• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 29th, 2022

Bagyong Paeng magpapa-ulan sa Undas

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN  na magpapa-ulan sa panahon ng Undas ang bagyong Paeng na nasa bansa na ngayon.

 

 

Kahapon alas-11 ng umaga, si Paeng ay huling namataan sa layong 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at kumikilos pakanluran timog silangan sa bilis na 10 km bawat oras.

 

 

Taglay ni Paeng ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km at bugso na aabot sa 80 km bawat oras.

 

 

Bunsod nito, nakataas ang Signal number 1 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.

 

 

Ngayong Biyernes ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong Bicol Region at Eastern Visayas.

 

 

Dahil sa Shear Line at trough ni Bagyong Paeng, malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Southern Luzon, at northern portion ng Mindanao.

 

 

Sa Sabado, si Paeng ay lalapit sa Catanduanes at inaasahan na magla-landfall sa Linggo sa baybayin ng eastern portions ng Central Luzon o Cagayan Valley.

 

 

Sa susunod na 24 oras, maaabot ni Paeng ang severe tropical storm category at lalakas pa sa Sabado. (Daris Jose)

Ads October 29, 2022

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

40-45 million Pinoy, hindi pa naturukan ng booster shot ayon sa DOH

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMIGIT -kumulang 40 hanggang 45 milyong Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang unang booster shot ng mga bakuna laban sa Covid-19.

 

 

Inihayag ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na mahigit 20 milyong Pilipino sa ngayon ang nakakuha ng kanilang unang booster dose.

 

 

Kabilang sa mga dahilan ng mabagal na booster uptake ay ang ilang mga indibidwal ay kumpiyansa na sa kanilang unang dalawang dosis, habang ang ilang fully vaccinated ay nagpositibo sa Covid-19 at naisip na maaari nitong mapataas ang kanilang kaligtasan sa sakit.

 

 

Ang iba pang mga dahilan ay hindi kinakailangan ang mga booster shot sa mga lugar ng trabaho at paaralan, at ang ilan ay nagkakaroon pa rin ng “takot” dahil sa maling impormasyon na kumakalat tungkol sa mga bakuna.

 

 

Ang karagdagang pagpapagaan ng face mask policy ay maaari ding magkaroon ng masamang epekto sa booster uptake.

 

 

Sinabi ni Vergeire na ginagawa ng parehong pambansa at lokal na pamahalaan ang lahat upang mapataas ang uptake sa unang booster shot.

 

 

Muling hinimok ng Health official ang mga eligible Filipinos na magpa-booster.

Imposibleng ‘one-on-one’ nangyari na sa ‘Korina Interviews’… KORINA, harap-harapang tinanong si KAREN kung bakit sila pinag-aaway

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FOR the first time, sa isang sit-down interview, makakasama ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila.

 

“Bakit, sa tingin mo, pinag-aaway nila tayo?”

 

Natulala nga ang broadcaster na si Karen dahil sa harap-harapan at hindi inaasahang tanong ng kapwa broadcaster na si Korina.

 

“Pero bago mo sagutin yan… break muna tayo,” sabi ni Korina at saka sila nag-high five at nagtawanan.

 

Para sa maraming taga-industriya, ang one-on-one sa pagitan nina Korina at Karen ay IMPOSIBLE.

 

Napag-usapan na ang dalawa bilang “magkalaban” sa kanilang dating network na ABS-CBN mula noong 90’s. Kaya never pa silang nagkatrabaho sa isang proyekto.

 

Pero kung panonoorin ang trailer nang pinakahihintay na eksklusibong sandaling ito, makikita ang maraming high-fiving, tawanan, chikahan, pagkain, magaan na pagkukuwento at sa isang punto, napaiyak si Karen.

 

Bakit tumulo ang luha ni Karen? Ano ang nararamdaman niya sa social media bashing? Ano ang masasabi niya sa tanong ni Korina tungkol sa kanilang tunggalian?

 

Well, ‘wag palagpasin ngayon Linggo, ika-5 ng hapon sa Korina Interviews na napapanood sa NET25, para malaman mo.

 

Dagdag rebelasyon pa ni Ate Koring, “I didn’t know that Karen and I have so many things in our lives in-common. And it really surprised me.

 

“Was that rivalry real? Eh manood nalang kayo. And if you watch it on my YouTube Channel “Rated Korina”, don’t skip the ads ha!”

 

Mapapanood nga ang mga nakaraang episode ng Korina Interviews sa kanyang YouTube Channel na “Rated Korina” tuwing Miyerkules.

 

Panoorin ang revealing one-on-one ni Korina kasama si Dra. Vicki Belo na ngayon ang naka-upload na ngayon: https://youtu.be/aLkx30lsZNg

 

(ROHN ROMULO)

DSWD, may sapat na pondo para sa calamity assistance hanggang matapos ang 2022

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para suportahan ang  calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022.

 

 

“As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito sa ating central office at field offices,” ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa isang  public briefing.

 

 

“So handa po tayo at meron po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maapektuhan po ng mga bagyo at ng mga kalamidad,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, sinabi ni Punay na nagsimula na ang  DSWD na mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng  magnitude 6.4 earthquake sa Abra, araw ng Martes.

 

 

Sa Dingras, Ilocos Norte,  sinabi ni Punay  na nagbigay ang DSWD  ng financial assistance sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation program sa 8 pamilya kung saan ang mga bahay ay nawasak ng malakas na paglindol.

 

 

Nagbigay naman ang DSWD  ng P5,000  halaga ng  financial aid sa 7 katao sa Abra  na nasaktan noong mangyari ang lindol.

 

 

May  kabuuang 236 family food packs na nagkakahalaga ng  P160,000 ang ipinamahagai sa mga naapektuhan sa  Abra, at modular tents para sa mga ito.

 

 

“As of Thursday” tinuran ni Punay na may P198,000 halaga ng  humanitarian assistance ang naibigay sa mga earthquake victims.

 

 

“As of 6 a.m., 22 families or 76 individuals were in three evacuation centers in Region 1 and in the Cordillera Administrative Region,” ayon kay Punay.

 

 

Aniya, nakapagtala  sila ng 183 pamilya o 403 indibidwal na na-displaced  dahil sa lindol. (Daris Jose)

PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon.

 

 

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector  sa idinaos na pulong sa Palasyo ng Malakanyang  kasama ang ibang opisyal kung saan tinalakay ang housing backlog ng bansa.

 

 

Ayon sa  OPS,  ang backlog ay tinatayang aabot sa  6.5 million units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, para matugunan ang bagay na ito, layon nila na magtayo ng isang milyong pabahay kada taon sa ilalim ng administrasyong Marcos na nangangailangan naman ng annual budget na ₱36 billion.

 

 

Upang maisakatuparan ang “ambitious program” ng Pangulo, sinabi ng OPS na nais ng Punong Ehekutibo na lumikha ng  financing system “to find the country’s cash flow that will support the endeavor.”

 

 

Ipinanukala rin ng Pangulo, ayon sa OPS  ang incentivizing private entities na makatutulong sa pagsisikap na ito.

 

 

“I think we can, there should be sufficient incentives… [an] arrangement for the private banks to come in,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Maliban kina Pangulong Marcos at  Acuzar, ang miting ay dinaluhan ng mga pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System, Philippine National Bank at Land Bank of the Philippines.

 

 

Idinagdag pa ng OPS na nagpahayag ng kani-kanilang pagsuporta ang mga kinatawan ng  BDO, Metrobank, Union Bank, Ayala Corporation, at China Bank sa housing program ng administrasyong Marcos, sabay sabing tutulong sila sa pag-develop ng financing system. (Daris Jose)

Para sa movie na ‘When The Waves Are Gone’: JOHN LLOYD, nominated for Best Performance sa ’15th Asia Pacific Screen Awards’

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAMALAS ni Rere Madrid ang kanyang alindog sa nakaraang Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na ‘The Sparkle Spell’ dahil ang napili niya ay Marimar costume.

 

 

Natakpan ang dibdib ni Rere ng mga perlas at super backless siya. Suot din niya ang white skirt na may slit para makumpleto ang Thalia look niya.

 

 

Kasama pa niyang rumampa sa blood carpet ang kanyang nababalitang boyfriend na si Brix Ramos na siyang Sergio niya sa gabing iyon. Si Brix pala ay basketball player para sa UP Fighting Maroons.

 

 

Tila nagpaparamdam si Rere na siya ang puwedeng sumunod na Marimar pagkatapos nina Marian Rivera at Megan Young.

 

 

Dahil sobrang sexy ni Rere sa gabing iyon, hindi puwedeng makalagpas ang hitsura niya sa kanyang Kuya Ruru Madrid na nandoon din sa event kasama ang girlfriend na si Bianca Umali.

 

 

Nang tanuning namin si Rere kung ano ang comment ng kanyang Kuya Ruru sa suot niya?

 

 

“Sabi niya na mag-jacket daw ako!” sabay tawa ni Rere.

 

 

Kelan lang ay kasi ay pinagsabihan ni Ruru si Rere nang makita nito sa Instagram ang suot na maigsing short sa isang fashion event. Nag-comment si Ruru sa post ni Rere na magsuot ito ng pantalon.

 

 

Anyway, enjoy pala si Rere sa kanyang pagiging kontrabida sa Unica Hija. Kung papipiliin daw siya ng role, mas gusto raw niyang nang-aapi at nagtataray siya kesa daw sa siya ang apihin at tarayan.

 

 

***

 

 

NOMINATED si John Lloyd Cruz for Best Performance para sa pelikula niya with Lav Diaz na When The Waves Are Gone sa 15th Asia Pacific Screen Awards (APSA).

 

 

Nominated din for Best Director si Diaz at for Best Film ang naturang pelikula.

 

 

Magaganap ang awarding ceremony ng APSA sa November 11 sa Home of the Arts in Gold Coast, Australia.

 

 

Ayon sa website ng APSA: “Organized by the Asia Pacific Screen Academy, the award-giving event honors the cinematic excellence of 78 countries and areas from the region producing half the world’s film, celebrating cinematic storytelling that best reflects its cultural origins and the diversity of the Asia Pacific.”

 

 

When The Waves Are Gone ay tungkol sa kuwento ni Lt. Hermes Papauran, na tinatawag na country’s best investigator at ang kanyang pagpasok sa isang “moral crossroad.”

 

 

Ayon sa synopsis: “Lieutenant Hermes Papauran, one of the best investigators in the Philippines, is at a deep moral crossroads. He is a first-hand witness of the murderous anti-drug campaign conducted by his force, his anxiety and guilt triggering a severe skin disease. As he tries to heal, a dark past haunts him.”

 

 

Kakagaling lang ng pelikula ni Diaz sa Venice Film Festival kunsAan nasa Out of Competition selection ito noong September.

 

 

Kasama rin sa cast sina Ronnie Lazaro, Shamaine Buencamino, Danilo Ledesma, Aryanne Gollena, Roel Laguerta, Neil Alvin Delas Alas, Ronaliza Jintala at Don Melvin Boongaling.

 

 

Bukod sa When The Waves Are Gone, ang isa pang Philippine entry na Delikado ay nominated naman for Best Documentary Film.

 

 

***

 

 

KUMPIRMADO na ang pagiging Superman ulit ng aktor na si Henry Cavill dahil sa kanyang cameo sa Warner Bros-DC film na Black Adam.

 

 

“I wanted to make it official: I am back as Superman…Thank you for your support and thank you for your patience. I promise it will be rewarded. The character means so much to me. It’s been five years now. I never gave up hope. It’s amazing to be here now talking about it again. There is such a bright future ahead for the character. I’m so excited to tell a story with an enormously Superman,” sey ng aktor sa isang podcast interview.

 

 

Kuwento ni Cavill na natanggap niya ang tawag na mag-cameo sa Black Adam habang nagsu-shoot siya ng Netflix series na The Witcher. Kailangan niyang gawing confidential ang cameo niyang ito.

 

 

“I went to Warner Bros.’ studio in the UK and got back in the suit. It was a very powerful moment for me. I wasn’t sure how I would feel…whether it would be something very emotionally connective because I put the ‘Man of Steel’ suit back on. I chose that one in particular because of the nostalgia attached to the suit. It was important for me to be standing there and enjoying that moment. That is one of the top moments in my career. It feels great to have the opportunity to wear it again. I told myself I’m gonna let it sit and simmer in the background. I never lost hope, that was the key for me.”

 

 

Meron na raw bagong Superman project pero hindi pa puwedeng i-divulge ang tungkol sa kuwento nito.

 

 

Huling napanood si Cavill as Superman sa Justice League noong 2017. Una siyang gumanap Superman sa Man of Steel (2013) at Batman v Superman: Dawn of Justice (2016).

(RUEL J. MENDOZA)

PUV drivers na magbayad ng kanilang fare matrix ng hanggang Setyembre 2023

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ng hanggang Setyembre 2023 ang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers para makapagbayad ng kanilang bagong fare matrix.

 

 

Ito ang lamang ng inilabas na Board Resolution No. 173, na nagbibigay ng dalawang options ang mga drivers para mabayaran ang kanilang matrix.

 

 

Ang unang options ay ang directang pagbayad h abang ang pangalawa ay dapat mabayaran ng hanggang Setyembre 30, 2023.

 

 

Nakasaad din sa nasabing resolution ang pagtanggal ng P40 na ‘franchise verification fee” para sa mga pagproseso ng mga matrix.

 

 

Nauna ng sinabi ng LTFRB na mayroong 36 percent lamang sa mga PUV drivers ang nakapag-apply ng bagong fare matrix.

 

 

Mahigpit din ang bilin ng LTFRB na hindi maaring makasingil ang mga drivers ng bagong taas pasahe hanggang wala silang bagong fare matrix. (Daris Jose)

24/7 BI ONE-STOP-SHOP OFFICE, PINASINAYAAN

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang bagong 24/7 One-stop-shop na tanggapan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ang kanilang bagong tanggapan ay matatagpuan sa ikatlong level, Government Clearing Center ng NAIA Terminal 3  na nagseserbisyo sa mga dayuhang pasahero  na nangangailangan ng visa extension at exit clearances.

 

 

Pinangunahan ni  BI Commissioner Norman Tansingco ang seremonya kasama ang ilang opisyal ng BI, Department of Justice, at Manila International Airport Authority.

 

 

“Upon my assumption in office we immediately assessed where we are and what needed to be done,” ayon kay  Tansingco.  “The creation of this office to cater to those who would need urgent immigration documents was seen as a solution to improve our services,” dagdag pa nito.

 

 

Nilinaw ni  Tansingco na ang nasabing tanggapan ay para lamang ito sa mga dayuhang pasahero na nangangailangan ng immigration documents. Ang ibang mga dayuhan ay pinapayuhan na bumisita sa halos 60 mga tanggapan nationwide.

 

 

“We heed the directive of the President and the Secretary of Justice to ensure that services are fast, efficient, and accessible to the public,” ayon kay Tansingco. (Gene Adsuara)

Mga bansang magbibigay ng securities para sa FIFA World Cup dumating na sa Qatar

Posted on: October 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
DUMATING na sa Qatar ang ilang mga sundalo mula sa ibang bansa na para magbigay ng seguridad sa FIFA World Cup na gaganapin sa huling linggo ng Nobyembre hanggang Disyembre.
Mayroong 13 bansa kasi ang nangako na magpapadala sila ng mga sundalo sa Qatar para tumulong sa pagbibigay ng seguridad.
Nitong nakaraang mga linggo lamang ay nagsagawa ang Qatar security forces at mga sundalo ng 13 bansa ng limang araw na security exercises sa bansa.
Ang hakbang na ito ay para matiyak na handa ang mga ito sa pagresponde sakaling magkaroon ng emergency.
Isa ang Turkey na nagpadala na ng mahigit 3,000 riot police officers na itatalaga sa mga stadiums at hotels.
Magpapadala rin ang Turkey ng 100 special operations police officers, 50 bomb specialist at 80 sniffer dogs.
Sinabi naman ni Turkish interior minister Suleyman Soylu na noong Enero ay kanilang sinanay ang 677 Qatari security personnel sa 38 different professional areas.
Nasa Qatar na rin ang mga sundalo ng Pakistan habang ang France ay mayroong ipapadala na 220 na sundalo.
Magpapadala naman ang Morroco ng mga cybersecurity experts sa Qatar at ang United Kingdom ay magpapadala ng ilang Royal Navy at mga maritime experts.
Inaasahan kasi ng Qatar ang pagdating ng nasa mahigit 1.2 milyon na football fans sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18.