• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2023

Panunutok ng laser light, itinanggi ng China

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO  ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng PCG, na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

 

 

Sinabi ni PCG advi­ser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na hindi katanggap-tanggap ang sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Wang Wenbin na hindi tinutukan ng barko ng CCG ng laser light ang barko ng PCG at tanging “hand-held equipment” lamang ang kanilang ginamit para sukatin ang distansya.

 

 

Iginiit ni Tarriela na may radar naman ang barko ng CCG at hindi makatotohanan na gagamit sila ng hand-held equipment.

 

 

“The mere fact that our crew reported that they experienced that temporary loss of vision… is something that is not a made-up story,” saad ni Tarriela.

 

 

Hindi umano tama na basta na lamang tanggapin ng Pilipinas ang dahilan na ito ng China at nakakabahala na gumagamit ang CCG ng laser na may intensidad na nakakasira ng paningin ng kanilang mga tripulante.

 

 

“We need to highlight the fact that the China Coast Guard ship did not direct lasers at the Philippine crew, and the hand-held equipment does not inflict damage on anything or anyone on the vessel,” paliwanag ng China.

 

 

Iginiit din ng China na teritoryo nila ang Ayungin shoal, o Ren’ai Reef, na parte umano ng kanilang Nansha Islands, na tinatawag naman ng Pilipinas na Spratly Islands.

 

 

“Why are we going to believe the narrative of China na we are the ones lying and making up stories na nabulag ang tropa natin… na kung pakikinggan mo ang first statement nila, they were actually claiming na tayo ang nag-intrude sa sarili nating waters?” dagdag pa ni Tarriela.

 

 

Nagpahayag naman ng pagsuporta sa Pilipinas ang United States, Japan, Canada, Australia, Denmark, Germany at United Kingdom laban sa mga mapanghamong galaw ng China sa pinag-aagawang teritoryo. (Daris Jose)

Ibinalandra ang bonggang singsing… CATRIONA, ni-reveal na engaged na rin sila ni SAM

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram account ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray last Thursday, February 16, ni-reveal na engaged na sila ng kanyang boyfriend na aktor na si Sam Milby.

 

 

Caption ni Queen Cat, “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee).”

 

 

Ipinagmalaki ng beauty queen photo nila ni Sam na kung saan makikitang suot na engagement ring at nakasulat sa kanyang coffee cup na “future Mrs. Milby”.

 

 

Pinost din ni Sam ang naturang larawan, kasama short and sweet message kay Catriona.

 

 

“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé,” caption ni Sam.

 

 

Sa comment section mababasa naman na sobrang happy na bumati ang mga kaibigan nina Catriona at Sam.

 

 

Last December kumalat ang tsikang engaged na ang dalawa dahil nga cryptic post ni Catriona na ‘being at her happiest’ pero itinanggi ito ni Sam.  Di raw nila ito itatago.

 

 

At ngayong engaged na sila ay aabangan naman kung sila ikakasal, kung saan turning three years na ang kanilang relasyon.

 

 

Reaction naman ng mga netizens:

 

Tama nga yung speculations ng mga netizen nung nasa Australia sila.”

 

“I see this coming. Congrats! Happy for both of you!!!

 

“Kilig time naman! Eeee!! So happy for them! Nice break from the magvic telenovela.”

 

“Congrats to this gorgeous couple!”

 

“Anh tinik talaga ni sam sa magagandang babae. Ganda ng mga naging gfs nya tapos ngayon ang mapapangasawa nya naging miss universe.”

 

“congrats! magandang lalaki din naman si sam at mabait pa. he’s also a catch.”

 

“Oh em gee! Oh em gee! Beautiful couple!!!”

 

“CatSam for the win… Congratulations!”

 

“Congrats!!!! Can’t wait ano kaya magiging theme sa kasal nila? Will it be intimate or grand? Either way, I’m sure na that day will be filled with love!”

 

“Loaded pala si Sam. Ang laki ng ring ha.”

 

“Lowkey siya na pagkatao pero may mga businesses yan aside sa kita niya sa showbiz.”

 

“Catriona? Parang too soon to get married??? Oh well, baka di pa naman ikakasal agad.”

 

“Pakialamera naman nito. Anong too soon, eh matagal tagal nadin naman silang magjowa.”

 

“Hello??? sam milby na yan tatanggi kapa ba.”

 

“29 is just a right age! Yung iba nga 15, 18 nag aasawa eh.

 

“Everything about Catriona is good vibes!!!!

 

“Bongga ni Sam! Ms. Universe ang mapapangasawa! Usually mga hollywood stars ang mga asawa ng Ms U!”

 

“Congratulations Cat and Sam ♥️ Nung nasa australia sila i saw a post that said Milby na sa Cat kaya akala ko they got married na.”.

 

“cograts queen! mapapa lava walk tayo dyan hehe.”

 

“Give the Universe lots of kids please.”

 

“Gusto ko ang engagement ring niya💗💗💗

 

“Daserv!!! It’s a perfect match. A true gentleman and a queen.”

 

“Happy with this news. May rason bakit di natuloy mga naunsyaming relasyon ni Sam. From Toni, Anne, MJ… Save the best for last talaga si Miss U. I prefer Sam for Cat. Prayerful and genuine golden heart. Kesa big wig or billionaire who will break Cat’s heart. I trust Cat’s discernment.”

 

“So happy for both of them,they are perfect for each other 😃

 

“Deserved. Bagay talaga. Low key, private but legit.”

 

“Both are God-centered, level-headed, and gorgeous. Happy for them! 💗

(ROHN ROMULO)

Tiyak na ikalulungkot ng mga nagpapantasya… DAVID, ‘di na papayagang maghubad o magpa-sexy

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na ikalulungkot ng mga bakla at nagpapantasya ang ibabalita namin… hindi na magpapaseksi si David Licauco.

 

Dahil kasi sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra” at sa consistent na pagti-trending ni David bilang ‘Pambansang Ginoo’ na si Fidel sa top-rating historical serye ng GMA ay lumaki o dumami ang mga batang fans ng aktor.

 

Kaya naman nagdesisyon ang Sparkle ng GMA na siyang katuwang ni Arnold Vegafria sa pagma-manage ng showbiz career ni David na hindi na payagan si David sa anumang proyektong kakailanganin siyang maghubad o magpaseksi.
Sa katunayan ay wala na si David sa Bench Body kaya hindi na natin siya makikitang naka-briefs o underwear sa mga billboards. Pero nasa Bench pa rin siya.

 

Huli na rin siguro ang paghuhubad ni David sa harap ng kamera sa pelikula nina Shaira Diaz at Luis Hontiveros, ang ‘Without You’ na palabas ngayon sa mga sinehan.

 

Siguro, ang chance na lamang makita natin na hubad si David ay kapag nakasabay natin siya na nagpapa-spa sa Blue Water Day Spa na kung saan si David ang isa sa mga celebrity endorsers kasama ang mga beauty queens na sina Tracy Perez, Gwendolyn Fourniol, Alison Black, Ashley Montenegro, Ingrid Santamaria, at Beatriz Mclelland.

 

***

 

BADING na bestfriend ni Rhian Ramos (as Marga) ang papel ni Andrew Gan (bilang si Rhea) sa pelikulang ‘Ikaw At Ako’.

 

“Hindi pa ako gumanap na loud na gay, kasi ‘di ba before nagkaroon ako ng BL pero parang hindi naman ako loud na gay e.

 

“Medyo pa-men, pero ito medyo out of my comfort zone kaya talagang pinag-aralan ko yung mga simpleng nuances,” umpisang kuwento sa amin ni Andrew.

 

Nakatrabaho na dati ni Andrew si Rhian sa ‘Wish Ko lang’ at first time naman niya na makasama sa isang proyekto si Paolo, kaya kuwento niya.

 

“Actually, siyempre it’s an honor na maka-work sila, kasi like ng sabi ko si Paolo is like a golden boy, like bata pa lang ako napapanood ko na sila, nag-aaral pa lang ako Rhian Ramos na yan, Paolo Contis na yan, plus may Sir Ronaldo Valdez tayo, tapos may Ms. Boots Anson Roa pa tayo.”

 

Hindi naman raw siya nag-cross dress sa ‘Ikaw At Ako’.

 

“Hindi, hindi, pero dati nag-cross dress ako sa isang series sa IWant TV, sa Mga Batang Poz, wayback 2019.”

 

Sa BL film niya dati na ‘Limited Edition’ ay may torrid kissing at bed scenes sila ng co-star niyang si Jomari Angeles, pero dito sa ‘Ikaw at Ako’ ay wala raw.

 

Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, ang ‘Ikaw At Ako’ ay initial movie venture ng Gutierez Celebrities and Media Production with executive producers MJ Gutierez and Lexie Salmasan.

 

 

Ang TEAM (Tyronne Escalante Artist Management) ni Tyronne James Escalante na pala ang namamahala sa career ni Andrew ngayon na siya ring manager nina Jane de Leon at Kelvin Miranda.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Gobernador ng Bulacan, pinasinayaan ang bagong gusali ng blood center at public health office

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical Center Compound sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Bilang isa sa mga probinsya sa Rehiyon 3 na may nangungunang pasilidad sa pagkakaloob ng dugo at bilang natatanging blood center na pinamamahalaan ng probinsiya, sineseguro ng bagong blood center ang mas pinahusay na serbisyo sa publiko kung saan nagdagdag ng mga bagong kagamitan tulad ng couches para sa anim na donor, refrigerated centrifuge, dalawang blood bank refrigerator, blood testing machine, at ultra-low plasma freezer.

 

 

Samantala, matatagpuan sa ikalawang palapag ng gusali ang Provincial Health Office – Public Health na kinabibilangan ng training room, logistics/stock room, Malaria hub at mga opisina para sa Health Education and Promotion Division, LGU Support Division at Epidemiology and Surveillance Division.

 

 

Nagtayo rin ng hiwalay na Cold Storage Room sa tabi ng bagong gusali na pinondohan ng United Nations International Children’s Emergency Fund upang matiyak ang maayos at ligtas na pag-iimbak ng mga bakuna para sa mga bata kabilang ang Penta Vaccine, BCG, MMR, Hepa B, PCV, IPV at OPV. Kasama rin dito ang 9,500 liters walk in refrigerator, ultra-low freezer na maaaring makalulan ng kalahating milyong suplay ng iba pang mga bakuna tulad ng COVID-19 vaccine kabilang ang Sinovac at Pfizer, bakuna sa pneumonia, bakuna laban sa trangkaso at HPV.

 

 

Sa mensahe ni Fernando, malaking tulong aniya ang pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa blood donations hindi lamang para sa mga Bulakenyo kundi sa iba pang pasyenteng nangangailangan ng tulong.

 

 

“Napakalaking tulong na atin pong binubuksan ang ating Blood Center dahil alam naman natin na galing tayo sa pandemya. Ito po ay isa sa kakulangan natin at kailangang bigyang muli dito sa ating lalawigan. Sa katotohanan naman, open tayo sa lahat. Marami na rin sa ating mga kababayan mula sa mga karatig probinsya ang dinadala sa ating mga kaganapan, ngunit siyempre, ayusin natin ang ating mga kababayang Bulakenyo. Gayunpaman, tayo ay nakahandang tumulong sa abot ng ating makakaya,” anang gobernador.

 

 

Bukas ng 24 oras ang Provincial Blood Center upang magsilbi sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo habang maaari namang mag-donate ng dugo mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon araw-araw.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang Facebook Page na https://www.facebook.com/PHOBulacan.

(BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at AFP chief Centino, nagpulong kasunod ng laser incident sa Ayungin Shoal

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPULONG sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino kasunod ng kamakailan lang na isyu sa bahagi ng Ayungin Shoal kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light ang Philippine Coast Guard.

 

 

Ito ay matapos ang isinagawang courtesy visit ni Huang sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

Sa isang pahayag ay ibinahagi ng Chinese Ambassadro na kabilang sa kanilang ni Centino ang mga usapin hinggil sa military to military exchange at kooperasyon ng Pilipinas at China, at gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability pagitan sa rehiyon.

 

 

Kung maalala, nitong February 6 lamang ay muling uminit ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa panibagong panghaharass ng mga Chinese coast guard sa mga tauhan ng Philippine coast guard na mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines, at Department of National Defense.

 

 

Dahil dito ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Huang sa Palasyo ng Malakanyang upang ipahayag ang kaniyang pagkabahala sa lumala at dumadalas na hindi magandang aksyon ng China sa mga tauhan ng Philippine Coast Guardt at mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.

 

Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.

 

Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.

 

Sinabi ni Philippines coach Alen Stajcic na gumawa na siya ng mga adjustments para matugunan ang mga pagkukulang sa pagkatalo nila sa Wales.

 

Lumahok ang Pilipinas sa nasabing torneo bilang paghahanda para sa FIFA Womens’ World Cup na gaganapin sa New Zealand sa buwan ng Setyembre. (CARD)

RR Pogoy injury habang Mikey Williams sumabog

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Mga laro Sabado: (Araneta Coliseum)

4:30pm — Terrafirma vs Phoenix

6:45pm — Converge vs NLEX

 

NAGLIYAB ang mga kamay ni MIkey Williams upang punan ang pagkawala ng kakamping si RR Pogoy upang bitbitin ang TNT Tropang Giga palapit sa quarterfinals sa paghugot sa 111-104 panalo kontra Meralco Bolts sa eliminasyon ng season ending na 2022 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum, Biyernes.

 

Nagtala si Williams ng 25 puntos, 5 rebounds at 1 assist upang tulungan ang Tropang Giga sa pagsungkit sa ikalimang sunod na panalo at makapitan ang solong pangunguna sa 7 panalo at 1 talo.

 

Tumulong ang import na si Rondae Jaquan Hollis-Jefferson ng 32 puntos, 10 rebounds at 8 assists pati na si Calvin Oftana na nagbuhos ng 19 puntos, 8 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block upang ilapit ang Tropang Giga sa quarterfinals.

 

Nag-ambag naman si Jayson Castro ng 15 puntos, 1 rebound at 1 assist, na nagbabalik mula sa ankle injury.

 

Hindi naman natapos ni Pogoy ang laro matapos itong magtamo ng ankle sprain sa unang quarter.

 

Itinala pa ng Tropang Giga ang pinakamalaki nitong abante sa 22 puntos.

 

Nahulog ang Meraloo sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 3-3 panalo-talong karta. (CARD)

Magnolia: 3rd STRAIGHT WIN KONTRA NLEX

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum.

 

Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon.

 

Ibinahagi ni Magnolia coach Chito Victolero ang sekreto nila kung saan gumana ang adjustments ng kanilang depensa.

 

Nasayang naman ang nagawang 25 points ni NLEX import Wayne Selden. (CARD)

Megawide gustong mag-operate ng EDSA busway

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG infrastructure giant na Megawide Construction Corp. ay naghayag ng kanilang interes na sila ang mag-operate ng EDSA busway kung sakaling ibigay ng pamahalaan ang pamamahala nito sa pribadong sektor.

 

 

Ipinagmamalaki ng Megawide na sila ay may kakayahan sa route management at station development ng nasabing transportasyon.

 

 

“We would vie for the right to operate and maintain EDSA Busway once it is turned over to the private sector. The government has been talking about it, that it will privatize the EDSA Busway operations. If it is a serious in that, then maybe we can consider,” wika ni PITX corporate head affairs Jason Salvador.

 

 

Ang Megawide ay ang namamahala sa operasyon ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung kaya’t kanilang sinabi na may expertise na sila sa ganitong sektor.

 

 

Ayon kay Salvador, ang Megawide ay may plano rin na magbigay ng unsolicited proposal upang magtayo ng integrated terminal exchange sa Caloocan City upang magkaroon ng EDSA bus stop mula Monumento papuntang PITX.

 

 

Kung matutuloy ang pagtatayo ng integrated bus terminal sa Caloocan, ang Megawide ang nasa posisyon na mag- operate ng EDSA busway upang magkaroon ng control ang deployment ng mga buses na makakatulong sa mga pasahero.

 

 

“Ideally, it should be the EDSA busway who should have control in dispatching. However, right now, the reason there is a bit of congestion is because it is in the mercy of operators. Of course, these bus operators have their own schemes. Some of them may opt not to go to your place to ply a route of line,” saad ni Salvador.

 

 

Dagdag pa niya nawalang control ang EDSA busway subalit kung ito ay patatakbuhin ng Megawide ito ay kaya nilang  gawin. Kung kaya’t ang mgapasahero ay magkakaroon ng realibility ng schedule at availability ng mga buses sa lahat ng oras lalo na at kung peak hours.

 

 

Sa kabilang dako naman, may plano rin ang Megawide na simulan ang P5 billion na development ng second lot ng PITX. Sa ngayon, ang PITX ay may 2.7 hectares kung saan naroon ang transport terminal, commercial spaces at office building. Inaasahang magkakaroon ng expansion ng 1.8 hectares upang doon ilagay ang isa pang staging area para sa mga buses.

 

 

Ang PITX ay kayang makapag- accommodate ng hanggang 200,000 na pasahero kada araw at kayang makapag- deploy ng mga buses mula at papunta sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. LASACMAR

Professional Fighters League aakit ng fans sa Pinas

Posted on: February 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tinutumbok ang Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing merkado ng mixed martial arts promotion Professional Fighters League (PFL).

 

Sinabi ni PFL Senior Vice President Loren Mack na ang mabilis na lumalagong platform ay naghahanap upang maikalat ang mga pakpak nito sa Asya at sa Pilipinas sa partikular.

 

Nakikita ni Mack na makakalaban ng mga Pinoy ang pandaigdigang promosyon, na inaasahan niyang makakaakit ng mas maraming fight fans dahil sa kakaibang season format nito.

 

“Ang Pilipinas ay may ilan sa mga pinakamahusay na manlalaban sa mundo, na nagsasanay sa Maynila, Baguio, o sa iba pang bahagi ng bansa. Mga kahanga-hangang atleta na maaaring makipagkumpetensya sa pinakamataas na antas ng isport. Ang tanging sangkap na nawawala ay ang pandaigdigang plataporma,” ayon kay Mack.

 

Inilunsad noong 2018, ang PFL ay itinatag ni Donn Davis at mula noon ay nakakita ng mabilis na paglago. Dahil nakatakda na silang magsagawa ng kanilang unang event sa Europe ngayong Marso, ipinagmalaki ni Mack ang mga inobasyon na maidudulot din ng liga sa Asia.

 

Hindi tulad ng ibang mga promosyon ng MMA, ang PFL ay gumagamit ng isang season format, na humihimok sa mga manlalaban na manalo sa lahat ng kanilang laban upang makapasok sa title picture.

 

“Iyon ay isang bagay na napakalaking nawawala sa combat sports. Ang PFL ay may regular na season, isang playoff, at isang championship, tulad ng anumang iba pang season ng sports — NBA, NFL, atbp. — at ang aming championship ay ang pinakamalaking bagay sa MMA, ” sabi niya, at idinagdag na anim na world champion ang kinokoronahan bawat season na may $6-million check na nilagdaan din sa blockbuster night na iyon.

 

Ang PFL ay nag-aalok din ng isang mas interactive na anyo ng entertainment para sa mga tagahanga, dahil ang kanilang PFL Smart Cage ay gumagamit ng teknolohiya upang mas mahusay na hikayatin ang mga manonood. (CARD)