• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 18th, 2022

16 inmates ng Bilibid, nasawi kada buwan mula Enero hanggang Oktubre ng 2022 – forensic expert

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA  16 na inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi kada buwan mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

 

 

Batay ito sa examination na isinagawa ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun sa Eastern Funeral Services na natatanging funeral home na accredited sa Bureau of Corrections (BuCor).

 

 

Ayon kay Dr. Fortun nasa 176 ang nasawing inmates kung saan isa dito ay nangyari noong Disyembre 13, 2021 at ang huli ay noong November 6, 2022.

 

 

Pinakamataas na bilang ng mga namatay na bilanggo sa loob ng isang araw sa Bilibid ay noong Marso na nasa 24 na inmates habang pinakamababa noong Abril na nasa 10 inmates ang nasawi.

 

 

Mula sa halos 200 inmates na nasawi, ang average age ng mga pumanaw na inmates ay 56 anyos, pinakamatanda ay nasa edad 82 habang pinakabata ay nasa edad 27.

 

 

Sa ngayon, hawak pa lamang ni Dr. Fortun ang unang pahina ng death certificates ng mga inmates habang nakatakda pa lamang punan ng National Bureau of Investigation ang mga dahilan ng pagkasawi ng ibang mga inmates.

 

 

Sa 40 death case, may ilang nakalagay na dead on arrival, undetermined at “for autopsy” na pareho sa nakasulat sa death certificate ng namatay na inmate na si Jun Villamor na middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

 

 

Kung matatandaan, nagsagawa ng re-autopsy si Dr. Fortun sa labi ni Villamor at nadiskubreng namatay ito mula sa plastic bag suffocation. Nagresulta naman ito sa pagkakabunyag ng 176 unclaimed na mga bangkay ng nasawing mga inmates mula sa Bilibid. (Daris Jose)

Brendan Fraser Gives His Take On ‘The Mummy Returns’ Character The Scorpion King’s CGI Appearance

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A Mummy movie uniting Brendan Fraser and Dwayne Johnson could offer some salvation for the latter’s anti-hero the Scorpion King.

 

Johnson was best known as a wrestler when he made his film debut as the Scorpion King in 2001’s The Mummy Returns. In reality, the role was fairly brief, with Johnson appearing in the opening scene before the character disappears until the end. That’s when the Scorpion King reemerged as a terrible CGI monster. The character was so popular, Johnson returned for a prequel in 2002, which received four straight-to-DVD sequels where new actors inherited the role.

 

The Scorpion King movies portray Johnson’s Mathayus as a heroic figure, but in The Mummy Returns, he’s a villain who is ultimately slain. With Fraser on the trail of a comeback thanks to the movies like The Whale, there’s renewed interest in a fourth Mummy also. Johnson has also publicly voiced his support for Fraser’s return and is also produced a Scorpion King reboot. While it doesn’t seem to be on the cards currently, a legacy Mummy sequel that finally unites Fraser and Johnson onscreen would all but guarantee a big audience. That, and it can undo Mathayus’ bleak fate in the saga and redeem his villainous ways.

 

Being his first starring role, Johnson has affection for both The Scorpion King and The Mummy movies. That said, his stardom is on another plane entirely from the early 2000s, and given his stacked plate of projects, a fourth Mummy wouldn’t be his first priority. That said, if he felt audiences really wanted it, he might give it some consideration. What’s interesting to note about The Scorpion King saga is that it actually outlived its parent franchise. The Mummy ended after three movies, while The Scorpion King ran for five, closing out on 2018’s The Scorpion King: Book Of Souls.

 

The Scorpion King has also one of the most tangled timelines in movie history. For example, The Scorpion King 2 is a prequel to Scorpion King, which itself is a prequel to The Mummy Returns – which is already a sequel to a remake. Scorpion King 3 – which featured Dave Bautista – is a direct sequel to The Scorpion King, evening the continuity out somewhat. That’s another reason to give the character some redemption since it’s tough to ask fans of the series to invest in six movies that end with him being cursed, turned into a CGI scorpion monster and presumably sent to the underworld for eternity.

 

A strange quirk of fate has seen Fraser and Johnson appear in three different franchises: The Mummy, Journey and G.I. Joe. Despite this, they never actually worked together. By the time Fraser’s Rick O’Connell battles the Scorpion King he’s a computer-generated creature, while Fraser only appeared in the first outings of both Journey and G.I. Joe, while Johnson was introduced in their sequels. A fourth Mummy movie seeing Rick battling against a resurrected Mathayus is a concept that sells itself; it’s a legacy sequel that builds upon the franchise’s established backstory while placing Johnson front and scene. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

 

 

Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Pari, kinakailangan ng naangkop na hakbang upang tugunan ang tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa gitna pagbubulag-bulagan ng lahat lalu na ang mga opsiyal ng pamahalaan.

 

 

Umaasa si Fr. Buenafe na magsilbing daan ang pagsusuri ng U-N-H-R-C Universal Periodic Review upang maobliga ang administrasyong Marcos na siyasatin at bigyang katarungan ang mga human rights violation sa bansa partikular na noong nakalipas na administrasyong Duterte.

 

 

“The Universal Periodic Review must push the Marcos administration to end impunity and exact accountability for human rights violations. The victims demand justice. Mr. Remulla what is needed is real action for real justice.”  pahayag ni Fr. Buenafe

 

 

Matapos ang pagsusuri, inirekomenda ng U-N-H-R-C) sa Marcos administration ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng extrajudicial killings at iba pang human rights violation sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Naunang iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na walang umiiral na ‘culture of impunity’ sa bansa.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi tugma ang tala sa tunay na bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte kung saan nasa 7,000 lamang ang opisyal na tala ng pulisya habang aabot naman sa mahigit 30,000 ang datos na naitala ng mga human rights groups. (Daris Jose)

Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team.

 

Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero ng 1-Pacman party-list.

 

Si Brownlee, na pisikal na naroroon sa pagdinig, ay nagpasalamat sa mga mambabatas sa Filipino dahil binigyan niya sila ng katiyakan na tutulong siya sa pagpapaganda ng Philippine basketball team.

 

“Maraming salamat po,” Brownlee, a two-time Best Import Awardee of the Philippine Basketball Association (PBA) as an import for Ginebra San Miguel, said.

 

“Ako ay nagkaroon ng maraming pagmamahal mula sa mga tagahanga at mga tao dito, at ito ay magiging mahusay na maging bahagi ng bansa, patuloy na tumulong sa abot ng aking makakaya,” dagdag ni Brownlee.

 

Si Brownlee, na naglalaro sa Ginebra mula noong 2016, ay tumulong sa PBA team na manalo ng limang PBA championship. (CARD)

Sa trending at top-rating na ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE at JULIE ANNE, pinupuri ng netizens ang ‘method of acting’

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANIBAGONG challenges ang sasalubong kay Klay (Barbie Forteza) ngayong parte na siya ng pamamahay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa trending at top-rating GMA primetime series na ‘Maria Clara at Ibarra.’

 

Habang sinusubukan ni Maria Clara na turuan si Klay ng kagandahang-asal at mga pamantayang mahigpit na dapat sundin ng kababaihan, patuloy itong kinukwestyon at sinasalungat ni Klay. Dahil dito, unti-unti nang nauubos ang pasensya ni Maria Clara.

 

Pinuri naman ng netizens ang ugnayan ng dalawang karakter, “A great contrasting blend of moral values, sense of humor and realization. The evolution of how women and the society think and perceive before compared as of now.

 

“Madarama mo talaga na nasa past ka dahil sa galing ng pagkaka-deliver ng emotions ng dalawang characters. The way they speak, articulate and deliver the lines. Galing ng method acting ni Klay at Maria Clara. Ang separation ng past sa modern, well-distinguished.”

 

Tuluyan na bang susukuan ni Maria Clara si Klay?

 

***

 

HINIHINTAY na lang pala ng former Viva Hot Babes na si Katya Santos ang annulment ng kanyang kasal.

 

Kinasal si Katya noong 2013, pero naghiwalay sila ng non-showbiz husband niya noong 2016. Meron silang isang anak na babae na 9-years old na ngayon.

 

“Waiting na lang ako for the decision. ’Yon na lang, decision na lang. Waiting na akong ma-grant. Tapos na s’ya, tapos na ang mga hearing. Waiting kami for three months or so na mabigay na ’yong grant. ’Yon na lang, ’yon na lang ang hinihintay ko,” sey ni Katya.

 

Si Katya raw ang nag-file ng annulment kaya lahat ng gastusin sa pagproseso ay galing sa kanyang bulsa.

 

“Magastos siya pero sa akin, sinuwerte ako na hindi siya ganu’n ka-gastos pero ang tagal. Parang umabot na rin ako ng halos magpa-five years. Kasi inabutan ng pandemic.

 

“Dapat matatapos na siya before pandemic. Eh, kaso, ’yon na nga. Hindi nagtuloy-tuloy ’yong hearing dahil laging cancelled. Siyempre, pandemic. Finally, ’yon na nga. Narinig ko okey na. Decision making na lang.”

 

Marami raw natutunan si Katya sa nangyaring ito sa kanyang buhay. Kung babalikan daw niya ang chapter na iyon ng buhay niya, hindi raw sana muna siya nagpakasal.

 

“Nagpakasal lang din naman ako dahil akala ko maganda ’yong feeling ng kasal. ’Yon ang thought ko before, eh. Siyempre, bata ka. Hindi mo naman alam, eh. ’Di ba, gusto mo lang, ‘Kasal ako.’ Pero hindi pala ganu’n ’yon.

 

“Dapat pala, kahit nabuntis ka, pag-isipan mo talaga. ’Wag muna pala talaga magpakasal kasi hindi mo pa rin talaga masasabi, eh. Kesa you go through this annulment na ang hirap, magastos. Better na wala na lang, ’di ba?

 

“Ngayon, na-realize ko, hindi na rin siya as important as before. Kasi ang dami kong kilala na hindi sila kasal pero parang mas mag-asawa pa ’yong buhay nila.”

 

Nabanggit din ni Katya na wala siyang natanggap na anumang child support sa kanyang estranged husband.

 

“Walang support pero ayoko na lang din ma-stress. Kasi mabubuwisit ka lang. But honestly, hindi kami magkaaway. We’re still friends. Pinapakita ko pa rin sa kanya ‘yong daughter ko. Kasi ayokong lumaki siya na hindi niya kilala o galit siya sa tatay niya. Wala namang alam ang daughter ko sa pangyayari so I still want her to respect her father.”

 

***

 

MALAPIT nang magkaroon ng part three ang ‘The Princess Diaries’ ayon sa isang insider ng Disney.

 

Dahil sa ‘The Princess Diaries’ na pinalabas noong 2001, sumikat ang aktres na si Anne Hathaway na agad na ginawa ang part two na ‘The Princess Diaries 2: Royal Engagement’ in 2004.

 

Bumulusok ang career ni Anne sa Hollywood at sunud-sunod ang pagbida niya sa mga pelikulang Ella Enchanted, The Devil Wears Prada, Bride Wars, Valentines Day, Rachel Getting Married at Les Miserables kunsaan nanalo siya ng Oscar Best Supporting Actress.

 

Sa bagong yugto ng ‘The Princess Diairies’, ipapakita na tuloy pa rin ang pagiging reyna ni Mia Thermopolis sa Kingdom of Genovia pero meron na siyang sariling prinsesa.

 

Nagsabi na noon si Anne na babalik siya para gampanan ulit ang role na Mia sa ikatlong pagkakataon. Hoping ang maraming fans ng movie na pati si Ms. Julie Andrews ay bumalik din bilang si Queen Clarisse.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kahapon.

 

 

Sa kanilang patuloy na pakikilahok at suporta sa kanilang kapwa, nasunod ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC ang mga pamantayan ng isang mahusay na kooperatiba na naging dahilan upang makamit nila ang pinakamataas na parangal sa pagkilala na may premyong nagkakahalaga ng P65,000 at tropeo.

 

 

Tumanggap din ang nasabing kooperatiba ng Hall of Fame award para sa kanilang mga natatanging pagganap sa mga nakaraang taon.

 

 

Tumanggap din ng special awards ang iba pang mga natatanging kooperatiba kung saan sila ay nag-uwi ng premyong nagkakahalaga ng P15,000 at tropeo bawat isa kabilang na ang Rabbit Raisers and Meat Producers Cooperative sa ilalim ng Micro Scale Category; PAGUNOVA Transport and Multi-purpose Service Cooperative, Catholic Servants of Christ Community Multipurpose Cooperative, Marilao Municipal Employees Multi-Purpose Cooperative para sa Medium Scale Category; at Sta. Monica of Bustos Multipurpose Cooperative at Palayan sa Nayon Multipurpose Cooperative para sa Large Scale Category.

 

 

Sa ngalan ni Regional Director Cristina H. Villamil ng Cooperative Development Authority-Region III, binati ni Cooperative Development Specialist Jenalyn D. Ferrer ang lahat ng mga nominadong kooperatiba at awardees sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa, lalo na sa pag-asenso ng lalawigan.

 

 

“Napakalaki po ng kontribusyon ng sektor ng kooperatiba sa pag-unlad ng ating bansa at sa Lalawigan ng Bulacan; at sa mga opisyales na isinusulong sa mga kooperatiba ang walang humpay na suporta sa ating sektor. Binabati ko kayo at sana ay ipagpatuloy niyo ang magandang kalidad ng pamamahala at operasyon ng inyong kooperatiba,” ani Ferrer.

 

 

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang pasasalamat sa mga kooperatiba bilang makabuluhang salik na naghatid ng mga parangal sa lalawigan kamakailan at hinimok ang mga Bulakenyo na magtatag ng mas maraming kooperatiba.

 

 

“Lubos kong pinapahalagahan ang inyong inisyatibo at pagsisikap na makapag-ambag ng magandang pagbabago sa ating bayan. Ang ating kolektibong pagkilos ang siyang maghahatid ng matamis na bunga ng kaunlaran sa hapag ng bawat isang pamilyang Bulakenyo. Sa inyong paglago bilang isang samahan ay nagiging daluyan kayo ng pagpapala sa ating mga kababayan sapagkat nakapagbibigay kayo ng maraming oportunidad at trabaho sa kanila,” anang gobernador.

 

 

Dumalo rin sa programa sina Bise Gobernador Alexis C. Castro at Bokal Allen Dale Baluyut, Tagapangulo ng Lupon ng Kooperatiba, upang ibahagi ang kanilang mga mensahe kasama ang mga miyembro ng Provincial Cooperative Development Council.

 

 

Bukod pa rito, 15 pang mga kooperatiba sa ilalim ng kategoryang Small Scale, Medium Scale, Large Scale at Billionaire Category ang tumanggap din ng cash incentive na nagkakahalaga ng P5,000 at tig-isang tropeo para sa ‘Natatanging Bayanihan ng Kooperatiba sa Panahon ng Pandemya – Ikalawang Yugto’ habang pito pang kooperatiba ang nakatanggap ng P10,000 kasama ang mga sertipiko bilang consolation prizes.

 

 

Nakatanggap din ng Golden Year Award ang St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag noong 2020. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Petisyon sa surge charge ng PUV may hearing sa susunod na taon

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKAROON pa ng hearing sa susunod na taon ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon para sa surge charge kapag rush hours ng mga public utility vehicles (PUVs) kasama ang jeepneys at buses.

 

Nagkaroon ng unang pagdinig sa petisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan dinaluhan ng mga petitioners at kanilang hinihiling na bigyan sila ng 30 days upang maghain ng memorandum.

 

Ang susunod na pagdinig ay tinakda sa February 2, 2023. Ayon sa petitioners kanilang ginagalang ang naging desiyon ng LTFRB board kahit na kailangan na nila ang madaling solusyon upang mabigyan ng relief ang mga drivers at operators mula sa tumataas na presyo ng krudo.

 

“We have to follow the board’s availability, although we don’t know what will happened in the transport sector in the next three months,” wikani Pasang Masda president Obet Martin.

 

Ayon naman kay national president ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) Liberty de Luna na pansamantala muna silang naghihigpit ng pantalon upang bigyan ng solusyon ang tumataas na presyo ng krudo at gasolina.

 

Humihingi ang ACTO ng surge fee na P1 para sa jeepneys ng traditional at modern habang P2 naman sa mga buses kapag rush hours mula 5:00 hanggang 8:00 ng umaga at 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, maliban lamang kung Linggo at holidays.

 

Sinabi nila na ang surge price ay idadagdag sa minimum fare na makakatulong upang tumaas ang daily income ng drivers.

 

“The current revenues of fixed routes of public utility vehicles are not enough to offset the higher fuel and operating costs incurred during peak hours, where there are fewer round trips – surcharge is the remedy that can give help to PUV operators and drivers,” saad sa petisyon.

 

Dagdag pa nilana ang surge ay makakatulong sa mga drivers at operators upang makaya nila ang mga biglaan pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

Ang nasabing petisyon ay katulad din ng surge pricing sa transport network service vehicles subalit mas mura pa sa SMS/text message at candy na tinitinda sa lansangan kung kaya’t ito ay mas affordable ng mga pasahero.

 

Samantala, ayon sa LTFRB, magdagdag sila ng karagdagan na 100 buses sa EDSA carousel upang makapagbigay ng serbisyo ng 24/7oras ngayong darating na kapaskuhan.

 

“In terms of volume projection, we believe this is optimal, meaning this will cater to the graveyard shift, especially those who are working in the malls that also extended its operating hours,” wika ni LTFRB officer-in-charge Riza Marie Paches.

 

Noong nakaraang Lunes ay naglabas at nagpatupad ang LTFRB ng Board Resolution No. 174 para sa 24/7-hour na libreng sakay sa EDSA carousel service. Magsisimula ang 24/7 mula Dec. 1 hanggang 31. Sa ngayon, ang libreng sakay ay mula 4:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi lamang.

 

Ang programa sa libreng sakay ay matatapos sa katapusan ng taon dahil hindi nabigyan ng pondo ang service contracting sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program ng pamahalaan.  Humingi ang Department of Transportation (DOTr) ng pondo para sa programa ng libreng sakay upang maipagpatuloy ang nasabing progama sa darating na taon.  LASACMAR

P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS  na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage.

 

 

Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos.

 

 

Sa house bill 3917, isinusulong ng dalawang mambabatas ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa tobacco smuggling sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

 

 

Aamyendahan din ng panukala ang Section 3 ng RA 10845 para maisama ang tobacco smuggling, maging ito ay manufactured products tulad ng cigars, cigarettes, o heated tobacco, bilang economic sabotage na may parusang life imprisonment at multang dalawang beses na mas malaki sa fair value ng smuggled agricultural product, buwis at iba pang multa.

 

 

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Nograles na ang tobacco farming ay nananatiling pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng maraming magsasakang Pinoy kahit na mataas ang excise taxes sa bentahe ng tobacco products.

 

 

“The tobacco industry is a common source of income for many Filipinos. This contributes to around 516,000 labor force in 2019 and around 2.2 million  Filipinos generated earnings from the industry. The significant impact was it accounts for 6% of tax revenue in 2020, and 58% of so-called sin tax receipts are being used to finance the national health budget – including the universal health care resulting in 8 million more low-income families receiving health care under this program,” ani Nograles.

 

 

Nananatili pa rin aniyang mataas ang tobacco production mula Abril hanggang Hunyo 2022, kung saan tinatayan na ang produksyon ng tobacco dried leaves ay nasa 36.38 libong metriko toneladas. Ang Ilocos region ang siyang pangunahing tobacco producer na nasa 24.02 librong metriko tonelada o 66% bahagi ng total tobacco production.

 

 

Ngunit, hindi lamang nagdurusa ang local tobacco farmers at lehitimong tobacco product manufacturers dala na rin ng mataas na excise tax kundi dahil na rin sa malaking halaga ng tobacco products naipinapasok sa bansa ng iligal. (Daris Jose)

Natanggap ang mensahe habang nagso-shooting sa Canada: GLAIZA, wagi pa ring Best Actress sa Facine Film Festival sa ‘Liway’

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NO problem naman pala kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung may eksena siyang makulong sa isang closed area, dahil wala naman siyang phobia sa ganoon.

 

 

Pero this time, na-challenge si Alden na gawin ang ganoong eksena sa ‘Start-Up PH,’ na nakulong sila sa elevator ni Bea Alonzo na gumaganap na Dani.

 

 

“Hindi problema sa akin kung may mga ganoong eksena sa serye kong ginagawa, pero gusto kong maramdaman kung ano ang feeling ng mga nakukulong sa elevator, para maibigay ko ang acting na dapat,” sagot ni Alden sa interview sa kanya ng ’24 Oras.’

 

 

“Ipinakita rin ang eksena nung bata pa si Tristan, na nagka-phobia siya dahil noong bata pa siya ay kinukulong siya ng Tita niya sa cabinet at pina-padlock, na doon niya naramdaman ang takot at hindi siya makahinga na nakakulong sa isang maliit na lugar na halos walang hangin.

 

 

“Kaya doing that scene, naramdaman ko ang naramdaman ng batang Tristan habang nakakulong siya.”

 

 

Nag-trending sa Twitter ang said scene, na sa takot ni Tristan, nakuha na niyang masabi kay Dani na “gusto kita, Dani,” bago nabuksan ang elevator at nailigtas sila.

 

 

More kapana-panabik na scenes ang mapapanood ng mga netizens habang papalapit ang pagtatapos ng ‘Start-Up PH,’ na napapanood gabi-gabi at 8:50PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

CONGRATULATIONS to Glaiza de Castro, for winning the Best Actress award sa “Liway” from Facine Film Festival (29th Annual Filipino International Cine Festival), San Francisco, California.

 

 

Natanggap ni Glaiza ang message habang nasa Canada siya, shooting an international movie doon.

 

 

“Maraming salamat @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian Film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Makhi.

 

 

“Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

 

 

“On that note, sa mga hindi pa po nakapanood ng “Liway,” you can actually watch it on YouTube for free.”

 

 

Ilang araw na lamang ang ilalagi ng Kapuso actress sa Canada, naghihintay na rin sa kanya ang GMA Network sa pagbalik niya on November 26, dahil magsisimula na sila ni Mike Tan sa bagong teleserye na muli nilang pagtatambalan, ang ‘Seed of Love.’

 

 

***

 

 

TOP GMA Network Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay na Pangarap’ ay umabot na ng 800 million views on TikTok, kaya labis-labis ang pasasalamat nila sa mga nanonood nito Mondays to Saturdays after ng ‘Eat Bulaga.’

 

 

Tuluy-tuloy ang pagti-trending ng hit inspirational-medical drama series na ito ang number 1 sa social media at sa GMA show online. Patuloy din ang paghakot nito ng views sa TikTok.

 

 

Isa sa videos na mayroong million views ngayon ay ang eksena habang pinagagalitan ni Dr. RJ (Richard Yap) si Dr. Analyn (Jillian Ward). Ganoon din ang eksenang naabutan ni Analyn na walang maayos na tirahan at natutulog lamangang lola nito sa dating bahay ng aso.

 

 

Marami pang eksenang umabot ang video ng milyung-milyong views. Kung gusto ninyong mapanood ang iba pang videos ng Kapuso serye, bisitahin lamang ang official Tiktok account ng GMA Network sa @gmanetwork. Napapanood naman ang serye tuwing 2:30 PM. Pwede rin sa online via Kapuso livestream.

 

(NORA V. CALDERON)

Substitute bill para sa pagkakaroon ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART), aprub

Posted on: November 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng House Committee on Health ang consolidated substitute bill sa ilang panukalang batas na nagsusulong para ma-institutionalize ang medical reserve corps.

 

 

Bubuuin ng panukalang batas ang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART sa ilalim ng Department of Health (DOH) kung saan magiging bahagi ng tungkulin nito ang pagbuo ng mga polisiya, plano, guidelines, at implementasyon ng kaukulang aksyon para sa mobilisasyon, serbisyo at proteksyon kapag may public health emergencies.

 

 

Dadagdagan ng HEART ang health workforce sa panahon ng public health emergencies at panganib.

 

 

Bukod dito, inaprubahan din ng komite ang consolidated bill ng panukalang nagsusulong sa pagkakaroon ng Overseas Filipino Workers Hospital. Nakapaloob ito sa House Bill 479 na inihain ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo; HB 1275 ni Camarines Sur Luis Raymond Villafuerte Jr., HB 1642 ni Pangasinan Rep. Marlyn Pimicias Agabas; HB 2058 ni La Union Rep. Francisco Paolo Ortega; HB 4123 ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo; HB 4195 ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez; HB 5114 ni Benguet Rep. Eric Go-Yap; HB 5928 ni Tarlac Rep. Christian Tell Yap; at HB 6111 ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr.

 

 

Inihayag ni Gato na may naitayo ng OFW hospital sa Clark, Pampanga bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng mga OFWs sa eonomiya ng bansa. (Ara Romero)