• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 22nd, 2022

PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget

Posted on: December 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY  Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng  revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite sa Kongreso.

 

 

Sinabi ng Chief Executive, hindi awtorisado ang National Labor Relations Commission (NLRC) na gamitin ang income nito batay sa umiiral na batas.

 

 

Ang isa pang nai- Veto ng Pangulo  ay ang DepEd -Office of the Secretary  Special Provision No. 4, “Revolving Fund of DepEd TV,” na ayon sa Pangulo ay hindi rin awtorisado ang ahensiya na magkaroon ng  revolving fund para rito.

 

 

Hindi rin nakalusot ang Special Provision No. 4, para sa “Branding Campaign Program,”  ng Department of Tourism (DoT) na nagtatakdang limitahan ang functions ng Executive Branch para ipatupad ang  RA No. 9593 o ang Tourism Act of 2009.

 

 

Ang paliwanag ng Punong Ehekutibo, base sa isinasaad ng RA No. 9593, bahagi ng mandato ng DOT ay  magplano, maglatag ng programa at magsilbing “implementing and regulatory government agency” sa  promotion ng tourism industry,

 

 

Ang mga nai -vetong probisyon ay ginawa bago pa lagdaan ng Pangulo ang 2023 national budget nitong nakaraang Biyernes , Disyembre 16. (Daris Jose)

PBBM, inaasahan sa bagong liderato ng Philippine Airforce na ipagpapatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang “excellence” sa Hukbong Panghimpapawid

Posted on: December 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.

 

 

Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng  bagong liderato nito sa katauhan ni Major Gen Stephen Parreno,  sisikapin nitong mapanatili ang dangal sa Hukbo upang matupad ang mandato sa bansa at sa sambayanan.

 

 

Sinabi  ng Pangulo na tiwala siya kay Gen. Parreno na itutuloy nito ang mga nasimulan ng inisyatibo sa PAF habang pagsisikapang maabot pa ang mas mataas na mithiin para sa pagsisilbi sa tao at bayan.

 

 

Si General Parreno ang hinirang ni Pangulong Marcos na maging ika- 39 na commanding general ng Hukbong Panghimpapawid. (Daris Jose)

Daphne Oseña-Paez bilang bagong ‘press briefer’

Posted on: December 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang  lifestyle TV host at entrepreneur na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “press briefer”.

 

 

Pormal na pinangalanan ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng  Office of the Press Secretary (OPS) si  Oseña-Paez sa mga mamamahayag sa  Palace press briefing, araw ng Martes.

 

 

“Simula ngayong araw ay may bago tayong makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa press working area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,”ayon kay  Garafil.

 

 

“Ipinakikilala namin sa inyo ang bagong Malacañang Press Briefer, si Binibining Daphne Oseña-Paez,” dagdag na pahayag ni Garafil.

 

 

Si Oseña-Paez ay mas kilala bilang  lifestyle TV host, subalit nag-cover din ito sa Palasyo ng Malakanyang noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

 

Taong 2019, pinangalanan siya bilang UNICEF National Goodwill Ambassador para sa pagsuporta at pag-promote nito sa karapatan ng mga kabataan.

 

 

“Isang karangalan na makasama namin sa Office of the Press Secretary ang isa sa mga lumalaban para sa mga karapatan ng mga kababaihan, kabataan at ng kalikasan,” ayon kay Garafil.

 

 

Sinabi naman ni Oseña-Paez na magsasagawa siya ng  palace press briefings tuwing araw ng Martes matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meetings.

 

 

Nilinaw naman ni .Oseña-Paez na iba ang kanyang tungkulin at gampanin sa mga dating presidential spokesperson.

 

 

“The President will speak for himself. I’m just here to support the Office of the Press Secretary for now and I look forward to learning a lot about the programs,” anito.

 

 

“My role here is to amplify and to communicate the message of President Marcos and the Cabinet and the government and you are my partners in this,” aniya pa rin.

 

 

Ani Oseña-Paez, noong siya ay nasa   lifestyle hosting stint, ang public service ay malapit sa kanyang puso.

 

 

“Since I will be the one who will be regularly your source for updates from the Palace, I look forward to working with all of you of course in a harmonious and collegial manner kasi I am also one of you,” aniya pa rin.

 

 

Aniya, isang making karangalan at hamon ang magtrabaho sa administrasyong Marcos.

 

 

“I am very honored to be communicating the message and programs of this administration of course in an accurate and effective way and I will do my best,” wika ni Oseña-Paez. (Daris Jose)

Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

Posted on: December 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).

 

 

Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.” Kaso, hindi nito saklaw ang mga nag-aaral para maging abogado dahil sa nakakuha na sila ng undergraduate degree.

 

 

“Isa sa mga dahilan ng kawalan ng katarungan para sa marami sa Pilipinas ang kakulangan ng practicing lawyers,” wika ng senador sa kanyang explanatory note sa Inggles. Noong Miyerkules ito pormal na inihain ngunit nabanggit sa isang press release ngayong Martes.

 

 

Aniya, layon ng panukalang maging abot-kamay ang hustisiya lalo na sa marginalized sectors. Sa ngayon daw kasi, tinatayang nagsisilbi ang isang abogado sa mahigit 2,500 katao — malayo sa ideyal na ratio na isang lawyer kada 250 katao.