• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 28th, 2023

EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany.

 

Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka lamang.

 

Sinubukan ni Obiena na lampasan ang record na itinakda ni Kendricks ngunit hindi niya naabot pagkatapos ng tatlong pagtatangka.

 

Si Ben Broeders ng Belgium naman ay pumangatlo na may 5.72 meters record.

 

Sa ngayon, magkakaroon muli ng abalang taon si Obiena para sa kanyang matinding paghahanda para sa 32nd Southeast Asian Games sa buwan ng Mayo na gaganapin sa Cambodia. (CARD)

Bal David nag resign bilang coach ng Growling Tigers

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagbitiw na bilang coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers si Bal David.

 

Kasunod ito sa iisa lamang ang panalo ng Growling Tigers at 13 talo noong nakaraang UAAP Season 85 na siyang unang pagkakataon na maging head coach.

 

Papalit sa kaniyang puwesto si assistant coach Rodney Santos.

 

Ang 50 anyos kasi na si David ay nakakuha ng kampeonato sa UST noong 1994 at naglaro ng 10 taon sa PBA sa Barangay Ginebra. (CARD)

Umaming nagtampo kay Boy kaya nag-apologize ang TV host: BEA, ‘di na maaatim na makipagkaibigan pa kay GERALD tulad kay ZANJOE

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nga maaatim pa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kanya.

 

 

Sa naging panayam kay Bea ng King of Talk para sa newest Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” last Thursday, January 26, nabanggit nga ni Kuya Boy na friends pa rin sila ng ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo hanggang ngayon.

 

 

Kaya naman harap-harapang tinanong si Bea ng, “Kaya mo bang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?”

 

 

Na agad naman ng isa sa movie queen, “Hindi, because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn’t take responsibility for his actions. So, siguro hindi.”

 

Sa maikling pagkakaklaro ni Bea tungkol sa hindi sinasabing totoo, “Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did.”

 

Bago ito, natanong din ni Kuya Boy si Bea, nagtampo ito noong interbyuhin niya Gerald noong kasagsagan ng isyu tungkol breakup na ipinalabas noong March 5, 2021.

 

“Oo, kasi tao lang ako Tito Boy,” sagot niya.

 

“Buy I’m glad sa sinabi mo na iniisip mo ako, kasi ‘yun ang tumatakbo sa isip ko noon, na parang inisip kaya ako ni Tito Boy, kung ano ang nararamdaman ko.”

 

Dagdag pa niya, “kahit sino siguro ang mag-interview sa kanya at that time, it would hurt, especially kung half the time he wasn’t telling the truth.”

 

“Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did,” sabi ng aktres.

 

 

Pagpapatuloy pa ng girlfriend ni Dominic Roque, “Doon po sa pagtatampo ko sa inyo, at first, of course I’m human. Yes, masakit sa akin. I was crying, nasa farm kami noon. But then, tao rin ako at natuto ako.

 

 

“I realized it’s part of your job and as a great interviewer, alam ko na bawat sides of the story kailangan mong malaman,” sabi pa ni Bea.”

 

Dahil sa ni-reveal ni Bea, minabuting mag-apologize ni Kuya Boy, dahil alam niyang nasaktan niya ang aktres.

(ROHN ROMULO)

Sampal sa vlogger at mga netizens na gumawa ng isyu: Face ni Baby Peanut, unti-unting nire-reveal nina LUIS at JESSY

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
WALANG ibang caption kung hindi ang event na pinuntahan ni Heart Evangelista sa Paris na “dinner, Tiffany and Co.”
Pero ang talagang nakakuha ng atensiyon ng mga netizens at followers ay ang mga photos na ipinost niya. Naka-formal outfit si Heart at this time, tila sa unang pagkakataon ng mga Paris photos ni Heart, may reveal.
Kasama na niya ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.  Mapapansin din na kumpara sa unang mga photos na pinost ni Heart noong Bagong Taon, this time ay all smiles na ito at mukhang masaya.
Mababasa sa mga comments tulad ng comment ni Franco Laurel na, “These photos makes me happy.”
Tuwang-tuwa ang nga fan o supporters nila.  May nga nagre-request din kung kailan daw kaya gagawa ang mga ito ng Adulting 101 at miss na nilang mapanood sa vlog na magkasama ang dalawa.
Marami rin ang pumupuri kay Heart kung paano raw niya ipinaglaban noon si Sen. Chiz sa mga magulang niya at hanggang ngayon, nanindigan pa rin ito.
***
HINDI pinalampas ni Miguel Tanfelix na mag-post ng kanyang birthday greeting sa kanyang ka-loveteam or girlfriend nga ba na si Isabel Ortega.
Sa kanyang Instagram, pinost ni Miguel ang ilan sa larawan ni Isabel at picture nilang dalawa.
Sabi ni Miguel na tinawag na si Isabel daw talaga ay beautiful inside-out, “belle in French means beautiful.
“Happy Birthday to this lady with not just a pretty face but a lovely soul and a beautiful heart.”
Nag-reply naman si Isabel kay Miguel by calling him, “my miguelito.” Isang maikli pero nakakakilig na, “Thank you my miguelito.”
Siyempre, kinilig talaga sa parang pag-aangkin na ni Isabel kay Miguel, huh!  Sa ngayon, marami na ang nag-aabang sa kanila sa Voltes V: Legacy ng GMA-7.
***
PAUNTI-UNTI ang face o baby reveal ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Nauna ang ear, kamay at ngayon, ang isang mata nito na abot ang parte ng ilang at upper lips.
Pa-suspense talaga ang rebelasyon ng looks ng kanilang baby girl na si Rosie Tawile Manzano o si Peanut kung tawagin nila. Pero siyempre, karapatan ito nina Jessy at Luis kung gusto man nilang i-out o hindi pa ang anak sa publiko.
Pero parang sampal na sa ilang vlogger o kahit mga netizens na dahil nga hindi pa talagang pino-post ng dalawa ang kanilang si Baby Rosie, aba, ginawan na ito ng isyu.
May mga nagpo-post na kesyo bingot daw ang baby ng mag-asawa. Na kesyo kawawa naman daw at kaya hindi ipinapakita.
So hayan, ilang bahagi pa lang ng mukha at katawan ni Baby Rosie, pero kitang-kita na ang ganda-ganda ng baby.
(ROSE GARCIA)

Russian at Belarusian pwedeng sumali sa 2024 Paris Olympics

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Kinontra ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.

 

Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, lobal network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.

 

Saad ng IOC na wala dapat atleta na pagbawalan na makilahok sa mga international sporting events kahit anong uri ng kanilang pasaporte.

 

Mula kasi ng lusubing Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay inirekomenda ng IOC na dapat pagbawalan ang mga atleta ng Russia at Belarus na makilahok at kapag lumahok sila ay dapat gumamit ang mga ito ng neutral na bandila.

 

Ayon sa Ukrainian Athletes at Global Athlete na sa desisyon na ito ng IOC ay nagpapakita lamang na tila sinusuportahan nila ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. (CARD)

Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.

 

Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.

 

Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na matitipid na sana nila at mailalaan sa ibang mas importanteng bagay kung maibabalik lamang ang libreng sakay.

“SHAZAM!” FACES THE “FURY OF THE GODS” IN THE SEQUEL’S NEW TRAILER

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NEW Line Cinema has just revealed the brand new trailer and poster of the superhero adventure, “Shazam! Fury of the Gods.”  

 

 

Check it out below and watch the film only in cinemas across the Philippines starting March 15.

 

 

YouTube: https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0

 

 

Facebook: https://fb.watch/iiridU6xS3/

 

 

About “Shazam! Fury of the Gods”

 

 

From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is transformed into his adult Super Hero alter ego, Shazam.

 

 

Bestowed with the powers of the gods, Billy Batson and his fellow foster kids are still learning how to juggle teenage life with having adult Super Hero alter-egos. But when the Daughters of Atlas, a vengeful trio of ancient gods, arrive on Earth in search of the magic stolen from them long ago, Billy—aka Shazam—and his family are thrust into a battle for their superpowers, their lives, and the fate of their world.

 

 

“Shazam! Fury of the Gods” stars returning cast members Zachary Levi (“Thor: Ragnarok”) as Shazam; Asher Angel (“Andi Mack”) as Billy Batson; Jack Dylan Grazer (“It Chapter Two”) as Freddy Freeman; Adam Brody (“Promising Young Woman”) as Super Hero Freddy; Ross Butler (“Raya and the Last Dragon”) as Super Hero Eugene; Meagan Good (“Day Shift”) as Super Hero Darla; D.J. Cotrona (“G.I. Joe: Retaliation”) as Super Hero Pedro; Grace Caroline Currey (“Annabelle: Creation”) as Mary Bromfield / Super Hero Mary; Faithe Herman (“This Is Us”) as Darla Dudley; Ian Chen (“A Dog’s Journey”) as Eugene Choi; Jovan Armand (“Second Chances”) as Pedro Pena; Marta Milans (“White Lines”) as Rosa Vasquez; Cooper Andrews (“The Walking Dead”) as Victor Vasquez; with Djimon Hounsou (“A Quiet Place Part II”) as Wizard.

 

 

Joining the cast are Rachel Zegler (“West Side Story”), with Lucy Liu (“Kung Fu Panda” franchise) and Helen Mirren (“F9: The Fast Saga”).

 

 

The film is directed by David F. Sandberg (“Shazam!,” “Annabelle: Creation”) and produced by Peter Safran (“Aquaman,” “The Suicide Squad”). It is written by Henry Gayden (“Shazam!,” “There’s Someone Inside Your House”) and Chris Morgan (“Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw,” “The Fate of the Furious”), based on characters from DC; Shazam! was created by Bill Parker and C.C. Beck. Executive producers are Walter Hamada, Adam Schlagman, Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Marcus Viscidi and Geoff Johns.

 

 

New Line Cinema presents A Peter Safran Production of A David F. Sandberg Film, “Shazam! Fury of the Gods” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #ShazamMovie

 

(ROHN ROMULO)

DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan.

 

 

Pagbibigay diin ng kalihim, ang ibig sabihin ng concession agreement ay hindi nangangahulugang ibibigay sa private sector ang asset ng NAIA.

 

 

Paliwanag niya, mananatiling pag-aari ng gobyerno ang assets nito ngunit mga pribadong kumpanya raw ang mamamahala sa operasyon sa paliparan na kasalukuyan din aniyang ipinapatupad sa Macta-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

 

 

“Ang ibig sabihin ng Presidente, hindi naman natin ibibigay sa private sector ‘yung assets ng NAIA. Ang ibig niyang sabihin, it’s the private sector who will manage the operations through a concession agreement, which is what we have been doing in two airports now —sa Cebu at saka sa Clark,” ani Bautista.

 

 

Samantala, sa kabila nito ay iginiit naman ng kalihim na ang naturang hakbang na gagawin ng administrasyon ay hindi magbubunsod sa pagtaas ng pamasahe sa nasabing paliparan.

 

 

Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ng mga kinauukulan na ang mga paraaan na ito ay layong tugunan ang mga aberyang naranasan sa NAIA noong gabi ng Bagong Taon upang ito ay hindi na muling maulit pa.

Conor McGregor handa na sa pagbabalik

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng kampo ni dating two-division UFC champion Conor McGregor ang pagsabak muli nito sa laban.

 

Ayon sa coach nito na si Johan Kavanagh, na ito ang naging desisyon ng 34-anyos na Irish fighter.

 

Mula pa kasi noong Hulyo 2021 ay hindi na ito lumaban matapos na magtamo ng injury sa hita.

 

Nakuha nito ang injury sa laban niya kay Dustin Poirier na nagresulta sa kaniyang pagkatalo sa pamamagitan ng technical knockout.

 

Mayroong record si McGregor na 22 panalo at anim na talo bilang professional mixed martial artist.

 

Sa ngayon ay pinaplantsa pa nilang mabuti ang mga detalye sa pagbabalik nito sa laban. (CARD)

Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works.

 

 

Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura.

 

 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap sa dalawang issues sa Package N-05 ng MCRP na binigay ang construction sa POSCO Engineering and Construction Col Ltd. ng South Korea.

 

 

“The DOTr faces delays in turning over to POSCO the property where the infrastructure is expected to be built. We also suffered a five-month delay in settling its dues to POSCO as agreed upon under the contract,” wika ni Chavez.

 

 

Subalit pinahayag din niya na ang naantalang limang (5) buwan na bayad sa contractor ay kanilang babayaran ngayon darating na Febuary.

 

 

“There are two major issues in the N-05 contract. First, there are delays in the handover of land to the contractor. Second, there are delayed payments. The payments are five months delayed, but are expected to be settled next month,” dagdag ni Chavez.

 

 

Kung kaya’t sinabi ng DOTr na kanilang inilipat ang target completion ng MCRP ng siyam (9) na buwan at magiging June 2025 mula sa original schedule na October 2024.

 

 

Dagdag naman ni DOTr secretary Jaime Bautista na sila ay nakikipagtulungan sa POSCO upang maresolba ang mga issues na nakakabalam sa civil works ng MCRP. Sinabirinni Bautista na ang segment na binigay sa POSCO ay kailangan matapos sa loob ng revised deadline lalo na at dito ilalagay ang depot na siyang paglalagyan ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

“This is a very important part of the NSCR, considering that the operations control center of the project would be located here. The operations control center is the heart of the operations. It is then important that we complete this as planned and on time. There are issues that need to be resolved and the DOTr will work closely with the contractor,” saad ni Bautista.

 

 

Ayon sa report, nagkaroon ng problema sa pagpuputol ng mga fruit-bearing trees sa 36-hectare na lugar kung saan itatayo ang depot na siyang naging sanhi ng turn-over ng property na behind schedule.

 

 

Noong katapusan ng taong 2022, ipinahayag ng POSCO na natapos na nila ang third-segment na may 48 buildings at facilities na siyang magiging depot.

 

 

Ang Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency ang siyang nagpondo ng $4.76 billion sa Philippines para magawa ng MCRP.

 

 

Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Malolos, Bulacan at Clark, Pampanga kung saan ito ay magiging 30 minuto na lamang.  LASACMAR