• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 19th, 2022

Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

 

 

Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.

 

 

Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Zubiri na ang lahat ng mga panukalang batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan ay maaari lamang ilipat o i-refer sa Senado sa Enero 23, 2023.

 

 

Pagkatapos nito, sinabi ng pinuno ng Senado na ang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara ay dadaan sa unang pagbasa pagkatapos ay ire-refer ito sa hindi bababa sa apat na komite, partikular na ang committee on banks, financial institutions, at ang mga currencies, na siyang magiging lead panel, at ang mga komite sa mga korporasyon ng pamahalaan at mga pampublikong negosyo; ways and means; at pananalapi bilang pangalawang komite.

 

 

Binigyang-diin din ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill ay depende sa kung paano papatol si Villar sa mga deliberasyon sa panukala.

 

 

Nauna nang sinabi ni Zubiri kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sasailalim sa mahigpit na talakayan sa itaas na kamara ang panukalang batas ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Noong Huwebes, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang Maharlika Investment Fund (MIF)bill. (Daris Jose)

Ads December 19, 2022

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Foreign trainer Milan Isakov tinapik ng Chooks 3×3 squad

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Matindi ang pagnanais ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na maabot ang bagong kasaysayan kaya gagawin ang lahat para sa nalalapit na 2023 FIBA 3×3 season na napakahalaga sa kwalipikasyon sa parehong 2024 Paris Olympics at sa Olympic Qualifying Tournament.

 

Kaya naman kinuha nito ang Liman head trainer na si Milan Isakov para tulungan ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na maging aktibong consultant sa kanilang mga koponan sa susunod na season.

 

Bukod sa pag-akay kay Liman sa world no. 2 status, si Isakov, 35, ay ang head trainer ng Russia noong huling Olympic cycle, na nanguna sa mga koponan ng lalaki at babae sa pilak sa Tokyo Olympics.

 

Siya rin ang head trainer ng pambansang 3×3 basketball team ng China noong 2019, na pinangunahan ang squad sa tuktok sa 2019 FIBA 3×3 World Cup. (CARD)

SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD  ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng  SSS.

 

 

Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para sa SSS members bilang dagdag-proteksiyon sa kanilang regular social security program.

 

 

“We have been spearheading the concept of work, save, invest, and prosper to our members. WISP Plus is a program both for saving and investing. It is an affordable and tax-free savings scheme which will allow our members to save by contributing to the program and invest because their money will generate earnings,” pahayag ni Regino.

 

 

Ang WISP Plus ay para sa lahat ng SSS members kahit ano pa ang kanilang membership type, declared monthly ­earnings, at last posted monthly ­salary credit (MSC).

 

 

“The current WISP is another provident fund program which is compulsory for SSS members who are contributing to the regular program under the MSC that exceeds P20,000. It was mandatorily implemented in January 2021 as part of the amendment in the SS Law last 2018,” dagdag ni Regino. (Daris Jose)

Doon na magsi-celebrate ng mag-Pasko at Bagong Taon: Pambato ng ‘Pinas na si CELESTE, nasa US na bilang paghahanda sa ’71st Miss Universe’

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA US na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi para sa kanyang paghahanda sa 71st Miss Universe na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.

 

 

Sa US na mag-Pasko at Bagong Taon si Celeste dahil sa magiging schedule of activities ng Miss Universe pagpasok ng January 2023.

 

 

Simula sa January 3,4 and 5 ay ang arrivals of candidates, registration a fittings paa sa opening number outifts; January 6 ang orientation day; January 11 ang preliminary competition; January 12 ang national costume competition; January 14 ang live telecast ng pageant at January 15 ang departure ng candidates.

 

 

“It is very hectic. I wake up very early and work out so that is done. I have to go to work, do my shoots and interviews and at night time, that’s when I dedicate my time to polish and train my communication skills and pasarela. It is more like polishing, it’s more being ready in every single aspect of the competition even mentally under pressure,” sey pa ni Celeste.

 

 

December 16 ang birthday ni Celeste at lumipad siya sa next day at baon niya ang mga dasal ng maraming kababayan sa kanya.

 

 

“I just booked a ticket for my mom to go to New Orleans, so I’m very excited. She will be there before the preliminary and coronation. The boyfriend is coming, too. It gives me so much strength that the people I love are there to support me. It gives me so much strength and confidence,” sey pa niya.

 

 

Naniniwala naman si Celeste na isa sa mga katangian ng isang Miss Universe ay nakaka-relate ito sa mga tao.

 

 

“I believe a Miss Universe doesn’t have to be someone that is unreachable, but someone that has to relate to people. And I know that I am that kind of person.”

 

***

 

 

BINALIKAN ni Yasmien Kurdi ang dahilan kung bakit kailangan niyang magtrabaho sa murang edad dahil naghiwalay ang kanyang mga magulang.

 

 

Kailangan daw niyang magtrabaho para maipagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa Pilipinas.

 

 

Sa bansang Kuwait lumaki si Yasmien dahil Lebanese ang kanyang ama. Ang ina niyang Pinay ang nagdala kay Yasmien dito sa Pilipinas.

 

 

“Naghiwalay ang parents ko noon, I was 12 or 13, noong pag-uwi nga rito sa Philippines. ‘Yung dad ko biglang nagsabi na ayaw na niyang magpadala ng sustento hangga’t hindi kami bumabalik sa Middle East. Eh ‘yung mom ko ayaw na talaga, gusto dito sa Philippines. Kasi may conflicts sila, mga love life issue nila.

 

 

“Ako naman, naipit ako sa situation nila to the point na wala akong pang-tuition fee. Sabi ko ‘Paano ‘yon?’ Sabi ko noong time na ‘yon, ‘Sige magtatrabaho na lang muna ako, magmo-modeling.’ Doon ako kumukuha ng panggastos ko sa modeling, (pang)tuition fee,” kuwento ni Yasmien.

 

 

Katorse lang si Yasmien noong mag-audition ito sa kauna-unahang reality artista-search ng GMA na ‘StarStruck’ noong 2003. Siya ang pinakabata na napili para sa Top 14. Bata pa lang kasi si Yasmien, pinangarap na niyang maging artista.

 

 

Malaking bagay daw na nakatatanggap si Yasmie ng weekly allowance dahil iyon daw ang pangggastos nila ng kanyang ina sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

 

 

Hindi raw makakalimutan ng aktres ang mga pinagdaanan nilang hirap ng kanyang ina noon tulad nang maputulan sila ng tubig at kuryente dahil kulang ang pambayad nila.

 

 

“Na-realize ko na, ito na ‘yung reality, kailangan mo nang i-face ito. Ito na ‘yung bago kong buhay dito na sa Philippines, kailangan ko nang mag-survive. Paano ako magsu-survive?’ Ginawa ko na rin siya in a positive way.

 

 

“‘Yung nangyari sa akin, kailangang maging positive pa rin ako. ‘Bakit hindi ako mag-artista? ‘Di ba sabi ng mga Pinoy noon puwede akong maging artista? ‘Yun na ang simula noon, nagmo-modelling, baka doon ka puwedeng ma-discover. Tinry ko ang mga options na puwede akong maging artista,” diin ni Yasmien.

 

 

Natupad naman ang pangarap ni Yasmien na maging isang artista. Hindi man siya ang nanalo noon sa StarStruck, nabigyan siya ng maraming shows at pelikula, naging recording artist pa siya at nagawa pa niyang makapagtapos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo at tatlong kurso pa ang natapos niya.

 

 

 

Nakapagtapos siya ng kursong Foreign Service at Nursing. Noong 2019 naman, naging magna cum laude siya sa Arellano University sa kursong AB Political Science.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Yasmien sa GMA primetime series na ‘Start-Up PH’ na magtatapos na this week.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Brittney Griner muling maglalaro sa WNBA matapos na makalaya sa pagkakakulong

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Magbabalik pa rin para maglaro sa WNBA ngayong season si Brittney Griner matapos ang pagkalaya nito mula sa pagkakakulong sa Russia.

 

Sinabi nito na kinuha pa rin siya ng kaniyang dating koponan niyang Phoenix Mercury.

 

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga koponan at management dahil sa pagtanggap sa kaniya.

 

Magugunitang naaresto noong Pebrero si Griner habang ito ay nasa Russia ng mahulian ito ng ipinagbabawal na substance sa kaniyang vape cartridge.

 

Naglalaro kasi si Griner sa Russian Basketball League kapag off-season ng WNBA.

 

Napalaya lamang si Griner nitong buwan dahil sa prisoners swap. (CARD)

‘Maternity leave’ scam, iniimbestigahan ng DepEd

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUO  na ang Department of Education ng isang fact-finding committee para busisiin ang umano’y ano­malya sa maternity leave na nai-file ng mga guro ng may 11 beses sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesman ng DepEd, ang fact-finding committee ay kabibilangan ng mga DepEd officials sa regional offices at hindi ng schools division offices para matiyak ang patas na imbestigasyon.

 

 

Aniya, unang susuriin ng komite ang records ng umano’y nag-file ng maternity leaves at aalamin kung ang guro ay totoong nagbuntis at nanganak sa naturang mga taon.

 

 

Hinikayat naman ni Poa ang mga indibidwal na may alam sa anomalya na maki­pagtulungan sa komite para mapatotohanan ang bintang kaugnay ng scam.

 

 

“We want to know if this is an isolated case or if it is widespread,” sabi ni Poa.

 

 

Ayon kay DepEd-TAPAT Curriculum Implementation  Division Chief Dr. Ellery Quintia, may dokumento sila na may isang guro ang tumanggap ng P35,000 hanggang  P61,000 mula 2016 hanggang 2019 nang mag-file ng maternity leaves sa naturang mga panahon.

 

 

Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law na nalagdaan noong 2019, ang mga babaeng manggagawa sa public sector kasama ang mga public school teachers ay qualified na magkaroon ng maternity leave  na 105 araw na may sahod. (Daris Jose)

PBBM, ininspeksyon ang NFA warehouse, suplay ng bigas sapat, problema sa suplay ng sibuyas, tinutugunan

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA  ng “surprise inspection” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City, araw ng Sabado.

 

 

Nais kasi  ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.

 

 

At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”

 

 

Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na mahigpit na  i-monitor ang suplay ng bigas dahil  makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”

 

 

“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.

 

 

Wika ni Pangulong Marcos, nagpunta siya sa NFA warehouse dahil nais niyang personal na makita  kung saan manggagaling ang bigas na nabibili sa Kadiwa stores.

 

 

“Nandito lang kami sa NFA warehouse kasi sa tanong — may nagtanong noong nasa Quezon City tayo, ‘yung supply ng Kadiwa ay baka mapatid, baka ma-ano, magkulang. Tinitignan ko kung saan manggagaling ‘yung supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“This is already the season na naglalabas na ng bigas so tuloy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.

 

 

“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.

 

 

“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin

 

 

Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

MADE OF PLASTIC, IT’S FANTASTIC! “BARBIE” TEASER TRAILER ARRIVES

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Pictures has just unveiled the teaser trailer of their eagerly anticipated comedy “Barbie” from director Greta Gerwig and starring Margot Robbie and Ryan Gosling.

 

 

Check out the trailer below and watch “Barbie” in cinemas across the Philippines on July 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/KuoyHVe6QCU

 

 

Facebook: https://fb.watch/hsdh45W3TF/

 

 

About “Barbie”

 

 

Since the beginning of time, since the first little girl ever existed, there have been…dolls.  But the dolls were always and forever baby dolls.  Until… “Barbie.”

 

 

Directed by Greta Gerwig (“Little Women,” “Ladybird”), “Barbie” is written by Gerwig and Noah Baumbach (“Marriage Story”).

 

 

Joining Robbie and Gosling in the cast are Simu Liu, America Ferrera, Ariana Greenblatt, Ncuti Gatwa, Issa Rae, Hari Nef, Michael Cera, Emma Mackey, Kate McKinnon, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Rhea Perlman, Emerald Fennell, Sharon Rooney, Scott Evans, Ana Cruz Kayne, Connor Swindells, Ritu Arya, Jamie Demetriou and Marisa Abela.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #BarbieTheMovie

 

(ROHN ROMULO)

Dahil sa pagdating ni KC mula sa Amerika: SHARON, masayang-masaya na muli silang nakumpleto sa birthday ni FRANKIE

Posted on: December 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MERRY ang Christmas this year ni Megastar Sharon Cuneta.  

 

 

Nabuo uli ang kanilang pamilya, dahil dumating ang panganay niyang si KC Concepcion na madalas nilang hindi nakasama, dahil naglalagi na ito sa USA.

 

 

Twenty-second birthday ng panganay nila ni former Senator Kiko Pangilinan, na si Frankie ang occasion.

 

 

Caption ni Shawie sa first post niya: “Happy 22nd Birthday to my Baba Kakie!!! Happy to be a complete family tonight and also to be reunited with Kakie’s friends!  I love you so very much my Baba!  So proud of you!”

 

 

Sa second post niya na kasama ang buong family: “Yaaay!!! Family pic!!! First in a long time!!!  Sa isa pang post ni Shawie: “Da keedz!!!” (na kasama nina KC, Kakie at Miel, ang only brother nilang si Miguel.)

 

 

                                                            ***

 

 

NA-EXCITE  ang mga netizens na sumusubaybay sa Pinoy adaptation ng K-drama series na “Start-Up PH,” nang sorpresang nag-guest ang lead stars nito na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi, sa Christmas presentation kahapon ng GMA Sunday show na “All-Out Sundays,”

 

 

Nagpasalamat sila sa patuloy na pagsubaybay ng mga viewers sa serye na nasa grand finale na this week, starting tonight, December 19 hanggang December 23, after “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Inamin nina Bea na mahirap gumawa ng isang adaptation dahil marami kang aalagaang eksena. Kaya sabi ni Alden, huwag raw magliban sa panonood ang viewers para makita nila kung paano nila ginawang Pilipino ang finale scenes na nagustuhan ng mga taga-SBS Korea.

 

 

At siyempre pa, hindi nila malilimutan ang nabuong samahan nilang apat at iba pang cast.  Iisa ang comment nina Bea, Yasmien at Jeric, ang kakulitan daw ni Alden, lalo na kung medyo gabi na, ay nakakawala ng pagod nila sa set.

 

 

                                                            ***

 

 

SI Kapuso Primetime Queen Marian Rivera naman ang cover girl ng Preview Magazine, at siyempre pa, very proud hubby naman ang Kapuso Primetime King at host ng “Family Feud” na si Dingdong Dantes.

 

 

Pero kahit sino namang nakita ang said magazine ay puring-puri ang elegance ni Marian sa mga suot nitong alahas, handbags, shoes, ay alam mo nang mamahalin talaga.  Mababasa rin ang introduction kay Marian, na nagsasabing karamihan daw ng mga young stars ngayon, ay nagsasabing peg nilang tularan ang actress.

 

 

Pero ang mga fans, miss na raw nilang mapanood naman sa isang teleserye ang Kapuso Primetime Queen, hindi lamang sa kanyang “Tadhana” documentary on OFW’s, every Saturday.

 

 

                                                            ***

 

 

CONGRATULATIONS to Kapuso actress Lianne Valentin!  

 

 

Tinanggap ni Lianne ang Best Supporting Actress award mula sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration, bilang pagkilala sa kanyang mahusay na pagganap sa GMA Afternoon Prime series na “Apoy Sa Langit” na nakasama niya sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at Zoren Legaspi.

 

 

Nagpasalamat si Lianne sa Sparkle GMA Artist Center nang tanggapin niya ang award: “The experience was magical, thank you for always believing in me.”

 

 

Katatapos din lamang mag-renew ng contract ni Lianne sa management. Dahil sa panalo ni Lianne, natuwa ang mga netizens nang pumasok siya sa top-rating GMA Afternoon Prime drama series na “Abot-Kamay na Pangarap,” na nakasama niya sina Carmina Villarroel, Jillian Ward at Richard Yap.

 

 

Pero nalaman na special guest lamang si Lianne this week sa serye.  Magandang balita naman sa mga viewers na extended ang drama series for another season, 2:30 PM from Mondays to Saturdays, sa GMA-7.

 (NORA V. CALDERON)