![](https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2021/07/kulong-arestado-timbog-5-300x205.jpg)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann.
Sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kahapon, pormal nang ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann, dahil ganap na tinanggap ng huli ang hamon bilang bagong pinuno ng nasabing ahensiya.
Ipinahayag ni Bachmann ang kanyang pasasalamat sa kanyang hinalinhan na nagsilbing ika-11 chairman ng komisyon at nanguna sa matagumpay na pagbabalik ng Batang Pinoy National Championships grassroots program sa face-to-face competition noong 2022.
“I would like to thank and honor former Chairman Noli Eala for his service and dedication to support our National Sports Associations and national athletes. I look forward to learning more about the programs that are in the pipeline, as well as those that are already being implemented,” ani Bachmann.
Gayundin, pinasalamatan ni Eala si Bachmann sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong ibahagi ang kanyang kaalaman na natamo sa panunungkulan bilang PSC chairman. Tiniyak niya sa bagong pinuno ng ahensiya ang kanyang buong suporta.
Pinasalamatan din ni Bachmann ang PSC workforce na patuloy na gumaganap ng mahalagang bahagi sa pangkalahatang papel ng ahensiya sa Philippine sports, habang ipinagdiriwang ng PSC ang ika-33 anibersaryo nito ngayong buwan.
Ang PSC ay itinatag bilang pambansang ahensiya ng palakasan sa bisa ng Republic Act 6847 noong Enero 24, 1990, na pinalitan ang Project Gintong Alay. (CARD)
LAST Sunday, nag-viral din pala ang tweet ni Janine Gutierrez na, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.”
Kaya agaw-eksena rin siya bukod sa trending topic na #CelesteCortesi at #MissUniverse2022.
Ang “Lotlot” na tinutukoy ng anak ni Lotlot de Leon ay ginagamit sa showbiz para sa talo o talunan.
Kaya naman aliw na aliw ang mga netizens na nakabasa ng tweet ng aktres, habang nadismaya talaga ang mga Pinoy na naligwak agad ang pambato ng Pilipinas sa 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA.
In-expect kasi ng karamihan ng papasok si Celeste sa Top 16 finalist at makalalaban pa sa Top 5, pero laglag agad sa first cut pa lang, kaya nasira niya ang record ng bansa sa Miss U.
Nagwaging Miss Universe 2022 ang pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel, na isang half-Pinay, kaya happy na rin ang mga Pinoy kahit na-lotlot nga si Celeste.
Nag-viral ang tweet ni Janine at dumagsa ang mga reaksiyon at pati ang ina ay nag-comment din sa kanyang post.
“Mga anak! Okay lang yan.. babawi daw tayo next year!” say ni Lotlot.
Ilan sa tweet ng mga netizen…
“HAHAHAHAHA! LOTLOT AND FRIENDS!”
“Waaahahahah… kaya idol kita eh, hndi ka lang super beautiful, apakasmart at witty mo pa.”
“Kaw naman sumali, maganda at matalino ka naman beh. Game!”
“Sali kana inay sa Ms. U. beauty and brain ka po. Kayang-kayang mo un.”
“Manok kita noon pa sa beauty pageant eh.”
“Bilisan mo na kasi diyan naghihintay na ang korona sa’yo mare.”
“Hahahaha! Kaya super love na talaga kita Janine! So witty!”
“That was pretty good! It is hilarious! I just made a loud guffaw! You got me on that!”
“This made my day.”
“Ang witty! Love you Ms. Janine! Can’t wait for the Dirty Linen!”
Nagbigay din ng saloobing si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagkatalo ni Celeste at sa iba pang kandidata mula sa Asia.
Comment ni Queen Cat, “Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia—I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year.”
***
LULUTUAN kita. Aawitan ka rin ba niya?
Ito ang pangakong tinupad ni Bataan Rep. Geraldine Roman sa kanyang congressional staff at mga kaibigan na kanya namang ibinabahagi sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang malaganap na You Tube vlog, GERALDINE ROMANTIK.
Panoorin kung gaano kagaling at kasarap magluto ng mga Spanish dishes si Cong Geraldine sa Miyerkules, January 18, 7 p.m.
Ilan lamang sa mga lulutuin ng bagong reyna ng mga kusinera ay Sopa de Ajo (ano raw?), Gambas al Ajillo, Pescado al Horno.
Matatandaang nanirahan ng 23 taon si Cong Geraldine sa Espana, kung saan nag-trabaho siya bilang journalist sa isang, take note, Spanish newspaper lang naman.
Get to know more about Cong Geraldine, ang kanyang intimate story, up close and personal, sa kanyang You Tube vlog.
(ROHN ROMULO)
Nagpahayag ng kasabikan si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson para sa paglalaro niya sa 2023 FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.
Ayon sa Utah Jazz player na patuloy ang kaniyang ginagawang ensayo para sa manguna ang basketball team ng Pilipinas sa nasabing torneo.
Pagtitiyak nito na agad itong uuwi sa Pilipinas kapag sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang ensayo para sa world cup.
Magugunitang dalawang beses na naglaro si Clarkson noong Agosto sa window ng Asian Qualifiers ng FIBA World Cup. (CARD)
Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena.
Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa 2-of-6 shooting dagdag ang tig-2 rebounds at blocks sa 10 minutong salang para sa pagbagsak ng 36ers sa ikatlong sunod na olats.
Naging starter sa nakaraang taon, bumulusok ding paibaba ang dating Ateneo de Manila University Blue Eaglets center sa huling dalawa salang.
Nagpabibo naman ang Wildcats laban 36ers na tumalon sa mabilis na double-digit na abante, na umabot pa sa 32-17 pagkatapos ng unang 10 minuto ng paligsahan. Naiwanang Adelaide ng hanggang 32. (CARD)
TULOY na nga sa pagsabak sa pag-aartista ang Sochi Olympic Winter Games veteran na si Michael Martinez!
Kasali siya sa cast ng upcoming Kapuso serye na ‘Hearts on Ice’.
Ang co-star niyang si Sparkle female star na si Roxie Smith ang naghayag sa kanilang paghahanda para sa sports drama series kung saan makakasama niya rito sina Xian Lim, Ashley Ortega at ang two-time Olympian na si Michael nga.
Sa Instagram, ibinahagi ni Roxie ang isang video kung saan makikita na binuhat siya ni Michael habang nasa loob ng skating rink.
“Hearts on Ice with our very own Olympian and Philippine pride @mz_viral soon on GMA,” aniya sa kaniyang caption.
Ayon kay Michael, ito ang unang pagkakataon na may binuhat siya habang nagfi-figure skating.
“First Time EVER doing a Lift On The Ice! With @roxieebae
#HeartsOnIce stay tuned!
” sulat niya.
Ikinagulat naman ito ng Kapuso actress, “Wow didn’t know this was the first, isang karangalan to be the one carried haha,” sagot ni Roxie.
Makakasama rin sa naturang serye ang Sparkle artist at national figure skater na si Skye Chua.
***
LUBOS ang pasasalamat ni Andrea Torres sa mga manonood na suporta sa kaniyang role bilang Sisa sa ‘Maria Clara at Ibarra’.
Sa episode ng show nitong January 13 ay nagpaalam na ang kaniyang karakter na si Sisa, ang ina nina Crispin at Basilio.
Para sa Kapuso actress, tumatak sa kaniyang puso at isipan ang naturang karakter kung kaya’t hindi niya ito malilimutan.
“Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito,” aniya sa kaniyang Twitter post.
***
DALAWANG diehard na mga tagahanga ni Miguel Tanfelix ang nagmamay-ari ngayon ng kalahating jacket ng ‘Voltes V: Legacy’ male lead!
Sa ginanap kasing Kapuso Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan kamakailan ay isa si Miguel sa mga naging guest artist at sa kanyang performance ay inihagis ni Miguel ang suot niyang jacket na may autograph.
Iyon nga lang, dalawang fans ang sabay na nakasalo ng jacket ni Miguel, sina Leona Albelar at John Romel at sa halip na mag-away ay nagdesisyon ang dalawa na gupitin ang jacket ni Miguel para nga naman pareho silang may souvenir mula sa guwapong Sparkle male actor.
Sa kanyang Facebook account ay nagpasalamat si Leona sa pagkakaroon ng jacket ni Miguel although may kaunti itong panghihinayang dahil kalahati lamang nga ang napunta sa kanya.
Sinabi rin ni Leona na hindi siya halos makatulog dahil napakabango ng jacket ni Miguel.
(ROMMEL L. GONZALES)
HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro.
Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping.
Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha sa kanyang farm. Sinabihan kasi si Agot na alisin na raw nito ang galit sa puso.
Sey ng netizen na may Twitter handler na @Princebasil555, “God bless you po
@agot_isidro sana po mawala na yung galit sa puso nyo po.”
Ang pinanggalingan ng tweet n ito ng netizen ay dahil lang sa Twitter post ni Agot na, “It’s more fun out of the Philippines.”
Sinagot naman ng actress ang reply na ito sa kanyang post na, “Dear Basil, Hindi mo ako kilala. Matanda na ako, natutunan ko na ang pag-let go at pag-move on. Kasama yan sa pag ma-mature. Wala akong galit sa puso. Payapa ang mundo ko. Tignan mo na lang ang paligid ko.
“Pero, Salamat sa God bless you.
At God bless you din.”
Kaya naman hayun, dahil dito, ni-label na ng mga netizens na siguro raw, either DDS o BBM ang nag-comment na ‘yon kay Agot.
***
BALIK ‘It’s Showtime’ na si Vhong Navarro.
Emosyonal ito nang ipakilalang muli ni Vice Ganda. Sobrang grateful lang daw niya na maramdaman ang napakainit na pagtanggap sa kanyang muli ng mga kasamahan sa show.
Ayon kay Vhong, “Ang sarap ng pagtanggap niyo sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan, sa mga taong nagdasal, nagtiwala at hindi ako iniwan.”
Iniwasan daw palang talaga ni Vhong na manood ng ‘It’s Showtime’ noon dahil alam niyang mas lalo niyang mamimiss ang mga kasamahan niya.
Sey niya rin, “Pero mabalik ang Panginoon, talagang hindi Niya ako pinabayaan kaya nandito ako ulit. Kaya maraming salamat sa ABS-CBN dahil mayroon akong trabaho at nandito pa rin ang pamilya ko.”
Ayon kay Vhong, sa Panginoon lang daw siyang talaga kumapit, lalo na noong panahon na nasa NBI siya hanggang sa mailipat sa Taguig. Bukod dito, sa kanyang asawa, pamilya, mga kaibigan at mga taong alam daw niyang patuloy na nagdarasal para sa kanya.
***
MALAKI ang pasasalamat ni Sunshine Cruz na plantsado, maayos na ang relasyon niya sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano at may magandang relasyon ngayon ang tatlong anak nilang babae sa tatay nila.
Modern family na nga sila ngayon dahil si Sunshine, all-praises din sa present partner ni Cesar na napakabait daw. Kasama si Sunshine sa cast ng “Underage” na nag-pilot na kahapon, Jan. 16 sa GMA Afternoon Prime.
Tinatalakay rito ang mga problema dulot ng social media. At ngayon daw, natutuwa si Sunshine na hindi na lang siya ang nakakapagbigay ng advices sa tatlong anak.
“Ang prayer ko lang, sa patuloy na ibabato sa aking fake news, mga pagsubok especially in social media, makakayanan na namin. Nandito namam ako para sa mga anak namin para mag-advice.
“It’s a good thing also na they now have a wonderful relationship with their own father. Hindi na lang ako ang nakakapag-advice kasi, nandiyan na rin si Cesar at nandiyan na rin ang kanilang Tita Kat para suportahan at mag-advice sa kanila.”
Masaya lang talaga si Sunshine ngayon na all’s well na sa kanila ng ex-husband.
“Siguro kasi, it’s been ten years naman. And kahit na anong sugat pa ‘yan, kapag nasugatan, naghi-heal. So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho and nakita naman naming talaga na mas naging maligaya ang mga anak namin.
“It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness. At kahit ang mga anak ko nga, sinasabi nila sa mga interviews nila na nagkaroon ng peace sa puso nila no’ng magkaroon sila ng relationship with their Dad.”
Sabi pa niya, “And being a mom, who am I na hindi matutuwa sa mga nangyayari?”
Malaking factor rin daw na mabait ang bagong partner ni Cesar na si Kat at tanggap nito ang mga anak niya at may relasyon din ang mga anak nila.
“It was fun, ang sarap sa pakiramdam na wala ng conflict at magkakaibigan lahat.”
Pagdating naman sa kanyang lovelife, until now ay hindi pa rin nagsasalita si Sunshine sa nangyari sa kanila ni Macky Mathay. Nang kumustahin namin ang puso niya, natatawa itong sumagot lang na, “pass! Ha ha ha!
“I am happy. Nandiyan ang pamilya ko. Okay naman ako. Kung ano man ang nangyari sa past and present ko ngayon, mas nagiging matibay ako sa lahat ng experiences na nararanasan ko, that’s all I can say,” sabi na lang niya.
BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa Philpost package scam matapos na maraming mabiktima hinggil sa umano’y mga unclaimed package sa nasabing tanggapan.
Ayon kay P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng PNP-ACG, ang modus operandi ng mga tiwaling manggagantso ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang automated machine na diumano’y mula sa Philpost.
Isinasaad umano dito na may parcel daw na nakumpiska na naglalaman ng mga illegal na dokumento tulad ng bankcards at passport at ang binibiktimang indibidwal ay ‘under investigation’.
Dito’y ipapakausap ka sa mga nagpapanggap na PNP at AMLAC (Anti-Money Laundering Council) officers na umano’y taga Cebu gamit ang Skype Application.
“Biktima ka raw ng identity theft at kailangan mong linisin ang iyong pangalan sa pagkakadawit sa money laundering (Personal na pupunta sa Cebu, freeze muna ang account o magpa-file ng complaint through skype,” anang opisyal.
Sasabihin ng sindikato na kailangang magbayad ng bond habang inaayos ang kaso ng mga binibiktima gamit ang e-wallet.
Sinabi ni Doria na ilan lamang ito sa mga modus ng mga scammers kaya dapat na maging mapanuri ang publiko at i-report sa lehitimong law enforcement agencies upang maimbestigahan at maaresto ang mga scammers.
Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa publiko na kung may mga reklamo, katanungan at suhestiyon ay maaring direktang makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa pamamagitan ng Facebook page gamit ang messenger o tumawag sa kanilang mga hotlines –Hotline number: (02) 723-0401 (loc 7491); Viber Numbers: 0915-589-8506/0966-627-1257.