NAGWAGING Miss Universe 2022 si Miss USA R’Bonney Gabriel sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA.
Kinabog ng 28-year old Filipino-American from Houston, Texas ang mahigpit niyang nakalaban sa Top 3 na sina Miss Dominican Republic Adreina Martínez (2nd runner-up) at Miss Venezuela Amanda Dudamel (1st runner-up).
Si Gabriel ang ika-siyam na Miss Universe winner ng USA na siyang may hawak ng record na most Miss Universe wins. Ang mga past winners ng USA ay sina Carol Morris (1956), Linda Bement (1960), Syliva Louise Hitchcock (1967), Shawn Weatherly (1980), Chelsi Smith (1995), Brook Lee (1997) and Olivia Culpo (2021).
Naging kontrobersyal ang pagpanalo ni Gabriel ng Miss USA title noong October 2022. May ilang candidates kasi ang nagportesta sa pagkapanalo niya dahil rigged daw ang pageant at kay Gabriel daw talaga nakareserba ang korona. Nakita raw kasi sa social media na nakipagkita raw si Gabriel sa major sponsor ng Miss USA pagkatapos itong makoronahan bilang Miss Texas.
Pero napatunayan naman ng Miss USA Organization na walang dayaan na nangyari at patas ang lahat ng candidates sa paglaban sa korona ng Miss USA.
Sinilang sa Houston si Gabriel na ang ama niya ay si Remigio Bonzon “R. Bon” Gabriel ay isang Filipino at ang mother na si Dana Walker na isang American.
Nakatapos ng kanyang bachelor’s degree in fashion design with a minor in fibers si R’Bonney sa University of North Texas at ang mga creations niya ay eco-friendly clothing.
Sa naturang pageant, nagsalita ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization, ang Thai media tycoon and transgender rights advocate na si Anne Jakkapong Jakrajutatip, CEO ng JKN Global Group na binili ang MUO for $20 million.
Binigyan din ng tribute si Miss USA 2019 Cheslie Kryst na pumanaw dahil sa suicide noong January 2022.
Ang bansang El Salvador naman ang magiging host country ng Miss Universe 2023 na magaganap bago matapos ang taong ito.
Maraming Pinoy pageant fans naman ang nadismaya sa hindi pagpasok ni Miss Philippines Celeste Cortesi sa Top 16 ng 71st Miss Universe.
Pumasok sa Top 16 sina: Puerto Rico (Ashley Carino), Haiti (Medeline Phelizor), Australia (Monique Riley), Dominican Republic (Adreina Martínez), Laos (Payengxa Laor), South Africa (Ndavi Nokeri), Portugal (Telma Madeira), Canada (Amelia Tu), Peru (Alessia Rovegno), Trinidad and Tobago (Tya Janè Ramey), Curacao (Gabriela Dos Santos), India (Divita Rai), Venezuela (Amanda Dudamel), Spain (Alicia Faubel), USA (R’ Bonney Gabriel) at Colombia (Maria Ferranda Artizabal).
Pinaramdam din ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na backstage host ng Miss Universe ang kanyang panghihinayang na hindi nakapasok si Miss Philippines at ang iba pang candidates na malakas ang naging laban noong preliminary round.
“Guys, you are not alone, Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia, I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year,” sey ni Queen Cat.
Dahil dito ay nasira ang magandang record ng Pilipinas na hindi nawawala bilang parte ng semi-final round ng Miss Universe since 2010.
Si Venus Raj ang bumasag noon sa sampung taong walang pumapasok na kandidata mula sa Pilipinas sa Miss Universe since 1999.
Simula noong 2010 ay 12 years pasok ang Pilipinas at apat na taon tayong naging runner-up: Venus Raj (4th runner-up), Shamcey Supsup (3rd runner-up), Janine Tugonon (1st runner-up), Ariella Arida (3rd runner-up); anim na beses na pumasok bilang finalists: MJ Lastimosa (Top 20), Maxine Medina (Top 6), Rachel Peters (Top 10), Gazini Ganados (Top 20), Rabiya Mateo (Top 21), Beatrice Luigi Gomez (Top 5), at naka-dalawang beses na napanalunan ang Miss Universe crown: Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
(Ruel J. Mendoza)