MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC).
Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — Collection Efficiency of Locally Sourced Revenues, at 3 — Year-on-Year (YoY) Growth in Locally Sourced Revenues.
Ang data ay batay sa mga ulat ng Q4 FY 2021 Statement of Receipts and Expenditures (SRE) na isinumite ng mga Local Treasurer, noong Marso 31, 2022, alinsunod sa BLGF MC No. 08-2015 na may petsang 21 Abril 2015, at ang pagsusuri nito at ang kasunod na pagproseso nito ay ginawa ng Bureau’s Local Financial Data Analysis Division (LFDAD).
Tinanggap ni Mayor WES Gatchalian ang awards, kasama si Ms. Adelia E. Soriano, City Treasurer and Atty. Cecilynne R. Andrade-Aboganda, City Assessor.
“Sama-samang efforts naman (ito) ng Lungsod ng Valenzuela. Tulong-tulong ang mga tao, tayo, sa pagkamit nitong mga awards kaya nakakatuwang patuloy (ang) pag-recognize sa atin (ng BLGF).” ani Ms. Soriano.
Ang Certificates of Recognition ay ibinibigay sa mga kinauukulang LGU, kabilang ang mga awardees ng Local Revenue Generation Hall of Fame — isang karagdagan regular performance awards alinsunod sa direktiba ng Secretary of Finance na inilunsad ng Bureau ang espesyal na kategoryang ito para sa mga LGU na mahusay na nakamit ang huwarang pagganap sa lokal na koleksyon ng kita sa nakalipas na tatlong magkakasunod na taon sa bawat lugar ng pagganap.
“Another achievement from my last year as Mayor. We couldn’t have done it without the help of our Valenzuelano taxpayers! Congratulations to us and again, maraming salamat sa ating Valenzuelano taxpayers! Sa pagkakaisa, tuloy ang progreso!” pahayag naman ni Congressman REX Gatchalian. (Richard Mesa)