• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2022

DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw ‘posible’ bago 2023 sa voluntary masking

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING  tumaas patungo sa 18,000 ang arawang COVID-19 cases bago matapos ang 2022 kasunod ng pagluluwag lalo ng face mask requirements, babala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes.

 

 

Ito ang sinabi ni Vergeire ilang araw matapos ianunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order na magpapahintulot ng pagtatanggal ng masks kahit sa indoor setting.

 

 

“As a doctor and based on the scientific projections that has been done by our experts, once we loosen up the masking, maari pong magkaroon tayo ng mga kaso towards November and December from 2,500 and ang pinakamataas po, ‘yung higher limit would be around 18,000 cases,” ani Vergeire sa panayam ng ANC.

 

 

Sa kabila nito, hindi lang naman daw ito mangyayari dahil lang sa pagluluwag ng health protocols ngunit dahil na rin sa pagpasok ng bagong COVID-10 variants at subvariants na mas nakahahawa.

 

 

Ngayong buwan lang nang iulat ng DOH na nakapasok na sa Pilipinas ang mga unang kaso ng XBB subvariant at XBC variant, ang una’y nakikita sa biglaang pagsipa uli ng mga kaso sa Singapore. Kasalukuyan nang may local transmission ng naturang mga sakit sa bansa.

 

 

So, expectedly, cases are there. It’s going to increase. But what we need to preserve would be our healthcare system capacity,” dagdag pa ni Vergeire habang dumarami ang personal interactions ng mga tao.

 

 

“For that, as I’ve said, even through this recent na pagtaas ng kaso, na-accommodate po ng system natin. Nakita natin [na] we were able to manage. Hopefully, we’ll be able to manage in the coming months.”

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari habang wala pa ring secretary ang DOH. Kamakailan lang nang mabatikos si Bongbong dahil sa pagtatalaga kay dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan sa gitna ng pandemya bilang undersecretary, imbis na ibigay ang pwesto sa isang healthcare expert.

 

 

Umabot na sa 3.99 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos nitong makapasok ng bansa nitong 2020. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 63,883 katao. (Daris Jose)

Avaricio kapit-tuko pa rin sa tuktok ng ICTSI Pradera

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGSABAYAN si Chanelle Avaricio sa malakas na bugso ng hangin sa Pradera Verde Golf and Country Clubsa Lubao, Pampanga Miyerkoles, sinalpak ang 74 na nagtakda sa bukas pa ring labanan para magrereyna sa ICTSI Pradera Verde Championship women’s division.

 

 

Pero kapit pa rin sa tuktok ang 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg winner Miyerkoles kahit bumagsak ng pitong palo ang mainit na simulang 67 na nagpatunay sa pambihirang layout para sa mga kalahok maski tatlo ang bumasag ng par sa 54-hole, P1.25M championship.

 

 

Bumalikwas si Harmie Nicole Constantino sa disgrasya sa No. 4 sa mga birdie sa pang- 6 at 12 butas para sa pangalawang sunod na 71 at 142 at pagsegunda, habang nagsalpak ng apat na birdie si Florence Bisera laban sa dalawang bogey upang mag-isa rin tersera sa 143 tapos ng 36-hole play.

 

 

Nagbuslo rin si Pamela Floro ng 71 pa-145, para sa girian ng apat na manlalaro sa unang premyong P168,750 ng event na nagsisilbing 10th at penultimate leg ng LPGT at inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

 

 

“I struggled on the greens with my club selection. I think nahirapan ako sa hangin at yun ang adjustment,” sey ni Avaricio, na binawi ang tatlong bogey sa unang anim na butas sa kambal na birdie hanggang pang-10 na nagpanatili sa kanya sa unahan laban sa mga karibal na dinaig niya ng anim na palo rito noong Hunyo.

 

 

“I really wasn’t hitting it close to the pin and I didn’t really give myself chance (sa mga birdie),” hirit ng Hallow Ridge at Caliraya Springs leg champion na ginagamit ang torneo sa paghahanda para sa Ladies Professional Golf Association Qualifying-School Stage II sa Florida sa Nobyembre. (REC)

Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.

 

 

Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang linggo lang, diniin ni Brodeth ang pananalasa sa girls’ 16- at 18-and-under, pinahandusay si Kate Imalay ng Danao, Cebu, 6-1, 6-1, saka tinabunan ang kapwa Ormocanon na si Mia Gemida, 6-3, 6-0, ayon sa pagkakasunod, sa isa pang pagdoble sa Group 2 tournament na matagal nang naghahanap ng mga talento tenista sa bansa.

 

 

Pinadapa ni Sepulveda si Urcisino Villa ng Sogod, Leyte, 7-5, 6-2 sa boys’ 12-U finals, pero nabitin ang rising Pardo, Cebu City star sa 14-U play, bumalentuang kay Kenzo Brodeth sa pareong iskor.

 

 

Pero ang 1-2 natapos niya ang nagpassosyo sa kanya sa Mst Valuable Player kay Kimi sa event nakaloob  ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro, at nagsilbing panimula sa Pintaflores Festival Juniors Championships sa San Carlos, Negros Occidental simula ngayong Huwebes, Oktubre 27.

 

 

Nagsipanalo rin sa week-long event na hatid ng Dunlop at mga sionuportahan ng ProtekTODO, PalawanPay,  Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sina Imalay, Ma. Caroliean Fiel, John David Velez at Gerald Gemida . (REC)

LTO enforcer na sinagasaan ng SUV, binigyan ng pagkilala

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN ng Land of Transportation Office (LTO) ang Field Enforcement Division, Law Enforcement Service na si Butch S. Sebastian dahil sa tapat niyang paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang isang Law Enforcer Officer.

 

 

Personal na iniabot ni LTO Assistant Secretary Atty Teofilo Guadiz III kay Sebastian ang Certificate of Commendation na ginanap sa LTO Compound sa East Avenue, Quezon City.

 

 

Ito ay pagpupuri sa kanyang huwarang at pambihirang serbisyo bilang Law Enforcer Officer, gayundin sa kanyang pagsisikap na ipatupad ang Republic Act 4136, sa kabila ng insidente na kinasangkutan ng isang SUV driver na gumagamit ng “wangwang” at blinker at sinagasaan si Sebastian habang gumaganap ng kanyang tungkulin sa EDSA Busway sa Lungsod ng Caloocan.

 

 

Ani Guadiz, ang propesyonalismo at hindi natitinag na mga pangako, sigasig at dedikasyon sa serbisyo na ipinakita ni Sebastian ay tunay na karapat-dapat na kilalanin at tularan. (Richard Mesa)

FANS CHAMPION “BLACK ADAM” WORLDWIDE, SEEN TO DOMINATE PH BOX-OFFICE THROUGH LONG WEEKEND

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

October 26, 2022 – DC universe’s fan-favorite antihero “Black Adam” electrified the global box office this weekend with a raging $140 million, becoming Dwayne Johnson’s biggest solo opening ever (outside the ensemble-led “Fast & Furious” franchise).

[Watch the featurette “Black Adam: From Soul to Screen” at https://youtu.be/3-mscP3eIts]

Bringing the superhero’s compelling origin story to the big screen for the first time, “Black Adam”  is the No. 1 film in nearly every market in 76 territories, including the Philippines, United Kingdom, Mexico, Brazil, Australia and France.  “Black Adam” also captured the No. 1 spot in the US with a $67 million debut.

In the Philippines, DC fans carried “Black Adam” to the top of the charts with a first-week gross of a badass P66.2-million, capturing a market share of 91%.  The film gave Warner Bros. Philippines its biggest opening this year and in the pandemic era, as well as its highest debut since 2019’s “Joker.”

Ahead of the All-Saints Day long weekend, the epic superhero film is expected to continue dominating the box-office as moviegoers avail of the opportunity to go to the cinemas during the holiday.

“We’re so excited by the fantastic box-office success of `Black Adam,’” says Francis Soliven, General Manager of Warner Bros. Philippines, the film’s local distributor.  “The anticipation has been building with movie fans to finally see this origin story on the big screen and the audience  has spoken — `Black Adam’ has exceeded their expectations.”

Indeed, the movie earned an Audience Score of 90% at review-aggregator site Rotten Tomatoes, with fans citing the mind-blowing action scenes, the incredibly likable Justice Society, the deadpan humor, and compelling story, plus the internet-breaking mid-credits scene that everyone’s talking about.

About “Black Adam”

From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC antihero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).

In ancient Kahndaq, the slave Teth Adam was gifted the almighty powers of the gods. But he used those powers for vengeance and was imprisoned. Now, 5,000 years later, he is freed and once again wields his dark sense of justice onto the world. Refusing to surrender, Teth Adam is challenged by a team of modern day heroes known as the Justice Society— Hawkman, Doctor Fate, Atom Smasher and Cyclone—who seek to return him to eternal captivity.

Johnson stars alongside Aldis Hodge (“City on a Hill,” “One Night in Miami”) as Hawkman, Noah Centineo (“To All the Boys I’ve Loved Before”) as Atom Smasher, Sarah Shahi (“Sex/Life,” “Rush Hour 3”), Marwan Kenzari (“Murder on the Orient Express,” “Aladdin”), Quintessa Swindell (“Voyagers,” “Trinkets”) as Cyclone, Mohammed Amer (“Mo,” “Ramy”), Bodhi Sabongui (“A Million Little Things”), and Pierce Brosnan (the James Bond and “Mamma Mia!” franchises) as Doctor Fate.

Now playing in Philippine cinemas, “Black Adam” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

(ROHN ROMULO)

Ads October 28, 2022

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

6 person of interest sa Lapid slay case, nasa kustodiya na ng mga awtoridad – Remulla

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang anim na person of interest sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

 

 

Ibinunyag din ng Justice chief na isa sa nasa pangangalaga ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation ay posibleng may kaugnayan sa biglaang pagkamatay ni Jun Villamor habang nasa New Bilibid Prison, na isa sa itinuturing na middleman sa pagpatay kay Lapid.

 

 

Subalit nilinaw ni Remulla na ang tatlong person of interest na magkapatid na sina Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan at isang kilala bilang Orly/Orlando ay wala pa sa kustodiya ng mga awtoridad.

 

 

Gayunpaman ayon kay Remulla ang mahalaga ay nasa kanila ng kustodiya at ligtas ang mga binanggit ng kapatid ng nasawing middleman.

 

 

Magugunita na unang lumantad at lumapit ang kapatid na babae ng nasawing middleman kay Senator Raffy Tulfo kung saan kaniyang ibinunyag na mayroon siyang hawak na impromasyon mula sa kaniyang kapatid tungkol sa tatlong inmates, na inilagay na sa witness protection program, na kailangang maimbestigahan sakaling ito ay mamatay. (Daris Jose)

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMIKILOS  na ang iba’t ibang  Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi.

 

 

Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa Diyos na naging ligtas sa kapahamakan dulot ng paglindol ay nagsasagawa na sila ng post disaster assessment sa mga lugar na pinaka-naranasan ang pagyanig.

 

 

“Sa ngayon po awa ng Diyos ay okay kami in general pero mayroon pa din mga naapektuhan na grabe at sila po ang may pangangailangan. Minor damages lang po sa mga Simbahan [bagamat] may isang Simbahan na hindi makakapag-celebrate ng misa kasi delikado [yung] pader nila.” mensahe ni Fr. Pillos sa Radyo Veritas.

 

 

Ang nasabing Simbahan ay ang St. John Bosco Parish na matatagpuan sa bayan ng Dingras, sa Ilocos Norte.

 

 

Sinabi ni Fr. Pillos na na maglalabas ng ulat ang Diyosesis oras na makumpleto ang kanilang assessment at magsasagawa ng agarang pagtulong para sa mga apektadong residente kung kinakailangan.

 

 

Samantala, kumilos na din ang Archdiocese of Nueva Segovia sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Nueva Segovia upang alamin ang naging epekto ng lindol sa lalawigan ng Ilocos Sur ayon sa mensahe ni Rev. Fr. Danilo Martinez ang Direktor ng nasabing tanggapan.

 

 

“We are okay pero we are waiting for the reports coming from the different Parishes” mensahe ni Fr. Martinez sa Radyo Veritas.

Mas mababang crime rate sa MM, naitala ng PNP ilang araw bago ang holiday season

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA  ng mas mababang bilang ng mga krimen sa National Capital Region ang Philippine National Police ngayong papalapit na ang holiday season.

 

 

Sinabi ni National Capital Region Police Office Spokesperson PLTCol. Dexter Versola na mas bumaba pa  ang rate ng peace and order indicator o yung tinatawag na 8 focus crimes na binabantayan nila sa rehiyon batay sa datos na kanilang nakuha mula sa Regional Investigation on Detection Management Office.

 

 

Bukod dito ay tumaas din daw ang bilang ng kanilang mga nahuhuli na nasa 16,000 na mga indibidwal mula sa dating 15,000 dahilan kung bakit talagang masasabi ngayon ng kapulisan na generally peaceful ang buong Metro Manila.

 

 

Samantala, una rito ay sinabi naman ni Philippine National Police chief PGen. Rodoldo Azurin Jr., na nakapagtala rin ang Pambansang Pulisya ng malaking pagbaba sa index crime sa bansa kung saan naitala nito ang nasa 11.98% o 366 na mga kaso.

 

 

Mula kasi sa dating 3,056 na mga kasong naitala ng kapulisan noong buwan ng Agosto ay mas bumaba pa ito sa 2,690 noong Setyembre ng taong kasalukuyan.

 

 

Ito ang dahilan kung kaya’t nananatiling positibo ang hepe ng pambansang pulisya na mas bababa pa ang maitatalang crime rate sa bansa hanggang sa pagsapit ng holiday season sa Disyembre hanggang bagong taon lalo na’t mas paiigtingin pa ng pulisya ang maximum deployment ng mga pulis at iba pang security personnel para sa pagpapanatili at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan.

PUGANTENG KOREANO, INARESTO NG NBI

Posted on: October 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO  ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tagiug City ang isang puganteng Koreano na wanted sa kanilang bansa.

 

 

Ayon sa NBI-International Operations Division, kinilala ang pugante na si Kim Girok na wanted sa human Trafficking actvities.

 

 

Hiniling ng  prosecutor ng Korean ang tulong ng NBI upang ito ay maaresto at mapabalik sa kanilang bansa.

 

 

Agad namang nagsagawa ng serye ng casing operation at internet survellaince upang matukoy ang eksktong lokasyon ng pugante kung saan nadiskobre ang kanyang tinutuluyan na condo sa Taguig.

 

 

Nakipag-ugnayan ang NBI sa Bureau of Immigration -Fugitive Search Unit gayundin sa Southern Police District (MPD) para sa joint operation para sa pag-aresto kay Kim.

 

 

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng NBI-IOD ang pugante para sa booking procedures saka iturn-over sa BI. (Gene Adsuara)