• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 17th, 2023

Higit P53 bilyong cash loans pinautang ng Pag-IBIG noong 2022

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa P53 bil­yong short-term loans na tinatawag ding cash loans ang ipinautang ng Pag-IBIG Funds noong nakaraang taon.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Jack Jacinto, Department Ma­nager for Public Media Affairs ng Pag-IBIG Fund, na kabilang din sa nasabing pautang ang Multi-Purpose Loan at Calamity Loan.

 

 

Nasa 2.6 milyong mi­yembro ang nakinabang sa nasabing cash loans.

 

 

Binanggit din ni Jacinto na dumami ang nag-avail ng Multi-Purpose Loan dahil maaari itong aplayan ng mga miyembro online sa pamamagitan ng virtual Pag-IBIG.

 

 

Mas pinadali na aniya ngayon ang proseso at accessibility ng programa dahil puwede pa ring mag-file ang mga miyembro “traditionally” sa mga tanggapan ng Pag-IBIG fund pero puwede na ring online.

 

 

Samantala, binanggit din ni Jacinto na napag-desisyunan ni Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Deve­lopment na hindi pa rin itaas ang kontribusyon ng mga miyembro ngayong 2023 dahil na rin sa kahilingan ng mga miyembro na bumabangon pa rin sa pandemyang dala ng COVID -19.

 

 

Ibinalita rin ni Jacinto na nakapagtala sila ng “record high” na P80 bil­yon na nakolekta sa mga miyembro noong 2022. (Daris Jose)

Willing na maging parte ng show pag inoperan: SAMANTHA, concerned din sa isyung hinaharap ng ‘Eat Bulaga!’

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL naging malaking bahagi si Samantha Lopez noon sa ‘Eat Bulaga!’ kung saan siya sumikat bilang si Graciaaa, kaya hiningan namin siya ng opinion tungkol sa isyung kinahaharap ng naturang top-rating noontime variety show.

 

“I am concerned, pero wala pa akong nakakausap sa kanila.”

 

Kung matuloy na may bagong programang papalit sa ‘Eat Bulaga!’ at kukunin si Samantha na maging parte ng bagong show, papayag ba siya?

 

“Nobody knows the future. Let’s cross the bridge when we get there. Hoping for the best for all parties na involved.”

 

Pahabaol pa niyang pahayag…

 

“I’m an artist and a professional, whatever work is given to me, I’ll surely do my best.”

 

Maraming taong nanirahan sa Amerika, ngayon ay desidido na si Samantha na maglagi sa Pilipinas at harapin ang kanyang acting career at pagiging influencer.

 

Ano pa ang mga aspeto na nakapagpadesisyon sa kanya na mamalagi na sa bansa?

 

“Initially, the number one factor was my daughter- she got pregnant, gave birth and got married. She needed me and I want to be there for her.

 

“Tapos nagkaroon ako ng teleserye [First Lady ng GMA], then nag-pandemic and I got stuck here in the Philippines. Dun ko na-realize how I’ve missed acting and being in front of the camera,” pahayag ni Samantha.

 

***

 

NAKATULONG kay Sparkada hottie Vince Maristela ang nararamdaman niyang kaba nang maka-eksena niya for the first-time si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza Sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady And Luke.

 

Gumaganap bilang working-student na si Atom si Vince, samantala si Barbie naman ang pumu-portray sa lead na si Lady na isang property manager.

 

Sa naging online chikahan ng Sparkle actor at ni Zonia Mejia sa online livestream event last March 12, inalala ni Vince ang moment na nagkita ang karakter niya na si Atom at si Lady.

 

Lahad niya, “’Yun kasi ‘yung first scene ko ever dun sa Daig [Kayo Ng Lola Ko], ‘tapos medyo kinakabahan ako.

 

“Sabi ko, ‘Never ko po naka-eksena si Ate Barbie [Forteza] ‘tsaka si David [Licauco].’

 

“So, parang bahala na, kaya ‘to tutulungan naman ako. Feeling ko parang nahihiya nga ako. Pero, nag-match naman siya sa eksena kasi ‘di ba boss ko si Lady. So, parang medyo nahihiya ako”

 

Marami rin siyang napulot na lessons working with Barbie na isang award-winning actress.

 

Kuwento niya kay Zonia, “Since first-time ko maka-work si Ate Barbie and si Kuya Luke [David Licauco], ang na-realize ko is iba kung paano niya atakihin ‘yung eksena. ‘Yun ‘yung pinakanapulot ko dun sa show na ‘yun, ‘yung mga natutunan ko and first time ko nga makipag-work sa ibang tao, kasi dati sa Luv Is lang ako.

 

“Hindi predictable ‘yung eksena for me. Minsan nga ‘yung ginagawa ni Ate Barbie wala sa script e, nakakatuwa.”

 

***

 

KUWENTO ng LGBTQIA+ na father and son ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na ‘Magpakailanman’ o #MPK.

 

Sa Kuwento, batid ni Jester (Gabby Eigenmann) na isa siyang bakla simula noong kanyang kabataan. Pero hindi naman natinag dito si Wena (Vaness del Moral) na pilit pa ring gagawing “tunay na lalaki” si Jester.

 

Mabibiyayaan sila ng anak, si Prince Sandra (Gold Aceron). Pero sadyang hindi magiging maayos ang kanilang pagsasama kaya maghihiwalay rin sina Jester at Wena.

 

Mangungulila si Jester sa anak kaya makikiusap siya kay Wena na makapiling ito. Inilayo man ng ina sa kanyang ama, tila “namana” ni Prince ang pagiging bakla ni Jester.

 

Matatanggap kaya ng mag-ama ang isa’t isa?

 

Abangan ‘yan sa brand new episode na “Mana Sa Inang Am: The Jester Mendoza Story” ngayong Sabado sa #MPK.

 

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

(ROMMEL L. GONZALES)

IRR ng vintage vehicle law nilagdaan

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN kamakailan lamang ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jose Arturo Tugade ang implementing rules and regulations o ang IRR ng Republic Act 11698 o ang mas kilalang Vintage Vehicle Regulation Act.

 

 

Noong nakaraang April pa naging effective ang nasabing batas na naglalayon na maprotektahan at maitaguyod ang vehicle heritage ng bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng regulatory policies upang magkaron ng preservation, maintenance, occasional na paggamit nito at ang pagkakaron na marehistro ang vintage vehicles.

 

 

Nakasaad sa batas na dapat ang mga vintage vehicles ay may 40 years o mas matanda pa mula sa taon ng manufacture nito.

 

 

Sa ilalim ng 26 na pahina ng IRR ng Vintage Vehicle Regulation Act ay pinagbabawal ang paggamit nito na may commercial purposes maliban na lamang kung ito ay gagamitin para sa motion pictures, advertisements, pictorials, weddings at motorcades.

 

 

“A registered vintage vehicle must not be used as a public utility vehicle, or for the commercial transport of persons or goods, including as a vehicle accredited with and operating through transport network corporations,” ayon sa IRR.

 

 

Kasama rin sa IRR na ang mga vintage vehicles ay hindi kinakailangan na masunod ang anti-pollution, safety, road use at ibang standards na hindi pa ipanatutupad noong ito ay gawin kahit na rin gawing conditions ito sa kanilang rehistro o gamitin sa mga public roads.

 

 

“The prohibition on the importation, registration and use of right-hand drive vehicles under Section 1 of RA 8506 must not apply to vintage vehicles manufactured on or before Dec. 31, 1970. As a general rule, a vintage vehicle applying for registration or renewal shall be subject to inspection to determine whether it is unsightly, unsafe, improperly equipped, otherwise unfit to be operated in public highways based on the standards that were in force at the time of its manufacture, and to ensure its conformity on period specification and permitted modifications,” saad sa Section 3 ng IRR.

 

 

Ang mga restoration shops at kumpanya na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI) na maging service at repair enterprise para sa mga vintage vehicles ay may fiscal at tax incentives.

 

 

Ang LTO naman ay siyang binigyan ng mandatu na gumawa at magmentina ng isang national database na listahan ng mga vintage vehicles sa buong bansa.

 

 

Upang suportahan ang local restoration industry, ang LTO ang siyang magtatago ng database ng mga authorized at licensed shops na may kinalaman sa mga repairs ng vintage vehicles o di kaya ay yoong siyang manufacturer ng spare parts at replacement parts nito maging pribadong asosasyon at interestadong grupo.  LASACMAR

NAGPANGGAP NA EMPLEYADO NG SC, INARESTO

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI)-Cybercrime Division (CCD) ang isang indibidwal na nagpanggap na empleyado ng Supreme Court (SC) dahil sa pag-aalok ng non-appearance services para sa annulment cases.

 

 

Ayon sa NBI-CCD, kinilala ang suspek na si Jay Ann Balabagno alyas Jay Ann Anderson sa Fairview ,Terraces ,Quezon City.

 

 

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI hinggil sa transaksyon ng suspek kaya nagkasa ng entrapment operation sa nasabing lugar at nagpanggap na kliyente ang isang ahente ng NBI.

 

 

Habang tinatanggap ang boodle money ay inaresto na ang suspek habang at-large naman si Daylen A.Justimbaste na isang military personnel na nagtiyak umano na totoo ang alok para sa annulment nang makausap ito ng poseur-client sa pamamagitan ng Facebook.

 

 

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 315(Estafa)sa ilalim ng Revised Penal Code na nauugnay sa RA 10175(Cybercrime Prevention Act); Computer Related Fraud sa ilalim ng RA 10175; at Section 21(h) ng RA 11032 (Anti-Red Tape Act, as amended. GENE ADSUARA

Single ticketing system sa NCR, target ma-fully implement sa katapusan ng Abril

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Metro Manila Council (MMC) na tuluyan nang maipatupad ang single ticketing system sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Abril.

 

 

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng MMC, ang dry run para sa naturang bagong sistema ay sisimulan nila sa una at ikalawang linggo ng Abril.

 

 

Aniya, lalahukan ito ng walong local government units (LGUs), kabilang ang San Juan City.

 

 

Ang full implementation naman aniya nito ay target nilang maisakatuparan sa katapusan ng naturang buwan.

 

 

“Ang mangyayari ho ngayon by first to second week of April yung eight local government units ang magda-dry run including San Juan. And by the end of April, we are looking to fully implement already,” pahayag ni Zamora.

 

 

Samantala, binigyan naman ang mga LGU sa NCR ng hanggang Marso 15 upang amiyendahan ang kanilang mga ordinansa, alinsunod sa naturang single ticketing system.

 

 

Matatandaang isinulong ang pagbuo ng single ticketing system na ang layunin ay magtatag ng isang unipormadong polisiya sa mga traffic violations at penalty system sa Metro Manila.

 

 

Sakop nito ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at bayan ng Pateros.

Bukod sa big-budgeted movie na ‘Firefly’: DINGDONG, balitang may gagawin din sa Star Cinema kasama si MARIAN

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING busy na nga ba ngayon ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?  

 

 

Unang nag-post sa Instagram si Marian ng “Hello flower lovers!  It’s Marian  of Flora Vida, and I’ve got exciting news for you.  Out new color is blooming, and it’s the rich and sultry maroon!  Plus, we’re also adding a flower collection under the Red color family that will surely make your heart skip a beat.

 

 

“We heard your requests, and we’re thrilled to share this new release with you,  But wait, there’s more!  We’ve got other surprises coming your way, and we can’t wait to reveal them soon.

 

 

“Thank you for your continuos support, and I hope you’ll love tehese as much as I do.   Stay tuned for more flowery goodness from Flora Vida!”

 

 

May sumunod namang balita, na may gagawing movie raw ang DongYan sa Star Cinema, pero wala pa naman itong confirmation.  Tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host ni Dingdong sa number one game show sa GMA, ang “Family Feud,”

 

 

At ang bagong announcement nga ng “24 Oras” last Wednesday evening, may isang big-budgeted movie na gagawin ang GMA Public Affairs, ang “Firefly,” na pangungunahan ni Dingdong ang malaking cast na bubuo rito.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Rocco Nacino sa GMA Network, dahil kahit nasa cast pa siya ng “Maria Clara at Ibarra,” isinama na siya sa up-coming mystery action drama series na “The Missing Husband.”

 

 

Kaya after ng last taping day ni Rocco sa MCI, umuwi lamang siya sa kanilang bahay para makita at makasama muna ang wife niyang si Melissa Gohing at ang baby boy nilang si Ezren, bago siya tumuloy sa lock-in taping ng cast sa Pico de Loro Beach Resort & Country Club sa Batangas City.

 

 

Kasama ni Rocco sa cast sina Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Sophie Albert, Jak Roberto, Joross Gamboa, Michael Flores, Max Eigenmann, Cai Cortez, Shamaine Buencamino, at sa direksyon naman ito ni Mark Reyes.

 

 

***

 

 

SA “The Missing Husband”, reunion ito nina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte,  na parehong kabilang noon sa first talent search na “StarStruck” na pinagwagihan  nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

 

 

“Medyo nanibago ako sa first scene ko sa serye,” sabi ni Nadine.  “Nanibago ako kasi after ten years, na may husband at three kids na ako, saka lamang ako muling umarte, lock-in pa ang taping.  Pero enjoy ako kasi para kaming isang big family sa set, masaya ring makatrabaho ko ang mga bagong Kapuso stars.”

 

 

Lagi raw masaya ang set nila, tulad noong birthday ni Yasmien, naghanda siya para sa buong cast at production staff,  Nasorpresa pa siya dahil hindi nila alam na darating ang husband niyang pilot, si Rey Soldevilla, Jr., na may dalang malaking bouquet of inported flowers.

 

 

Muling nagbabalik sa GMA si Joross Gamboa, at dahil wala pa siyang eksena sa first day niya sa set, ang vlog muna siya at ipinakita ang kabuuan ng napakagandang location nila sa Pico de Loro.  Happy si Jak Roberto na matagal-tagal ding walang ginawang serye sa GMA at type niya ang role na isa siyang pulis kaya may mga action scenes.

 

 

Bago naman nagsimulang mag-taping si Sophie Albert, natuloy na rin ang church wedding nila ni Vin Abrenica, kaya isinama na niya sa lock-in taping ang one year-old daughter nilang si Ava Celeste, since Vin naman ay busy rin sa taping nito ng “Mga Lihim ni Urduja.”

(NORA V. CALDERON)

3 isinelda sa cara y cruz at boga sa Navotas

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal na “cara y cruz” at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Navotas City.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Ellaso, 36, warehouseman ng Brgy. 28, Caloocan City, Raniel Santos, 20, fish porter at Razel Villegas, 25, fish porter, kapwa ng Brgy. Tangos South.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na habang nagsasagawa ng covert monitoring ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Luis Rufo Jr, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Tanigue corner Kanduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng iligal na sugal na cara y cruz.

 

 

Kinumpronta sila ng mga pulis saka inaresto at nakumpiska sa mga suspek ang talong pirasong piso coin na gamit bilang “Pangara”, P1,035 bet money at isang homemade zip gun na may dalawang bala ng cal. 9mm na nakuha sa isa sa kanila.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D 1602 (Cara y Cruz) habang karagdagang kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng isa sa kanila. (Richard Mesa)

Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.

 

 

Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.

 

 

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ipapatupad ang bawas pasahe sa piling ruta sa mga siyudad na may pinakamaraming bilang ng pasahero upang na sa gayon ay mas marami pa ang matulungan ng programa matapos na mawala ang libreng sakay ng Edsa bus carousel na nagtapos noong December 31, 2022.

 

 

Sa ngayon, nag-aantay na lamang ang Land transportation franchising and regulatory board sa budget o pondo para sa nasabing programa na inaasahan na maumpisahan na sa susunod na buwan. (Daris Jose)

NEW POSTER FOR “MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING PART ONE” FEATURES EPIC STUNT

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures has just debuted the official poster for Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One starring Tom Cruise.

 

 

Check out the one-sheet art below and watch Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in Philippine theaters this July.

 

 

Watch the Teaser Trailer at: https://youtu.be/KoGS_3MbNCQ 

 

 

Watch the Stunt Featurette at: https://youtu.be/YGrrrdwF9yk 

 

 

About Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One

 

 

Paramount Pictures and Skydance present a Tom Cruise Production a film by Christopher McQuarrie, Tom Cruise in Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.

 

 

Directed by Christopher McQuarrie, based on the television series created by Bruce Geller.  Produced by Tom Cruise, Christopher McQuarrie.  Executive produced by David Ellison, Dana Goldberg, Don Granger, Tommy Gormley.

 

 

Starrring Tom Cruise, Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, Frederick Schmidt.

 

 

Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Connect with #MissionImpossible and tag paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Karuhatan.

 

 

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Robin Santos, kasama ang Station Intelligence Section (SIS) sa pamumuno ni PCPT Ronald Sanchez at 5th MFC, RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa A. Pablo Street, Brgy. Karuhatan, dakong ala-1:16 ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado.

 

 

Ani PLt Bautista, hindi naman pumalag ang akusado nang isilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong August 18, 2022, para sa kasong Rape by Sexual Assault, Acts of Lasciviousness, Violation of Sec. 5(b) of R.A. 7610 (2 counts).

 

 

Pinuri ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaarresto sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman. (Richard Mesa)