• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 14th, 2023

Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo.

 

Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses din siyang niregaluhan ng walk at may apat na RBIs.

 

Nangibabaw ang Japan sa Group B sa 4-0 card, haharapin sa quarterfinals sa Huwebes ang Italy.

 

Abante ang Italy, kasama ang Cuba, mula Group A sa bisa ng tiebreakers, suumakay ang Italians kay Matt Harvey para kalusin ang Netherlands 7-1, tinalo naman ng South Korea ang Czech Republic 7-3 sa Group B, tinabunan ng Cuba ang Taiwan 7-1 sa Group A. (CARD)

National Police Commission, kulang ng 50,000 personnel

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG  ng mataas na opisyal na kulang sa bilang na humigit-kumulang 50,000 police personnel ang National Police Commission (NAPOLCOM).

 

 

Ayon sa pahayag sa senado ni National Police Commission vice chairperson at executive officer Alberto Bernardo, mayroon silang 129,000 manning position para sa patrolmen at patrolwomen ngunit ang kasalukuyang bilang ng nasa nasabing posisyon ay nasa 71,000 lamang.

 

 

Kaya aniya, nais nila itong idulog sa technical working group dahil kulang ang komisyon ng 50,000 na policemen at policewomen.

 

 

Dagdag dito, kinonsulta ng National Police Commission ang Philippine National Police at Department of Budget and Management at napag-alaman na kulang ang budget para sa pagdadagdag ng mga position. (Ara Romero)

Balitaan sa Tinapayan

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
AMINADO  ang Land Transportation Office (LTO) na talagang may problema pagdating sa pag-iisyu ng mga plaka ng mga sasakyan lalo na sa motorcycle plate.
Sinabi ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan na noong 2017 pababa ay walang na-isyung mga plaka .
Ayon kay Tugade, kung mayroon man aniyang na-isyu na plaka, hindi lahat ng mga initial registered motorcycle ay hindi naisyuhan ng plaka kaya sa ngayon aniya ay ito ang kanilang binubuo.
Sa kanila aniyang pagpupulong sa LTO, 13 milyon ang kailangang bunuin na plaka para sa motorcycles kung saan ang bahagi nito na 9 milyon ay para sa mga motorcycles na kailangang palitan ang kanilang plaka.
“Mayroon kasi ngayong bagong batas na ipinasa–yung motorcycle crime prevention act which requires plate numbers of motorcycles to be bigger, readable and colorful coded”, ani Tugade.
Dahil sa ipinasang batas na ito, sinabi ni Tugade na kailangang baguhin ng LTO ang lahat ng mga plaka na may isyu noon upang tumalima sa nasabing batas.
Habang ang 4 na milyon ay mga bagong motorsiklo na wala pang plaka dahil naman sa general appropriation act o GAA budget.
Paliwanag ni Tugade, ang fee na ibinabayad sa plaka ng mga motorista ay hindi direktang napupunta sa LTO.
Ito aniya ay obligado nilang idine-deposito o  inire-remit sa bureau of treasury kasama ang iba pa nilang koleksyon tulad ng mga “huli”.
Dagdag pa ni Tugade, ang ginagamit na pondo ng LTO para gumawa ng plaka ay  ang pondo na ibinibigay sa pamamagitan ng GAA at hindi sapat yung pondo na ibinibigay sa nakalipas na mga taon sa ahensya  para mapunuan ang mga kotse na nangangailangan ng plaka dahilan para magkaroon naman ng “backlogs” sa nagdaang mga taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

MMDA, pinalawig pa ang dry run ng motorcycle lane sa Quezon City

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG  pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinapatupad na dry run sa paggamit ng motorcycle lane sa Quezon City.

 

 

Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, palalawigin pa ng hanggang sampung araw ang dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa nasabing lungsod.

 

 

Paliwanag niya, layon nito na matulungan ang mga motorista na mas ma-familiarize pa sa paggamit ng motorcyle lane, at upang maihanda na rin ang mga traffic enforcers sa nasabing lugar.

 

 

Ang third lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue ang itatalaga bilang motorcycle lane, mula sa Elliptical Road hanggang sa Doña Carmen at vice versa.

 

 

Layunin nito na mabawasan ang mataas na bilang ng mga vehicular accidents sa lugar na kadalasang kinasasangkutan ng mga motorcycle riders.

 

 

Ganap na ipapatupad ng MMDA ang exclusive motorcycle lanes sa nasabing kalsada pagkatapos ng itinakdang dry run nito kung saan pagmumultahin ng Php500 ang sinumang lalabag dito.

SLP-PH tankers, kargado ng 61 medalya

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Humakot  ang Swimming League Philippines-Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 na ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.

 

Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man Philippine squad sa napagwagiang pitong gintong medalya at tanghaling Most Outstanding Swimming sa  7-under age female categorysa torneo na nilahukan ng kabuuang 980 swimmers mula sa 57 swimming clubs sa rehiyon.

 

Pinahanga ng pambato ng Sharkpeedo Swim club ni coach Bryan Estipono at kinder student ng St. Joseph’s School of Novaliches, Quezon City ang manonood sa kanyang impresibong panalo sa 50m freestyle (59.56 seconds), 50m backstroke (57.91), 50m butterfly (1:19.34), 50m breaststroke (1:29.45), 100m freestyle (2:12.45), 100m backstroke (2:09.12), at 100m breaststroke (3:15.23) events.

 

“Hindi na ako nasopresa sa kanya (Pia). Dedicated siya sa kanyang training at talagang ginagawa ang makakaya kahit sa mga sinalihan niyang division meet sa atin. Basta focus lang kami sa training, yun lang muna ang target lagging personal best,” sambit ni Estipona, dating varsity sa University of the Santo Tomas.

 

Bukod kay Magat, nasungkit din ni Galvin Cayanan ang MOS title sa boys’ 7 years old and under category sa napagwagihang  tatlong ginto, tatlong silver at dalawang bronze medals, habang  nanguna sa girls 12-13 yers class si Kyla Louise Bulaga sa kanyang panalo sa  200m at 400m Individual Medley, 400m freestyle events, habang silver sa (200m butterfly, 200m breaststroke at 4x50m medley relay),at bronze medals sa 50m at 100m butterfly, at 4x100m freestyle relay).

 

Nagpahayag ng kasiyahan si SLP president Fred Galang sa naging performance ng mga batang swimmers na aniya’y pawang nanguna sa kani-kanilang events sa isinagawang qualifying meet para sa torneo sa bawat torneo ng SLP.

 

“We’re very proud. Yung performance nila talagang tuloy-tuloy ang pagtaas. Hopefully, as SLP continued to strengthen the grassroots program through tournaments around the provinces, mas marami pa tayong tagumpay na makukuha sa abroad,” pahayag ni  Ancheta.

 

Ang iba pang nakapag-uwi ng medalya ay sina Ryiah Zach Belen na may dalawang ginto (50m at 100m backstroke), isang silver silver (200m backstroke) at isang bronze  (100m freestyle); Gerice Oyaman na may isang silver (4x50m medley relay) at dalawang  bronze  (50m freestyle at  4x100m freestyle relay); Ryzie Danielle Belen na may silver (4x50m medley relay) at dalawang bronze  bronze (400m freestyle at  4x100m freestyle relay); at Paul Vincent Ocampo na may dalawang bronze (4x50m medley relay at 4x100m freestyle relay).

 

Humirit din sina Riannah Coleman (1 gold, 2 silvers, 5 bronzes), Fritz Gabriele Espero (1 gold, 1 silver, 4 bronzes), Samantha Gabuni (1 gold, 2 bronzes), Sara Santiago (2 bronzes), Angel Magdalene Gabuni (2 bronzes), Gerald Cayanan (1 bronze), at  Dwayne Angelo Gabuni (1 bronze). (CARD)

Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.

 

“It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging Asian Juniors champion noong 2021. “But it’s racing, you know what it is.”

 

Si Gusti Bagus Saputra ng Indonesia ang nanalo ng ginto sa 33.919 segundo, kung saan si Coo ay kinapos lamang ng .20 segundo sa likod at isa pang Indonesian na si Rio Akbar, na inuwi ang tanso sa oras na 34.346.

 

Labing-isang (11) riders ang sumabak sa final round.

 

Naapektuhan ang mga atleta at coach mula sa mga dayuhang koponan dahil sa maikling pahinga sa pagitan ng mga motos, quarterfinals at finals.

 

“It was so hot and was super hard to cool down,” sabi ni Coo, na magiging 21 taong gulang sa Marso 17. “We were given only some 15 minutes break in between races, unlike in other races and in the US where there are breaks of one hour or more.”

 

Nakakuha si Coo ng 86 na puntos ng International Cycling Union mula sa posibleng 100.

 

Ang susunod para kay Coo ay ang Thailand BMX Cup 2 na isang C1 UCI race din na nag-aalok ng mga puntos sa pagraranggo tulad ng Jakarta event sa Marso 19. (CARD)

Hanga rin sa pagiging mahusay na actress: JOSEPH, inamin na crush niya noon pa si RYZA

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Miyerkules, March 15 na ipalalabas ang pelikulang “Kunwari… Mahal Kita” na pinagtatambalan nina Ryza Cenon at Joseph Marco.

 

 

 

In fairness, sa title pa lang, interesting na ang movie. Masipag mag-promote ang dalawa dahil ang movie ay independently produced at distributed lamang ng VIVA Films.

 

 

 

Aliw kami kina Ryza at Joseph nang makausap namin sa Marites University.

 

 

 

Inamin ni Joseph na crush daw niya si Ryza noon pa at bukod dito, ramdam namin ang paghanga niya kay Ryza bilang isang mahusay na actress.

 

 

 

May chemistry ang dalawa, pero siyempre, hanggang on-screen na lang ito dahil si Ryza ay may kasalukuyang partner, though tila kasal na lang ang kulang sa ama ng anak niyang si Night na si Miguel Cruz, hindi pa raw ito ang priority nila. Kasalukuyan silang nagpapagawa ng bahay sa may Taytay, Rizal.

 

 

 

At bukod dito, balik aktibo muli si Ryza sa pag-arte dahil kasama rin siya sa ‘Kurdapya’ series ni Yassi Pressman.

 

 

 

***

 

 

 

PERSONAL kaming nagpapasalamat sa mahusay na actress turned politician na si Angelu de Leon.

 

 

 

Bilib na bilib kami kay Angelu na sa kabila ng sobrang kabisihan niya bilang number 1 Councilor ng 1st District ng Pasig City, naglaan siya ng oras para maging guest speaker sa 115th Founding Anniversary ng aming church, sa Trinity United Methodist Church sa Calaguiman, Samal, Bataan.

 

 

 

Yes, dumayo si Angelu noong Linggo ng umaga mula Pasig hanggang Bataan para magbahagi ng kanyang message at testimony. Halos lahat ay talagang na-bless sa ibinahagi niya at nakakatuwa dahil simula nang makilala at tanggapin ni Angelu ang Panginoon as her Lord and personal saviour, makikita naman talaga sa kanyang mga kilos, salita at choices ang pagiging isang mabuting Christian.

 

 

 

Sa isang banda, siguradong marami ang matutuwa, lalo na ang mga tagahanga niya dahil after two years, mukhang ready na nga siyang muli na tumanggap ng proyekto.

 

 

 

Managed by VIVA and Veanna Fores, sinabi ni Angelu na this year raw, tatanggap na siyang muli ng bagong project.

 

 

 

Natatawang sabi niya, “Kailangang mag-work.”

 

(ROSE GARCIA)

PBBM, itinalaga si Dennis Chan bilang DOJ chief state counsel; nagtalaga ng iba pang opisyal

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pinupunan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

 

 

Sa katunayan, itinalaga nito si dating Office of the Solicitor General (OSG) lawyer Dennis Arvin Chan bilang bagong chief state counsel ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Ang anunsyo ay makikita sa post ng  Presidential Communications Office (PCO), araw ng Biyernes, Marso 10.

 

 

Si Chan ay long-time partner sa Bernardo Placido Chan & Lasam (BPCL) Law Firm at kasama na sa  OSG bilang  associate solicitor.

 

 

Nagsimula ang legal career ni Chan sa  Fortun Narvasa & Salazar Law Offices, pagkatapos ay lumipat sa  Kalaw Sy Vida Selda & Campos Law Offices,  kung saan ay hinawakan nito ang election at intellectual property cases.

 

 

Eksperto rin siya sa immigration, naturalization, labor, intellectual property, corporate compliance and governance, estate planning, at  real estate.

 

 

Sa kabilang dako, maliban kay Chan, itinalaga rin ng Pangulo ang 16 pang opisyal para sa iba’t ibang  tanggapan at ahensiya; ang mga ito ay sina:

 

 

Noel Padre – Assistant Secretary, Department of Agriculture (DA)

Vener Dilig – Director III, DA

Remelyn Recoter – Director IV, Agriculture Training Institute ng  DA

Antonieta Arceo – Director III, Agriculture Training Institute ng DA

Ma. Angela Ignacio – acting member ng  Board of Directors, Philippine National Oil Company Exploration Corp. (PNOC EC) ng  Department of Energy (DOE)

Froilan Tampinco – acting member ng Board of Directors, PNOC EC ng  DOE

Liza Alcera – Director III, Department of Migrant Workers (DMW)

Eric Dollete – Director III, DMW

Maria Bernardine Madamba – Director III, DMW

Joshua Bingcang – acting president, chief executive officer, at board member, Clark International Airport Corp. ng  Department of Transportation (DOTr)

Dante Francis Ang II – acting member ng  Board of Directors, Clark International Airport Corp. ng DOTr

Monico Puentevella Jr. – acting member ng  Board of Directors, Clark International Airport Corp. ng  DOTr

Julius Raboca – acting member ng  Board of Directors, Clark International Airport Corp. ng  DOTr

Evelina Guevara-Escudero – miyembro ng Board of Trustees, kakatawan sa mga pangunahing organsasyon o asosasyon  ng government employees o retirees, Government Service Insurance System (GSIS)

Jose Arnulfo Veloso – board member, kakatawan sa  banking, finance, investment, at insurance sectors, GSIS

Luzviminda Padayao – acting member ng Board of Directors, National Tobacco Administration (NTA)

 

(Daris Jose)

Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  Department of National Defense (DND) na sugpuin ang  “criminal activities at impunity” sa buong  Negros Island.

 

 

Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr.  na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4.

 

 

“And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor Roel Degamo and restore normalcy and confidence of our people,” ayon kay Galvez sa isang panayam.

 

 

Nagbigay din aniya si Pangulong Marcos sa kanya ng verbal orders  na lumikha ng  joint task force  na binubuo ng dalawang brigada  para paigtingin at tulungan ang nagpapatuloy na joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) operations.

 

 

“This joint task force is tasked to carry out Marcos’ order and search warrants,” diing pahayag ni Galvez.

 

 

“Also we have just deployed a 50-man specially-trained strong Light Reaction Company, kung alam nyo po yung light reaction company, they were involved in the Battle of Marawi (in 2017) from the deployment of the AFP to monitor the remaining suspects,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang deployment  ng nasabing special troops ay pagbibigay-diin lamang sa naunang pahayag ng Pangulo na “the suspects can run but cannot hide.”

 

 

“As the President had said that we will give justice to the family and sabi niya na suspects, you can run but you cannot hide, we will find you,” ani Galvez. (Daris Jose)

2nd gold nasungkit ni Carlos Yulo

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tinapos ni Carlos Yulo ang double-gold campaign sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan, sa paghahari niya sa vault final kahapon.

 

Si Yulo, sariwa pa sa isang panalo sa parallel bars final noong Sabado, ay pinatamis ang kanyang paghatak sa nakakumbinsi na panalo sa vault matapos tumapos lamang sa ikatlong bahagi sa apparatus noong Doha leg ng World Cup series.

 

Ang gymnastics dynamo ay nag-norm ng 14.933 sa kanyang dalawang vault upang lumukso sa kompetisyon at manalo. Ang dating vault world champion ay unang nag-vault ng Blanik (handspring double front pike) na nakakuha sa kanya ng 15.033.

 

Sinundan ito ni Yulo ng isang Lopez ngunit umatras sa kanyang paglapag.

 

Gayunpaman, ito ay isang solidong 14.833 sa kanyang pangalawang vault upang makuha ang nangungunang puwesto.

 

Kinuha ni Harry Hepworth ng Great Britain at Wai Hung Shek ng Hong Kong ang ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakabanggit.

 

Ang top qualifier na si Mahdi Olfati ng Iran ay hindi nakuha ang podium at nagtapos sa ikaapat na may average na 14.399.

 

Umaasa si Yulo na muling makapag-uuwi ng mga medalya sa final leg ng World Cup series ngayong taon sa Cairo, Egypt sa huling bahagi ng Abril.

 

Sa Doha, nanalo si Yulo ng ginto sa floor exercise, isang silver sa p-bars, at ang kanyang bronze sa vault.

 

Samantala, mayroon siyang nag-iisang tanso sa parallel bar pati na rin sa Cottbus. (CARD)