• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 3rd, 2022

DOJ at PNP, magkasamang binigyan ng update ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMANG pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang mga pamilya’t kaanak ng mga nawawalang sabungero.

 

 

Ito ay matapos na magkaroon ng mga panibagong development ang pulisya hinggil sa kanilang ginagawang imbestigasyon dito.

 

 

Layunin nito na bigyan ng update ang mga kamag-anak ng 34 na mga nawawalang sabungero sa Laguna hinggil sa naturang kaso.

 

 

Kasunod ito ng pagsasampa ng reklamong kidnapping sa dalawa pang bagong mga suspek sa krimen matapos na ilabas na ng mga otoridad ang computerized facial composite ng mga ito mula sa “secret cellphone video” na kanilang nakuha.

 

 

Samantala, sa bukod naman na pahayag ay tiniyak ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police na hindi nila lulubayan at magiging prayoridad nito ang mga kaso ng mga nawawalang sabungero.

 

 

Kasabay ng kanilang puspusang pagpupursigi sa pangangalap pa ng mga ebidensya at paghahanap ng mga testigo na makakatulong sa pagresolba sa nasabing kaso. (Daris Jose)

Weekend fun at kulitan, kasama ang mag-iina: Atty. MICHAEL at BORGY, muling nakipag-bonding sa vlogs ni Sen. IMEE

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINUBUKSAN ni Senadora Imee Marcos ang buwan ng Disyembre sa pamamagitan ng isang espesyal na back-to-back weekend na hitik sa kasiyahan at tawanan na bonding kasama ang kanyang mga anak na sina Attorney Michael Manotoc at Borgy Manotoc sa kanyang official YouTube channel.

 

 

Kahapon, Disyembre 2 (Biyernes), pinagbigyan ni Sen. Imee ang most requested challenge mula sa kanyang solid Imeenatics kung saan ginawa niya ang kuwelang “Would You Rather Be” game kasama si Attorney Michael.

 

 

Hosted by Juliana Parizcova-Segovia ang laro kung saan sinagot ng mother-and son tandem ang mga nakakalokang tanong matapos silang magulat sa isang out-of-this-world na paksa na dahilan kung bakit sila nagtawanan ng todo.

 

 

Today, December 3 naman, super bonding si Sen. Imee kasama si Borgy habang nag-nostalgic trip sila down memory lane sa pamamagitan ng mga never-before-seen family photos.

 

 

Sa vlog na ito, mapapanood nina Sen. Imee at Borgy ang kanilang mga unedited na reaksyon sa ultimate throwback episode. Tinignan nila ang mga childhood pictures ng masiyahing Senadora at pati natin ang heartwarming sampling ng kanyang family pictures kasama ang tatlo niyang mga anak.

 

 

Tumawa kasama sina Senator Imee, Attorney Michael, Juliana, at Borgy at mag-enjoy ng isang stress-free na weekend at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Mindanao Week of Peace, ipinagdiwang -Estrella

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na nilalayon ng bawat Filipino ang pagdiriwang ng “Mindanao Week of Peace”.

 

 

Sinabi ni  Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na “The week-long celebration is a reminder for all Filipinos – regardless of one’s status in life, religion, or culture – should always strive to achieve lasting peace, unity, and harmony.”

 

 

“We are all Filipinos, whatever our faith, or political and religious affiliations. When we are united as one nation, we can achieve genuine sustained national development,”  aniya pa rin sa pakikiisa ng DAR sa ika-25 taong pagdiriwang ng nasabing okasyon.

 

 

Umaasa si Estrella na makakamit ng Mindanao ang “lasting peace” lalo pa’t ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ay determinadong panatilihin ang natamong  komprehensibong “peace process” ng  bansa.

 

 

Idinagdag pa nito,  bilang mandato ng Pangulo, ang peace at development sa Mindanao, na minsan nang kinubkob ng giyera at tunggalian “has been set into motion and is gaining traction.”

 

 

Samantala, para  naman kay DAR Office of Mindanao Affairs Undersecretary Amihilda Sangcopan, kailangan ng bansa ng mas maraming peace warriors para palakasin ang  peacebuilding initiatives sa ilalim ng banner ng “pagkakaisa” ni Pangulong Marcos.

 

 

“Nothing that is great comes easy, but by truly uniting for a common goal, I strongly believe that even the impossible can be achieved. Peace in Mindanao will not only depend on the action of our government, it also rests heavily on the commitment of our fellow Mindanaoan who most aspire for it,” wika ni Sangcopan.

 

 

Ang Mindanao Week of Peace ay ipinagdiriwang mula sa huling Huwebes ng Nobyembre hanggang unang Miyerkules ng Disyembre sa pamamagitan ng Proclamation Order No. 127, ipinalabas ni dating President Gloria Macapagal Arroyo, na  “recognize the common aspirations of Mindanaoans to live in peace, unity, and harmony with each other regardless of status in life, religion or culture”.

 

 

“The celebration is also aimed at bringing people together to promote a peaceful atmosphere not only in Mindanao but throughout the country,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

THE TEASER TRAILER OF “TRANSFORMERS: RISE OF THE BEASTS” IS HERE!

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NEXT year, power is PRIMAL.

Check out the new teaser trailer for Paramount Pictures’ epic action adventure Transformers: Rise of the Beasts below and watch the film in theaters June 2023.

 

YouTube: https://youtu.be/gDkYYVlzJsc

 

Facebook: https://fb.watch/h8XIc0kPoV/

 

About Transformers: Rise of the Beasts

 

Returning to the action and spectacle that have captured moviegoers around the world, Transformers: Rise of the Beasts will take audiences on a ‘90s globetrotting adventure with the Autobots and introduce a whole new breed of Transformer – the Maximals – to the existing battle on earth between Autobots and Decepticons. Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the film arrives in theatres [INSERT LOCAL RELEASE DATE]

 

The screenplay is by Joby Harold and Darnell Metayer & Josh Peters and Erich Hoeber & Jon Hoeber, story by Joby Harold, based on Hasbro’s Transformers™ Action Figures.

 

Produced by Lorenzo di Bonaventura, Tom DeSanto & Don Murphy, Michael Bay, Mark Vahradian, Duncan Henderson

 

The film stars Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, Michelle Yeoh, Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández.

 

Transformers: Rise of the Beasts is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Connect with #Transformers #RiseOfTheBeasts and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO) 

SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATANGGAP na ng kanilang 13th month at December pension ang lahat ng pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa unang linggo ng December 2022.

 

 

 

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para sa 3.36 million pensioners ng SSS.

 

 

 

Ang mga pensioners na qualified na tumanggap ng 13th month pension ay SSS retirement pensioners, SSS  Employees’ Compensation (EC) survivor, at total disability pensioners kasama na ang partial disability pensioners na ang pension duration ay hindi lalampas ng 12 buwan.

 

 

 

Samantala, sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso ang matatanggap ng kanilang pensioners ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon na hindi bababa sa P10,000.

 

 

 

Nasa kabuuang P3.35 bilyon Christmas cash gift ang ilalabas ng GSIS para sa higit 328,000 old-age at disability pensioners na ipamimigay simula sa Disyembre 6.

 

 

 

Ang mga pensiyonado na may edad na at may kapansanan na nasa suspendido na katayuan noong Disyembre 31, 2022 dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay makakatanggap din ng kanilang cash gift pagkatapos nilang muling i-activate ang kanilang status.

 

 

 

Ang mga nagretiro noong 2018 hanggang ngayon taon na kinuha ang 18-month cash payment ng kanilang basic monthly pension, ay tatanggap ng cash gift makalipas ang limang taon.

Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”

 

 

Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na gatawaging “Maharlika Wealth Fund (MWF).”

 

 

Sa ilalim pa ng panukala, ang MWF ay gagamitin para isulong ang fiscal stability para sa economic development at mapalakas ang Government Financial Institutions (GFIs) sa pamamagitan ng karagdagang investment platforms.

 

 

Layon din nito na matugunan ang target goals ng pamahalaan na nakasaad sa Agenda for Prosperity ni Pangulong Marcos.

 

 

Sa revised version, ang MWF ay kukunin mula sa investible funds ng top GFIs ng bansa, National Government, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

 

Nagkasundo rin ang panel na magsagawa ng isa pang public consultation sa GFIs at iba pang stakeholders sa Lunes.

 

 

Ang HB 6398 ay pangunahing inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, at TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

 

Ads December 3, 2022

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

 

 

Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan mismong ini-award kay Lotlot ang kanyang Best Supporting Actress trophy para sa ‘On The Job 2: The Missing 8.’

 

 

Masayang-masaya ang aktres na naka-bonding ang mga officers at members ng SPEEd sa kanilang bonggang party.

 

 

Nakaka-touch rin ang post ni Lotlot sa kanyang Facebook page the following day ng mga litratong kuha sa SPEED Christmas party at ang bahagi ng kanyang nakakakantig na pasasalamat sa naturang samahan ng mga entertainment editors.

 

 

“Kaya itong Eddys napaka-espesyal sa akin.

 

 

SPEEd or Society of Philippine Entertainment Editors, isang samahan ng mga natatanging manunulat, mga nirerespeto ko sa Industria. Sila yung nag veverify, fact check bago ilabas ang balita..

 

 

“Lalo na sa panahon ngayon na napaka dami ng fake news pero pag pangalan na nila ang nakalagay alam mo na totoo ito.

 

 

“I am humbled to be seen by all of you.

 

 

“Isang karangalan ang mabigyan ng karangalan galing sa inyo.  Maraming maraming salamat po.

 

 

“May God continue to bless you and the work that you do.

 

 

“I still believe that the pen is mightier than the sword!

 

 

“Salute!”

 

 

***

 

SPEAKING of ‘On The Job’, may kasunod na ang naturang proyekto kung saan isang prequel naman ang handog ni director Erik Matti sa mga tumangkilik ng naturang film franchise.

 

Sa pangatlong installment ng On The Job (na ang shooting ay sa third quarter ng 2023), nakaka-excite na mapapanood natin sa cast sina Jericho Rosales at Ryan Agoncillo.

 

 

Gaganap sa prequel si Echo bilang young Mayor Pedring Eusebio na unang ginampanan ng mahusay na aktor na si Dante Rivero, at si Ryan naman ay gaganap bilang batang Rene Pacheco, ang high-ranking military man na unang ginampanan ni Leo Martinez.

 

Siguradong kakaiba ang twists and turns at mga flashback highlights ng upcoming project na ito, kaya tiyak na aabangan ito ng publiko.

 

Interesting ring malaman kung nasa prequel pa sina Lotlot de Leon at John Arcilla.

 

***

 

LOVE is sweeter the second time around kaya naman nagpakasal for the second time sina Ai Ai delas Alas at mister niyang si Gerald Sibayan.

 

 

Unang ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows sa Quezon City.

 

 

At inanunsiyo ni Ai Ai sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nag-renewal of vows sila ni Gerald sa Las Vegas

 

Kalakip ng photo collage nina Ai Ai at Gerald (kung saan naka-white dress si Ai Ai at may belong asul samantalang naka-dark suit naman si Gerald.

 

Kalakip ng larawang naghahalikan sila kung saan nakasuot si Ai Ai ng belo at may hawak na bulaklak habang naka-suit naman si Gerald ang caption na… “High five to our 5 year milestone.. To GOD be the glory .. Mama Mary thank you for taking care of us.❤️

 

 

Limang taon na sila ngayong kasal pero magkarelasyon na sila sa loob ng walong taon.

 

 

Sa San Francisco sa USA muna namamalagi ang mag-asawa, pinagkakaabalahan ng Comedy Queen ang kanilang baking business habang wala pa siyang show ulit sa GMA.

(ROMMEL L GONZALES)

Roderick Paulate ‘guilty’ sa graft, falsification of documents kaugnay ng ghost employees

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINATULANG nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at eight counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010.

 

 

Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification offense.

 

 

Kung pagsasama-samahin ang parusa sa kanya, pwede itong pumatak ng mula 10 taon at anim na buwan hanggang 62 taon para sa lahat ng kaso.

 

 

Kasamang na-convict ni Paulate para sa graft charges ang kanyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde.

 

 

Taong 2018 nang maghain si Paulate, na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula gaya ng “Petrang Kabayo” at noontime show na “Magandang Tanghali Bayan,” ng piyansa para sa mga nabanggit na reklamo. Noong taong ‘yon, gumanap pa siya bilang mayor sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

 

Pinatawan naman si “Kuya Dick” ng 90-araw na suspensyon ng Department of the Interior and Local Government noong tumatakbo pa ang kaso. (Daris Jose)

House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong

Posted on: December 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices.

 

 

Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian na patawan din ng parusa ang mga lalabag.

 

 

Nakapaloob sa explanatory note, sinabi ni Gatchalian na may mga regulasyon na ipinatutupad laban sa mga paputok. At batay sa datos ng Department of Health o DOH, naging epektibo naman ito sa kampanya kontra sa pagpapaputok.

 

 

Subalit, sinabi ng mambabatas na may mga kaso pa ring naitatala, at ang mga bata at “young adults” na edad 11 hanggang 30 anyos ang karaniwang nadadale ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo.

 

 

Kadalasan aniya sa mga nabibiktima ng paputok ay ang mga tinatawag na “passive spectators o bystanders” o ‘yung mga nanonood lang.

 

 

Nilinaw naman ni Gatchalian na kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala ay may “exemptions” pa rin lalo na sa mga okasyon o pagkakataon na kailangan ng mga paputok.

 

 

Ang mga korporasyon o kumpanya ay dapat makakuha muna ng “special permit” mula sa Philippine National Police o PNP Fire and Explosive Office.

 

 

At kapag may permit na, dapat itong ipakita sa kaukulang lokal na pamahalaan na siyang magpapasya na payagan ang fireworks sa “designated areas” at dapat gawin ng mga propesyunal ang fireworks display.

 

 

Nakasaad pa sa panukala ni Gatchalin na ang parusa sa mga lalabag ay: 1st offense, multang P1,000 o kulong na hindi higit sa isang buwan, o pareho depende sa pasya ng korte. Sa 2nd offense, multang P3,000 o kulong na hindi higit 3-buwan o pareho; at sa 3rd offense, multang P5,000 o kulong na hindi lagpas ng 6-buwan o parehong parusa

 

 

Kapag ang lumabag ay business establishment, mananagot ang presidente o general manager; habang kakanselahin ng City Mayor o LGU ang business permit ng negosyo kapag umabot sa 3rd offense. (Ara Romero)