• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 8th, 2022

Ads December 8, 2022

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants  ang inilunsad  na “register anywhere project” (RAP) ng  Commission on Elections (Comelec).

 

 

Sa  Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng  Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang  tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.

 

 

“The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted,”

 

 

Sa ilalim ng proyekto, maari nang magparehistro ang mga kwalipikadong aplikante na naninirahan sa bansa sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang application form, documentary requirements at ang kanilang biometrics ay kunin on-site.

 

 

Pagkatapos nito, ang mga isinumiteng dokumento at nakuhang biometrics data ay inendorso at ipapadala sa Opisina ng Election Officer ng distrito/lungsod/munisipyo na may hurisdiksyon sa tirahan ng aplikante.

 

 

Isasagawa ang pilot test ng RAP  tuwing Sabado at Linggo mula  Dec. 17, 2022 to Jan. 22, 2023.

 

 

Ang mga natukoy na mga venue ay sa SM Fairview in Quezon City, SM Mall of Asia in Pasay City, SM South Mall sa Las Piñas City, Robinsons Place sa Manila at Robinsons Galleria sa Quezon City.

 

 

Walang  registration sa  Dec. 24, 25, at  31, 2022, at Jan. 1, 2023.

 

 

Bumuo ang poll body ng limang RAP teams sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Each RAP team shall be designated as a remote reception point of all OEOs (Offices of Election Officer),” ayon sa  Comelec .

 

 

Binubuo ng dalawang personnel ang bawat team na tanggapin at magproseso ng aplikasyon at interview sa aplikante; isa bilang Acting Election. officer, na awtorisadong pangasiwaan ang oath of applications on-site.

 

 

Ayon pa sa Comelec, magkakaroon din sila ng hindi bababa sa limang Voter Registration Machine (VRM) operator; isang laptop operator para sa National List of Registered Voter (NLRV); dalawang tauhan na namamahala sa crowd management at hindi bababa sa isang tauhan ng Comelec Organic Security Force. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ilang kawani ng PDEA nahulian ng P9-M halaga ng droga

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO  ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.

 

 

Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.

 

 

Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na naglalaman ng shabu at isang malaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P9-M.

 

 

Kabilang na naaresto ang district director ng PDEA na nakabase sa lungsod ng Taguig.

 

 

Ayon kay Southern Police District chief Brig. Gen. Kirby Kraft na aktibog ang mga nasabing mga suspek kung saan ilang araw din nilang sinubaybayan ang aktibidad ng mga ito bago isagawa ang operasyon.

 

 

Tiniyak naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na masasampahan ng kaso ang nasabing mga naarestong suspek at hindi nito kokondinahin ang ginawa ng mga suspek. (Daris Jose)

2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan at 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation in relation to SAFE NCRPO ang HVI na si Marian Torejas alyas “Mean”, 37, (watch listed).

 

 

Nakumpiska kay Torejas ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 204, 000.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, alas-6:05 ng umaga nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna din ni P/Major Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation na may kaugnayan sa One Time Big Time (OTBT) sa Phase 8B, Package 5, Barangay 176 si Maricel Castro alyas “Cel”, 49.

 

 

Nakuha kay Castro ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 10 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police sa kanilang kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Taxi driver hinoldap ng pasahero, kinandado sa compartment

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 43-anyos na lalaki matapos holdapin ang isang taxi driver at ikandado pa sa compartment ng sasakyan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang suspek bilang si Carlos Tamayo, resident ng Purok 5, San Agustin, Hagonoy, Bulacan.

 

 

Sa pahayag ng taxi driver na si Roldan Nabiong, 39, ng Novaliches, Quezon City kay Station Investigation Unit chief PLt Armando Delima, nagpanggap na pasahero ang suspek at sumakay sa kanyang taxi sa McArthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City at nagpahatid sa Barangay Maysan, Valenzuela City.

 

 

Pagsapit sa S. Marcelo St., Brgy. Maysan dakong alas-4 ng madaling araw bigla na lamang sinakal ng suspek at tinutukan ng patalim ang biktima sabay nagdeklara ng holdap saka kinuha ang P400 cash ng taxi driver.

 

 

Matapos nito, kinandado ng suspek ang biktima sa compartment ng taxi subalit, nagawa niya itong mabaklas saka tumalon sabay takbo.

 

 

Kaagad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrolyang mga tauhan ng Sub-Station 9 na sina PCpl Rayan Villanueva PCpl Edison Ong na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Ani Station Investigation and Detective Management Branch chief  PLt Robin Santos, narekober sa suspek ang kinuhang P400 cash, kitchen knife, at taxi cab (WCO-460) ng biktima.

 

 

“Simula pa lang po ng bermonths, I have already ordered the station commanders to intensify police visibility in their areas kasi ineexpect na po namin na tataas ang bilang ng krimen, habang papalapit na ang kapaskuhan kaya ibayong pag-iingat po ang aming ipinapayo sa lahat,” ani Col. Destura

 

 

Si Tamayo ay sinampahan ng kasong robbery with threats and intimidations, R.A. 10883 o ang new anti-carnapping act of 2016, at paglabag sa B.P. 6 (illegal possession of deadly weapon) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Retired referee Carlos Padilla, ‘inupakan’ ni Nedal Hussein matapos ang rebelasyon; tinawag na ‘kriminal’

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nakarating na sa kaalaman ng dating Australian professional boxer na si Nedal Hussein ang naging rebelasyon ni retired boxing referee Carlos Padilla sa naging “pandaraya” nito noon sa laban nila ni Manny Pacquiao.

 

Sa isinagawang panayam sa kaniya, inamin ni Padilla na tinulungan niya si Pacquiao upang matalo ang kalaban nitong si Hussein sa laban nila noon sa Antipolo City taong 2000 upang makarating ang Pinoy boxer sa World Boxing Championship.

 

Aniya, nanaig daw ang pagka-Pilipino niya nang mga sandaling iyon. Inilarawan din niya si Hussein bilang “dirty fighter”.

 

“So, you know the opponent, Hussein, or whatever his name was. He is taller, younger, stronger and a dirty fighter, managed by Jeff Fenech. So in the (4th round), Manny got knocked down, I thought he was going to get up, but his eyes were cross-eyed.”

 

“I am Filipino, and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. I know how to do it,” buking ni Padilla.

 

“When he got up, I told him, ‘Hey, are you okay?’ Still prolonging the fight. ‘Are you okay?’ ‘Okay, fight.’”

 

Nang mga panahon na iyon ay hindi pa sikat at kinikilala si Manny bilang Pambansang Kamao.

 

“Because Manny was not like Manny is now, he wasn’t trained by Freddie Roach yet, he holds on for his dear life, and (Hussein) throws him, and he went down again. I said to the opponent, ‘Hey, you don’t do this.’ You know, I was prolonging the fight. ‘You don’t do that. Okay, judges, (point) deduction,’”

 

Nanalo si PacMan sa laban na iyon sa pamamagitan ng TKO o “Technical Knock Out”. Sa pagkakataong ito ay may inamin ulit si Padilla.

 

“Because he is shorter he headbutted the other guy and there is a cut, but I declared it a punch. If there is a headbutt you have to stop the fight and declare to the judges a point deduction, but I didn’t do that, meaning the fight could continue. (The cut) is not really big—but I never got the doctor to check it (because) I want to see it seriously.”

 

Ayon sa ulat, nakarating ito sa kaalaman ni Hussein at tinawag na isang “kriminal” si Padilla.

 

Nais pa aniyang ipatanggal si Padilla sa Nevada Boxing Hall of Fame.

 

“Carlos Padilla is nothing more than a criminal. That’s what he is. He did a criminal act. He violated and manipulated the rules. He should be accountable for what he did. Take him out of the Hall of Fame,” pahayag umano ng Australian fighter sa “Sports Desk” ng CNN Philippines.

 

Sa kabilang banda, wala umanong kasalanan si Pacquiao dahil pareho umano silang biktima.

 

“The WBC should be held accountable for the fix they put on that night. I have nothing against Manny Pacquiao. I’m a big fan of Manny. I think he’s done amazing for the sport,” ani Hussein.

 

Dagdag pa, “I’m not claiming that I’m the winner, that I want the decision to be reversed. Manny is a victim in this as well. All I want is for the referees and judges to be held accountable for what they do.”

 

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Padilla, si Pacquiao, o ang WBC tungkol dito. (CARD)

Q’final series, simula na! Ginebra, ayaw maging kampante vs Batang Pier

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Kahit malakas na ang Ginebra San Miguel, hindi pa rin kampante laban sa NorthPort sa pagsisimula ng quarterfinal series ng PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkules ng hapon.

 

Sa isang television interview, binanggit ni Gin Kings coach Tim Cone, kahit nasa ikaanim na puwesto ang Batang Pier, hindi pa rin nila ito minamaliit.

 

“They’re a talented team. They are a tough matchup particularly for us because we like to play big and they like to play small and quick,” banggit ni Cone.

 

“We had a tough time against them the last game,” pahabol ni Cone.

 

Binanggit na ilang manlalaro ng NorthPort ay dating miyembro ng kanilang koponan.

 

Kabilang dito sina Arvin Tolentino, Kevin Ferrer, Jeff Chan at Prince Caperal.

 

Ang apat na manlalaro ay ipinalit lang ng Ginebra kay Jaime Malonzo.

 

“That’s natural for a player to be motivated playing against your former team. And we have eight former players in that team. They know well what we’re doing,” aniya. (CARD)

Nasayang na bakuna umakyat na sa P22 bilyon

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

 

 

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna na nasira. Ito ay kung nagkakahalaga ang isang dosage ng P500.

 

 

Nitong nakaraang Nobyembre 21, sinabi ni Vergeire na 15.6 bilyon na mga bakuna o katumbas ng 31 mil­yong shots na ang nasira.

 

 

“Dun sa kuwenta, we do not have the exact amount of how much because of the non-disclosure agreements,” saad ni Vergeire.

 

 

“But what we do… for planning purposes, we assume na P500 across the board ang mga bakuna.”

 

 

Karamihan umano sa mga nasayang na bakuna ay nag-expire dahil sa maigsing “shelf life” ng mga ito at mayorya nito ay mga binili ng pribadong sektor.

 

 

Isa rin sa dahilan ng pagkapaso ng mga bakuna ay ang pagdadalawang-isip ng mga Pilipino na magpabakuna nitong huling bahagi ng taon nang bumaba na ang mga kaso.

Hanga sa co-actor at gustong makasama uli: JAKE, tinapatan ang tapang nina Direk JOEL at SEAN sa ‘My Father, Myself’

Posted on: December 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKALAYA na sa kulungan ang actor/TV host na si Vhong Navarro!

 

 

Martes ng gabi, December 6, 2022, naglabas ang Taguig Regional Court Branch 69 ng order of release kay Vhong

 

 

Sa release order na pirmado ni Judge Loralie Cruz Datahan, nakasaad ditong nakapaglagak na ng isang milyon pisong (P1M) piyansa si Vhong kaya maaari na siyang palabasin mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.

 

 

Nakasaad sa release order ni Vhong ay…

 

 

“You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.

 

 

“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”

 

 

Sa panayam sa misis ni Vhong na si Tanya Bautista ng ABS-CBN News…

 

 

“Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, di ba? A very good Christmas for the family.

 

 

“We were granted bail and we are so thankful.”

 

 

Si Tanya ang sumundo kay Vhong sa piitan.

 

***

 

 

TINAPATAN raw ni Jake Cuenca ang tapang ni Joel Lamangan sa pelikulang My Father, Myself.

 

 

Mapangahas kasi ang tema ng kanilang pelikula kaya kailangang matapang ang mga taong gagawa nito tulad nga nina direk Joel at Jake at si Sean de Guzman na kasama rin sa naturang 2022 Metro Manila Film Festival entry.

 

 

Ayon kay Jake, matapang si Sean dahil baguhan pa lamang ay sumalang na agad sa mga mapangahas na papel.

 

 

Kinumpara pa nga ni Jake ang kanyang sarili kay Sean, noon raw na nagsisimula sa showbiz si Jake ay sa isang youth-oriented show muna inilagay, ang CLICK, na pareho nating mahal, my dear editor Rohn Romulo dahil pareho tayong naging publicist noon ng naturang GMA show.

 

 

Sabi pa ni Jake, si Sean raw ay parang biglang inihagis sa swimming pool at hinayaang matutong lumangoy on his own.

 

 

Kaya sobrang impressed si Jake kay Sean at minsang ka-text raw niya ang baguhang aktor ay sinabi niya ditong sana ay muli silang magkasama sa isang proyekto, this time sa isang less challenging mainstream film dahil inaasam raw ni Jake na muling makatrabaho si Sean.

 

 

Sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network at sa panulat ni Quinn Carrillo, kasama nina Jake at Sean sa pelikula na ipapalabas sa December 25 sina Dimples Romana, Tiffany Grey at Allan Paule.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)