• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 18th, 2023

Nanggulat sa pagpayag na maging ‘calendar girl’: RIA, ipakikita na champion sa pagtataguyod ng body positivity

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.

 

Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture.

 

At ngayon at nanggulat nga ang na bahagi na si Ria Atayde sa prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.

 

Ginawa ng White Castle Whisky ang di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizens nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kaunaunahan nilang White Castle Boy.

 

“We weren’t looking to take ourselves too seriously at the time.

 

Coming from the pandemic and working with our tagline ‘Dapat Light Lang’, we decided that we should
feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic,” ayon kay Aaron
James Limpe Aw, na Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. “Gumawa ng content para sa amin si
Ninong Ry created kaya naman naisipan namin na suportahan ang mga sumusuporta sa amin.”

 

Nuong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar
model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at
siya ang naging 2022 White Castle Calendar na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang
tagumpay para sa LGBT community. “Nung umpisa, hindi naman talaga naming ito intensyon and it was
definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move,” sabi ni
Brandon Jon Limpe Aw, na VP for Administration ng Destileria Limtuaco.

 

Ganunpaman, naglikha ito ng malakas na alingawngaw sa media firestorm at napagtanto ng brand madami
pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco
President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, “ni-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming mga
aktres at mga modelo. With that kind of clout, nag-desisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng
aming kalendryo para mag-launch ng iba’t-ibang klaseng causes at advocacies.”

 

“Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed
unrealistic and not representative of the everyday female,” sabi ni Limpe-Aw.

 

Ipinapakita ng newest calenday girl na si Ria, na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kumpinsya at pagiging kumportable sa sarili.

 

“Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi pwedeng i-kahon ang kagandahan,” sabi ni Ria.

 

“Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”

 

Wala namang naging problema sa pamilya ni Ria, dahil suportado siya nina Papa Art Atayde at Sylvia Sachez at maging si Cong. Arjo Atayde. For sure, proud na proud din ang boyfie na si Zanjoe Marudo sa new achievement na ito ni Ria.

 

Magkasama ang White Castle Whisky at si Ria Atayde sa paghatid ng positive at affirming message sa
malawak na diversity ng beauty at maraming uri ng pagiging confident at sexy sa pagnanasang yakapin ng
milyun-milyong mga kababaihan ang kanilang tunay na kapangyarihan habang lapit bisig sila na gawing
mas maganda ang mundo.

 

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa White Castle Whisky at para sa mga kapanapanabik na news
updates ukol kay Ria Atayde, i-like ang White Castle Whisky sa Facebook.

(ROHN ROMULO)

P1.3 B nakalaan sa libreng sakay

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.3 billion para sa programa ng pamahalaan sa service contracting kung saan ang libreng sakay ay ibibigay sa mga pasahero sa loob at labas ng Metro Manila.

 

 

 

Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman nasa ilalim ng 2023 national budget, ang P1.285 billion ay nakalaan para sa SCP ng pamahalaan na ipamamahagi ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Sa ilalim ng SCP, pinapayagan ang ahensiya ng pamahalaan na mag-hire ng public utility vehicles upang magbigay ng serbisyo sa mga ruta ng transportasyon at magbigay na libreng sakay sa mga pasahero sa EDSA busway kasama ang iba pang rehiyon sa labas ng Metro Manila.

 

 

 

“Since the DOTr is the implementing agency, it is up to them to identify the scope and coverage of the program. They have the option to spread or limit its coverage, based on the result of their study,” wika ni Pangandaman.

 

 

 

Binuo ang programa upang masiguro na magkakaroon ng mahusay at ligtas na operasyon ang mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng bagong normal condition. Ang SCP ay magbibigay ng financial support sa mga service providers ng transportasyon sa pamamagitan ng performance-based payouts.

 

 

 

Binigyan diin ng DBM na ang libreng sakay ay malaking tulong sa mga Filipinong pasahero sapagkat nagkakaroon sila ng transport savings na kung saan puwede nilang gamitin ang nasabing savings sa ibang pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain at mga bayarin sa bahay.

 

 

 

Naitala ng pamahalaan na ang EDSA busway sa ilalim ng Libreng Sakay ay nakapagsakay ng may kabuuang 165 million na pasahero noong nakaraang taon. Naitala rin na may 389,579 na pasahero kada araw ang sumakay na may pagtaas ng bilang ng pasahero na 400,000 noong holidays kada araw.

 

 

 

Naibalita naman ng DOTr na kanilang tinitingnan kung matatapos ngayon taon ang privatization ng P551 million na EDSA busway na ibig sabihin ay ang pamamahala at operasyon nito ay ibibigay sa pribadong sektor.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, ang Ilocos provincial government ay nagsabing kanilang itutuloy ang programa sa Libreng Sakay ngayon taon. Sa ngayon ay ang Metro Ilocos Norte Council ay namahagi na ng “free ride” stubs sa kanilang constituents.

 

 

 

Mayroon 780 na ang nakakuha ng stubs na binubuo ng indigent students, senior citizens at persons with disabilities (PWDs) mula sa lungsod ng Laoag at mga bayan sa San Nicolas, Bacarra at Sarrat na nagkakahalaga ng P500 kada pasahero.  LASACMAR

6 cold storage facilities, itatayo sa onion-producing regions

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGTATAYO ang Department of Agriculture (DA) ng anim na  cold storage facilities sa apat na onion-producing regions simula ngayong taon.

 

 

Layon nito na suportahan ang mga lokal na magsasaka.

 

 

Ang bawat pasilidad ay mayroong 20,000 bags na nagkakahalaga ng P40 million at itatayo sa  Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa regions.

 

 

“Tayuan po ng mga storage facility nang sa gayon during peak season ng harvest, malagyan na. Hindi po sagot ang importation. Napakalaking potensyal po ng lugar namin,” ayon kay San Jose, Occidental Mindoro agriculturist Romel Calingasan sa Senate hearing.

 

 

Dalawang  cold storage facilities naman ang itatayo sa Occidental Mindoro subalit ang inaalala ni  Calisangan ay ang lokasyon.

 

 

“For instance, a planned facility in Rizal town is about 16 to 20 kilometers away from San Jose, the largest onion-producing area in the province. The other planned site in Sablayan is farther at 97 kilometers,” ayon sa ulat.

 

 

Sa kabilang dako, muling inulit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na suportahan ang mga magsasaka, Iginiit na ang importasyon ay hindi dapat “long-term response” para protektahan ang mga magsasaka at makinabang ang mga consumers sa mababang commodity prices.

 

 

“We have to go back to the onion growers and help them so that we can have production, we don’t need to import. We became so used to importation… When we take supplies from abroad, its inflationary forces are also being brought to the Philippines,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Samantala, nanindigan naman si Pangulong Marcos na kailangan pang umangkat ng sibuyas ng gobyerno dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito.

 

 

“May nagsasabing onion, hindi kailangan mag-import. Papaano naman hindi kailangang mag-import? Tignan mo ‘yung production ng Pilipinas, tignan mo ‘yung demand, malayo talaga,” pahayag ni Marcos sa mga mamamahayag na naka-base sa Malacañang habang patungo sila sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland nitong Linggo.

 

 

Hindi rin aniya nagamit ang mga smuggled na sibuyas dahil kulang pa rin ito sa target na suplay nito kaya napipilitang umangkat na lang ang pamahalaan.

 

 

Kamakailan, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na aangkat ng sibuyas ang pamahalaan sa kabila ng nalalapit na anihan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga nakalipas na linggo.

 

 

Gayunman, nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng magsasaka dahil sa posibilidad na maapektuhan sila ng naturang hakbang. (Daris Jose)

Miyembro ng “Compendio Drug Group”, kasabwat timbog sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Alex Estrella alyas “Tropa”, 44, (HVI), miyembro ng “Compendio Drug Group” at Joel Ofiaza, 36, kapwa residente ng M. Gregorio St., Brgy. Canumay West.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogeliop Peñones Jr, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bust operation in relation to SAFE NCRPO at Anti Criminality Law Enforcement Operation sa kahabaan ng Gen T. De Leon Road, harap ng De Gula Compound, Brgy., Gen. T. De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanilang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba at inaresto ang dalawa.

 

 

Ani PSSg Carlito Nerit Jr, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value P68,000.00, marked money, P200 bills, sling bag, 2 cellphones at isang motorsiklo.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

MAG-INGAT sa PAGBILI/PAGSALO sa mga SASAKYAN – mga SINDIKATO TALAMAK na NANGBIBIKTIMA ng mga BUYERS

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA  sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.

 

 

Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin.  Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller.  Isang Montero na halos Isang Milyon piso ang halaga ang ipinakita sa kanya sa parking lot ng isang sikat na mall. Hindi gaanong bihasa sa pag inspect at pagbusisi ng dokumento ang biktima kaya lalong madali na nakumbinsi sya ng seller. Maliban sa sasakyan ay pinakita sa kanya ang isang blankong deed of sale na pirmado daw ng registered owner at ang OR/CR.

 

 

Kinabukasan ay nagkita ang biktima at selker sa bangko at cash na binayaran ang sasakyan.  Noong unang taon na pinarehistro ng biktima sa LTO ay narehistro pa ang sasakyan.  Pero sa ikalawang taon ay sinabi sa kanya ng LTO na hindi tugma ang plate number sa sasakyan.  At nairehistro na raw ang sasakyan na may ganung plate number sa ibang LTO office kaya kaagad na in-impound ang nasabing Montero. Laking gulat ng biktima!

 

 

Ilan ulit niya na kinontak ang seller pero cannot be reached na ito. Sa tulong ng LCSP volunteers ay natukoy namin ang registered owner ng Montero. Nagulat ang owner na nabenta ang sasakyan. Peke ang pirma niya sa deed of sale at MATAGAL NA NIYA ISINUKO SA BANGKO ANG MONTERO dahil hindi na niya kaya bayaran ang monthly payment sa nito.

 

 

Kung naisuko na sa bangko paano ito napunta sa seller? At paano na iba ang plate number? Paano narehistro sa LTO noong unang pinarehistro ito?

 

 

Sinulatan na ng LCSP ang bangko upang malaman nila na ang na isang sasakyan na isinuko sa kanila ay nailabas at naibenta na may pekeng plate number.

 

 

Isang paalala ng LCSP – magingat sa pagbili ng sasakyan lalo kung pasalo ito at lalo kung hindi alam ng bangko ang transaction. Huwag magtiwala basta-basta na nag-a-ahente at wala ang registered owner. Ipa-verify sa LTO ang status ng sasakyan. Kung hindi pa fully paid sa bangko ay lalong mag-ingat. May mga lumapit din sa LCSP na yung nakabili ay kinasuhan pa ng carnapping.

 

 

Makikipag-ugnayan ang LCSP sa mga Transport Agencies tungkol sa modus na ito.

 

 

Sino man pong may mapait na karanasan na tulad nito ay maari pong lumapit sa LCSP sa #97C Matatag st, Piñahan Quezon City (malapit lang ito sa SSS building sa East Avenue, Quezon City). (ATTY. ARIEL INTON)

Narco-cops walang lusot, hahabulin kahit magretiro

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco-cops o yaong mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

 

 

Sinabi ni Abalos na umaarangkada na sa ngayon ang case build-up laban sa mga hinihinalang narco cops.

 

 

Binigyang-diin ni Abalos na ang proseso na isinasagawa nila ay hindi magtatapos lamang sa pagtanggap sa courtesy resignation ng mga police officials na hinihinalang sangkot sa illegal drugs.

 

 

Ayon kay Abalos, gagamiting gabay ng 5-man Advisory Group at ang National Police Commission (Napolcom) ang mga ebidensiyang hawak nila sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga ito.

 

 

“The process does not end upon the acceptance of courtesy resignation,” ani Abalos.

 

 

“As I previously stated, even if a police official is allowed to retire for the time being, the monitoring and investigation must continue, to gather evidence that may lead to eventual criminal prosecution. We must always act within the rule of law. As a lawyer, I want to make sure that cases filed shall succeed and can withstand court litigation,” dagdag pa niya.

 

 

Tiniyak ni Abalos na ang retirement ng mga pulis, na may kinalaman sa illegal drug trade, ay hindi na­ngangahulugang absuwelto na sila dahil bubuo aniya ang departamento ng solidong kaso laban sa mga ito upang ma-prosecute ang mga ito. (Daris Jose)

Isabela muling maghohost ng Patafa Open

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.

 

“Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this 2023 !,” post ng MyCity PIO ng local government unit ng Isabela.

 

Una nang itinakda ng Patafa ang muling pagsasagawa ng kada taong torneo sa Marso 21 hanggang 26.

“Save the date 21-26 March 2023. LGUs, School Teams, and Gov’t Agency Teams may send their request for invitation to participate to patafa_nsa@yahoo.com by providing the name, designation, and complete address of the invitation addressee,” post ng Patafa.

 

Pangunahin ang Patafa National Open sa mga torneo na gagamitin ng asosassyon para masubok ang lahat ng mga miyembro ng pambansang koponan habang hangad din nito na makahanap ng mga bagong sibol at papaangat na mga atleta. (CARD)

Wagi rin sina Dennis. Juancho at Barbie: ANDREA, pararangalan sa ‘7th GEMS Awards at kinabog si JULIE ANNE

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Suzette Doctolero, creative writer ng “Maria Clara at Ibarra,” ng listahan ng mga nagsipagwagi sa 7th GEMS Awards.   

 

 

Ang GEMS – Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng Panulat, Digital, Tanghalan, Radyo, Telebisyon at Pelikula.

 

 

Sa ikapitong taong pagpaparangal ng Samahan, limitado na lamang ang bilang ng mga gagawaran ng karangalan.  May ilang publikasyon, istasyon at produksyong di na ganoon kaaktibo, kaya di na sapat ang batayan ng pagpipilian.  Magkakaroong na rin muli ng aktuwal na pagga-gawad ng karangalan para sa mga magsisipagwai.  Isang liham-paanyaya na naglalaman ng petsa at daloy ng programa ang ipadadala sa mga gagawaran ng parangal.

 

 

Narito ang mga pararangalan: Best TV Series – Maria Clara at Ibarra (GMA-7); Best Performance by an Actor in a Supporting Role (TV Series) – Juancho Trivino – Maria Clara at Ibarra; Best Performance by an Actress in a Supporting Role (TV Series) – Andrea Torres – Maria Clara at Ibarra; (kinabog pa niya si Julie Anne San Jose) Best Performance by an Actor in a Lead Role (TV Series) – Dennis Trillo – Maria Clara at Ibarra; Best Performance by an Actress in a Lead Role (TV Series) – Barbie Forteza – Maria Clara at Ibarra; TV Station of the Year – GMA-7.

 

Ilang weeks na lamang at magtatapos na ang historical fantasy portal series ng GMA Network na patuloy pa ring mapapanood after “24 Oras.”

 

                        ***

 

 

LEXI Gonzales expressed her gratitude to GMA Network, dahil sunud-sunod ang mga work niya, after niyang maging runner-up sa “StarStruck 7”.  Of course, ang isang hindi niya malilimutan ay nang makabilang siya sa seven contestants ng Korean adaptation ng top-rating ang biggest reality game show na “Running Man Philippines.”

 

 

Hindi man siya ang naging ultimate winner, hindi niya malilimutan ang mga natutunan niya roon, ang mga pagkakaibigan na hindi makakalimutan.

 

 

Ngayon nga ay may sarili na siyang Afternoon Prime, ang “Underage” na kasama niya sina Elijah Alejo at Hailey Mendes, Isang panibagong experiences daw ang naranasan niya nang ginagawa na nila ang teleserye.

 

 

“As Celine, ang eldest sa three sisters, na-experience ko po lahat ng hirap, saya, struggles ng character ko,  Thankful po rin ako na very helpful po ang lahat sa akin sa mga mahihirap na eksena kong ginawa, ginabayan po nila ako at hindi nila pinabayaan all thourghout po ng taping namin ng serye.”

 

 

***

 

 

IBA naman ang naging experience ni Elijah Alejo nang ginagawa nila ang “Underage.”

 

 

“Ang pinaka-challenging po sa akin dito, ay iyong pag-shift ko po ng character mula sa kontrabida,” paliwanag ni Elijah.

 

 

“Tatlong taon ko po kasing ginampanan sa una kong teleserye, ang ‘Prima Donnas’ bilang si Briana, kasi magkaibang-magkaiba ang ugali ni Briana kay Chynna.  May pagka-happy go-lucky dito si Chynna, may pagka-spoiled na bibo, na malambing sa mga kapatid niya, sina Celine at Carrie (Hailey).  Kaya hindi na po ninyo makikita si Briana dito sa ‘Underage.’”

(NORA V. CALDERON)