• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 10th, 2023

PORTASOL: Rain or Shine Drying Partner

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagpapatuyo sa araw ay isa sa mga pangkaraniwan at tradisyonal na pamamaraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Pilipinas. Bagaman ang gastos ng proseso ay medyo mura, ang pagpapatuyo sa araw ay nagiging problema sa panahon ng tag-ulan. Gayundin, ang mga produktong pinatuyo sa araw ay mas madaling kapitan ng kontaminasyon sa mikrobyo dahil sa pagkakalantad sa hangin at alikabok.

 

 

 

Ang bawat butil ng palay ay katumbas ng butil ng pawis at pagod na inaalay ng ating mga magsasaka, ngunit madaming palay, mais at monggo ang nasasayang dahil sa hindi maayos na pamamaraan ng pagpapatuyo ng mga ani. Ang traditional na pagbibilad ng palay sa kalsada ay maaaring magdulot ng 10 % loss sa kabuuang ani, ito ay nahahaluan ng duming hayop at nadudurog ang bigas dahil sa maling sistemang pagpapatuyo kaya bumababa ang kalidad at presyo nito. Sa panahon naman ng tagulan ay mabilis masira ang mga palay dahil sa mataas ang moisture content, bukod pa rito ang pagbibilad ng palay sa kalsada ay maaaring sanhi ng kapahamakan ng mga motorist.

 

 

 

Isang mabisang alternatibo sa pagpapatuyo ng mga palay at iba pang mgabuti lang ngayon ay sikat na imbensyon ni Francisco Pagayon president ng Filipino Inventors Society Producer Cooperative (FISPC) na nagbigay daan upang malutasang problema sa pagpapatuyo ng mga pananim. Kaalamaan na makapagbibigay ng pang matagalang solusyon sa mga iniindang mga magsasaka.

 

 

 

Hindi nila lubos na inakala na mabilis, malinis at ligtas ang pamamaraan na ito kaya naman ikinagalak ito ng mga libu libong magsasaka at mangingisda.

 

 

 

Ang portasol ay ang sistema ng pagpapatuyo na tiyak na dalawa hanggang tatlong beses na mas epektibo kumpara sa makalumang pamamaraan. Gawa ito sa aluminum trays at PVC pipes kaya’t magaan at ligtas ito sa kalawang at madali rin itong linisin.

 

 

Ang drying rate ng palay sa portasol ay mas mataas ang recovery kumpara sa iba pang pamamaraan ng pagpapatuyo.

 

 

Gumagamit din ito ng natural solar power at conductive rin ang material na gamit dito kaya pantay pantay din ang distribution ng init sa mga tray. Sa panahon naman ng tag-ulan maaaring gumamit ng artificially induce heat galing sa uling at cinders. May sapat itong espasyo sa pagitan ng bawat trays upang mahanginan ang mga butina nilalagay dito at para maiwasan na rin ang pamumuong molds. Ang imbesyong ito ay maaaring magamit tuwing umuulan sapagkat may takip ito bilang pananggalan sa ulan at sa mga insektong nagsisiliparan. Ang kagandahan nito ay hindi na nangangailangan ng malaking espasyo para ipatayo dahil sa madali na lang itong bitbitin at ipuwesto kung kaya’t mas napapabilis din ang proseso ng pag-ani. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga magsasaka para maiwasan ang spoilage ng kanilang mga ani at tumaas ang kalidad at maibenta ito sa mas mataas na presyo. Para maiangat ang kanilang pamumuhay.

 

 

 

Dahil sa tulong ng Department of Science and Technology, kilalang ahensiya na naatasang magpaunlad pa ng mga imbensyon sa ating bansa at tinitiyak na ang Portasol ay ginhawaang hatid nito kay Juan. Sa katunayan, 300 na piraso nito ang naipamahaging ahensya sa mga magsasaka at Small Medium Entrepreneurs na nangangailangan dito. Patuloy na inaaanyayahan ng DOST-RO2 ang mga magsasaka at SMEs na gamitin ang tamang paraan ng pagbibilad ng kanilang produkto sa pamamagitan ng Portasol.

#dostPH

#ScienceForThePeople

#dostPH

 

(BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

China visit ni PBBM lilikha ng libu-libong trabaho – Palasyo

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGBIBIGAY ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino ang resulta ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Beijing, China kamakailan.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging matagumpay ang tatlong araw na biyahe ni Marcos sa China at mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na magbubukas ng maraming trabaho para sa mga Filipino.

 

 

Ito umano ang bunga ng state visit ng Pangulo sa naturang bansa.

 

 

“It’s certainly going to produce many, many jobs, when the investments come into play, when they start their operations,” sinabi pa ni Marcos.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang ilan sa mga investment na ito na nagtayo na ng kanilang mga tanggapan sa Pilipinas at nagpoproseso na ng kanilang business permits para masimulan na ang pamumuhunan.

 

 

Nasa $22.8 billion investment pledges ang naiuwi ng Pangulo sa bansa matapos makipagpulong sa Chinese business leaders sa tatlong araw na state visit nito sa China.

 

 

Idinagdag pa ni Marcos na nagsisimula na ng training at capacity building ang ilan sa mga ito para sa pagsisimula ng kanilang negosyo dito sa Pilipinas at ilan sa mga bagong bubuksan ay ang industriya ng pagproseso ng minerals, battery production gayundin ang electric vehicle production. (Daris Jose)

Dahil sa pahayag ni Manny laban sa LGBTQ+ community… Fil-Am actor na si DAVE, inaming pinatungan ang team logo tattoo

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Filipino-American wrestler-turned-Marvel actor na si Dave Bautista na pinatungan niya ng ibang design ang dati niyang tattoo na team logo ni Manny Pacquiao.

 

 

Sa interview ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 star with American magazine GQ na naka-post sa TikTok, hindi binanggit ni Bautista ang pangalan ni Pacquiao tungkol sa kanyang tattoo sa braso.

 

 

Ayon kay Bautista, itinuturing niyang kaibigan at tinitingala noon si Pacquiao, pero nagbago umano ang pagtingin niya dito dahil sa pahayag nito laban sa LGBTQ+ community.

 

 

“I was part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to. And then, he later came out publicly with some anti-gay statements and turned out to be an extreme homophobe.

 

 

“So, I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom’s a lesbian. And I just could no longer call him a friend,” diin pa ni Bautista na kasalukuyang ginagawa ang pelikulang Dune: Part Two.

 

 

Taong 2016 nang magbigay ng kontrobersiyal na pahayag si Pacquiao tungkol sa LGBTQ+ community. Nasabi rin niya na tutol siya sa same-sex marriage.

(RUEL J. MENDOZA)

Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.

 

 

At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man  o matanda sa masayang games, masarap na pagkain at kasiyahan buong araw nitong January 7.

 

 

At siyempre dahil hindi pa naman tapos ang pandemya ay sumailalim sa mandatory antigen test ang lahat ng dumalo sa party para naman safe sa virus.

 

 

In full force ang pamilya on both sides ni Luna, ang mga Santos at ang mga  Agoncillo.

 

 

May mga palaro na nagpasayang lalo sa mga bisita; may Bring Me game at Marshmallow Eating contest kung saan wagi si Lucho Agoncillo na kuya ng birthday girl.

 

 

May tissue paper wrapping contest din kung saan naglaban-laban sina si Juday with Luna, si Gladys Reyes with bunsong Gavin at isang non-showbiz mom na siyang nagwagi sa pagbabalot sa kanyang anak.

 

 

Bisita rin ang DreamWorks characters na sina Shrek at Fiona, Kung Fu at Trolls characters na dinumog ng mga kids para sa photo op.

 

 

Highlight rin ng party ang hula hoop contest nina Mara at Clara, este Juday at Gladys, with Ciara Sotto and Iya Villania.

 

 

Speaking of Mara and Clara, alam niyo bang limang taong hindi nagkita ng personal sina Juday at Gladys?

 

 

Bago pa man ang pandemya ay may plano na silang mag-bonding pero hindi natuluy-tuloy dahil sa pareho silang busy, hanggang sa inabot na sila ng pandemya ng COVID-19 kaya lalong hindi sila nagkita.

 

 

At sa party nga ni Luna, sa wakas ay nagkita ang magkaibigan at magkumareng Juday at Gladys.

 

 

 

At may bonus, nakumbinsi ni Gladys na mag-Tiktok silang dalawa ni Judy Ann sa labis na katuwaan ng mga nakapanood.

 

***

 

MAY clamor ang mga netizens na i-remake ng GMA ang phenomenal hit na ‘My Husband’s Lover.’

 

 

Umere at pinag-usapan ng husto noong 2013 ang MHL na pinagbidahan, as gay lovers, nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

 

 

Pero ngayon, ang request ng mga fans ay sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos ang magbibida.

 

 

Bagay kasi ang dalawa sa ganitong tema lalo pa at successful ang pelikula nila noong 2019, ang ‘Fuccbois’.

 

 

At magiging mas madali dahil parehong nasa GMA Network bilang mga Sparkle artist sina Royce at Kokoy.

 

 

Kailan ba ang reunion nila ni Kokoy, ang tanong namin kay Royce kamakailan.

 

 

“Hopefully this year, sana magkasama kami, ‘noh?

 

 

“Sana mabigyan kami ng pagkakataon na magtrabaho pareho at magsama sa isang serye o pelikula,” ang sagot sa amin ni Royce.

 

 

 

Pero sa ngayon raw ay wala pang alam si Royce na nilulutong proyekto para sa kanila ni Kokoy.

 

 

 “Pero iyon, hindi pa namin alam kung ano yung pinaplano ng tadhana para sa amin, pero sana, sana magkasama ulit kami.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads January 10, 2023

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, desididong mamuhunan para sa pagpapaganda ng transport system sa bansa

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO  si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na  ituloy ang  pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas.

 

 

Sa Metro Manila Subway Project Launching Ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno  para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa.

 

 

Mas marami aniya proyekto pa ang kanilang itutulak  sa mga susunod na taon sa gitna ng  target nila na magkaroon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at Iba pang lugar na  mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na  transport system.

 

 

“We will continue to invest and improve on our transportation systems as well as to pursue more projects in the years to come, so that Filipinos can gain greater access to places of work, commerce,  recreation, and other vital areas,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“Having an effective and efficient transportation system will have multiplier effects on employment, the economy, [and] our society; it will bring comfort, convenience, [and] an easier life for all,” wika pa nito.

 

 

At sa paglulunsad ng boring tunnel machine sa Valenzuela City kaninang umaga, sinabi ng Chief Executive  na magsisilbi itong simbolo ng commitment ng kanyang Administrasyon para ituloy ang mga nasimulang proyekto ng dating administrasyon.

 

 

Sa ilalim aniya ng kanyang pamamahala sa bansa, tiniyak Ng Presidente Ang target niya para sa mas maraming proyektong pang- imprastraktura sa ilalim ng “Build,  Bettter, More.” (Daris Jose)

SIM registration, walang extension – NTC

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi na kailangan pang palawigin ang SIM card registration sa bansa.

 

 

Ayon kay NTC Director Imelda Walcien, kumpiyansa silang matatapos ng mga telecommunication companies ang pagrerehistro sa halos 169 milyong SIM cards hanggang sa deadline nito na Abril 26.

 

 

Matatandaang alinsunod sa itinatakda ng batas, mayroon lamang 180 araw ang mga telcos upang irehistro ang mga SIM cards o mula noong Disyembre 27, 2022 hanggang sa Abril 26.

 

 

Iniulat din ng NTC na hanggang nitong Enero 5, 2023, mayroon nang 14.86 milyong SIM cards ang nakarehistro. Ito ay 9% ng kabuuang 168.98 milyong SIM cards na ginagamit sa bansa.

 

 

Sa naturang bilang, nasa 7.21 milyon ang SIM na nairehistro ng Smart Communications Inc., nasa 6.39 milyon naman ang nairehistro ng Globe Telecoms habang nasa 1.26 milyon ang Dito Telecommunity Corp..

 

 

Ani Walcien, sa bilang na ito, inaasahan nilang makukumpleto ang SIM card registration sa takdang panahon.

 

 

Gayunman, kung ma­bigo aniya ang mga telcos na maisagawa ito, maaari namang palawigin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang procedure ng 120 araw. (Daris Jose)

DA, nakikita ang pagbaba ng SRP para sa sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na itatakda sa ikalawang linggo ng Enero ang mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas.

 

 

Sinabi ni  Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, araw ng Lunes na ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong araw ng Sabado, Enero 7, dahilan para ipanawagan na konsultahin ang mga magsasaka, mga traders at retailers na magtakda ng bagong SRP.

 

 

“Dapat kasi bababa base doon sa aming pag-uusap noong Disyembre dahil magkakaroon na ng harvest. Mas marami nga na harvest ang sabi ng ating magsasaka sa second week of January. So inaasahan na bababa ang farmgate price at kapag bumaba ang farmgate price, may epekto po iyan sa retail [price] kung saan babantayan naman po natin,” ani Evangelista sa isang panayam.

 

 

Tinukoy ang naging pulong kasama ang mga  stakeholders noong nakaraang buwan, sinabi ni Evangelista na ang SRP para sa sibuyas ay dapat na pumalo na sa P200 sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan.

 

 

“Pero hindi naganap iyong P250 [SRP] so kailangan natin balikan at kausapin muli ang ating mga onion farmer kung ano talaga ang dahilan, then we can come up with interventions na nararapat para bumaba ang presyo,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

 

 

Sa ulat, base sa price monitoring ng DA , “as of Thursday, Enero 5,” ang lokal na pulang sibuyas ay nagkakahalaga sa pagitan ng  P280 at  P650 kada kilo habang ang  lokal na puting sibuyas ay P400 hanggang  P600 kada  kilo.

 

 

Samantala, plano  ng DA na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

 

 

Ayon kay DA Deputy spokesperson Rex Estoperez, dapat dumating ang 22,000 MT ng aangkating sibuyas bago ang peak harvest na magsisimula sa Marso.

 

 

Dapat aniyang dumating ang mga aangkating sibuyas sa unang linggo ng Pebrero o huling linggo ng Enero upang mapababa ang presyo nito.

 

 

Dagdag pa niya, sinisikap ng DA na balansehin ang pangangailangan ng mga consumer sa kapakanan ng mga producer.

 

 

Base sa rekomendasyon ng DA, 25% ng aangkating sibuyas ay dadalhin sa Mindanao, 25% sa Visayas, at 50% sa Luzon. Sa 50%, 10% ang puting sibuyas.

 

 

Samantala, aminado si Estoperez na nagkaroon ng lapses ang DA sa supply chain ng sibuyas sa bansa. (Daris Jose)

Mahigit 46-K katao dumalo sa kapiyestahan ng Black Nazarene

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi, Jan 9.

 

 

Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

 

 

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nasabing misa kasama ang ilang pari ng Quiapo Church.

 

 

Sa kanyang homily sinabi ni Advincula na dapat ipagpatuloy ang buhay na ang nasa puso ay si Kristo.

 

 

Mahalaga ang pagkakaisa para mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.

 

 

Samantala ayon sa PNP ay naging mapayapa naman ang kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno.

 

 

Mapayapa sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident.

 

 

Nasa heightened alert status ngayon ang PNP para matiyak na maayos at mapayapa ang mga aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Sa kabilang dako, umaabot na sa halos 150,000 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Quiapo Command Post sa nasabing bilang nasa 110,927 ang kabuuang deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo habang nasa 46,000 naman sa Quirino Grandstand. (Daris Jose)

88K deboto lumahok sa ‘Walk of Faith’ ng Nazareno

Posted on: January 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT  sa tinatayang 88,000 deboto ang lumahok sa isinagawang prusisyon o “Walk of Faith” mula Quirino Grandstand hanggang simbahan ng Quiapo bilang bahagi ng Pista ng Itim na Nazareno nitong Sabado ng mada­ling araw.

 

 

Ang pagtataya ay ga­ling sa Quiapo Church command post. Masyadong maliit ito kumpara sa halos 450,000 na dumalo sa Traslacion noong Enero 9, 2019 ngunit inaasahan na ito dahil ngayong taon ay hindi isinama ang imahe ng Itim na Nazareno at ang Andas nito sa prusisyon.

 

 

Ito rin ang ikatlong taon na hindi isinama ang imahen dahil sa ipinatutupad na ‘safety protocols’ dulot ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa kanyang misa, pinaalalahanan ni Rev. Fr. Rufino Secon Jr. ang mga deboto na isapuso pa rin nila ang Itim na Nazareno o si Hesus kahit na hindi kasama ang imahen sa prusisyon.

 

 

Eksakto ala-1 ng madaling araw nang mag-umpisa ang Walk of Faith matapos ang isang misa.  Hindi katulad ng mga nakaraang prusisyon, ipinagbawal na isama ang mga imahe na mas mataas sa dalawang talampakan.

 

 

Isinagawa rin naman ang tradisyunal na “Dungaw”, kung saan ang imahe ni Birhen ng Soledad (Blessed Virgin Mary), ay inabangan ang prusisyon.

 

 

Tumagal ang Walk of Faith ng dalawang oras at 14 na minuto hanggang sa makarating ito sa simbahan ng Quiapo dakong alas-4 ng madaling araw.  Noong 2019, tumagal ang Traslacion ng 21 na oras.

 

 

Nakapagtala naman ng 94 na deboto na nagkasakit.

 

 

Sa Quiapo, 16 (‘hypertension’), 4 (sugat), at dalawa (ibang sakit); sa Quirino Grandstand, 23 (hypertensyon, 1 (asthma), 1 (sugat), 1 (headache); habang sa mismong prusisyon ay 45 ang nirespondehan ng health volunteers kabilang ang 35 na hypertensyon habang isa ang isinugod sa ospital nang mawalan ng malay.