• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 16th, 2023

Placement fee sa OFWs, pinatitigil

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATITIGIL  ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’.

 

 

Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng Migrant workers and Overseas Filipino Act, maliwanag na wala dapat kinokolektang fees tulad ng government, placement, introduction at assistant fees.

 

 

Sang-ayon naman dito si Senate Minority leader Koko Pimentel at sinabing dapat ang mga foreign employer ang dapat kolektahan ng recruitment agencies ng placement fees.

 

 

Ito ay dahil sila ang makikinabang sa magiging serbisyo ng mga papasok na OFWs.

 

 

Nauna nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa pagbiyahe nila ng Pangulo sa Japan ay nadiskubre nila na mayroong mga trainees sa ilalim ng Technical Internship program sa nasabing bansa partikular sa skilled workers na hindi dapat pinagbabayad ng placement fees subalit mayroon pa rin naniningil dito. (Daris Jose)

BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers.

 

 

Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng flight ng isang airline mula Singapore.

 

 

Ang grupo, na binubuo ng apat na lalaki at apat na babae, ay lumipad mula Dubai upang magtrabaho sa Thailand ngunit kalaunan ay dinala sa Myanmar.

 

 

Ang isa sa kanila ay umalis bilang isang rehistradong Overseas Filipino Worker sa Dubai noong 2019, habang ang tatlo naman ay umalis bilang mga turista noong 2016, 2019, at 2021 upang bisitahin ang mga kapamilya ngunit hindi na bumalik mula noon.

 

 

Ang mga Pilipinong na-recruit ay kinakailangang bumuo ng mga relasyon sa kanilang mga target sa pamamagitan ng social media, at hikayatin silang mamuhunan sa isang pseudo-crypto account.

 

 

Ang mga ganitong kaso ay iniulat na tumatakbo sa Myanmar, Laos, at Cambodia.

 

 

Kaugnay niyan, pinaalalahanan ni Tansingco ang mga Pinoy sa Pilipinas at sa labas ng bansa na maging maingat sa mga alok na trabaho online at tiyaking legal silang makakakuha ng trabaho. (Daris Jose)

Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.

 

 

Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.

 

 

Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board.

 

 

Nang tanungin tungkol sa Sugar Order, sinabi niya na ito ay para sa publikasyon at ilalabas ng Office of the President.

 

 

Aniya, kahit inaprubahan at nilagdaan na ito ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board, kailangan pa rin itong dadaan sa Malakanyang para sa final issuance.

 

 

Sa kabuuang halaga, sinabi ni Azcona na 200,000 MT ang ilalaan para sa mga end-user habang 240,000 MT ang itatakda bilang dalawang buwang buffer stock.

BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.

 

 

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Hospital ang kasamahang sugatan na si  Judy Ann Francisco y Zapata,28,waitress at residente naman sa loob ng MNC.

 

 

Sa ulat ni Manila Police District (MPD)-Homicide Chief, PCpt Dennis Turla, nakaupo lamang ang dalawang biktima sa may 29th Street  ng nasabing sementeryo nang dumating ang suspek at armado ng baril saka pinagbabaril si Reyes na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

 

 

Habang tinamaan din ng bala si Zapata na pinagtulungang isugod sa pagamutan ng mga bystanders.

 

 

Patuloy ang isinasagawang follow up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng lalaking suspek  na nakasuot ng  all black na cap,jacket ,short pants at naka-tsinelas.

 

 

Inaalam na rin ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima. GENE ADSUARA

“CREED III” THE FIRST SPORTS MOVIE SHOT ON IMAX CAMERAS

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

STARTING March 1, experience “Creed III” — the first sports movie to be shot on IMAX cameras — as Director Michael B. Jordan intended, with Filmed-For-IMAX technology and its exclusive Expanded Aspect Ratio.  

 

 

The hits have more impact, the mats vibrate louder, the lights are brighter!

 

 

Watch the film’s “A Look Inside” featurette at https://youtu.be/TocnJkJtTwU 

 

 

Watch the film’s “Extended Big Game Spot” at https://youtu.be/7hTPZtcQLnY 

 

 

From Metro Goldwyn Mayer Pictures comes “Creed III,” with Michael B. Jordan making his directorial debut and returning in the role of Adonis Creed in the third installment of the hit franchise. The film also stars Tessa Thompson, Jonathan Majors, Wood Harris, Florian Munteanu, newcomer Mila Kent, and Phylicia Rashad.

 

 

After dominating the boxing world, Adonis Creed (Michael B. Jordan) has been thriving in both his career and family life. When a childhood friend and former boxing prodigy, Damian (Jonathan Majors), resurfaces after serving a long sentence in prison, he is eager to prove that he deserves his shot in the ring. The face-off between former friends is more than just a fight. To settle the score, Adonis must put his future on the line to battle Damian – a fighter who has nothing to lose.

 

 

To enhance the emotions as well as the action for the audience, Jordan and director of photography Kramer Morgenthau, who also lensed “Creed II,” opted to film with IMAX-certified digital cameras and utilize IMAX-exclusive expanded aspect ratio—with up to 26 percent more picture.  Thus, the third installment in the “Creed” franchise became the first sports-based film included in the Filmed for IMAX program.

 

 

Jordan and Morgenthau embraced IMAX technology—already known to transport audiences beyond the edge of their seats thanks to their massive screens, precision audio and unique auditorium design—and pushed the boundaries of filmmaking to provide moviegoers with a differentiated experience that will allow them to become completely immersed in the story, taking in every bead of sweat and feeling the impact of every punch.

 

 

Morgenthau says, “It was really exciting to be able to integrate the IMAX cameras into the filmmaking process, especially the way we used them to open the world up and to make it very immersive and visceral for the flight sequences.  And that’s how we chose to use it; there was just something very magical, especially the scene at Dodger Stadium, where MBJ is walking out onto the field and the image aspect ratio expands in shot and the black bars recede, and you get this really tall, beautiful, powerful image.  It just elevates everything, there is just something hyperreal about it.  And to be the first sports movie doing that, it was a creative high.”

 

 

Jordan sums up by confirming that for audiences, “This is a movie to see on the big screen! The fights, the action, you want to see that up close and personal, you want to feel every punch, hear every impact, see every drip of sweat and drop of blood. This is a movie that will make you laugh, cry, and cheer! I want everybody to walk away feeling good, thinking, ‘Man, that was a ride!’”

 

 

Metro Goldwyn Mayer Pictures Presents A Chartoff-Winkler Production, “Creed III” is  distributed internationally by Warner Bros. Pictures including the Philippines.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Creed3

 

(ROHN ROMULO)

Dahil tumutulong ang anak at ‘di nanloloko: VILMA, naging emosyonal nang matanong sa pinagdaraanan ni LUIS

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG dakilang ina kaya hindi maaaring hindi ipagtanggol ni Ms. Vilma Santos ang kanyang anak na si Luis Manzano na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya sa negosyo.

 

 

Kaya naman naging emosyonal si Ate Vi sa pagtatanggol kay Luis tungkol sa mga nagrereklamong nagpasok ng puhunan sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

 

 

Naganap ito sa katatapos lamang na guesting ni Ate Vi sa ‘Fast Talk With Boy Abunda.’

 

 

“Bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdadaanan ang iyong anak na si Luis,” ang tanong ni Boy Abunda sa Star For All Seasons.

 

 

“I’m sorry Tito Boy,” at napaiyak na agad si Ate Vi kaya hindi agad nakasagot.

 

 

“It’s not easy, it’s not easy. Ayaw kong i-entertain… Mahirap din kasi na minsan it’s your job do good, to show people that you’re comfortable pero deep inside you’re hurting. The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko tumutulong, hindi nanloloko,” mariing sinabi ni ate Vi.

 

 

“Kaya ‘yung mga nagsasalita at nanghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo, walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako,” deklarasyon pa niya.

 

 

“At this point, it’s just asking for guidance, not even for myself but for my children. Ako na lang, huwag lang ang anak ko,” emosyonal pa ring pahayag ng aktres.

 

 

Siyempre pa, alam ni Ate Vi na malalagpasan ni Luis ang pagsubok na ito.

 

 

“It’s not easy. At this point in time, to all my friends and sa lahat ng mga kaibigan it’s just, prayers, because I know my son, lalagpas din ito. I know him.”

 

 

“Luis you will be fine,” mensahe naman ni Tito Boy kay Luis.

 

 

“You will be fine anak, maraming nagdarasal sa ‘yo. The truth will prevail. Alam ng mga tao ‘yan, tumutulong ka anak, hindi ka nanloloko. I love you,” sinabi pa ni Ate Vi kasama ang pamoso niyang pagbati palagi kay Luis na, “I love you, Lucky!.”

 

 

Naunang napabalita na isinilbi na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang subpoena sa bahay ni Luis sa Taguig City.

 

 

Ito ay tungkol sa reklamong estafa na inihain ng nasa apat-napung investors laban sa kanya at iba pang personalidad na affiliated sa oil firm.

 

 

Itinanggi ng FlexFuel ang mga akusasyon na sangkot sila sa investment scam pero aminado silang nakaranas sila ng pagkalugi dahil sa mga mga dahilang “beyond their control” tulad ng coronavirus pandemic.

 

 

Maging si Luis ay iginiit na walang siyang kinalaman sa pamamalakad ng FlexFuel at nawalan rin umano siya ng pera.

 

 

***

 

 

SUCCESSFUL ang pinakaunang Valentine’s concert ng male balladeer at stage actor na si Arman Ferrer.

 

Pinamagatang ‘Another Chance’, muling pinatunayan ni Arman, sa pamamagitan ng kanyang husay sa pag-awit, na he deserves more and more chances..

 

Halos puro love songs ang inawit ni Arman kaya naman sulit ang panonood ng mga in love at loveless na pumuno sa BGC Arts Center sa Araw (o gabi) ng mga Puso.

 

 

Nagsilbing special guest ni Arman sina Jackie Lou Blanco, Sheila Valderrama-Martinez, Debonair District, Al Fritz Blanche, Jep Go at Floyd Tena, Toma Cayabyab at si Mitch Valdez.

 

 

In fairness, ewan ko ba, may “chemistry” sina Arman at Jackileou, at birong-totoo nga ni Jackielou kay Arman, huwag siyang tatawaging “Tita” kundi Jackie na lang, puwede naman raw siyang maging cougar for that night.

 

 

And a trip down memory lane ang song number ni Jackielou na ‘You Don’t Own Me’ na cover ng original song ni Lesley Gore.

 

 

Mahuhusay rin ang mga male singers na guest ni Arman, bongga ang blending ng kanilang mga boses.

 

 

Si Sheila na bestfriend ni Arman, plakado ang pagkanta ng duet nila ni Arman ng ‘Beauty And The Beast’. Husay!

 

 

At si Mitch, walang kupas ang husay, tunay na music icon.

 

 

And speaking of icon, nanood si Mr. Ricky Lee sa concert ni Arman. Of course, alam nating lahat na National Artist for Film and Broadcast Arts.

 

 

Sana magkaroon ng repeat, kahit hindi Valentine tutal ‘Another Chance ang titulo ng concert’, and this time, sumama ka, Rohn Romulo, my dear People’s Balita editor, mag-e-enjoy ka dahil mahilig ka sa music.

 

 

Congratulations kay Arman at sa manager niyang si Noel Ferrer.

(ROMMEL L. GONZALES)

PCO, bibigyan ng bagong bihis, daragdagan ng mga bagong mukha

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BIBIGYAN ng bagong bihis at daragdagan ng mga bagong mukha ang Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Ito’y matapos na tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 16, inaprubahan ang reorganization ng  Presidential Communications Office (PCO)  para pagsama-samahin ang communications activities nito at tiyakin na episyente o epektibo ang serbisyong ibinibigay nito sa publiko.

 

 

“EO No. 16 supplements EO No. 11 (s 2022) signed by the President last December 29, 2022, which streamlined the administrative structure of the Office of the President (OP) and renamed the Office of the Press Secretary (OPS) to PCO,” ayon sa ulat.

 

 

Ang  aayusin na PCO ay paumunuan pa rin ng Kalihim na susuportahan naman ng limang (5) Undersecretaries,  (14) Assistant Secretaries, at isang  (1) Assistant Secretary na direktang magre-report sa PCO Secretary.

 

 

Pangungunahan ng limang Undersecretaries ang  functional areas sa aayusing PCO gaya ng Traditional Media and External Affairs; Digital Media Services; Content Production; Broadcast Production; at Operations, Administration and Finance.

 

 

Inatasan naman ang PCO  na makipagtulungan sa Presidential Adviser for Creative Communications sa mga bagay na may kinalaman sa “communications at information dissemination.”

 

 

“EO No. 16 also amends or modifies the relevant provisions of EO No. 2 (s 2022), which resulted in some Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) being placed under the OP,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Ang GOCCs  gaya ng People’s Television Network, Inc., APO Production Unit, Intercontinental Broadcasting Corporation, at National Printing Office ay ire-reattached sa  PCO kung saan ang mangangasiwa ay ang isang Assistant Secretary.

 

 

Samantala, ang iba pang communications agencies gaya ng  Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services; Bureau of Communication Services; News and Information Bureau; Freedom of Information-Program Management Office; Philippine Information Agency; and the Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang ay ilalagay sa ilalim ng “direct control at supervision” ng  PCO, ayon sa EO.

 

 

Ang EO No. 16 ay nilagdaan ng Pangulo, kamakalawa, Pebrero 13, 2023, kagyat na magiging epektibo kapag nailathala na sa Official Gazette. (Daris Jose)

Ads February 16, 2023

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

After na mag-post sa IG ang Vice Governor: KRIS, nilinaw na ‘best male friend’ niya si MARK at ‘di karelasyon

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na nilinaw ng aktres at TV host na si Kris Aquino kung ano na ang namamagitang relasyon sa kanila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

 

 

Sa kanyang comment sa Instagram post ni Mark noong Miyerkules, ipinagdiinan ni Kris na hindi sila, “I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP.”

 

 

Dagdag pa ng mommy nina Josh at Bimby,  “I know I state with 100% accuracy, you’re my best male friend.”

 

 

Muli ngàng pumunta ng Amerika si Mark para umabot sa 52nd birthday ni Kris noong February 14, na kasabay din ng Araw ng mga Puso.

 

 

“It may have taken more than 7k miles to be with you, but I wouldn’t have it any other way. Although we have been apart, now that we’re together fills my heart,” pahayag ng vice governor.

 

 

Kasama ang tatlong heart emojis sa kanyang Twitter post, ang “Happy Birthday to you and Happy Valentine’s Day to us!”

 

 

Sa post naman ni Kris noong Pebrero 13 na kung saan nag-update siya sa kanyang kalusugan.

 

 

May binanggit din ang isang misteryosong lalaki bilang kanyang support system kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga kasama sa Amerika.

 

 

“You need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday,” sabi pa ng Queen of All Media.

 

 

Unang na-link romantically sina Kris at Mark noong 2019, nang sumagot ito sa imbitasyon ng aktres sa single men, aged 41-55, na i-add siya sa personal Facebook account bilang kaibigan.

 

 

Sa pagsisimula ng taon, nambulaga ang bise gobernador nang mag-post ito ng larawan na magkasama noong New Year’s Day sa California.

 

 

Bumisita nga si Mark kay Kris para kumustahin ang kalagayan nito habang patuloy na nagpapagamot sa kanyang multiple autoimmune diseases, at doon nagsimula ang haka-hakang may namumuong relasyon na sila.

(ROHN ROMULO)

PBBM, pinayagan ang adopsyon ng hybrid rice para palakasin ang pag-ani ng pananim

Posted on: February 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt  sa hybrid rice bilang “better alternative” sa  inbred variety para itaas ang crop production.

 

 

Ito’y makaraang makipagulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC), kung saan ang tumayong kinatawan ay si  SLAC chairman at chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong, at mga magsasaka mula sa Central Luzon para tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng industriya ng bigas.

 

 

Sa isang pulong sa Malakanyang, ang  SLAC, isang pribadong kumpanya na may kaugnayan sa “research, development, production, at distribution” ng hybrid rice seeds at premium quality rice, ay inirekumenda ang conversion ng rice farming areas para sa  certified seeds (CS) para sa  hybrid seeds.

 

 

Ang panukala ng  SLAC ay  “to convert 1.90 million hectares target areas planted with CS to hybrid seeds in four years.”

 

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na kanyang ipatutupad ang programa para i-promote ang nasabing pagpapalit sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya at gawing madali ang pagpapautang sa mga magsasaka.

 

 

Maliban sa kanyang pangako na mas palakasin pa ang financial support sa mga  local farmers sa pamamagitan ng loan financing program, nangako ang Pangulo na i-apply ang “best practices” na ginawa ng  Central Luzon farmers sa ibang lugar sa bansa.

 

 

“We would like to apply kung ano ‘yung ginagawa ninyo dito sa Central Luzon… so we can apply sa ibang areas,”  ayon sa Pangulo. (Daris Jose)