• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 8th, 2022

PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

 

 

“Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders they are,”  ayon kay DFA Assistant Secretary Eric Tamayo.

 

 

Napaulat na dadalo rin sa  APEC Leaders Meeting si United States Vice President Kamala Harris  na nakatakda sa susunod na linggo.

 

 

At sa tanong kung makakapulong ni Pangulong Marcos sina United States Vice President Kamala Harris at Russian President Vladimir Putin,  na dadalo sa summit,  sinabi ni Tamayo  na: “Right now, I can say that among the roster of bilateral meetings of the President that these meetings have yet to be explored for the time being.”

 

 

Nauna nang sinabi ng White House  na bibisita sa Pilipinas si  Harris para muling pagtibayin aty palakasin ang  US-Philippines Alliance at  “underscore the breadth of our cooperation as friends, partners, and allies”  matapos ang kanyang partisipasyon sa  APEC.

 

 

Ang Thailand  ang magho- host ng APEC Summit ngayong taon na may layunin na ituon ang pansin na ipanumbalik ang  connectivity sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng  “safe and seamless cross-border travel, reinvigorating tourism and the services sector, facilitating business mobility as well as increasing investment in health security.”

 

 

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, ang APEC Summit ay isang oportunidad  para sa Pilipinas para isulong ang “economic agenda at priorities.”

 

 

“These include the empowerment of our MSMEs (micro, small and medium enterprises) and their inclusion in global value chains, recognition of essential role of our maritime crews and seafarers in ensuring stable and resilient supply chains, ensuring our food and energy security and climate change mitigation and adaptation,” ayon kay Garafil.

 

 

Sa gitna ng COVID-19 pandemic,  ang APEC ay gumawa ng  “utmost effort”  nito na i- adapt at pag-usapan ang “unprecedented challenges” na makaaapekto  sa  economic well-being ng rehiyon.

 

 

Itinatag noong 1989, ang  APEC  ay mayroong core value  na i-promote ang  regional economic integration  sa ilalim  ng non-legally binding manner at friendly environment.  (Daris Jose)

Pinsala sa infra kay ‘Paeng’, P4.3 bilyon na

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa P4.3 bilyon ang pinsalang iniwan ng Severe Tropical Storm Paeng sa mga imprastruktura sa bansa.

 

 

Batay sa pinakahu­ling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 722 imprastruktura ang napinsala sa buong bansa pinakamalaki sa Calabarzon na may  111 at nagkakaha­laga ng P1,243,670,800.

 

 

Sinundan ito ng Mimaropa na may 191 damaged infrastructure at nagkakahalaga naman ng P794,207,400, sinundan ng Bicol Region sa P793,374,689.99 dulot ng 180 mga nasirang imprastruktura.

 

 

Lumilitaw din sa NDRRMC report kahapon na 107,343 indibidwal o 26,731 ang nawalan ng tirahan at nanatili sa 954 evacuation centers habang  920,586 katao o 325,664 pamilya ang nasa labas ng evacuation centers.

 

 

Samantala nasa 120  kalsada at 68 tulay ang hindi pa rin madaanan. (Daris Jose)

Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat.

 

 

Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho.

 

 

Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at mas agresibo na rin ang ibang bansa sa pag-hire ng mga nurses.

 

 

Dahil dito, nalalagay ngayon sa alanganin ang bansa sa pagtugon sa kakulangan ng sariling mga health care workers.

 

 

Kung maaalala, noong buwan ng Setyembre ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais nitong taasan ang cap sa bilang ng mga nurses na papayagang pumunta sa ibayong dagat mula sa kasalukuyang 7,500 kada taon.

 

 

Pero kailangan din umano ng bansa na mapaganda ang oportunidad ng mga nurse sa bansa para hindi na sila maghanap ng trabaho sa ibayong dagat.

 

 

Ang ipinatupad na cap ay naging polisiya ng bansa noong 2020 para hindi umalis ang karamihan sa mga nurse matapos tumama ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

 

Lumalabas na ang mga Pinoy nurses na fluent sa pagsasalita ng Ingles ang mataas ang demand sa ibayong dagat.

 

 

Sa katapusan ng 2021, nasa 310,000 sa 910,000 registered nurses sa bansa ang nagtatrabaho na sa ibagyong dagat ayon sa advocacy group na Filipino Nurses United at Health Department.

 

 

Nasa pagitan ng 13,000 at 22,000 nurses ang umaalis kada taon sa mga mas mayayamang bansa gaya ng Australia, Britain, Germany, Japan, Saudi Arabia at United States.

 

 

Pero noong 2020 at 2021, matapos ipatupad ang cap sa mga nurse, ang pinagsamang bilang ng mga nurses na nais magtrabaho sa ibayong dagat ay bumaba sa 16,391.

 

 

Habang ang bansa ay nangangailangan pa ng 100,000 nurses ayon sa Department of Health (DoH).

 

 

Ayon naman kay Philippine Nurses Association President Melvin Miranda, ang mababang sahod at poor working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat. (Daris Jose)

Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6.

 

 

Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit niya ang Silver Medal para sa Men’s Vault category at Bronze Medal para naman sa Men’s Parallel Bars category sa Apparatus Finals Day 2 ng naturang world championship event.

 

 

Halos hindi nga kami nakatulog gabi ng November 6 ni Jun Esturco, ang managing director ng KG Management na siyang may hawak sa non-sports side ng career ni Carlos (tulad ng mga makukuhang commercials and product endorsements) habang pinapanood namin ng live online ang pakikipaglaban ni Carlos sa mga iba pang world-class athletes na nanggaling pa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

At noong November 7 naman ng umaga, pagkagaling sa after party nila ng mga kapwa niya atleta doon sa Liverpool ay nakapanayam namin si Carlos via Zoom.

 

 

Itinodo raw ni Carlos ang kanyang makakaya sa kumpetisyon.

 

 

“Ang ibinuhos ko po, ten out of te po talaga!

 

 

“Pero ayun po yung kinalabasan, e.

 

 

“Siyempre may pagkukulang din po ako sa praktis, and labanan po talaga ng utak po talaga kasi tuluy-tuloy po yung competitions and medyo napagod na din po yung katawan ko, pati yung pagpo-focus ko siyempre hindi naman po talaga madali yung palaging naka-on yung focus mo, e.

 

 

“Medyo mas mapapagod ka po talaga kapag mentally-drained ka kaysa physically po e,” sinabi sa amin ng Pinoy champion.

 

 

At hindi naman masama na sa pitumpung mga athletes sa buong mundo na nag-compete ay isa si Carlos sa iilang nagkamit ng medalya, and not one, but two!

 

 

Mabuhay ka, Caloy!

 

 

***

 

 

NITONG nakaraang May 2022 elections ay nagwagi si Aiko Melendez bilang konsehal sa 5th District ng Quezon City at ang ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ang comeback niya sa pag-arte.

 

 

Hindi ba mahirap pagsabayin ang pagiging public servant at pagiging artista?

 

 

“Mahirap! In fact may pagkakataon na bumigay na yung katawan ko talaga, nagkasakit ako!

 

 

“Thank God negative ako, wala akong COVID and sobra lang talagang, over-fatigue lang talaga ako kaya kailangan din ng pahi-pahinga.

 

 

“Mahirap pero kasi kung gugustuhin mo ang isang bagay e may paraan e,” pahayag pa ni Aiko na gumaganap na Lily Chua sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters.’

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Empowering Film ‘She Said’ Based on True Events

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TWO-TIME Academy Award® nominee Carey Mulligan (Promising Young Woman, An Education) and Zoe Kazan (The Plot Against America, The Big Sick) star as New York Times reporters Megan Twohey and Jodi Kantor, who together broke one of the most important stories in a generation— a story that shattered decades of silence around the subject of sexual assault in Hollywood and altered American culture forever.

 

 

From the Academy Award® winning producers of 12 Years a Slave, Moonlight, Minari, Selma and The Big Short and the Oscar®-nominated producer of Zero Dark Thirty and American Hustle, the film is based on the New York Times investigation by Jodi Kantor, Megan Twohey and Rebecca Corbett and the New York Times bestseller, She Said: Breaking the Sexual Harassment Story That Helped Ignite a Movement by Jodi Kantor and Megan Twohey.

 

 

A testament to the power of investigative journalism, She Said details the journey of reporters and editors engaged in the unrelenting pursuit of the truth and highlights the courage of survivors and witnesses who chose to come forward to stop a serial predator in his tracks. Together, their commitment and fortitude sparked a national conversation, helped propel the #MeToo movement, and fueled a reckoning of the system that had enabled him.

 

 

The film costars Oscar® nominee Patricia Clarkson (Shutter Island, Pieces of April), Emmy winner Andre Braugher (Homicide: Life on the Street, Thief) and Tony winner Jennifer Ehle (Zero Dark Thirty, Pride and Prejudice), with Academy Award® nominee Samantha Morton (Minority Report, In America).

 

 

She Said is directed by Emmy winner Maria Schrader (Unorthodox limited series) from a screenplay by Rebecca Lenkiewicz, screenwriter of the Oscar® winning film Ida.

 

 

The film is produced by Academy Award® winners Dede Gardner and Jeremy Kleiner for Plan B Entertainment and is executive produced by Oscar® winner Brad Pitt and Lila Yacoub and by Oscar® nominee Megan Ellison and Sue Naegle for Annapurna Pictures. Universal Pictures presents an Annapurna & Plan B production.

 

 

She Said is an inspiring true story about people, many of them women, many of them mothers, who summoned the courage to speak out and seek justice, not just for themselves but for those in the future, both in the U.S. and around the globe.

 

 

The feature film will open in local cinemas on November 23. (source: https://www.universalpictures.com/movies/she-said)

(ROHN ROMULO)

IRONMAN 70.3 Puerto Princesa daragsain ng mga lokal, dayuhan

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGARANG pakikipagsapalaran sa magandang isla ng bansa at hindi pa nalalapastangan ng mga tao ang naghihintay sa mga endurance racer sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa na kakaripas sa Linggo Nobyembre 13.

 

 

Una para sa kabisera ng Palawan, may pinakamalinis na kapaligiran sa bansa, na magdaraos ng premier tri-sport na todo suporta lahat para matiyak ang pulido’t taumpay na tatapos sa serye ng  IM at 5150 race ng organizer IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. sa pawakas na taon.

 

 

Bahagi rin ang IM 70.3 Puerto Princesa sa paglaki ng IRONMAN sa Asia na magiging kasangga ang lungsod sa pagpapatuloy ng karera sa 2023 at sa mga parating pang mga taon.

 

 

“We are excited to grow our portfolio of races in Asia. We are always on the lookout to create new race experiences that allow our athletes to compete in unique destinations, while pursuing their best performance,” lahad nitong isang araw ni IRONMAN Group Asia managing director Jeff Edwards.

 

 

Pang-1,300 na sa kasalukuyan ang mga kumumpirma ng paglahok sa kaganapan, kabilang ang 891 na atat sa mabangis na labanan sa pangkalahatang indibidwal na karangalan at iba’t ibang age-group sa dalawang dibisyon.

 

 

Kabilang din ang relay event na may 162 na, relay mixed na naka-135 at 93 sa relay women’s at men’s.

 

 

“With a most naturally beautiful and bio-diverse city in a forest in the country, Puerto Princesa is the best place for you – IRONMAN triathletes – from all over the world to swim, bike and run,” hirit ni Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron.

 

 

“You can be in your best element here. You will be competing with yourself and others, testing stamina, in an environment that can invigorate the human spirit and inspire you to cross that finish line,” hirit pa niya.

 

 

Nasa 26 na bansa na rin ang mga bansa ang sasabak, kabilang ang 15 mula sa US, 12 sa Singapore, 11 sa Guam, at 10 sa Japan na palaban sa nakakapanghinang 1.9km swim, 90km bike, 21.1k run race, at ilan ang mga sumabak sa  Subic 5150.

 

 

Kasagsagan pa ang patalaan. Sa mga detalye pa, bisitahin ang www.ironman.com/im703-puerto-princesa, puertoprincesa70.3@ironman.com, o www.ironman.com.

 

 

Sumusuporta sa host Puerto Princesa ang Active, Athletic Brewing Co., Breitling, Fulgaz, Gatorade, Hoka Fly Human Fly, Hyperice, Qatar Airways, ROKA, Santini, Vinfast at Wahoo.

 

 

Iaalay ng lugar ang ganda ng lungsod at kalikasan. Tahanan ito ng Puerto princesa Subterranean River National Park, isa sa ‘bagong’ pitong kata-takang  kalikasan at UNESCO World Heritrage site na may buong bundok-pa-dagat na ekosistema.

 

 

Ang maunlad na lungsod ay may isa ring magagara sa mundong baybaying dagat, na naglagak ditong pangunahing dinadayo ng mga turista at destinasyong lugar – swak  para sa triathlon.

 

 

Kakampay ang 1.9km (1.2-mile) swim course sa Puerto Princesa Bay Walk Park kasunod ang pagtugaygay ng tatlong ikot sa mapaghamong 90km (56-mile) sa timog ng Puerto Princesa pa-Iwahig Bridge. Kakaripas ang panapos na 21.1km (13.1-mile) run sa dagat-dagatan pa-gitna ng lungsod na matatapos sa Ramon Mitra Jr. Sports Complex.

 

 

Ang iba pang mga susuporta ay ang Always Advancing, Compressport, Ekoi, Outside, Sportograf.com, Alaska, Lightwater, Prudential Guarantee, Rudy Project, Santé, One Sport, Cignal, Philippine Star, Alvea Puerto Princesa, Costa Palawan Resort, Fersal Hotel, Go Hotels, Hotel Centro, HUE Hotel and Resorts, Jeamco Royal Hotel, Princesa Garden Island Resort and Spa at Sunlight Hotel Puerto Princesa. (REC)

Ads November 8, 2022

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya.

 

 

Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren.

 

 

At magkasama sila sa ASAP in Vegas, pero may pa-“special shout-out” si Gary kay Darren sa kanyang Instagram account.

 

 

Ayon kay Gary, “The Asian Heartthrob also happens to be Filipino; extremely talented, an amazing vocalist, a sharp dancer, an actor, and an outstanding powerful performer.

 

 

“But most of all he also is a genuinely good human being. Am blessed to know @darrenespanto.”

 

 

Siyempre, natuwa at overwhelmed si Darren sa papuring ito sa kanya ni Gary V. Sinagot niya ito na, “Labyu po! This means so much. Thank you po!”

 

 

***

 

 

ANG bagong Instagram reel ni Heart Evangelista habang nasa street ito sa ibang bansa at umuulan, though, swak naman sa mismong ganap ng video niya ang caption niya na, “Stay hopeful while waiting for the sun,” ay parang double meaning ang dating sa amin.

 

Kung pagbabasehan din naman ang naging pahayag ni Heart sa kanyang vlog na may pinagdadaanan ito na ipinagpapalagay ng karamihan na tungkol sa married life niya, since, never na silang nakitang visible ni Senator Chiz Escudero o nabanggit man lang niya ito tulad dati.

 

And to think na nakabalik na ng Pilipinas si Heart from Paris at nakaalis na naman, pero hindi man lang niya nabanggit ang Mister.

 

So, parang double meaning talaga ang caption niya, huh!

 

Sa isang banda, sa post din na ‘yon ni Heart, may nag-suggest na netizen dito na bakit ‘di daw gayahin si Kim Chiu.

 

Tutal naman daw, mahilig si Heart ng sobra-sobra sa mga bags, bakit ‘di raw ito mag-business ng sariling line of bags.

 

Sey ng netizen kay Heart, “Dapat gayahin mo si Kim Chiu. Why not come out with your line of hand bags. I’m sure sold out agad. ‘Yung si Kim, pinagawa lang sa China mga hand bags na benta niya copying the designs of luxury designer brands, pero nag-sold-out na siya.”

 

May nagkorek naman na isa pang netizen na ang bag daw ni Kim ay hindi from China kung hindi from Thailand.

 

Sa isang banda, may point din for Heart ang suggestion na ito ng netizen.

 

 

***

 

 

MAS maluwag kahit paano ang schedule ni Alfred Vargas ngayong balik siya bilang Konsehal ng 5th District ng Quezon City kumpara noong 3 terms siya bilang Congressman.

 

Kaya balik kapuso rin siya bilang actor. Mapapanood na nga siya sa ‘Unica Hija’.

 

“Special participation lang ako sa Unica Hija,” sey niya. “Ako ang tatay ro’n ni Kate Valdez at asawa ko si Katrina Halili.

 

“Isa ako sa pinakamagaling na genetic engineer sa buong mundo at first time na nagkaroon ng successful cloning. So ginawa muna sa aso, sa hayop… e,biglang may nangyari sa anak namin ni Katrina.”

 

So do’n daw nagsimula ang kuwento ng cloning sa ‘Unica Hija’ na magsisimula na ngang mapanood simula ngayong Lunes sa GMA Afternoon Prime.

 

May kasalukuyan talagang ginagawang teleserye ngayon si Afred sa GMA-7, ang ‘AraBella’ kaya special participation nga lang siya sa ‘Unica Hija’, pero dahil gustong-gusto raw niya ang show, umabot na siya sa puntong nagsabi siya sa production na, “sa sobrang gusto ko ng show na ‘yon, biniro ko nga sila Direk na pwede bang i-clone ko na ang sarili ko.”

 

Malaki naman ang pasasalamat ni Alfred sa Kapuso network.

 

“Tuwang-tuwa talaga ako sa Kapuso network at siyempre, sa manager ko na si ‘Nay Lolit Solis.”

(ROSE GARCIA)

DSWD-4A ‘di nagkulang sa ayuda sa Noveleta – Tulfo

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan.

 

 

Kasabay nito, pinababalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez ngayong araw matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”.

 

 

Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kwestiyun sa pagbibigay ng food packs sa 500 katao na pumila doon noong araw na ‘yun dahil lahat naman po ay nabigyan ng pagkain”.

 

 

“Ang nirereklamo ni Mayor Chua ay tila pinahirapan daw ng DSWD personnel ang mga bibigyan ng cash assistance on that day dahil kung anu-anong dokumento raw ang hinihingi ng mga tauhan namin”, ayon kay Sec. Tulfo.

 

 

“Pero ang policy na namin ngayon ay kapag may kalamidad, kung walang ID, dapat nasa listahan ng LGU (local government unit) ‘yung beneficiary o na-endorsed ng barangay sa amin”,  paliwanag ni Tulfo.

 

 

Ayon sa kalihim, sinunod naman ng mga tauhan nila ang procedure na ito.

 

 

Ang problema aniya doon sa 500 na dala ng LGU, 200 lang ang nasa listahan nila habang ang 300 ay hindi naman kilala ng mga barangay officials na naroon sa payout site.

 

 

“Kailangan po na may ma-i-present naman kami sa Commission on Audit (COA) kahit papaano kapag kami ay natanong kung saan o kanino namin ibinibigay ‘yung mga cash ayuda po namin”, ani Tulfo.

 

 

Hulyo nitong taon nang alisin ni Tulfo ang mga indigency at residency certificate, barangay ID at kung anu-ano pang dokumento para makahingi ng ayuda sa DSWD sa oras ng kalamidad.

 

 

“I’m sure, Mayor Chua knows that and he understands all these COA rules. Napaliwanagan na po namin si Mayor noong pang Biyernes at okay na po ang lahat ng panig,” pahabol ni Tulfo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

De Lima positibo sa COVID-19, nagkasintomas ‘matapos court hearings’

Posted on: November 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAMAAN  na rin ng kinatatakutang COVID-19 si dating Sen. Leila de Lima, bagay na matagal na raw niyang inaasahang mangyari dahil sa palagiang “siksikang” hearings sa korte kaugnay ng hinaharap na mga kaso.

 

 

“Tested positive yesterday for COVID-19 from both antigen and RT-PCR tests,” sabi ni De Lima sa isang pahayag ngayong Lunes.

 

 

“When attending recent hearings in the two remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus.”

 

 

Sabado lang daw nang magsimulang magkaroon ng sipon, makating lalamunan, masakit na katawan at mainit na pakiramdam ang opposition figure, isang araw matapos ang isang pagdinig.

 

 

Kasalukuyang nasa self-isolation ang dating senadora habang umiinom ng anti-viral medicines at nagpapagaling.

 

 

Inabisuhan naman na ni De Lima ang kanyang mga nakasalamuha sa November 4 hearing na obserbahan ang sarili, kasama na riyan ang kanyang mga abogado, prosecutors, saksing si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos, police escorts atbp.

 

 

“I hope no one else got infected under such a setting. I’ll be fine,” sabi pa niya.

 

 

“Thank you for all the prayers and concern.”

 

 

Kasalukuyang humaharap pa rin sa dalawang drug-related cases si De Lima, bagay na sinasabi niyang gawa-gawa lang daw laban sa kanya bilang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Isa sa tatlo niyang mga kaso ang ibinasura na ng korte, ito habang bumaliktad pabor sa kanya ang mga dating tumestigo para sa kanya.

 

 

Bago ito, ilang beses na noong nabigyan ng medical furlough si De Lima dahil sa sari-saring problema sa kalusugan.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 7, bagay na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face masks kahit sa indoor settings. (Daris Jose)