• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 30th, 2022

Gobyerno kapos ng P1.11 trilyon sa pondo

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa P433.16 bilyon ang ginastos ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sa pagbayad lamang ng utang, higit doble ng budget ng Department of Social Work and Development ngayong taon.

 

 

Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), P387.93 bilyon ang kabuuang ginastos ng pamahalaan nitong Oktubre at P33.18 bilyon ang gastos para sa interest payments.

 

 

Samantala, ang kita ng pamahalaan ay nasa P288.87 bilyon at short ito ng P99.06 bilyon para matustusan ang lahat ng gastusin kaya’t kinailangan nitong mangutang.

 

 

Ayon sa BTr, ang budget deficit ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, o ang short nito, ay umaabot na sa P1.11 trilyon.

NEW “BABYLON” TRAILER FURTHER REVEALS TALE OF OUTSIZED AMBITION

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE bigger the dream, the greater the price. Watch the new trailer for Damien Chazelle’s BABYLON starring Brad Pitt, Margot Robbie, and Diego Calva. Only in theaters across the Philippines February 1st, 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/Yl7Q5hV7_sU

 

 

Facebook: https://www.facebook.com/watch/?v=703466391198011&ref=sharing

 

 

About Babylon

 

 

Paramount Pictures Presents A Marc Platt / Wild Chickens / Organism Pictures Production A Damien Chazelle Film BABYLON.

 

 

From Damien Chazelle, BABYLON is an original epic set in 1920s Los Angeles led by Brad Pitt, Margot Robbie and Diego Calva, with an ensemble cast including Jovan Adepo, Li Jun Li and Jean Smart. A tale of outsized ambition and outrageous excess, it traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.

 

 

Written and directed by Damien Chazelle, produced by Marc Platt, Matthew Plouffe, Olivia Hamilton, executive produced by Michael Beugg, Tobey Maguire, Wyck Godfrey, Helen Estabrook, Adam Siegel

 

 

Starring Brad Pitt, Margot Robbie, Diego Calva, Jean Smart, Jovan Adepo, Li Jun Li, P.J. Byrne, Lukas Haas, Olivia Hamilton, Tobey Maguire, Max Minghella, Rory Scovel, Katherine Waterston, Flea, Jeff Garlin, Eric Roberts, Ethan Suplee, Samara Weaving, Olivia Wilde

 

 

Babylon is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Connect with #BabylonMovie and tag @paramountpicsph

 (ROHN ROMULO)

Ads November 30, 2022

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“ANONG  umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?”

 

 

Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa DBM na nasa ilalim ng pamumuno ni Secretary Amenah Pangandaman, dahil P4.85 lamang umano ang magiging umento sa pang-araw-araw na minimum na sahod ng mga manggagawa sa gobyerno mula pa noong 2018.

 

 

Ang pahayag ay ginawa matapos tiyakin ng DBM sa mga manggagawa ng gobyerno na magkakaroon ng taas sa suweldo sa 2023 sa ilalim ng Salary Standardization Law 5.

 

 

Batay sa kalkulasyon ng grupo, ang mga manggagawa sa gobyerno sa ilalim ng Salary Grade (SG) 1 ay tumatanggap lamang ng pagtaas ng P106 buwanan o P4.85 kada araw mula 2018 hanggang 2022 dahil sa tumataas na inflation.

 

 

Ayon sa ACT, ang kabuuang pagtaas ng sahod sa nakalipas na apat na taon ay P2,061 para sa antas ng suweldo.

 

 

Sinabi ni Quetua na ang mga empleyado ng SG 1 ay kasalukuyang tumatanggap ng P12,517 buwanang sweldo, mas mababa sa basic pay ng mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR), na P570 araw-araw o P14,820 kada buwan.

 

 

Samantala, ang mga empleyado ng SG 1 ay nakatakdang makatanggap ng P13,000 simula Enero 1, 2023, kasunod ng kaapat na tranche ng Salary Standardization Law 5 na nilagdaan noong administrasyong Duterte.

 

 

Giit pa ni Quetua, humihiling sila ng P33,000 minimum salary para sa mga manggagawa sa gobyerno, bilang karapatan nilang mabuhay, batay sa sariling datos ng gobyerno sa family living wage.

 

 

“Alongside, we demand for a four-grade adjustment to teachers’ salaries, starting from the upgrading of Teacher 1 positions from Salary Grade 11 to Salary Grade 15, for their pay to be at par with those of other professionals with comparable qualifications, such as the uniformed personnel and nurses,” dagdag pa niya.

 

 

Una rito, sinabi ng DBM na nasa P47 milyon ang inilaan sa Governance Commission para sa GOCCs sa ilalim ng proposed 2023 budget para pag-aralan ang government compensation structures. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Senador inaaral ang dagdag sweldo kasunod ng P33k minimum wage calls sa gov’t workers

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANAHON na raw upang i-review ang posibilidad ng dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, ito habang nananawagan ng umento ang mga manggagawa dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin.

 

 

Natataon ang  pahayag ni Revilla sa pagtungtong ng inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre 2022, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa halos 14 taon.

 

 

“Nararapat lamang na tingnan natin muli kung sapat pa ba ang natatanggap ng mga kawani ng ating gobyerno lalo na at tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,” wika ni Revilla, Lunes.

 

 

“Sa susunod na taon, last tranche na ng umento sa sahod nila. Kaya naman dapat nating bisitahin at rebisahin muli ito.”

 

 

Kamakailan lang nang manawagan ang government workers ng P33,000 minimum wage sa pangunguna ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), bagay na dapat daw gawin upang mailapit ang sweldo sa “family living wage.”

 

 

Nobyembre 2022 lang nang sabihin ng IBON Foundation na P1,133/araw o P24,632/buwan ang naestima nilang kailangang sahod para mabuhay nang “disente” ang pamilyang lima ang miyembro.

 

 

Pero ayon sa National Wages and Productivity Commission, nasa hanggang P570/araw lang ang minimum wage sa Metro Manila. Ito ang pinakamataas sa Pilipinas.

 

 

Una nang hiningi ni Revilla, na chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, ang komento ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng umento sa sahod

 

 

Tugon ng DBM, kakailanganin ng bata mula sa Konggreso para maitaas ang kasalukuyang bayad sa mga kawani ng goberno.

 

 

Kung lalabas daw na “feasible” ang panibagong wage hike, ipapangako raw ni Revilla na maghahain uli siya ng panukalang batas para rito. Matatandaang inakda at sponsor ang senador ng Salary Standardization Law of 2019.

 

 

“If tax is the lifeblood of our economy, government workers are the backbone of our bureaucracy,” dagdag pa niya.

 

 

“Our government is only as strong and effective as the people who work in it. Kaya suportahan natin sila sa pamamagitan ng pagwasto sa sweldo nila na akma at napapanahon.”

 

 

Una nang inihain ni Revilla ang Senate Bill No. 1406 upang taasan ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) na ibinibigay sa government employees.

 

 

Ang PERA ay subsido sa lahat ng government workers bilang tulong sa gitna ng kagipitan.

 

 

“Unfortunately, with the worsening economic conditions brought about by the COVID-19 pandemic and the skyrocketing prices of basic commodities and gasoline, I believe the current amount at P2,000 is already insufficient and needs to be adjusted,” wika pa ni Revilla.

 

 

Kung maisasabatas, itataas sa P4,000 ang economic relief allowance mula sa P2,000. (Daris Jose)

5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG babaeng Vietnamese nationals ang nai­ligtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Diyong Huang, (lalaki) Chinese national, 37; at  Thi Ut Ha, (babae), Vietnamese national, 26.

 

 

Sila ang itinuturong nasa likod sa prostitusyon ng mga biktima na kinilalang sina Bhu Thi My Linh, 29; Ngyuyen Thi Yen, 27; Tran Thi Yen, 27; Tran Thi Thuy Duong, 25 ; at Trieu Niu Coi, 31.

 

 

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng madaling araw nitong Biyernes nang isa­gawa ang entrapment laban sa mga suspek sa Bayshore 1 Residence, sa Parañaque City.

 

 

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang Romely Dipol Battung na ang mga babaeng banyaga ay ginagamit sa prostitusyon.

 

 

Narekober ang dalawang P1,000 bill, 51 piraso ng P1,000 boodle money na ginamit sa entrapment, itim na Toyota Fortuner (NBK1912) at isang Apple iPhone 14 Promax.

 

 

Inihahanda ang ihahaing reklamong paglabag sa Section 3(a) ng Revised Penal Code 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Person Act. (Gene Adsuara)

Navotas, DA lumagda sa MOA para sa Enhanced Kadiwa

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Department of Agriculture (DA) para palakasin ang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary for Consumer Affairs na si Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement noong Nobyembre 21.

 

 

Sa ilalim ng MOA, ang Navotas ay tatanggap ng P5,000,000 na gagastusin sa paggawa ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.

 

 

Ang dating tulong pinansiyal ng Kadiwa mula sa DA ay ginamit sa pagbili ng mga lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda, na ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryong mangingisda.

 

 

“Our fisherfolk also served as modern day heroes, especially at the height of the pandemic. While many establishments stopped operations, they continued to provide food on our table,” ani Tiangco.

 

 

“We want to give them as much support as we can to uplift their livelihood and help them secure a stable source of income,” dagdag niya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng NavoBangka ay sumasailalim sa pagsasanay sa paggawa ng bangka, pagkukumpuni, at maintenance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Pagkatapos ng pagsasanay, gumawa sila ng sariling bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng lokal na pamahalaan at iba pang gamit mula sa BFAR. (Richard Mesa)

China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea.

 

 

Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea.

 

 

Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang pinakahuling inilunsad nito na missiles na siyang nagpalala ng tension sa Korean Peninsula matapos ang joint military drills sa pagitan ng South Korea at Amerika. (Ara Romero)