INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya.
Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner.
Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na magaganap sa Subic Bay Freeport ngayong November 5 at 6, hinggil sa kanilang pagpapakasal.
Say ni Jomari, “We will get married pagkatapos ng last term ko.
Alam n’yo masarap umuwi sa bahay na kasama mo ang taong mahal mo, ka-match mo.
“Ang dami na nating pinagdaanan, pandemic and all. You learn to appreciate the little things. Lalo na ang essence ng buhay. Dapat kasi ngayon, ang approach mo sa buhay, positive lang, good life. Tama na yung negativity.”
Ang problema lang nila, nasa Amerika ang family ng ng aktor habang nasa Canada naman ang kay Abby, kaya saan kaya sila unang magpapakasal?
Pangarap talaga na ‘yun ni Jom para kay Abby, kaya pinaghahandaan niya nang husto.
“Si Abby, gusto ko makita siya walking down the aisle na naglalakad siya titingin sa kaliwa, sa kanan, makikita niya ang mga kaibigan niya, mga pamilya niya, people who are very, very close to you.”
Hindi naman maiwasan ni Abby na kiligin sa mga binitiwang salita ng kanyang partner, “nu’ng naririnig ko kanina ‘yung about kasal, kinikilig talaga ako.
“But I’m not kasi the typical na dream wedding girl, kasi siguro nagsawa ako noong gumagawa ako ng pelikula, ang daming beses ko nang ikinasal.
“But this one, ito na ‘yon. Siguro, ‘pag nangyari na lang, siguro iiyak talaga ako nang iiyak.”
Samantala, ang naturang car racing ay tribute para kay Paeng Nodalo, na kinikilala sa motor sports, at nagpasikat ng Mabuhay Rally.
Si Jomari lang naman ang first Filipino na naka-score ng podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014. Isa rin ang aktor na magbabalik-pelikula na this December, sa top three winners ng Super Race Round 8 Championship, Accent One category. Ang kanyang racing team na Ylanna GTR ang first Filipino na nagwagi sa naturang racing event.
Nakapag-uwi na rin siya ng tropeo at karangalan sa Philippine National Touring Car Champion Driver 1996 bilang Rookie of the year; Runner up and Champion driver, Philippine National Touring Car Championship for Toyota Team Toms, 1997-2001, and Runner up, Philippine Grand Touring Car Championship, 2014-2015 (Yllana Racing Team).
Ang motorsports outfit niya na Yllana Racing, with himself as team principal, ay sumalin rin Philippine Grand Touring Car Championship noong 2013.
***
NAKAKA-EXCITE kung saan-saang international film festivals makapapasok ang Socmed Ghosts ng prinoduce nina Doctor Michael Raymond Aragon, ang founding chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).
Ayon kay Dr. Aragon, ngayon tapos ang movie, “this November isa-submit namin as entry sa different filmfests, like sa Paris International Filmfest, Canadian filmfest, etc.
“Kumbaga, lahat ng filmfests ilalako naman ito, tulad sa India.
“Ang why filmfests, because we want to report to the world about this four issues na nangyayari sa Pilipinas.
“Pero hindi naman target ipalabas dito, ‘pag nanalo sa international, saka namin ibabalik dito at ipalalabas.
At dahil nga tapos na ang shooting, this month, mag-i-start sila ng next movie na may title na ‘Thank You for the Broken Heart’ na kung saan si Chase Romero uli ang bida, at makakasama niya sa May-December movie ang beteranong aktor na si Rey ‘PJ’ Abellana, na kung saan gaganap silang mga frontliners sa magkaibang fields.
Ikinuwento nga ng writer/producer na si Dr. Mike na ang naturang romcom indie film na tulad ng Socmed Ghosts ay ipalalabas din sa iba’t ibang international film festivals.
Samantala, inamin ni Doc Michael na nakikipag-usap na sila sa local LGUs ng Quezon City sa plano niyang gawing “Hollywood Lane of the Philippines” ang buong Scout Borromeo Street sa Quezon City, District 4.
“May mga meeting ako with some of the LGU officers ng Quezon City na sana magkaroon ng City Ordinance converting the entire street of Scout Borromeo located at Barangay South Triangle, District 4, Quezon City into a center/landmark (Hollywood Lane of the Philippines) dedicated to support activities related to filmmaking/movie industry, entertainment arts and culture and to provide a FREE ZONE where artists and filmmakers alike will be able to shoot and create movies “Permit Free” in the said area/zone and to allocate funds and resources needed to create, operate, sustain and support this so-called “Hollywood Lane of the Philippines” into a novel tourist spot/ destination for both celebrities and their fans from the entire country.”
Napakaganda nga nga vision ni Dr. Aragon sa naturang ordinansya na sana ay maisakutuparan sa mga darating na taon at maging tourist spot ang buong Sct. Borromeo at maging tambayan din ang mga celebrities, work related man o gusto lang gumimik at mag-unwind.
Kaya ipag-pray natin na walang kokontra sa naturang panukala at maging ganap na batas sa Quezon City, na tinaguriang ‘City of Stars’.
(ROHN ROMULO)