• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 12th, 2022

Manny Pangilinan, tinawag na ‘hindi katanggap-tanggap’ ang insidente sa NCAA

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Malinaw na nadismaya ang sports patron at negosyanteng si Manuel Pangilinan sa nangyaring karahasan sa NCAA basketball game sa pagitan ng Jose Rizal University (JRU) at De La Salle-College of St. Benilde noong Martes.

 

Wala si Pangilinan sa laro, ngunit pinanood niya ang mga video nito, at sinabing nahirapan siyang maunawaan kung bakit inatake ng JRU Heavy Bomber na si John Amores ang apat na manlalaro ng kalabang koponan.

 

“Hindi ito ang tamang gawin. Hindi mo dapat saktan ang ibang mga manlalaro. Bakit niya ginawa ‘yun? I think that is unacceptable,” ibinahagi ni Pangilinan sa pagtatapos ng Metro Pacific Investments media briefing.

 

Si Amores ay nahuli sa mga video ng pangit na gulo na nag-rampa sa CSB bench, malinaw na nagkokonekta ng mga suntok sa hindi bababa sa dalawang manlalaro ng CSB. (CARD)

MRT 3 hindi ipagbibili; walang fare hike sa LRT2

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na hindi ipagbibili sa pribadong sektor ang Metro Rail Transit Line 3 at walang mangyayaring pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Line 2.

 

 

Ito ang sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista kamakailan lamang upang pasinungalinan ang balitang ibebenta sa pribadong sektor ang operasyon at asset ng MRT 3 dahil hindi na kaya ng pamahalaan ang gastos sa pag maintain dito na umaabot sa P9 billion kada taon.

 

 

“It is only considering the possibility of turning over the operations and maintenance of MRT 3 to qualified private sector operators towards improving its operational efficiency,” wika ni Bautista.

 

 

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng subsidy mula sa pamahalaan para sa operasyon ng mga rail lines kung saan ang bahagi ng fares na para sa MRT 3, LRT 2 at LRT1 ay dito kinukuha upang manatili ang fare level na maging affordable sa mga pasahero.

 

 

“Railway systems should remain the most affordable and safest mode of mass transit in the country,” dagdag ni Bautista.

 

 

Ang pamasahe sa MRT 3 ay mula P13 hangang P28 at nagbibigay ng diskwento para sa mga senior citizens, estudyante at mga taong may kapansanan. Ang mga pasahero na gumagamit ng stored-value tickets ay mayroong mas mababang pamasahe kumpara sa single-journey tickets.

 

 

“We are looking at partnership with private rail operators for MRT’s operations and maintenance – under the same scheme with LRT 1- with the rail line’s assets remaining government-owned,” saad ni Bautista

 

 

Samantala, ang operator ng LRT 2 na Light Rail Transit Authority (LRTA) ay nagpahayag na wala pa silang nakikitang pagtataas ng pamasahe sa darating na mga panahon. “No fare increase yet. Not tomorrow, not next week, nor next month,” sabi ni LRTA administrator Hernando Cabrera.

 

 

Ayon kay Cabrera ang Light Rail Manila Corp. na siyang operator ng LRT 1 ay parating humihingi ng fare increase kada ikalawang taon simula noong 2016 kung saan ito ay nakapaloob sa nasabing concession agreement. Subalit ang petisyon ay hindi natutuloy.

 

 

Ang isang petisyon sa fare hike ay kinakailangan sumailalim sa madaming proseso tulad ng paghingi ng pagsangayon ng LRTA board, pagkakaroon ng public hearings, at kunsultasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

Noon pang taong 2015 nagkaroon ng huling pagtataas ng pamasahe sa LRT 2 kasama na rin ang pagtataas sa iba pang government-owned rail lines.

 

 

Ang train rides sa LRT 2 ay nagkakahalaga sa pagitan ng P15 hanggang P30 para sa single-journey tickets depende sa destinasyon habang ang stored-value tickets ay may range mula sa P12 hanggang P28.  LASACMAR

Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado.

 

 

Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito.

 

 

Ayon kay Chavez, ‘inevitable’ o hindi talaga maiiwasan na magtaas ang pasahe ng MRT-3 kahit ang pamahalaan pa rin ang namamahala dito dahil na rin sa tumataas na singil sa kuryente at halaga ng mga spare parts nito.

 

 

“Even under the go­vernment, kahit sa ngayon, minsan ay hindi maiiwasan ang fare increase not because of private support o private intervention. Sapagkat tumataas ang halaga ng mga piyesa sa buong mundo, tumataas din ang kuryente,” paliwanag pa ni Chavez sa panayam sa radyo.

 

 

“It is not only necessary but inevitable that at a certain point in time, ay kinakailangang itaas ang pamasahe. Ang tanong na lang, magkano ang itataas at ano ang kapalit nito–-magandang serbisyo,” dagdag pa niya.

 

 

Nabatid na ang planong isapribado ang MRT-3 upang mapaganda pang lalo ang serbisyo nito, ay isa sa mga panukalang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan bunsod na rin nang nakatakda nang pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng Metro Rail Transit Corporation sa 2025.

 

 

Sinabi naman ni Chavez na ang talaka­yan sa naturang plano ay nasa DOTr level pa lamang at malaunan ay ipagpapatuloy sa National Economic and Development Autho­rity (NEDA). (Daris Jose)

COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA  ng may 7.8 percent ang CO­VID-19 positivity rate sa  National Capital Region (NCR)  nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test.

 

 

Sinabi ni David na ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay 1.54 per 100,000 population nitong November 8, na may one week growth rate na 29 percent.

 

 

Ang Adar ay bilang ng bagong kaso ng virus sa kada 100,000 katao.

 

 

Ang reproduction number o hawaan ng virus sa NCR ay nananatiling mababa na nasa 0.75 nitong November 5 samantalang ang healthcare utilization rate sa NCR ay nananatiling mababa na nasa 26 percent nitong Nov.  7.

 

 

“The current trends, if they continue, could lead to less than 5% positivity rate and about 100 new cases per day in the NCR by end of November,”ayon kay David.

Limang dekalidad na pelikula, bakbakan sa ‘5th EDDYS’: CHARO, MAJA, ALESSANDRA, KIM at JANINE, salpukan sa pagka-Best Actress

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG dekalidad at pinag-usapang pelikula noong nakaraang taon ang maglalaban-laban para sa 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Tiyak na magiging mahigpit na naman ang labanan para sa major awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater o MET.

 

 

Bakbakan kung bakbakan para sa Best Film ang “Arisaka” (Ten17 Productions), “Big Night,” (IdeaFirst Company) “Dito at Doon”, (TBA Studios); “Kun Maupay Man It Panahon” (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at “On The Job: The Missing 8” (Reality Entertainment).

 

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina JP Habac (Dito at Doon); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); Erik Matti (On the Job: The Missing 8); at Mikhail Red (Arisaka)

 

 

Maglalaban-laban naman sa pagka-Best Actress sina Alessandra de Rossi (My Amanda); Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); at Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon).

 

 

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda).

 

 

Para naman sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

 

 

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (On The Job: The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) ang matutunggali sa Best Supporting Actor category.

 

 

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay sponsored ng Globe Telecoms kasama ang Beautederm, at sa pakikipagtulungan ng Tanduay, Dr. Carl Balita of Dr. Carl Balita Foundation, JFV Rice Mill at ni Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

 

 

Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th EDDYS nitong nagdaang 2021.

 

 

Ang OPM icon at premyadong singer-songwriter na si Ice Seguerra ang magdidirek ng ikalimang edisyon ng The EDDYS. Siya rin ang nagdirek ng 4th EDDYS last year.

 

 

Samantala, ang award-winning TV personality na si Boy Abunda naman ang magsisilbing host ng taunang pagbibigay ng parangal ng SPEEd.

 

 

Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa 5th EDDYS.

 

 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nominado sa ikalimang edisyon ng The EDDYS.

 

 

BEST FILM
Arisaka (Ten17 Productions)
Big Night (IdeaFirst Company)
Dito at Doon (TBA Studios)
Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment)
On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

 

 

BEST DIRECTOR
JP Habac (Dito at Doon)
Jun Lana (Big Night)
Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon)
Erik Matti (On the Job: The Missing 8)
Mikhail Red (Arisaka)

 

 

BEST ACTRESS
Alessandra de Rossi (My Amanda)
Janine Gutierrez (Dito at Doon)
Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam)
Maja Salvador (Arisaka)
Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)

 

 

BEST ACTOR
John Arcilla (On The Job: The Missing 8)
Christian Bables (Big Night)
Dingdong Dantes (A Hard Day)
Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon)
Piolo Pascual (My Amanda)

 

 

BEST SUPPORTING ACTRESS
Janice de Belen (Big Night)
Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8)
Eugene Domingo (Big Night)
Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas)
Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon)

 

 

BEST SUPPORTING ACTOR
John Arcilla (Big Night)
Mon Confiado (Arisaka)
Ricky Davao (Big Night)
Christopher de Leon (The Missing 8)
Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)

 

 

BEST CINEMATOGRAPHY
Neil Derrik Bion (On the Job: The Missing 8)
Mycko David (Arisaka)
T.M. Malones (Huwag Kang Lalabas)
Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon)
Noel Teehankee (For Love or Money)

 

 

BEST PRODUCTION DESIGN
Whammy Alcazaren (Kung Maupay Man It Panahon)
Michel N. Español, Roma Regala (On the Job: The Missing 8)
Arthur Maningas (Huwag Kang Lalabas)
Jay Custodio (Huling Ulan sa Tag-araw)
Norico Santos (Love is Color Blind)

 

 

BEST SCREENPLAY
Erik Matti, Michiko Yamamoto (On The Job: The Missing 8)
Giancarlo Abrahan, Carlo Francisco Manatad, Jeremie Dubois (Kung Maupay Man It Panahon)
Juna Lana (Big Night)
Acy Ramos, Irish Precious Mangubat (Huling Ulan sa Tag-araw)
Khristine Gabriel, Simon Arciaga (Love is Color Blind)

 

 

BEST MUSICAL SCORE
Malek Lopez, Arvin Nogueras, Erwin Romulo (On the Job: The Missing 8)
Andrew R. Florentino (Kun Maupay Man It Panahon)
Teresa Barrozo (Big Night)
Jerrold Tarog (Dito at Doon)
Cesar Francis Concio (Love is Color Blind)

 

 

BEST SOUND
Immanuel Verona (Arisaka)
Immanuel Verona (Big Night)
Andrew Forentino (Kun Maupay Man It Panahon)
Corinne de San Jose (On The Job: The Missing 8)
Mikoy Morales (Huwag Kang Lalabas)

 

 

BEST EDITING
Nikolas Red (Arisaka)
Benjamin Tolentino (Big Night)
Jay Halili (On The Job: The Missing 8)
Bienvenido Ferrer III (Kun Maupay Man It Panahon)
Marya Ignacio (Love is Color Blind)
Renard Torres (Dito at Doon)

 

 

BEST ORIGINAL THEMESONG
“Maaari Ba” (from Love at First Stream)
Performed by Alyssa Quijano
words and music by Richard Salazar
“Sana Panaginip Lang” (from Love at First Stream)
Performed by Trisha Denise
words and music by Richard Salazar
“For Your Eyes Only” (from Love is Color Blind)
Performed by Belle Mariano
words and music by Trisha Denise
“Maghihintay” (from More Than Blue)
Performed by Marion Aunor
words and music by Marion Aunor
“Maganda Kahit Matanda” (from Revirginized)
Performed by Marion Aunor
words and music by Marion Aunor
“Maghihintay” (from More Than Blue)
Performed by Marion Aunor
words and music by Marion Aunor

 

 

BEST VISUAL EFFECTS
Maolen Fadul (Big Night)
Gerwin Meneses (Huwag Kang Lalabas)
Sam Manacsa, Nimrod Sarmiento (Kun Maupay Man It Panahon)
Bernadeth Bolima, Mark Danielle Paras (On The Job: The Missing 8)
The Post Office (The ExorSis)

 

 

(ROHN ROMULO)

Wala sa tabi si Juancho dahil nasa lock-in taping: JOYCE, inaming ‘di naging madali ang first trimester sa ikalawang pagbubuntis

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUWENTO ni Joyce Pring na hindi naging madali ang pinagdaanan niyang unang trimester sa pagbubuntis sa baby number 2 nila ni Juancho Triviño dahil nasa lock-in taping ito.

 

August 19 noong sabihin ni Joyce kay Juancho na buntis siya ulit. Pero nasa lock-in taping daw si Juancho ng ‘Maria Clara At Ibarra’ sa malayong location. Kaya kinaya raw ni Joyce ang lahat ng hirap sa first three months ng pagbubuntis niya.

 

“The first 3 months was ROUGH. Had some bleeding, I was nauseous ALL THE TIME, I did NOT want to eat anything, and it was just a hard time overall. I went through some of the toughest experiences during the first few months of this pregnancy; most of them without my husband by my side because of lock in taping – but by the grace of God, here we are. Happy, healthy, and expecting our little baby in a few months,” kuwento ni Joyce.

 

Pinasalamatan naman ni Joyce si Juancho sa pagbawi nito sa tuwing magkakaroon ng oras sa pamilya. Pinasalamatan din niya ang mga taong malalapit at mahal nila sa buhay na tumulong habang siya ay nagbubuntis.

 

“I was still working, doing all the events, juggling everything and it honestly wouldn’t have been possible without my amazing husband, our family, and my incredible team and management.”

 

Sa April 2023 ang due date ng second baby ng Juanchoyce. Ang panganay nilang si Eliam ay nag-turn one-year old noong nakaraang July.

 

***

 

BUKOD sa pagiging isang radio disc jockey ng Barangay LS Forever, isa ring music artist si Papa Obet.

 

Si Papa Obet ang sumulat ng radio jingle ng Barangay LS na “Tayo Ay Forever,” na kinanta nina Ken Chan at Rita Daniela.

 

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang sumulat ng kanta para sa Christmas station ID ng GMA Network.

 

“Sa ngayon focus ako sa sarili ko. Gagawa ako ng kanta para sa sarili ko. Hindi rin naman nawawala na pwede akong gumawa ng song para sa ibang artists like what I did before kay Rita at Ken. Ginawan ko sila ng kanta which is ‘yung ginamit namin dito sa Barangay LS.

 

“Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong next time ako naman ang sumulat ng Christmas station ID ng GMA para maiba naman, para masabing ‘Uy! Level up na.'”

 

Samantalang napapakinggan na ang bagong sinulat niyang Christmas song na “Regalo”. Una siyang nag-release ng Christmas song noong 2017 na may titulong “Una Kong Pasko”.

 

***

 

INAMIN ng ‘Friends’ star na si Jennifer Aniston na pinagdaanan niya ang magpa-in vitro fertilization or IVF dahil sa kagustuhan niyang magkaroon sila ng anak ng ex-husband niyang si Brad Pitt.

 

Pinabulaanan kasi ni Jen ang mga usap-usapan na kaya nauwi sa divorce ang marriage nila ni Brad ay dahil ayaw daw niyang mabuntis dahil makakasira daw iyon sa kanyang successful career.

 

Sa exclusive interview ni Jen sa Allure, kinuwento ng aktres ang hirap na pinagdaanan niya noong nagpapa-IVF siya.

 

“I just cared about my career. And God forbid a woman is successful and doesn’t have a child. And the reason my husband left me, why we broke up and ended our marriage, was because I wouldn’t give him a kid. It was absolute lies.

 

“I was trying to get pregnant. It was a challenging road for me, the baby-making road. I was going through IVF, drinking Chinese teas, you name it. I was throwing everything at it. I would’ve given anything if someone had said to me, ‘Freeze your eggs. Do yourself a favor.’ You just don’t think it. So here I am today. The ship has sailed.”

 

Wala raw pinagsisihan si Jen sa nangyari sa pagsasama nila n Brad at sa hindi nilang nabuong pamilya.

 

“I actually feel a little relief now because there is no more, ‘Can I? Maybe. Maybe. Maybe.’ I don’t have to think about that anymore,” diin ni Jen.

 

Kinasal sina Jen at Brad noong 2000 at nag-divorce sila noong 2005. Second time na kinasal si Jen ay sa aktor na si Justin Theroux noong 2015, pero nag-divorce sila in 2017.

 

Sa tanong kung nais pa ba ni Jen na ikasal ulit?

 

Sagot niya ay: “Never say never, but I don’t have any interest. I’d love a relationship. Who knows? There are moments I want to just crawl up in a ball and say, ‘I need support.’ It would be wonderful to come home and fall into somebody’s arms and say, ‘That was a tough day.'”

(RUEL J. MENDOZA)

Bierria, iniiwasan ng Cignal ang pagbagsak, natigilan ang Petro Gazz sa 5

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nakaiwas ng malaking abala ang Cignal, pinabagsak ang Petro Gazz sa limang set, 25-22, 34-32, 15-25, 16-25, 15-13, upang palakasin ang kanilang semis bid sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, Huwebes sa ang Smart Araneta Arena.

 

Pinangunahan ng American reinforcement na si Tai Bierria ang HD Spikers na may 19 puntos sa 18 atake upang sumabay sa pitong mahusay na pagtanggap habang si Ces Molina ay nagdagdag ng 13 marker, na lahat ay nagmula sa linya ng pag-atake, upang gawin itong back-to-back na panalo.

 

Itinaas ng HD Spikers ang kanilang slate sa 3-2 para pilitin ang three-way tie para sa ikatlong puwesto kasama ang Angels at F2 Logistics.

 

“Sobrang lucky kami naibigay sa amin yun. Siyempre kita naman nagbounce sobrang nipis talaga as in. Kasi crucial yun. yun yung turning point na nakarecover kami,” said Cignal head coach Shaq delos Santos of his late challenge that tie the fifth set at 13-all.

 

“Nag-slow down talaga, bumaba yung performance namin nung third and fourth set pero good thing, thank you kay Lord sa panalo and then sa effort ng team and then ng coaches so malaking factor for us na magkaroon ng malaking chance para sa top four. ,” Idinagdag niya.

 

Dahil naka-lock ang mga score sa 12-all sa final set, umiskor si Aiza Maizo-Pontillas ng off-the-block para ibigay sa Angels ang isang tiyak na one-point na kalamangan.

 

Sinagot ni Roselyn Doria ang isang mabilis na lumayag nang malapad ngunit kalaunan ay nabaligtad matapos matagumpay na hamunin ng HD Spikers ang tawag. Muling tumabla sa 13, umiskor si Rachel Daquis ng isang madiin na block kay MJ Phillips bago nagpako ng alas si Doria upang tapusin ang laro sa loob ng dalawang oras at 36 minuto. (CARD)

OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks  sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon.

 

 

Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng  Malacanang.

 

 

Sa ulat ni PSMSgt Jason Ibasco ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bumalik umano ang biktima sa construction site matapos silang mag-break-time  nang biglang makuryente matapos mahawakan ang steel scaffolding.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa PSG Station Hospital  ng kanyang kapatid ngunit hindi na ito naisalba pa.

 

 

Patuloy naming iniimbestigahan ang insidente  habang hinihintay ang kanyang otopsiya. (Gene Adsuara)

Guillermo: Ang Handog ng Obra dominates 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – The documentary film “Guillermo: Ang Handog ng Obra” bagged four major awards and took home a total of P170,000 cash prize during the 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special held at the Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center in this city recently.

 

 

Featuring the life, journey, and works of National Artist for Visual Arts Guillermo Tolentino earned the Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, and Best Editing during the Araw ng Parangal.

 

 

After receiving the award, Andrew Alto De Guzman, director of the documentary film from the town of Pulilan, expressed his gratitude and said that it’s important that the documentaries they create are accurate, wonderful, and presentable to watch.

 

 

“We created this film not to win awards but to pay homage to one of Bulacan’s national artist, Guillermo’s contribution in the field of sculpting. Guillermo will always be remembered for his heritage in art,” De Guzman said.

 

 

Other winners include “Kol Antonino Buenaventura: Musika para sa Bayan” that won two awards and took home a total of P70,000 cash prize along with two other awards specifically Special Jury Prize and Best Sound Design; and “Maestro Kanor: A Filipino Genius in Music” that won the award for Best Documentary Script with P20,000 cash incentive.

 

 

Meanwhile, Atty. Nikki Manuel S. Coronel represented Governor Daniel R. Fernando and delivered his recognition speech that recognizes the roles of Bulakenyo artists in enriching the culture and heritage of the province.

 

 

“It is a great honor to be a part of the same heritage where our ancestors came from. They serve as a huge inspiration that the present and future generation should follow as they have contributed well in our society by using their astounding talents in different field in art,” Atty. Coronel said.

 

 

Other finalists of SINEliksik Bulacan Docufest including “Buhay at Pag-ibig ni Francisco Balagtas” and “Ang Nawawalang Tinig ng Sirena” both took home P10,000 consolation prize. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

ECC nag-aalok ng tulong sa mga manggagawang nasugatan, nagkasakit, at namatay sa linya ng tungkulin

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING  humingi ng karagdagang tulong pinansyal mula sa Employees’ Compensation Commission ang mga manggagawa sa gobyerno, self-employed individuals, mga katulong sa bahay, at mga sea-based overseas workers sa pamamagitan ng Employee’s Compensation Program nito.

 

 

Sinabi ni Employees’ Compensation Commission OIC-Executive Director Engr. Jose Maria Batino, ang mga manggagawang kwalipikado para sa tulong mula sa ECC kapag sila ay nagkasakit, nasugatan, harmed, o namatay habang nasa kanilang tungkulin ay kinabibilangan ng lahat ng mga compulsory na miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS), gayundin ang mga unipormadong tauhan mula sa AFP, BFP, BJMP at iba pang mga unipormadong ahensya.

 

 

Ang mga empleyado ng pribadong sektor ay maaaring mag-claim ng hanggang 480 pesos kada araw sa sickness benefit, habang ang mga empleyado ng gobyerno ay maaaring mag-claim ng hanggang 200 pesos kada araw sa sickness benefit.

 

 

Ang mga kumpanya ay dapat mag-aplay para sa tulong sa kalamidad sa ngalan ng mga empleyado sa pamamagitan ng MySS account.

 

 

Maaaring ihain ang mga sickness and disabilities claims sa social services website online.

 

 

Nitong Hulyo, humigit-kumulang 20,000 mga claim sa benepisyo sa pagkakasakit para sa COVID-19 ang naihain.

 

 

Nagsusumikap ang ECC na i-update ang kanilang record para malaman kung ilan pang COVID-19 sickness benefit claim ang naihain.

 

 

Ang mga serbisyong medikal at libing sa kabilang banda, ay dapat ilapat nang pisikal sa mga SSS branches.

 

 

Ang mga empleyado ng gobyerno sa kabilang banda ay maaaring mag-apply nang over-the-counter sa alinmang sangay ng GSIS.