• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 4th, 2023

Mark Magsayo at Brandon Figueroa magbabakbakan para sa interim title ng WBC featherweight

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGTUTUOS sina dating World Boxing Council featherweight champion Mark Magsayo at former unified WBC/World Boxing Association super-bantamweight titlist Brandon Figueroa ng United States sa Marso 4 para sa WBC interim 126-pound title sa Toyota Arena sa Ontario, California.

 

May 24-1-0 (win-loss-draw), 16 knockouts record ang Pinoy at si Figueroa ay 22-1-1, 17KOs patungo sa 12-round fight ng Showtime at Premier Boxing Champions (PBC).

 

Napanalunan ni Magsayo, 27, at tubong Tagbilaran, ang WBC feather title laban kay American Gary Russell Jr. nung Enero 2022 via majority decision sa Atlantic City, New Jersey.

 

Pero nawala sa kaanyang ulunan ang karaangalan nang matalo sa Kanong si Rey Vargas sa split decision noong Hulyo sa San Antonio, Texas. (CARD)

Phoenix tambak sa Beermen 114-93

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nilampaso ng San Miguel Beermen ang Phoenix Super LPG 114-93 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

 

Ito ang unang panalo ng bagong coach ng Beermen na si Jorge Gallent na pumalit kay Leo Austria.

 

Nanguna sa panalo ng Beremen ang import nila na si Cameron Clark na mayroong 23 points habang si six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ay mayroong 19 points at 13 rebounds.

 

Nagtala rin ng 16 points si Allyn Bulanadi na siyang unang laro niya sa Beermen.

 

Mula sa simula ay kontrolado ng Beermen ang laro kung saan umabot pa sa 33 points ang kanilang kalamangan.

 

Dahil sa pagkatalo ay wala pang panalo at mayroon ng tatlong talo ang Phoenix habang ito ang unang panalo ng Beermen mula ng magsimula ang bagong season ng PBA. (CARD)

PhiSys malapit ng maabot ang 50-M national ID na target

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA  ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon.

 

 

Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyon na electronic Pil ID ang nairelease.

 

 

Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na national ID.

 

 

Para maisakatuparan ito ay nakipag-ugnayan na sila sa mga iba’t ibang ahensiya gaya sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Postal Corporation. (Daris Jose)

MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA.

 

 

Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya.

 

 

Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng mga pasahero? Ito ang problema na pinarating ng mga LGU, pasahero at transport operators sa Gobernadora ng Cebu.

 

 

Noong panahon ng pandemya ay binuksan ang ilang ruta sa lalawigan ng Cebu.

 

 

At para kaagad may pumasada ay binigyan ng special permits ng LTFRB ang ilang transport operators para pumasada sa mga nasabing ruta.  Kamakailan ay na expire ang mga special permits, kaya ang mangyayari ay babalik sa kani-kanilang mga dating ruta ang mga pumapasada at iiwanan nila ang ruta kung saan nag expire ang special permits na binigay sa kanila.

 

 

Ang resulta daan-daang mga pasahero ang maaapektuhan at walang masasakyan. Bakit umabot sa ganito ang problema? Bakit hindi na-extend ang mga special permits?

 

 

Para lutasin ang problema ay naglabas ng Executive Order no. 5 series of 2023 ang Gobernadora ng Cebu – Allowing PUVs with Special Permits to continue plying their routes for the comfort and convenience of the Cebuanos in the Province of Cebu up to March 17, 2023.

 

 

Marami ang nagtanong? Hindi ba mali ang LGU ng Cebu dito dahil tanging LTFRB lang ang dapat gumawa nito? Tama ba ang ginawa ni Gobernadora?

 

 

Heto po ang tingin ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) dito – Una ay hindi nag issue ng prangkisa o nagpalawig ng special permit ang LGU ng Cebu. Ang sabi lamang ng Executive Order ay PAHIHINTULUTAN nila ang mga units na may special permit na ITULOY ang kanilang pamamasada para sa comfort at convenience ng mga pasaherong Cebuano. Bakit kailangan ito? Upang hindi ma out-of-line colorum ang mga units. Kung walang pahintulot ay maari silang hulihin na out-of-line colorum.

 

 

Pero bakit hindi nalang i-extend ng LTFRB Regional Director ang mga special permits? Yan ang dapat itanong sa kanya at bakit umabot sa ganitong problema?

 

 

Pero hindi ba’t sabi natin na tanging LTFRB lang ang pwede mag issue ng franchise at mag extend ng permit?

 

 

Mukhang alam ito ng LGU kaya sa Executive Order ay iniwasan nilang bangitin ito.  Sabi lamang nila na ALLOWING PUVS WITH SPECIAL PERMIT TO CONTINUE THEIR ROUTES UNTIL MARCH 17, 2023.

 

 

Hindi nag issue ng franchise ang LGU at hindi nila in-extend ang special permit. Ibig sabihin lang ay basta may special permit (expired man o hindi) payag ang LGU na mamasada sila sa mga ruta na inilahad sa Executive Order.

 

 

Ano basehan ng LGU ng Cebu? Ang Local Government Code kung saan kapangyarihan ng LGU to ENSURE DELIVERY OF BASIC SERVICES to the people at ang transport ay basic service.

 

 

Sa usaping ito ay maaring i-challenge ng ilan ang Executive Order no. 5 2023 na labag sa batas. Pero sa tingin ng LCSP tiniyak lang nila na may masasakyan ang mga Cebuano sa nga rutang binuksan ng LTFRB – walang prangkisa na inilabas at wala ring special permit na inextend.

 

 

Sa huli ay kailangan magpaliwanag ang Regional Director bakit nagkaroon ng ganitong problema. (Atty. Ariel Inton)

‘Ten Little Mistresses’ Trailer Teases a Chaotic Murder Mystery

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PRIME Video’s first Filipino Amazon Original Movie Ten Little Mistresses has released its official trailer, teasing the chaotic murder mystery from director Jun Robles Lana of Die Beautiful and The Panti Sisters.

 

 

Check it out below: https://www.youtube.com/watch?v=It120HSWer4

 

 

The film revolves around the ten mistresses of a rich man named Valentin, who were all gathered after he was recently widowed. As if the clash between these mistresses as they fight to become the next legal wife isn’t chaotic enough, things get even messier when Valentin gets murdered, and each and every one of them becomes a suspect.

 

 

Ten Little Mistresses has a star-studded lineup, including Eugene Domingo, John Arcilla, Carmi Martin, Pokwang, Agot Isidro, Christian Bables, Kris Bernal, Arci Muñoz, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, and Iana Bernandez.

 

 

The movie will premiere on Prime Video this February 15.

 

(ROHN ROMULO)

Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.

 

 

Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.

 

 

Aniya, sa nasabing panukala binibigyan ng kapangyarihan ang Maharlika Investment Corporation na mangutang.

 

 

Dagdag pa nito na kung talagang kumbinsidong itong mga nagpanukala ng Maharlika Investment Fund, bakit aniya kailangan pang ilagay na may kapangyarihan ang korporasyon na mangutang.

 

 

Para kay Pimentel, “wishful thinking” ang sinasabi ni De Leon.

 

 

Noong Nobyembre 2022, tumaas ang utang ng Pilipinas sa P13.6 trilyon.

 

 

Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong itatag ang Maharlika Investment Fund, ay inihain ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Inaprubahan na ng lower chamber ang kanilang bersyon noong Disyembre noong nakaraang taon. (Daris Jose)

₱6-B UP-PGH Cancer Center Project

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY basbas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng P6-billion cancer center sa University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

 

 

Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA Board chair ang  3rd NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

 

 

“The NEDA Board gave its nod for the construction of a PHP6-billion, 300-bed capacity hospital, the administration’s first PPP (public-private partnership) project,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.

 

 

Ang wika pa ni Garafil, layon ng proyekto na magbigay ng ‘full range’ ng cancer treatments, kabilang na ang ” radio oncology (radiotherapy), imaging, medical oncology and support for the UP-PGH’s teaching at research activities.”

 

 

Ang panukalang cancer center, ay may lot area na  3,000 square meters, mtatagpuan sa loob ng  UP-PGH campus sa Maynila.

 

 

Ang buong gusali aniya ay mayroong kapasidad na  300 beds (150 charity beds para sa  UP-PGH Area at 150 private beds para sa  Private Area), 15 hanggang 20 floors, 350 parking spaces, 1,000-square-meter commercial space, at isang lugar para sa tatlong linear accelerators (LINAC) bunkers.

 

 

“The UP-PGH’s private partner will design, engineer, construct, and commission the entire new hospital building, procure, maintain, and provide for the periodic replacement of medical and non-medical equipment,” ani Garafil.

 

 

“It will also maintain all non-clinical services for the entire hospital building, operate relevant commercial activities, provide clinical services to private-paying patients in the private area and assume all associated costs of clinical manpower, drugs and consumables,”  dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa rin ni Garafil na “UP-PGH will provide the site at no cost; transfer the existing equipment to the Cancer Institute; offer clinical services to non-paying charity patients in the UP-PGH area; assume all associated costs of clinical manpower, drugs, and consumables; and undertake clinical teaching and research.”

 

 

Ani Garafil, ang  kauna-unahang  PPP project ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyon Marcos na i-modernize ang health infrastructure  ng bansa pagdating sa oncology services at cancer care.

 

 

“The project aims to establish UP-PGH’s dedicated cancer hospital that will modernize its health infrastructure and offer comprehensive, high-quality, and affordable oncology services towards enhancing the country’s health service quality and capacity for cancer care,” ani Garafil.

 

 

“It will be solicited from the public through the submission of a bid and will be structured as a 30-year Build-Operate-Transfer (BOT) arrangement under the BOT Law,”  aniya pa rin.

 

 

Ang BOT scheme ay isang kasunduan na  nagkakaloob ng konsesyon sa isang  private partner na  tustusan, magtayo at mag-operate ng proyekto na may fixed term.

 

 

Matapos ang panahon na iyon, ang proyekto ay ibabalik sa  public entity na orihinal na pinagkalooban ng konsesyon. (Daris Jose)

Ads February 4, 2023

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Mabuti na lang na tinanggap niya ang role: DAVID, ‘di in-expect na mababago ang buhay dahil sa pagganap bilang ‘Fidel’

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni David Licauco na nabago ang kanyang buhay dahil sa pagganap bilang si Fidel, ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa hit portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

 

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabing nagbigay ng ibayong sigla sa career ni David bilang artista ang kanyang karakter.

 

“Just trying to keep it real, I guess, kasi unbelievable siya eh. Never kong in-expect. Buti na lang talaga tinanggap ko siya kasi it changed my life for the better,” sabi ni David.

 

Ayon pa sa aktor, sobra siyang masaya dahil naging malapit sa kanya ang mga co-star sa series.

 

Inihayag din ni David na naging natural siya sa emosyonal na eksena nang magpaalam sa isa’t isa nina Fidel at Klay, na ginagampanan ni Barbie Forteza.

 

Sa naturang eksena, babalik na sa kanyang tunay na mundo si Klay.

 

“Biglang naramdaman ko siya eh naturally, kumbaga hindi ko siya pinlano, naramdaman ko lang. So grabe ‘yung hagulgol ko. ‘Parang ang lungkot ko ah,’” sabi ni David.

 

Bilang pasasalamat, naghanda ng masaganang pananghalian si David sa mga bumubuo ng GMA Entertainment Group Creative Team.

 

Present si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle AVP for Talent Management and Development Joy Marcelo.

 

***

 

NAGBIGAY ng payo ang kinikilala at iginagalang na aktres sa bansa na si Dina Bonnevie sa mga nakababatang artista ngayon.

 

“I’ll say it in one line: be professional. Being professional means coming to set on time, reading your script, knowing your role, memorizing your lines… and then just enjoy your work,” sabi ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda,” habang kasama rin niya ang young actress na si Lexi Gonzales.

 

“Be conscientious about your other co-workers. And last but not the least, stay in shape para you’re sexy at any age,” dagdag ni Dina.

 

Inilahad din ni Dina ang kanyang mga natutunan sa maraming dekada na niyang pagiging isang aktres.

 

“I think the most important lesson that I learned is to always be conscious of other people. Be in touch. Don’t be indifferent to other people. Feel them, think of yourself in their shoes,” aniya.

 

“If you’re like that, if you’re compassionate to other people, you’ll do things right, wonderfully, and maybe even more than that,” ayon pa kay Dina.

(ROMMEL L. GONZALES)

Food stamp program, balak ibalik ng DSWD

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng  maraming mahihirap na Pinoy.

 

 

Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may 3 milyong pamilya ay nakakaranas ng kagutuman.

 

 

Aniya, ang problema sa kahirapan ay hindi mabilis masolosyunan pero ang pagkalam ng sikmura dulot ng pagkagutom ay mabilis na maresolba sa pamamagitan ng pagkakaloob ng makakain sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

 

 

Sinabi nito na kinakausap na niya ang mga undersecretaries ng DSWD para sa posibleng pagbabalik ng food stamp program sa koordinasyon ng pribadong sektor para matamo ang tagumpay ng naturang programa.

 

 

Ayon pa kay Gatcha­lian, itutuloy niya ang ipinatutupad na digitalization sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan na unang ginawa ni dating DSWD secretary Erwin Tulfo.