Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Si Jelai daw kasi ay parating nakaka-collab ni Buboy sa pagba-vlog. Kaya special friends lang daw talaga sila at wala nang iba pa.
“Si Jelai kasi, sobrang special talaga ni Jelai, sobrang siya na ‘yung ka-lokohan ko, pero walang make love po, hindi kaya. But a special friend talaga sa akin at ready ako at andito lang ako para sa kanya,” ngiti pa ni Buboy.
Kapwa single naman sina Buboy at Jelai. Matagal nang hiwalay si Buboy sa partner niya at ina ng dalawang anak na si Angillyn Gorens. Si Jelai naman ay hiwalay na sa mister niyang si Jon Gutierrez a.k.a. King Badger.
Kaya wala naman sigurong masama kung aminin nila na nagde-date sila dahil cute naman tingnan sina Buboy at Jelai na magkasama.
***
MABUTI na lang at hindi pikon si Mavy Legaspi dahil sa pag-viral ng sagot niya na “hotdog” sa isang tanong sa kanya sa ‘Family Feud.’
Si Mavy pa mismo nagkuwento via Twitter na habang naglalakad siya sa mall, may isang fan ang biniro siya dahil sa nag-viral na sagot niya sa Family Feud.
Tweet ni Mavy: “Was walking around the mall and then someone said… “MAVY, 1+1?”
Imbes kasi na sumagot ng Magellan o 11, sumagot si Mavy ng “hotdog.” Kaya nag-viral ito dahil parang clueless si Mavy sa kanyang sinagot.
Good sport naman si Mavy at nag-tweet pa ito after na mag-viral ang sagot niya: “feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! ako lang toh…”
Ikinatuwa naman ng parents ni Mavy na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang pagiging sport ni Mavy. Pinalaki naman daw nila ito na hindi pikon at pagtawanan na lang ang anumang pagkakamaling nagawa.
NAGSIMULA na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang “Martyr or Murderer” na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang “Maid in Malacanang.”
Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa gaganap na young Corazon Aquino na pinipili pa nila.
Kaya may mga nai-post na silang photos ni young Ferdinand E Marcos, Marco Gumabao at young Ninoy Aquino, Jerome Ponce. Si former Manila Mayor Isko Moreno ang gaganap na Senator Ninoy Aquino.
Retained naman ang bumuo ng cast ng “MiM” na sina Cesar Montano as President Ferdinand E. Marcos and Ruffa Gutierrez as Madame Imelda R. Marcos. Si Giselle Sanchez pa rin ang gaganap na President Cory Aquino. Si Cindy Miranda, dating Bb. Pilipinas Tourism ’13 na isang Viva Artist, ang magiging young Imelda R. Marcos.
On location na ang “Martyr or Murderer” sa Ilocos Norte ngayon. May two months si Direk Darryl na tapusin ang movie na ipalalabas sa mga sinehan sa February, 2023.
***
BABY girl pala ang magiging first child ng mag-asawang Ben Wintle at Iza Calzado.
Nag-post si Iza sa Instagram na kasama niya ang mommy niyang si Mary Ann Ussher noong nabubuhay pa ito. Binanggit ni Iza na wala siya masyadong clear memories ng kanyang childhood at naaalaala lamang niya ito sa pamamagitan ng mga photos.
“Dear Mama, 21years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well, I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light.
“As I prepare to become a mother, I ask for your continued guidance and support. This won’t be an easy ride but I know it will be an incredibly fulfilling one. Pretty soon, I will have my own child, a little Mary Ann, a little Iza.
“Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing. I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again.
“Pero matagal pa yun, Ma. Pakibulong kay God please. Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil and nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailanman iiwan ang kanyang anak. Ikaw ang nagpatunay nito. I love you, Ma.”
***
SA ginanap na “Signed for Stardom” for 2022 ng Sparkle GMA Artists, they welcomed two established artists into their fold: Jayson Gainza and Bianca Manalo.
Yes, new Kapuso artist na si Bb. Pilipinas 2009 winner. Thankful and grateful si Bianca sa GMA. Kasama niyang dumating sa contract signing ang partner niyang si Senator Sherwin Gatchalian.
Gulat but thankful naman si Jayson, na nagsimula sa Pinoy Big Brothers ng ABS-CBN, sa tiwala ng GMA sa kanya. Soon to announce na ang GMA ng mga projects na gagawin nila para kina Bianca at Jayson, although si Jayson ay naka-two seasons din ng “Happy ToGetHer” na produced ni John Lloyd Cruz sa GMA, naka-season break lamang sila ngayon pero babalik ulit this December.
(NORA V. CALDERON)
LUMUWAS pa sa Southern Leyte ang Manila Police Distric (MPD) upang isilbi ang isang warrant of arrest sa isang lalaki na wanted sa pananaksak sa Tondo.
Kinilala ang suspek na si Benjie Caballegan, nasa hustong gulang, sa San Juan Southern Leyte noong Nob.25 .
Taong 2021 nang mangyari ang insidente sa Brgy.101 Tondo kung saan nakunan ng CCTV ang pananaksak nito sa isang lalaki na masuwerte namang nakaligtas.
Ayon kay Manila Police District-Raxabago Police Station commander PLtCol Rosalino Ibay Jr., walang malinaw na motibo sa pananaksak na posibleng napagtripan lamang dahil sa kalasingan.
Hindi rin aniya kilala sa lugar ang suspek .
(GENE ADSUARA)
BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.
Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang .
Sa nasabing kampanya, nangako ang ibat-ibang ahensya at NGOs ng No Smoking sign na ilalagay sa Dolomite Beach.
Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Maila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking &Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).
Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa cancer sa parehong kasarian sa buong mundo.
Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng canser sa bansa.
Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.
Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Maila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo. (GENE ADSUARA)
KAHIT tapos na ang Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng Kadiwa ng Pasko project.
Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa mga Filipino consumers.
Sa isinagawang Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag- tie-ups sa local government units (LGUs) upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.
“Magtutulungan na ang Office of the President (OP) at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy ,” ayon kay Pangulong Marcos.
“At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa ng Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. Hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para naging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili ,” dagdag na wika nito.
Inisyatiba ng Office of the President (OP) at sa pangunguna ng Department of Agriculture, pormal na inilunsad ang Kadiwa ng Pasko project noong Nobyembre 16 para i- promote ang “affordable at high-quality products.”
Binibigyan ng programa ang mga consumers ng oportunidad na makabili ng mas abot-kaya sa bulsa na goods o produkto at matulungan ang local agricultural producers at maging ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Inulit naman ni Pangulong Marcos, mag-aalok ang pamahalaan ng mas murang halaga ng bigas o P25 kada kilo.
Ang Kadiwa ng Pasko program, ayon kay Pangulong Marcos ay ang “good” Christmas gift ng kanyang administrasyon sa mga mamamayang Filipino.
“Kaya’t palagay ko ay maging magandang pamasko,”ayon sa Pangulo sabay sabing “I hope it is the gift that keeps on giving. And that is what we have been working towards.”
Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang lahat ng Kadiwa caravan partners at participants, kabilang na ang Quezon City LGU na nagsilbing government model sa implementasyon ng naturang proyekto.
“Maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pakikilahok. Nagtutulungan po tayo. Kailangan po talaga tayong magtulungan, makahanap ng paraan na tayo ay magkasama. Tayo pagka sabay-sabay ang ating galaw, kahit na anong gugustuhin natin, kahit na ano na ating pinapangarap ay makakamtan po natin,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa kabilang dako, umaasa naman si Pangulong Marcos na magiging matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa local markets sa first quarter ng 2023.
Layon aniya ng Kadiwa project na baguhin ang presyo, sa oras na ang presyo sa mga pamilihan ay maging “the same as what we can give in the Kadiwa [caravan].”
“Once we get to a point where it’s no longer necessary, where the prices in the markets are the same as what we can give in the Kadiwa, then we don’t need the Kadiwa anymore. Maybe [we’ll implement the project] just for distribution para sa mga [to those in] far-flung areas,” ayon sa Pangulo.
“But we’re not yet there at that point, pinapakalat lang natin around the country right now. As it stands right now, in terms of supply, we’re okay until at the very least, February, March of next year. Hopefully by then, the prices of commodities in the market will have normalized,” dagdag na pahayag nito.
Inilunsad ang Kadiwa ng Pasko project upang tuguan ang inflation at pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin na may kaugnayan sa sa Kapaskuhan.
Nagbibigay ito ng isang “direct farm-to-consumer food supply chain to eliminate several marketing layers and help boost the income of local agricultural producers.”
Ang caravan ay ipinatutupad sa pakikipagtulungan sa DTI, DILG, DSWD at DOLE. (Daris Jose)
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas “Bugoy”, 48 at Raquel Pelijates, 52, pawang residente ng Brgy. Longos.
Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa Alupihang Dagat Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 16.45 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P111, 860.00, buy bust money, cellphone at coin purse.
Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale) in relation to Section 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Art II of RA 9165 (Otherwise Known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
STRANGER Things’ Finn Wolfhard stars in the first official trailer for A24’s upcoming film When You Finish Saving The World.
Wolfhard is a Canadian actor, as well as the lead singer and rhythm guitarist for the indie band The Aubreys, who is best known for his role as Mike Wheeler in the Netflix, hit series ‘Stranger Things’ as well as his portrayal of Richie Tozier in the 2017 film adaption of ‘IT’ and its sequel ‘IT: Chapter Two’.
It was previously announced that Academy Award-winning actress Julianne Moore would be joining Wolfhard in When You Finish Saving The World to lead the upcoming film from A24, which premiered at the 2022 Sundance Film Festival back in January, with no word on the future of the film, until now.
Now, A24 has revealed the first official trailer for the upcoming coming-of-age film, When You Finish Saving The World. The trailer highlights the strained mother-son relationship between Wolfhard and Moore as it showcases the raw emotional turmoil that some face while attempting to figure themselves out and the damage they sometimes cause to those around them. The When You Finish Saving The World trailer promises a modern coming-of-age tale that’s dripping with heartwarming energy.
Check out the trailer below:
Based on Jesse Eisenberg’s 2020 Audible Original audio drama by the same name, When You Finish Saving The World is written and directed by Eisenberg, marking the famed actor’s directorial debut. Eisenberg had previously directed the short film Becoming A Werewolf and will be directing and starring in the upcoming film A Real Pain. Outside of Wolfhard and Moore, When You Finish Saving The World will also see Alisha Bye (13 Reasons Why), Jay O. Sanders (Bardo), Billy Bryk (Ghostbusters: Afterlife), and Eleonore Hendricks (The Mountain) among its cast.
Eisenberg, Wolfhard, and Academy Award-nominated musician Emile Mosseri co-wrote the upcoming film’s all-original soundtrack, combining Wolfhard’s two famed talents into one coming-of-age tale. While highlighting their differences, the upcoming drama film will also showcase how oftentimes one’s differences can also reveal one’s similarities, while tackling romantic relationships in addition to domestic relations. When You Finish Saving The World is already setting itself up to be a unique onscreen experience, as it will require audiences to think from two different perspectives about a problem while drowning them in an overbearing amount of emotions.
A24 has released a litany of hit films just in 2022 alone, with Everything Everywhere All At Once, Marcel the Shell with Shoes On, Bodies Bodies Bodies, and X along with its prequel Pearl just to name a few, leaving a significant amount of hope that When You Finish Saving The World will surpass expectations. Outside of Wolfhard and Moore’s onscreen chemistry, it will be interesting to see Eisenberg’s work on a film behind the screen in the upcoming coming-of-age tale.
Eisenberg fans and movie buffs alike won’t want to miss When You Finish Saving The World when it hits theaters on January 20. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)
Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.
Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.
Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, 13 silver medals at 13 bronze medals ang nakuha ng men’s team.
Habang ang women’s team ay mayroong 21 gold medals, apat na silver medals at apat na bronze medals.
Bukod pa dito ay mayroong 10 bagong Asian records ang nakamit ng Pilipinas.
Ang mga atletang kinilala ng senado ay sina: Rafael Renzo Cahilig, Nestor Redulla Jr., Francis Oliver Retardo, Emilio Lorenzo Florendo, James Emmanuel Sy, Ross Emanuel Teodosio, Maphi Daniel Polvora, Jalen Cytienne Cruz, Lance Gabriel Laquian, Rhodison Jay Esmundo, Merwin Torres, Joyce Gail Reboton, Ma. Angelica Savillo, Jeremy Reign Bautista, Christine Erine Alejandro, Charlene Raye Tugade, April Iris Williams, Rikki Dianne Saul, Jeremy Reign Bautista at Bea Piedad. (CARD)
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan hinggil sa isang pekeng operations order na kumakalat sa mga chat group sa internet.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang kumakalat na operation order na may titulong ‘checking overstaying and illegal employment in various entertainment places’ ay hindi inisyu ng BI.
Ang pekeng kautusan na umano’y nag-uutos na inspeksiyunin ang mga entertainment na lugar sa Maynila, kabilang ang mga bars, KTVs, music houses, golf clubs, bowling alleys, internet cafes, amusement parks, casinos, hotels, guest houses, at restaurants apang halughugin ang mga illegal na dayuhan.
“No such order has been issued by the BI,” ani Tansingco. “Our operatives are not authorized to randomly inspect establishments, but instead are required to secure a mission order to conduct an arrest. A mission order is only issued upon thorough investigation and confirmation that the subject foreign national has indeed violated immigration laws,” dagdag pa nito.
Naniniwala si Tansingco na ang pekeng kautusan at ginagamit ng mga sindikato upang takutin ang mga dayuhan at ma-scam sila.
Sinabi ni tansingco na i-report ito sa local enforcement agencies. GENE ADSUARA