• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 17th, 2022

Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente.

 

 

Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Co. na pinamamahalaan ng estado ay nagsagawa ng site inspeksyon at pagtatasa upang tingnan ang pangkalahatang kondisyon ng gas platform at tiyakin patuloy na operasyon at pagpapanatili.

 

 

Sinuri nila ang kondisyon ng shallow water platform na, ayon sa Prime Infra, ay nagpoproseso ng gas na kasunod na iluluwas sa pamamagitan ng 504-kilometer underwater pipeline.

 

 

Sa pagbisita sa site, muling iginiit ng Prime Infra na ang pangako nitong i-optimize ang potensyal ng Malampaya upang matiyak ang tuluy-tuloy na produksyon hangga’t kayang tanggapin ito ng mga reserba ng supply ng kuryente.

 

 

Kaugnay niyan, ang kumpanya ay nagtatrabaho sa pagpapalawig ng lisensya para sa kontrata ng serbisyo 38 na sumasaklaw sa proyekto ng gas-to-water dahil ito ay mawawala sa 2024.

 

 

Nauna rito, itinaas na ang red at yellow alerts sa bahagi Luzon dahil maraming power facility ang offline o nabawasan ang kanilang generating capacity.

Ads December 17, 2022

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, nakakuha ng P9.8-billion investment pledges

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot sa  P9.8 billion ang investment na  pledged na nakuha ng Pilipinas sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapwa niya  world leaders at European business officials sa  Commemorative Summit sa pagitan ng  Association of Southeast Asian Nations at European Union (ASEAN-EU) sa Belgium.

 

 

Si Pangulong Marcos, kasama ang  Philippine delegation ay dumating na sa bansa ng alas- 6:59 ng Huwebes ng gabi, Disyembre 15 mula sa five-day trip nito.

 

 

Sa arrival speech ng Pangulo, sinabi nito na ang business roundtable ay nagsilbi bilang “important catalyst for the renewed relations” ng Pilipinas at European business communities.

 

 

Kasama ng Pangulo ang mga economic managers at  Cabinet members nang ianunsyo niya ang kamakailan lamang na “game changing laws” na naglalayong  i- transform ang business environment at suportahan ang inward foreign direct investments.

 

 

“I am also pleased to announce that European business confidence in the Philippines is high as evidenced by the expansion plans of European companies that we met in the sectors of fast moving consumer goods, ship building, renewable energy, and green metals,” ayon sa Pangulo.

 

 

“An estimated investment pledged of around P9.8 billion has been received,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ibinalita rin ng Pangulo na nakipagpulong siya sa ilang business leaders mula sa iba’t ibang European companies na nangako na magiging bahagi ng “Philippines’ development in the economic growth particularly in renewable energy, infrastructure, food security, and climate change initiatives.”

 

 

“With European technology and innovation with Filipino talent and ingenuity and industry we will be working in addressing some of our key economic challenges,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa iba’t ibang  leading ship owners sa Europa.

 

 

Wika ng Pangulo, nangako ang mga ito na tutulungan ang bansa na sumunod sa  European Maritime Safety Agency (EMSA) standards matapos na mapuna ng European Union ang kakulangan ng Pilipinas sa local seafarer training at edukasyon

 

 

Nauna nang ipinag-utos ng Chief Executive ang paglikha ng advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa  government agencies, international shipowners, at iba pang  stakeholders para tugunan ang deployment concerns ng mga Filipino seafarers.

 

 

“Beyond that I was also able to meet with EU commission president Ursula von der Leyen. I explained to her what we have done that we have this new advisory council and she made a promise that the commission itself will provide technical help to us so that within the three months, we have a three months deadline, that we will be able to remedy all of the deficiencies that EMSA has been pointing out and hopefully we finally solve this problem,” ang wika ng Pangulo.

 

 

“Once again as part of Asia-Pacific region we are seeing still as coming back to our role as a driver of the global economy and the Philippines very much part of that and we are considered as an investment by the Europeans this is what they told me that we are considered by the Europeans as number two in terms of investor the attractiveness next to Vietnam so we are doing all right, but of course there is a room to grow,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nakipagpulong din ang Pangulo kay King Philippe ng Belgium sa Royal Palace sa Brussels, araw ng Martes.

 

 

Inimbitahan niya ito na bumisita sa Pilipinas.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nagsagawa siya ng bilateral meetings kasama ang mga lider mula sa  European Commission, Estonia, Sweden  Czech Republic, The Netherlands, at Spain.

 

 

“I am delighted that my first visit to Europe in Brussels, in particular which has the seals of the European Commission, the Council of the European Union, is a success and I can see the outcomes of this visit will generate opportunities for the benefit of Filipino people,” anito.

 

 

Sa naging talumpati naman ng Pangulo sa  ASEAN EU commemorative summit, binanggit nito ang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at  European Union na may layunin na baybayin ang economic recovery kasunod ng pananalasa ng  COVID-19 pandemic.

 

 

Nanawagan naman ang Pangulo ng epektibong implementasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa gitna ng maritime disputes sa South China Sea.

 

 

Binanggit din ng Pangulo na mananatili sa bansa ang  independent foreign policy at hindi makikisawsaw o makiki-kampi sa anumang panig na makalilikha ng tensyon sa hanay ng mga bansa.

 

 

Sinabi ng Pangulo ang pangangailangan na “to define the damage and loss caused by climate change in seeking reparation from rich nations.”

 

 

Natuloy naman ang pakikipagpulong ng Pangulo matapos na hindi siya nakadalo sa  coffee meeting sa mga miyembro ng Philippine media dahil sa sipon. (Daris Jose)

“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“SA LAHAT  ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.”

 

 

Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyong may-ari ng negosyo, negosyante at mga stakeholders na dumalo sa First BCCI Governor’s Ball sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City, Taguig noong Martes.

 

 

Isinagawa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang ball sa layuning mapalakas ang sektor ng pagnenegosyo sa lalawigan gayundin upang ipagdiwang ang matagal na nilang pagtutulungan upang maipatupad ang mga programang pangkaunlaran para sa mga Bulakenyo.

 

 

Pinangunahan ni Ma. Cristina C. Tuzon, BCCI Chairman ng Board of Trustees, ang pagpiprisinta ng fund-raising projects ng BCCI kung saan nangakong magpapaabot ng tulong pinansiyal ang mga negosyanteng dumalo upang maipagpatuloy ang mga proyekto ng organisasyon sa pagsulong ng mga Micro, Small and Medium Enterprises sa Bulacan at mapalakas ang ugnayan ng publiko at pribadong sektor tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

 

 

Ibinida rin ni Fernando ang mga parangal na nakamit ng lalawigan kabilang ang Hall of Fame Award para sa Local Revenue Generation mula sa Department of Finance – Bureau of Local Government Finance, Most Business-Friendly LGU Award at 10th Place sa Cities and Municipalities Competitiveness Summit ng Department of Trade and Industry na nagpapakita nang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang makabuo ng isang business-friendly na probinsiya.

 

 

“Dahil po sa patuloy nating pagkakapit-bisig, nananatili pong nasa rurok ng pananagumpay ang ating sektor ng industriya at ekonomiya sa Bulacan. Patunay na po ang mga parangal na ating nakamit. Atin pong ibinabalik ang mga ito sa ating mga minamahal na Bulakenyo sa pamamagitan ng patuloy na pagtugon sa kanilang mga pangangailan, pagbibigay ng sapat na job opportunities at pagsuporta sa ating mga negosyo,” ani Fernando.

 

 

Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang pagnanais na makapagbukas pa ng maraming pinto ng kolaborasyon sa organisasyon sa pag-asang maseguro ang isang progresibong kinabukasan para sa lalawigan.

 

 

Kabilang din sa mga dumalo sa ball ay sina Bise Gobernador Alexis C. Castro, ‘Ama ng BCCI” at dating Gobernador Roberto ‘Obet’ Pagdanganan, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino at mga negosyateng Bulakenyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

12,000 trabaho, bakante ngayon sa industriya ng turismo – Department of Tourism

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPALO  raw sa 12,000 trabaho ang bakante ngayong sa industriya ng turismo.

 

 

Ayon kay Department of Tourism Cristina Frasco, kabilang sa hiring ang mga posisyon na sumusunod:

 

-Administrative and purchasing

-Food and beverage

-House keeping

-Sales marketing

-Front office

-Finance at bpo

 

 

Sinabi ni Frasco, ito ay sa gitna ng patuloy na pagsigla ng turismo sa Pilipinas.

 

 

Dahil dito naglunsad na aniya sila ng mga job fair sa iba’t ibat panig ng bansa para mapunan ang mga bakanteng posisyon.

 

 

Patuloy din ang kampanya sa kilalang Pilipino hospitality na kilala sa buong mundo na nakakatulong sa paglakas ng lokal na turismo sa bansa.

Sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards: DINGDONG, inisa-isa ang mga aktor na naparangalan sa ibang bansa

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST ng kanyang pagkilala ang Kapuso Primetime King at President ng samahan ng mga AKTOR.

 

Ang posibleng naging dahilan ng Instagram post na ito ni Dingdong Dantes ay ang halos sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards ng mga Pinoy actors.

 

Sa Instagram post ni Dingdong, inisa-isa niya ang mga actor na napaparangalan sa ibang bansa.

 

Ayon dito, “Nagbubunyi ang AKTOR (League of Filipino Actors) sa tagumpay na inaani ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon.

 

“Si Dolly de Leon ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards ng Estados Unidos. Nauna rito, itinanghal siyang best supporting acrtress sa Los Angeles Film Critics Award.

 

“Nagwagi naman si Jodi Sta. Maria sa Asian Academy Creative Awards.

 

“Napansin din ang pagganap ni Soliman Cruz sa Romanian Film na ‘To the North’ kasama sina Bart Guingona at Noel Sto Domingo; Chai Fonacier sa ‘Nocebo’ ng Amerika at si Stefanie Arianne ng Japanese film na ‘Plan 75’.

 

“Itinampok din sa pelikula ni Lav Diaz na ‘Kapag Wala nang mga Alon’ tumanggap ng papuri sa IFFI GOA sina John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Centenera at DMs Boongaling.

 

“Ang mga tagumpay na ito ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man—Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jaclyn Jose, John Arcilla at iba pa.

 

Ayon pa kay Dingdong, maituturing na world class daw talaga ang talento at husay ng mga Filipinong actor.

 

“Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa.

 

“Mabuhay ang Filipinong Aktor!”

 

***

 

 

HINDI naman talaga nakapagtatakang ma-link sa isa’t-isa sina Jelai Andres at Buboy Villar.

 

Grabe naman talaga ang closeness at pagiging inseparable ng dalawa. Na para bang basta wala silang work, silang dalawa ang siguradong magkasama.

 

At todo-suporta si Jelai sa movie ni Buboy, ang “Ang Kwento ni Makoy.” Ang nag-sponsor nito ang C.E.O/President ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pa-block screening.

 

Pareho naming nakausap in the past sina Buboy at Jelai. Pareho rin ang sagot nila na bff lang silang talaga, nothing romantic.

 

Pero bakit pati si Ms. Rei, parang iba na ang nakikita sa kanilang dalawa? In fact, sa social media post niya, tila kinikilig ito kina Jelai at Andres. At wish na ito na sana raw ang dalawa talaga ang magkakatuluyan.

 

Sabi niya, “Big screening for my baby @buboyvillar. Congratulations anak, napaiyak mo ko ng bongga! Galing mo! And si @jelaiandresofficial ang the best bff ever! Sana magkatuluyan na lang kau ahahahaha!”

 

Ang daming nagsi-ship sa kanila. Si Buboy na may dalawa ng anak sa former partner niya at si Jelai naman na nasa proseso ang annulment ng kasal.

 

So, who knows, ‘di ba?

 

(ROSE GARCIA)

Swiatek at Nadal hinirang bilang world champions ng ITF

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGHAL bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek.

 

 

Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.

 

 

Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang ika-22 na major titles.

 

 

Habang si Swiatek na naging number 1 ranking matapos talunin si Ashleigh Barty at nakuha ang ikalawang French Open ganun din ang US Open title. (CARD)

MAMBA DINIS-KUWALIPIKA BILANG GOVERNADOR NG CAGAYAN

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Manuel Mamba sa pagkapanalo  nito sa pagkagobernador noong 2022  sa Cagayan province dahil sa paglabag sa election election spending ban.

 

 

Ang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioner Rey Bulay at Nelson Celis ay inihayag noong December 14,2022.

 

 

Ang petisyon ay inihain ni Zarah Rose Lara na tumakbo laban kay Mamba sa 2022 gubernatorial race.

 

 

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Lara na si Mamba na nooy incumbent governor ng Cagayan province noong 2022 polls na sangkot sa massive vote buying activities sa panahon ng kampanya  sa pamamagitan ng cash assistance distribution gamit ang pondo ng provincial government  sa ilalim ng program na inilunsad bilang “No Barangay Left Behind “ (NBLB) , “No Town Left Behind” (NTLB) at “Oplan Tulong sa Barangay” sa kabila ng paglabas ng temporary restraining order na may petsa ng April 29,2022 ng Regional Trial Court Branch 5,sa Tuguegarao City,Cagayan.

 

 

Dagdag pa, nagpahayag ang petitioner n asi Mamba ay naglabas ng halagang P550 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan  at ipinamahagi sa lahat ng registered voters sa ilalim ng programang “krusada Kontra Korapsyon (KKK)”.

 

 

Sa ilalim ng KKK program, sinabi ni Lara na bawat rehistradong botante ay nabigyan ng halagang P1,000.

 

 

“Ipinasiya ng COMELEC Second Division na bagamat nabigo ang ipinakitang ebidensya na si Mamba ay nagkasala at dapat madiskuwalipika dahil sa vote-buying,ang ebidensya ay matibay upang patunayan na siya ay lumabag sa Section 261(v) (2) ng [Omnibus Election Code] at Section 2 ng Comelec Resolution No.10747,” sabi ng Comelec sa isang pahayag.

 

 

Sinabi naman ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na si  Mamba ay maaring maghain ng Comelec En banc ng motion for reconsideration sa loob ng limang araw upang iapela ang kanyang disqualification. GENE ADSUARA

PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023.

 

 

Ito ang kauna- unahang  budget sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa  Palace advisory.

 

 

Nauna rito, pormal na itinurn-over ni House Speaker Martin Romualdez sa Presidential Legislative Liaison Office ang kopya ng panukala para sa P5.268Trillion na National Budget para sa susunod na taon.

 

 

Ito ay para opisyal nang i-forward ang General Appropriations Bill (GAB) sa Malacañang kung saan naman ito lalagdaan ni Pangulong  Marcos.

 

 

Kasama ni Romualdez sa ginawang turn-over sina House Appropriations Committee chairperson Rep. Zaldy Co; Majority Leader Mannix Dalipe; at Presidential Legislative Liaison Office Secretary Dong Mendoza. (Daris Jose)

DoT tiwalang lolobo pa ang bilang ng turista sa bansa

Posted on: December 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang Department of Tourism (DOT) na lalong lolobo pa ang bilang ng mga turista na bibisita hanggang sa huling dalawang linggo ng Disyembre.

 

 

Sinabi ni DoT Secretary Christina Frasco, na mula pa noong Enero hanggang sa unang bahagi ng Disyembre ay nasa mahigit dalawang milyon na ang bilang ng turista na bumisita sa bansa.

 

 

Para lalo aniyang mahikayat ang pagtaas ng bilang ng mga magtutungong turista ay inilunsad nila ang programang “Bisita, Be My Guest”.

 

 

Layon ng nasabing programa na pasiglahin ang turismo sa bansa.

 

 

Sa bawat mahikayat aniya ay may raffle promo na maaring magwagi ng isang condominium unit, kotse at travel package.

 

 

Dagdag ng kalihim na sa ganitong paraan ay mapaparami pa nila ang mahihikayat na bisita. (Ara Romero)