• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 3rd, 2022

Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.

 

 

Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga inisyung laptops, desktops, tablets at smart phones sa mga guro nang ipatupad ang distance learning.

 

 

Sa statement na inilabas ng ACT, nakatanggap umano sila ng ulat sa ilang public school teachers na inatasan sila ibalik ang mga gadgets dahil na rin sa pagpapatupad  ng full face-to-face classes na magsisimula na nga ngayong araw na ito Nob. 2.

 

 

Gayunman, pinabulaan ito ng DepEd’s regional director sa NCR na naglinaw na wala silang ibinababa na ganitong kautusan. (Daris Jose)

‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.

 

 

Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantalaa ang mga may pakana sa online modus.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alba ang publiko na mag-ingat sa mga text message, email, at tawag na natatanggap mula sa mga hindi rehistradong numero o email addresses.

 

 

Hangga’t maaari pa ay agad itong burahin at wag nang i-click ang anumang natanggap na kahina-hinalang link.

Isa sa mga dahilan kung bakit nag-retire na sa showbiz: DEREK, anak na talaga ang turing kay ELIAS at ‘di stepson

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“I adore this boy. I hate using the word stepson, I think he’s my son,” ang bulalas ni Derek Ramsay nang nakausap namin kamakailan sa SamLo Cup fundraising golf tournament ng aktres na si Samantha Lopez.

 

 

Ang tinutukoy ni Derek ay si Elias na anak ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na misis na ngayon ni Derek.

 

 

“But with that said, I don’t want to disrespect John Lloyd,” pagpapatuloy pa ni Derek.

 

 

“He’s the biological father and I’m always going to be second best to John Lloyd. But I love him like he’s my own.

 

 

“I told John Lloyd that his son is always going to be safe when he’s with me. Elias is a very smart and affectionate boy. Sobrang bait and respectful. “Elias and I really get along kasi same maturity level. Hahahaha!

 

 

“Ngayon, nagpapabili na siya ng mga golf gloves. Mahirap lang turuan kasi alam na daw niya. Tinuturuan ko siyang pumalo ng golf ball, sabi ko, ‘Do this.’ Sabi niya, ‘No, I know already.’

 

 

“Sabi ko, ‘No, you don’t know anything yet.’ Sagot niya, ‘No, I know everything.’ Wala na akong masagot. Sabi ko na lang, ‘Sige, you know everything.'”

 

 

Isa si Elias sa mga dahilan kung bakit nag-retire si Derek sa showbiz.

 

 

“Sobra kong na-enjoy being a step father to Elias siguro kasi hindi ko na-experience iyon with my son growing up because he was abroad with his mother.”

 

 

May anak si Derek, si Austin na nineteen years old na ngayon, sa dating modelong si Mary Christine Jolly.

 

 

“So, I’m really enjoying being a father, I’m really enjoying being a husband, and I’m really enjoying spending so much time with my parents and my wife.”

 

 

***

 

HINDI nagkamali ang teen actress na si Jhassy Busran na tanggapin ang offer na maging brand ambassador ng Winkle Tea & Winkle Donuts dahil kakaibang klase ng produkto ang mga ito.

 

Ayon sa impormasyong ibinigay sa amin ng Winkle Tea & Winkle Donuts Owner and President Whinie Marata, ang doughnuts nila ay ginamitan ng Stevia na healthy na pamalit sa asukal at ang milk tea naman nila ay mayroong, hold your breath… collagen at glutathione!

 

Mismo, safe para sa mga diabetic ang Winkle Donuts at kapag regular na ininom ang Winkle Milk Tea ay gaganda ang inyong katawan at kikinis at puputi ang inyong balat.

 

 

Business partner/franchisee ni Whinie sa Ayala Malls Feliz branch si Curby de Vera na pinakabagong branch ng Winkle Tea & Winkle Donuts.

 

 

Meron din silang branch sa Ayala Mall the 30th at sa The Globe Tower sa BGC Taguig City. Open na rin sila for franchise tumawag lang sa 0995-5514380.

(ROMMEL GONZALES)

“BONES AND ALL” EARNS GOTHAM NOMINATIONS FOR TAYLOR RUSSELL, MARK RYLANCE

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE Gotham Film & Media Institute announced recently the nominations for the 32nd Annual Gotham Awards in which Warner Bros. Pictures’ new romantic thriller “Bones and All” was recognized with two nominations for its cast members.  

Taylor Russell is nominated for Outstanding Lead Performance, while Mark Rylance scored an Outstanding Supporting Performance nomination.  Russell and Rylance play society outcasts who approach their otherness in completely opposite ways.  (Starting last year, the acting categories in Gotham Awards has been gender-neutral.)

 

[Watch the film’s extended trailer at https://youtu.be/4m4CmFXMtnU]

 

The Gotham Awards, one of the leading honors for independent film and television, provides early acknowledgement to groundbreaking independent films and television series. Selected by distinguished juries and presented in New York City, the home of independent film, the Gotham Awards are the first honors of the film awards season.  The 2022 Gotham Awards Ceremony will be held live and in person November 28.

Previously, “Bones and All” was recognized in the recent 79th Venice Film Festival where it won the Silver Lion for Best Director Award for Luca Guadagnino and the Marcello Mastroianni Award for Best Young Actress for Taylor Russell.

In “Bones and All,” first love finds Maren (Taylor Russell), a young woman learning how to survive on the margins of society, and Lee (Timothee Chalamet), an intense and disenfranchised drifter, as they meet and join together for a thousand-mile odyssey that takes them through the back roads, hidden passages, and trap doors of Ronald Reagan’s America. But despite their best efforts, all roads lead back to their terrifying pasts and a final stand that will determine whether their love can survive their otherness.

Directed by Luca Guadagnino, “Bones and All” stars Taylor Russell (“Escape Room”), Timothée Chalamet (“Dune”) and Mark Rylance (“Dunkirk”).  Based on the novel by Camille DeAngelis, screenplay by David Kajganich.

Only in cinemas across the Philippines starting November 23, “Bones and All” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

Join the conversation online and use the hashtag #BonesAndAll

 

(ROHN ROMULO)

Welder kulong sa ice pick at shabu sa Valenzuela

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABISTO ang dalang shabu ng isang 43-anyos na welder matapos masita ng mga pulis dahil sa bitbit nitong isang improvised ice pick sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong pagpabag sa Article 151 of RPC, PB6 at RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Malvin Malatamban  ng Phase 2 Hambord St. Brgy. Lawa Meycauyan, Bulacan.

 

 

Sa kanyang report kay Valenzuela police Chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni PSSg Carlos Erasquin Jr, habang naka-duty sina PSMS Roberto Santillan at Pat Leonardo Quimson, kapwa ng Sub-Station 6 ng Valenzuela police sa Valenzuela Memorial Cemetery nang maispatan nila ang suspek na naglalakad sa C. Molina St. Brgy. Veinte Reales dakong alas-5 ng hapon at may hawak na improvised ice pick.

 

 

Nilapitan siya at sinita ng dalawa saka nagpakilalang mga pulis at nang aarestuhin na ang suspek dahil sa dalang deadly weapon ay pumalag ito at kumaripas ng takbo.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto kung saan nakumpiska sa kanya ang naturang ice pick at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ni PSMS Santillan ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng abot isang gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga. (Richard Mesa)