• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 7th, 2023

Ads February 7, 2023

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

 

Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.

 

 

“Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung  pahinga ng isa’t isa.  Hindi kami sanay na kami ‘yung magkatrabaho,” natatawang wika ni Bianca.

 

 

Si Ruru naman, labis ang pasasalamat sa GMA Public Affairs na siyang nag-produce  ng serye: “Ang sarap ng Public Affairs kasi nakikita mo young growth na magkakasama kayong lahat.”

 

 

Si Ruru ay unang bumida sa GMA Public Affairs’ fantasy action series na “Lolong,” na balitang magkakaroon ng part two.

 

 

Makakasama rin ng RuCa ang isa pang real-life couple, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas, na una namang nagkasama sa “The Lost Recipe,” pero ngayon lamang sila gaganap as a couple.

 

 

At para sa 80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muli namang pagtatambal ng real-life couple na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

 

At ngayong may partnership na ang Kapuso Network sa video streaming service na Viu, ang “The Write One,” ay unang mapapanood sa kanila.  Susundan ito ng “Love Before Sunrise” na una namang pagtatambal nina Dennis Trillo at Bea Alonzo sa GMA Network.

 

***

 

 

NAKATUTUWA naman ang mga mahuhusay na actress na sina Megastar Sharon Cuneta at Lorna Tolentino, gusto raw nilang makapag-guest sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin for the Kapamilya Network.

 

 

Matatandaan na parehong nagkaroon ng participation sina Sharon at Lorna sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco.

 

 

Payag nga si Sharon kahit daw ang maging guest role niya, ay maging tindera lamang siya sa Quiapo.

 

 

At si Lorna, sana raw ay tulad din sa nakaraang serye, kinuha lamang siyang guest sa simula, pero naging regular na ang character niya hanggang sa pagtatapos ng serye.

 

 

Nagsimula nang mag-taping ang “Batang Quiapo” at tiyak na naghihintay na ang mga fans nina Sharon at Lorna, na kunin nga sila muling makabilang sa cast ng action series ni Coco, na una ring ginawa ng yumaong si Fernando Poe, Jr.

 

 

***

 

 

INI-ENJOY ng mga regular viewers araw-araw, ang panonood ng number one game show in the Philippines, ang “Family Feud” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Dahil talaga namang nakatutuwa ito at enjoy din ang viewers na makisagot sa mga tanong ni Dingdong sa mga contestants.

 

 

Kaya ngayon, mismong si Dingdong na ang nag-announced that viewers can now join as studio contestants.  Sa interview ni Lhar Santiago kay Dingdong sa Chika Minute ng 24 Oras,  sinabi niyang “open na po ang Family Feud para sa mga viewers.  Sila mismo ang contestants sa studio.

 

 

Kailangan lamang ang mga fans ay mag-submit ng kanilang video  to the Family Feud Philippines Facebook page, bisitahin lamang nila ang GMANetwork.com/FamilyFeudAuditions.

 

 

“Siyempre, sasalain natin kung sino ‘yung pinakakwela at sila ang magiging contestants,” dagdag pa ni Dingdong.

 

“Sali na at mag-enjoy kayong maging contestants ng ‘Family Feud’ na napapanood Mondays to Fridays, 5:40PM sa GMA-7.”

 

 

Meanwhile, inamin ni Dingdong na bukod sa “Family Feud” at “Amazing Earth” programs niya, naka-line up na raw ang gagawin niyang movie this year, at isa pang project na makakasama na niya ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

(NORA V. CALDERON)

Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar.

 

 

Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’.

 

 

Nilinaw naman ni Direk Alix hindi ito remake ng 1983 movie na ‘Pieta’ ni Carlo J. Caparas na pinagbidahan ni Ace Vergel kasama sina Vivian Velez at Charito Solis, na ginawa rin TV series ng ABS-CBN starring Ryan Agoncillo and Cherie Gil.

 

 

Hindi naman nakialam si Alfred sa pagpili ng title at nang malaman niya ang story ng movie, pasok na pasok naman ito, na kung saan gaganap silang mag-ina ni Ate Guy na sina Rebecca at Isaac.

 

 

Nakulong si Isaac dahil napatay ang ama at nang makalaya ay binalikan ang inang unti-unti nabubulag para alamim ang katotohahan pero wala na itong maalala dahil sa Alzheimer’s disease.

 

 

Sa naturang storycon parang nasa cloud nine pa si Kon. Vargas dahil hindi pa rin siya makapaniwala na tinanggap ng National Artist for Film and Broadcast ang ‘Pieta.’

 

 

Sabi  niya, “Unang-una, gusto kong magpasalamat sa the one and only Superstar, si Ate Guy, Miss Nora Aunor,.

 

 

“Dahil napasama ako sa pelikula niya at tinanggap niya itong project na ito. Noong tinanggap niya ‘yung project na ito, biglang lumaki ‘yung project. Thank you very much, Ate Guy,”

 

 

Pagbabahagi pa ni Alfred “Nagpunta po ako mismo sa bahay niya. Para akong umakyat ng ligaw, kasama si Direk Adolf. 

 

 

“Tapos tuwang-tuwa ako kasi napakamapili ni Ate Guy pagdating sa mga project. Eh, napili niyang gawin itong ‘Pieta’ with us.

 

 

“Second, I’d like to thank Direk Adolf Alix. Kasi concept niya ito, pelikula niya ito na nagkataon, eh, may bagay na role para sa akin. Direk, thank you, gusto naman kitang makatrabaho eversince eh, kahit noong Cinemalaya days pa.

 

 

“At least ngayon matutuloy, tapos Nora Aunor movie pa. Tapos Direk Gina Alajar pa, nandirito.”

 

 

Tungkol naman kay Direk Gina, “Si Direk Gina naman po, parang I feel very close to her. Kasi ang dami ko pong workshop days na nakasama siya.

 

 

“And siya rin po ‘yung nag-workshop sa akin to prepare me for my last film before, ‘yung ‘Tagpuan,’ na napakaganda rin naman. Kaya Direk Gina, thank you very much also for being with us sa project na ito. I’m looking forward.”

 

 

Pagmamalaki pa ng butihing aktor at konsehal, “At least masasabi ko po, sa career ko… dumating ‘yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!”

 

 

Ayon mismo kay Alfred, magsisimula na agad silang mag-shooting sa buwang ito at kapag natapos na ay isasali nila ito sa iba’t ibang international film festival.

 

 

Posible rin na targetin nilang maipalabas ang ‘Pieta’ sa Mother’s Day sa Mayo o kaya magkaroon ng world premiere sa birthday month nang nag-iisang Superstar na magsi-celebrate naman ng kanyang ika-70 na kaarawan sa May 21.

(ROHN ROMULO)

DOH, todo paalala sa mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo para iwas panganib at sakit sa puso

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TODO paalala ang Department of Health (DOH) sa mga naninigarilyo na huminto na o huwag subukang manigarilyo para sa mga non-smoker upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso.

 

 

 

Ayon kay Dr. Maria Rosario Sylvia Uy ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang paninigarilyo ay nauugnay sa mataas na panganib ng coronary heart disease.

 

 

 

Ang coronary heart disease ay isang uri ng sakit sa puso dahil sa kawalan ng oxygen na dumadaloy papunta sa puso.

 

 

 

Base kasi sa data mula sa Philippine Statistics Authority, ang ischemic heart disease o coronary heart disease ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas maging sa buong mundo noong 2022.

 

 

 

Isa nga sa modifiable factors ng coronary artery disease ay ang paninigarilyo.

 

 

 

Sinabi pa ni Dr. Uy na ang mga naninigarilyo na mayroon ding iba pang commorbidities ay mas madaling makaranas ng atake sa puso.

 

 

 

Klaro din aniya base sa pag-aaral na kapag itinigil ang paninigarilyo halimbawa na lamang sa loob ng tatlong taong hindi paninigarilyo ay nababawasan ang banta ng pagkakaroon ng coronary artery disease at heart attack.

 

 

 

Makikita rin aniya sa mga pasyente na tumigil manigarilyo na tumataas ang high-density lipoprotein (HDL) na good cholesterol kaya’t mahalaga aniya ito.

 

 

 

Hinimok din ni Segundo ang mga naninigarilyo na ugaliing magkaroon ng healthy lifestyle at may mga doktor din na makakatulong kapag nahihirapang talikuran ang bisyo.