• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2023

LRTA: Fare hike di minamadali

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.

 

 

“The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare increasein LRT 1 & 2,” wika ni LRTA administrator Hernando Cabrera.

 

 

Ayon kay Cabrera na tatlo lamang na miyembro ng LRTA board ang nagbigay ng approval kasama na siya, isang miyembro mula sa pribadong sektor at ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LRTA) mula sa siyam (9) na miyembro ng board.

 

 

Binigyan naman ni Cabrera ng assurance ang publiko na ang parehong LRT 1 & 2 ay hindi magpapatupad ng pagtataas ng pamasahe ng walang approval mula sa majority ng LRTA board.

 

 

Noong isang linggo,mula sa isang resolusyon na nilabas, ang LTFRB ay nagbigay ng mungkahi na magkaroon ng adjustment sa pasaheng LRT 1 & 2 na P2.29 para sa boarding fare at P0.21 kada kilometro.

 

 

Kung papayagan ng LRTA board ang nasabing fare adjustment, ang magiging bagong boarding fee ay P13.29 habang ang distance fee ay tataas ng P1.21 kada kilometro para sa dalawang rail lines.

 

 

Sa kasalukuyan, ang pasahe sa LRT 1 na single-journey tickets ay may range na mula P15 hanggang P30 depende sa distance habang ang base fare para sa stored-value o reloadable tickets ay P11.

 

 

Samantala, ang aktibistang grupo na Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) na balewalain ang resolusyon ng LTFRB na pumapayag sa pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 & 2.

 

 

“There is no other recourse at this point but to deny the fare increase given the current inflation rate and the infirmities in the concession agreement with the private operator, which is LRMC,“saad ni Bayan secretary general Renato Reyes.

 

 

Nagtanong din ang grupo na kung bakit kasama ang LRT 2 sa pagtataas ng pamasahe naayon sa kanila ay may pondo mula sa pamahalaan samantalang ang petitioner na LRMC ay namamahala lamang ng LRT 1.  LASACMAR

Development agenda ng PBBM administration susuportahan

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang multinational investment firm na Morgan Stanley na susuportahan nito sa pamamagitan ng investment ang agresibong development agenda ng Marcos administration.

 

 

Ito’y matapos makausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Chairman for Asia Pacific ng Morgan Stanley na si si Gokul Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

 

 

Katunayan, ayon kay Laroia, magtatayo ang kanilang top global investment bank ng tanggapan sa Maynila bilang suporta sa development initiatives ng pamahalaang Marcos.

 

 

Binanggit ng opisyal ng kompanya na ‘on the right track’ ang gobyerno ni PBBM sa hanay ng pribadong sektor lalo na sa usapin ng imprastraktura.

 

 

Ayon kay Laroia, interesante rin ang itinutulak na sovereign wealth fund ng administrasyong Marcos dahil masasabing pangmatagalan ang magiging suporta nito sa infrastructure development ng Pilipinas. (Daris Jose)

1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association  mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.

 

 

Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng Petron sa lungsod.

 

 

Ang pamamahagi nito ay paraan ng lokal na pamahalaan, sa pa­ngunguna ni Mayor Joy ­Belmonte na matugunan ang suliraning kinakaharap ng mga TODA sa kabila ng pagtaas ng ­presyo ng petrolyo at bilihin.

 

 

Ang fuel subsidy ay sinimulan ni Belmonte noong una itong maupo bilang alkalde ng lungsod ng 2019 para makaagapay ng mga TODA.

 

 

Tiniyak ni Belmonte  na magtutuluy-tuloy ang programang ito upang alalayan ang mga miyembro ng TODA sa lungsod habang bu­mabangon sa epekto ng pandemya ang bansa.

 

 

Ang fuel subsidy ay ginawa ng lungsod bilang kapalit sa taas-pasahe na hinihingi ng mga dri­ver upang hindi naman maapektuhan ang mga pasahero.

Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency.

 

 

Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa ­Myanmar.

 

 

Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na iligal na pinasok sa Cambodia ay pwersahang pinagtatrabaho ng isang Chinese mafia para mang-scam ng mga dayuhan gamit ang cryptocurrency.

 

 

Lumapit sa tanggapan ni Hontiveros ang isang Pinoy na nakauwi na sa bansa na si “Miles” para ihingi ng tulong ang mga kapwa Pilipino na naiwan sa Cambodia na pinagmamalupitan ng mafia.

 

 

Batay sa salaysay ni Miles, sila ay pinangakuan ng trabahong customer service o call center sa Thailand subalit ang totoo pala ay itatawid sila sa Cambodia sakay ng isang van at doon sila ay sapilitang pinagtatrabaho ng 16 na oras, pitong araw sa isang linggo at walang break.

 

 

Ang kanilang modus ay magpapadala ng wrong text message sa mga Amerikano at kapag nag-reply ay saka nila ito kakaibiganin at aayaing mag-invest sa crypto currency na isa palang scam.

 

 

Sinabi pa ni Miles na kung noong una ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) siya idinaan, nito lamang umanong Disyembre ay sa Clark airport na nagmumula ang mga biktima kung saan mayroon umanong immigration offi­cer o agent na mag-a-assist sa kanila sa airport, walang dokumentong hi­hingiin, wala ring interview at diretso tatak ng pasahero.

 

 

Bagama’t hindi nakaranas ng pananakit si Miles mula sa sindikato ay testigo naman siya sa ginawang pangunguryente sa isang kababayan at ang pananakit ay ginagawa kapag walang kliyenteng nabibiktima sa scam. (Gene Adsuara)

Top 4 PDID, tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-SELDA ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay NorthernPolice District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa kahabaan ng Velilla St., Brgy. Punturin kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto si Dellava.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang isang P500 at 8 pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Ayon kay P/Capt. Madregalejo, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002 na dati na rin nakulong ang suspek dahil din sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

To celebrate her 40th anniversary: Queen of Pop na si MADONNA, isiniwalat na may 35-city tour

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALAKI ang pinagbago ni Lexi Gonzales ngayon mula sa kanyang pagkilos at pag-aayos ngayon.
Malayung-malayo sa Lexi na neneng-nene pa noong sumali ito sa ‘StarStruck’ noong 2019.

Ang pakikipagrelasyon daw ni Lexi kay Gil Cuerva ang dahilan kung bakit mabilis itong nag-mature. Pero sinabi ni Gil na noong nakilala raw niya si Lexi ay mature na ang pag-iisip nito.

“I have nothing to do with Lexi’s maturity. It’s all her. Noong una kong makilala si Lexi, she was not like other girls na kaedad niya. Mature na siyang mag-isip talaga. Ngayon lang natin siya nakikitang nagbu-bloom into the woman she is meant to be,” sey ni Gil.

Sey naman ni Lexi na mabilis daw siyang nag-mature dahil sa situwasyon ng pamilya niya. Kailangan daw niyang magtrabaho ng maaga para makatulong sa mga araw-araw nilang gastusin.

“To work po at an early age, nakaka-mature po siya. While other girls my age ay chill lang na nag-aaral at namamasyal kunsaan-saan, ako po, I had to work for my family.

“No regrets naman po because I grew up very fast. Na-discover ko agad yung hirap na magtrabaho para maalagaan mo ang pamilya mo. And to take on some responsibility at a very young age. It’s something that made me who I am today.”

Kaya bagay na bagay kay Lexi ang role niya sa Underage bilang nakakatandang kapatid na handang ipagtanggol ang kanyang mga kapatid. May mga eksena raw sila ni Gil sa teleserye na mabibigat at kailangan nilang magsigawan.

Kapag may ganung eksena raw, pinapabayaan muna ni Gil na mag-concentrate si Lexi para lumabas ang husay nito sa pag-arte.

“I give her space to focus on her character. Ayokong maging distraction sa kanya. Lexi gives out her best all the time kaya kapag may eksena kami, handa rin ako kasi ang husay niya talaga,” papuri pa ni Gil kay Lexi.

***

GINAWA nang official nila Carla Humphries at Wil Dasovich ang kanilang relasyon na matagal na yatang alam ng ilang mga taong malapit sa kanila.

Sa pamamagitan ng vlog ni Wil, ni-reveal na ng dalawa ang tunay na status ng kanilang relasyon. May title ang vlog na “Dear Wil, may aaminin ako…”

Gumawa ng letter si Carla para kay Wil at pinakita pa niya ang pagiging emotional niya sa sandaling iyon. ito ang nilalaman ng video ni Carla: “Since everyone has been wondering what we mean to each other, I figured I should tell you in my own words. Looking back at all our adventures, you’ve been extremely instrumental in me reintroducing myself into the world. Thank you for all the videos, Beshy.”

Noong July 2022 nang biglang ma-link romantically si Carla kay Wil. That time ay matagal nang hiwalay si Wil sa ex-girlfriend nitong si Alodia Gosiengfiao. Naghiwalay sila noong November 2021.

Agad na pinakilala ni Wil si Carla sa kanyang pamilya. Pero pinakilala niya si Carla bilang best friend niya. Nagko-collab kasi ang dalawa sa paggawa ng mga videos para sa kanilang vlogs.

Dahil sa ginawang pag-amin ni Carla ng pagmamahal niya kay Wil, matatapos na siguro ang mga nagtatanong tungkol sa tunay estado ng relasyon nila.

***

MAGBABALIK sa pag-tour ang Queen of Pop na si Madonna para sa pag-celebrate niya ng higit na 40 years sa entertainment industry.

Siniwalat ni Madonna na ang kanyang The Celebration Tour ay may 35-city dates na magsimula sa July 15. Mag-kick off ang tour sa Vancouver, Canada at susunod ang mga cities ng Detroit, Chicago, Miami and New York. Ito ang mga lugar kunsaan nagsimula ng kanyang pagiging entertainer si Madonna.

Kasama rin sa tour ng 64-year old singer ang ilang cities sa Europe tulad ng London, Barcelona and Paris, at ang final show ay sa Amsterdam on December 1.

“I am excited to explore as many songs as possible in hopes to give my fans the show they have been waiting for,” sey ni Madonna.

Sasamahan si Madonna sa kanyang tour ng ilang performers tulad nila Diplo, Jack Black, Lil Wayne and Bob the Drag Queen, who will accompany her on the tour.

(RUEL MENDOZA)

NET 25, patuloy ang paghataw ngayong 2023: Bagong ‘Oppa ng Bayan’ na si DAVID, bibida sa sitcom na ‘Good Will’

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ANO nga ba ang tunay na kahulugan ng mana? 
Ito ba’y nasusukat lamang sa yaman o dami ng ari-arian? Sapat na ba ito para mabuhay nang ‘happy ever after?’
O meron bang mas makahulugang aral na hihigit pa sa makamundong pamumuhay? Meron nga bang kaligayahang hindi mabibili o matutumbasan ng salapi?
Ito ang kuwento ni Lloyd Patawad—anak mayaman, bulakbol, chickboy at wanna-be rockstar ang peg sa buhay. Walang ibang inisip kundi ang kanyang pansariling pangarap.
Laking gulat na lang niya nang malaman niyang pamamanahan siya ng kanyang yumaong ina na may-ari ng isang resort.
Overnight millionaire na ba ang drama niya sa buhay?
Pwede, pero meron siyang challenge na dapat harapin. Ang siste, hindi niya alam na ang mga challenge na ‘to ang siyang magiging daan tungo sa pagbabago, at siya na ring magpapatibok ng kanyang puso.
Sa bawat challenge, sari-saring hanash ang kanyang haharapin. Pero balewala naman yarn, dahil mas maraming tawanan, halakhakan, harutan at iba pang feel-good moments na siguradong magpapangiti sa bawat eksena at episode ng bagong NET25 sitcom na ‘Good Will’, ang hangout na super chilla, na hahataw sa simula January 22!
Starring award winners Raymond Bagatsing at ang love interest niyang si Devon Seron, ang mga komedyanteng sina Smokey Manaloto, Kat Galang, James Caraan, Ryan Rems, at introducing … in his very first starring role, ang bagong Oppa ng Bayan, ang award-winner ding si David Chua (Mano Po Legacy: The Family Fortune, Love Thy Woman) bilang si Lloyd Patawad.
Two years in the making ang mala-Koreanovela na kuwento! Riot sa katatawanan pero di rin papatalo sa kilig feels! Aspirational din ang dating, at siguradong kapupulutan ng aral ng mga millennials.
Produced by ALV Productions, Viktory 8 Media and Dark Carnival Productions, “Good Will” is directed by Ian Loreños, with story concept/creative producers David Chua, Joma Labayen and Ian Loreños, headwriter Joma Labayen, and writers Don Santella, Kiko Abrillo, Aica Ganhinhin, and Motec Migallen. Original music by Edil Luyon.
Eksklusibo sa NET 25! Abangan! Every Sunday 4:00-5:00pm simula January 22, bago umere ang programang “Korina Interviews.”
If there’s a will, there’s a way. And if there’s a ‘Good Will’, siguradong sulit ang inyong NET25 afternoon prime!!! Kita-kits!!!
(ROHN ROMULO)

“DUNGEONS & DRAGONS” TO WORLD PREMIERE AS OPENING FILM OF 2023 SXSW FESTIVAL

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures’ new epic adventure Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves, directed by Jonathan Goldstein and John Francis Daley, will hold its World Premiere as the official Opening Night film at the 2023 SXSW (South By South West) Film & TV Festival happening in Austin, Texas from March 10-19.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/vKpDpZ5Di3Q]

 

 

“We’re proud to open with Dungeons and Dragons: Honor Among Thieves, a raucous and engaging fantasy adventure,” said Claudette Godfrey, VP Film & TV.  “This year’s festival line-up is an amazing collection of films, TV series and XR experiences that promise to inspire, entertain and challenge our audiences.  We look forward to welcoming everyone to Austin in March for what promises to be an unforgettable event,” she added.

 

 

The SXSW Film & TV Festival is the premier destination for the best in new cinema, television, and virtual reality. Connecting filmmakers to fans while celebrating cinema and series with a diverse range of immersive narratives, interactive experiences, and vivid storytelling from around the world.

 

 

Festival goers can explore feature films in the following 2023 screening categories: Headliners; Narrative Feature Competition presented by Panavision; Documentary Feature Competition; Narrative Spotlight; Documentary Spotlight; Visions; Midnighters; Global presented by MUBI; 24 Beats Per Second; Festival Favorites, and Special Screenings. The TV program consists of TV Premieres, TV Spotlight, and the Independent TV Pilot Competition. The SXSW 2023 Shorts Film Program presented by IMDbPro will present seven competitive sections. XR Experience Competition, XR Spotlight and XR Special Events programming round out the Film & TV Festival program. All Categories with the exception of Special Screenings and TV Spotlight will be eligible for section-specific Audience Awards.

 

 

About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves 

 

 

A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people.  Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.

 

 

Paramount Pictures Presents In Association with eOne A Jonathan Goldstein & John Francis Daley Film

 

 

Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley, screenplay by Jonathan Goldstein & John Francis Daley and Michael Gilio. Story by Chris McKay & Michael Gilio, based on HASBRO’S DUNGEONS & DRAGONS

 

 

The film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.

 

 

In cinemas across the Philippines starting March 31, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

 (ROHN ROMULO)

Cybersecurity measures, in-adopt para palakasin ang digitalisasyon ng Pinas — PBBM

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa isinagawang  open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited sya na magpartisipa dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na palawigin at ipaliwanag mabuti ang inisyatiba ng bansa.

 

 

Bilang tugon sa tanong,  binanggit ng Pangulo ang “digitalization initiative at improvement” sa  bureaucratic efficiency.

 

 

“Security has become a huge issue. That’s what we are trying to design now, a cybersecurity system for this sensitive information,” ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman itinatanggi ng Pangulo ang mabagal na internet connectivity, sinabi ng Pangulo na kailangan ng gobyerno na gumawa ng mas maayos sa pagkonekta sa milyong  Filipino at muling buhayin ang inisyatiba na isulong ang  digital economy.

 

 

“The connectivity in the Philippines is still pretty low. It’s unfortunate because, in some of the studies we’ve made, the general consumer talks to every facet of their lives through the internet, except for government,” ayon sa Pangulo.

 

 

Dahil dito,  sinabi ng Pangulo na pumasok na sa eksena ang lokal na pamahalaan  upang matiyak na ang internet connectivity infrastructures ay nasa tamang lugar upang maabot ang mga Filipino sa mga rehiyon.

 

 

Welcome aniya sa Pilipinas ang pagtulong ng lokal na pamahalaan  sa gobyerno para sa nilalayon nito.

 

 

“So, local governments, and some agencies within the national government, would really take on the initiative and started their own systems so as to be able to communicate. So this has now got to be consolidated and put together,” ang wika ng Pangulo.

 

 

“And that’s where we are right now: forming the databases for government, forming the databases that can be used by the national ID, [and] establishing it now,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na bilisan ang digitalisasyon ng  National Identification (ID) system na maaaring gamitin para sa  public at private transactions.

 

 

Sa ilalim ng Marcos administration, “the government has activated thousands of previously offline areas under the Broadband ng Masa (BBM) and Free Wi-Fi for All programs of the Department of Information and Communications Technology (DICT).” (Daris Jose)

Ads January 20, 2023

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments