaroon ng passport na may pekeng Philippine entry visas, visa extension stickers, at arrival stamps.

 

 

“These attempts to use visas and stamps to clear immigration inspection are futile. Our officers undergo rigorous training to detect dubious documents, ” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

 

 

Pinuri din ni Tansingco ang mga opisyal dahil sa pagkahuli sa kanila.

 

 

“These arrests are a testament to our officers’ vigilance in manning our ports,” said Tansingco. “Rest assured that we will remain true to our mission to contribute to national security and development,” ayon sa BI Chief. (Gene Adsuara)

Bucor Director Bantag, suspendido

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

 

 

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.

 

 

“I went to the President to tell him about this… he asked me to preventively suspend Undersecretary, Director General Bantag of BuCor, so that there may be a fair [and] impartial investigation on the matter,” ayon kay Remulla.

 

 

Wika pa ni Remulla, itinalaga niya si dating  Armed Forces chief of staff Gregorio Catapang Jr.  bilang  officer-in-charge ng Bucor.

 

 

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na may mananagot kung mapapatunayang may foul play sa pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

 

 

Ani Abalos, nakakapanghinayang dahil pinaghirapan ng mga pulis ang kaso pero namatay ang itinuturong middleman sa kaso.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na patay na ang middleman sa pagpatay kay Lapid.

 

 

Batay pa sa paunang impormasyon, nahirapan umano itong makahinga at idineklarang dead on arrival sa New Bilibid Prison hospital.

 

 

Samantala, sinabi pa ni Abalos na nagpapatuloy ang otopsiya sa mga labi nito upang matukoy kung ano ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng naturang middleman.

 

 

Pagtitiyak pa ng kalihim na walang magiging epekto sa Percy Lapid case ang pagkamatay ng sinasabing middleman na nasa loob ng Bilibid dahil nagti-triple kayod na ang kapulisan upang matukoy kung sino talaga ang mastermind o utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Lapid. (Daris Jose)

SEE A GRUMPY TOM HANKS IN THE OFFICIAL TRAILER OF “A MAN CALLED OTTO”

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Discover what can happen when you let life in. See Tom Hanks as Otto in the official trailer of Columbia Pictures’ heartwarming comedy/drama A Man Called Otto, in Philippine cinemas 2023.

YouTube: https://youtu.be/tCsSuaVsMIw

About A Man Called Otto

Based on the comical and moving # 1 New York Times bestseller, A Man Called Otto tells the story of Otto Anderson (Tom Hanks), a grumpy widower who is very set in his ways. When a lively young family moves in next door, he meets his match in quick-witted and very pregnant Marisol, leading to an unlikely friendship that will turn his world upside-down. Experience a funny, heartwarming story about how some families come from the most unexpected places.

Directed by Marc Forster (Finding Neverland), A Man Called Otto stars Tom Hanks (Philadelphia, Forrest Gump, Cast Away), Mariana Treviño (Club the Cuervos), Rachel Keller (Fargo) and Manuel Garcia-Rulfo (The Magnificent Seven). The screenplay is written by Academy Award® nominee David Magee (Best Adapted Screenplay, Life of Pi, 2012; Best Adapted Screenplay, Finding Neverland, 2004) based upon the best-selling novel “A Man Called Ove” by Fredrik Backman. The film is also based on the Swedish film written and directed by Hannes Holm. The film is being produced by Rita Wilson, Tom Hanks, Gary Goetzman and Fredrik Wikström Nicastro.

In Philippine cinemas 2023, A Man Called Otto is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #AManCalledOtto

 

(ROHN ROMULO)

Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.

 

 

Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

 

 

May isang netizen nga ang nag-tweet na mas nakakatakot pa raw si Padre Salvi kesa kay Valentina sa Darna.

 

 

“Padre Salvi is the scariest villain on Philippine primetime TV right now!! Pasensya na muna Valentina!!!” tweet ng netizen na agad na impress noong mapanood si Juancho sa MCAI.

 

 

Ang isa pang tweet ay: “Please Juancho mahal kita. But you being Padre Salvi grabe sagad yung gigil ko sayo beh hahahaha”

 

 

Pinuri rin ni Kuya Kim Atienza ang performance ni Juancho sa teleserye. Humanga raw siya sa transition ni Juancho mula sa pananakit niya sa mga anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio ay bigla itong lumuhod at nagdasal para humingi ng patawad sa kanyang ginawa.

 

Tweet ni Kuya Kim: “@juanchotrivino you are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo #MCIpagtitimpi”

 

 

Nagpasalamat naman si Juancho sa mga natatanggap niyang papuri sa pagganap niya bilang si Padre Salvi. Ini-enjoy lang daw niya ang role na pinagkatiwala sa kanya.

 

 

“Ah thanks for this! Im very thankful however attention is not my priority. Gusto ko lang pag butihan ang pinagkakatiwala sakin at galingan ang trabajo.”

 

 

***

 

 

SI Kylie Verzosa ang tatanggap ng Philippines Actress of the Year award sa DIAFA Awards in Dubai.

 

 

Para ito sa naging performance ng former Miss International sa pelikulang The Housemaid.

 

 

Ang Vivamax ang nag-produce ng Philippine adaptation ng acclaimed South Korean film na dinirek ni Ramon Perez, Jr. na pinalabas noong 2021. Kasama rito ni Kylie sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes at Alma Moreno.

 

 

Ayon sa Viva Artists Agency, ang co-management ni Kylie, magaganap ang awards night on November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.

 

 

“DIAFA is an annual unique and prestigious red carpet and awards ceremony which honors distinguished personalities from both the Arab and International world, in recognition of their annual achievements and contributions towards committees and society’s betterment,” sey ng VAA.

 

 

Natural at natuwa si Kylie dahil napatunayan niya na marunong siyang umarte at hindi lang isang beauty queen-turned-sexy actress ang tingin sa kanya ngayon.

(RUEL J. MENDOZA)

Dagdag na wastewater facilities, itatayo ng Manila Water

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGDARAGDAG ng wastewater treatment plants ang East Zone concessionaire Manila Water para matiyak na ang domestic wastewater mula sa mga kabahayan ay hindi magdudulot ng polusyon sa mga ilog at sa iba pang uri ng katubigan sa bansa.

 

 

Ayon sa Manila Water, ang hakbang ay bilang pagtalima nila sa Philippine Clean Water Act of 2004 na nangangalaga sa kalidad ng lahat ng uri ng katubigan sa bansa mula sa polusyon mula sa land-based sources tulad ng mga pabrika, mga kabayahan at commercial establishments.

 

 

“As Manila Water is committed to provide 24/7 clean and potable water to our customers, we are also focused on protecting the environment by making sure that we properly dispose, treat wastewater and its by-products, as these remain essential elements of our services,” pahayag ni  Manila Water Wastewater Operations Head Donna Perez. Ibat-ibang teknolohiya ang gamit ng wastewater treatment plants ng Manila Water upang mag-treat ang wastes at pollution sa pamamagitan ng mga mekanismo at mga ipinatutupad na proseso. Kasama sa wastewater management ang collection ng sewage at septage mula sa mga bahay at establisimyento.

Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

Posted on: October 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.

 

 

Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa dating P10 bilyon, sa pagdinig sa 2023 budget ng komisyon kahapon.

 

 

Dahil dito, hindi umano maibibigay ng Comelec ang pagtataas sa honoraria sa P10,000, P9,000 at P6,000 at mananatili sa dating P6,000, P5,000, P4,000 at dagdag na P1,000 transportation allowance.

 

 

“We were able to reduce the amount that we will be needing for the barangay and SK elections. We will be needing P2.765 billion instead of the original P10 billion we proposed,” saad ni Comelec Chairman George Garcia.

 

 

“Lahat ng BEI (Board of Election Inspectors) ay kulang 1 million, kung meron tayong 228,000 precincts times 3 kasama pa ibang maglilingkod sa barangay canvassers,” dagdag pa niya. (Daris Jose)