• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 5th, 2023

Marcos dadalo sa coronation ni King Charles III

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DADALO  si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa coronation ni King Charles III sa Mayo.

 

 

Ayon kay Ambassador Teodoro Locsin Jr., ang koronasyon ni King Charles at Queen Consort Camilla ay gaganapin sa Westminster Abbey sa Mayo 6, 2023 na pamumunuan ni Archbishop of Canterbury Justin Welby.

 

 

Sinabi ni Locsin na si King Charles at si Marcos ay nagkakilala dahil dati na silang magkasama sa paglalaro ng polo.

 

 

Hindi naman makakadalo si Ambassador Locsin sa coronation sa Westminster Abbey dahil ang imbitasyon ay sa mga presidente at kanilang mga asawa lamang kahit na may hurisdiksyon siya sa Republic of Ireland, The Isle of Man, Bailiwick of Jersey at Bailwick of Guernsey. (Daris Jose)

200 tauhan ng LTO-NCR West ipapakalat ngayong Semana Santa

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA  200 na mga kasapi ng Land Tranportation Office sa National Capital Region-West ang ipinakalat nila para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”.

 

 

Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III na layon ito ay para matiyak na nasusunod ng mga pampasaherong sasakyan ang Land Transportation and Traffic Code” at ilang mga batas ng hanggang Abril 10.

 

 

Pagdating naman ng Abril 11 at 12 ay magsasagawa sila ng Oplan Isnabero.

 

 

Sakop ng LTO-NCR West ang mga lungsod ng Pasay, Makati, Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa at Las Piñas. (Daris Jose)

Provincial buses pinayagan sa EDSA dumaan pansamantala

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN noong April 3 hanggang April 10 na ang mga provincial buses ay pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dumaan sa EDSA dahil sa pagdagsa ng mga motorista at pasahero sa pag-alala sa Semana Santa.

 

Ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa EDSA mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga na nagsimula noong April 3 hanggang April 10. Pinayagan silang magkaron ng “round-the-clock” na operasyon.

 

Subalit ang mga provincial buses na magmumula sa North Luzon ay kinakailangan na magtapos ang paglalakbay sa bus terminal sa Cubao, Quezon City. Habang ang manggagaling mula sa South Luzon ay dapat matatapos sa Pasay City.

 

Pinatupad na dati pa ang ganitong polisia ng MMDA noong nakaraang Christmas season noong nakaraang taon.

 

“The partial easing of the ban on provincial buses along EDSA was made to allow the provincial buses to accommodate the expected high number of passengers going to the provinces for the Lenten season and ensure the convenience and comfort of commuters,” wika ng MMDA.

 

Taong 2019 pa pinagbawalan ng MMDA ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA kung saan ang mga operators at drivers ay pinapayagan lamang na mag pick-up at drop-off ng mga pasehero sa estasyon na nasa lungsod ng Valenzuela sa Bulacan at Sta. Rosa, Laguna.

 

Noong nakaraang taon naman ay sinubukan ng MMDA na magkaron ng window hour ang mga provincial buses.

 

Inihayag din ng MMDA na ang ibang estasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay mananatiling bukas para sa mga pasahero na sasakay sa EDSA Bus Carousel kahit na walang operasyon ito. Walang operasyon ang MRT 3 dahil sasailalim ang mga couches nito sa maintenance works.

 

Ang mga sumusunod na estasyon ay bukas para sa EDSA Bus Carousel tulad ng North Avenue, Quezon Avenue, Santolan, Ortigas, Guadalupe at Buendia.

 

Samantala, sinabi naman ng MMDA na papalawigin nila ang suspensyon ng number coding scheme ngayon Semana Santa. Sa isang advisory ng MMDA, ang suspensyon ay magsisimula ngayon Wednesday hanggang April 10. Dapat sana ay bukas pa ang simula ng suspensyon habang ang April 10 ay dineklarang non-working holiday kapalit ng pagdiriwang ng Day of Valor na tumama sa Easter Sunday.

 

“This is to give motorists and commuters more time to travel to the provinces for the Holy Week,” dagdag ng MMDA.

 

Ideneklara ng Malacanang na hanggang 12:00 noon lang trabaho sa lahat ng sangay ng pamahalaan ngayong Wednesday.

 

Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River ferry service simula ngayon araw na ito at magpapatuloy sa darating na April 11.  LASACMAR

Gobyerno, target ang 300,000 ektaryang lupain na mapagkalooban ng irigasyon sa termino ni PBBM

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 300,000 ektarya ang nais abutin ng National Irrigation Administration (NIA) na mabiyayaan ng irigasyon na lupain sa buong termino ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership.

 

 

Ani Guillen, dito na papasok ang Public Private Partnership (PPP) na aniya’y makapagpapa- fast track o makapagpapabilis sa inaasam asam na lawak ng lupaing mabigyan ng irigasyon.

 

 

Ani Guillen, nasa 20,000 ektarya lamang kada taon ang nagagawang i- turn over at nais nilang lampasan ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

 

Para kay Guillen, ang PPP ang nakikita nilang makaka- ambag sa pagkakamit na 300 ektarya ng lupaing makikinabang sa irigasyon na siya namang ipinupursige ng administrasyong Marcos sa mga infrastructure projects nito. (Daris Jose)

Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.

 

 

At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.

 

 

“Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.

 

 

Ayon pa kay Aljur ay ginawa naman niya ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon.

 

 

“Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin [Kylie], ginawa niya rin lahat, in fairness,” sinabi pa rin ni Aljur.

 

 

Mutual raw ang kanilang desisyon ni Kylie na maghiwalay.

 

 

Rebelasyon pa rin ni Aljur, mahal pa rin daw niya si Kylie, pero mas makabubuti raw na itaguyod na lang nila separately ang kanilang mga anak, na sinang-ayunan din naman ni Kylie.

 

 

Inamin din ni Aljur na inakala niya noon na handa na siya sa buhay may-asawa nang pakasalan si Kylie, pero na-realize niya na hindi pa pala.

 

 

“Everything that I, you, do is may kapalit, walang kang takas dun. Wala kang takas.”

 

 

Sa kabila ng lahat, nais ni Aljur na malaman ng kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo na, “Kahit mali ‘yung mga naging desisyon ko, I did my best.”

 

 

Sa pangungumusta ni Toni sa puso ni Aljur…

 

 

“Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko, sapat. Hindi labis, hindi kulang.”

 

 

Nali-link ngayon si Aljur kay AJ Raval.

 

 

On a different note, stroke of genius ang pagka-cast kina Aljur at Gardo Versoza sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko bilang lovers; ang papel ni Aljur ay struggling male star na lover ng gay character na papel naman ni Gardo sa naturang pelikula.

 

 

May konek ang dalawa dahil gumanap sa pelikula (Machete 2) si Gardo bilang Machete noong 1994 at si Aljur naman bilang Machete rin sa GMA series na Machete noong 2011.

 

 

Palabas ito sa mga sinehan ngayong April 8 at bahagi ng 1st Summer Metro Manila Film Festival.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Publiko, pinaalalahanan sa April 26 SIM registration deadline, gobyerno, telcos dapat magsagawa ng full-blast sa sign-up drive

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA NATITIRANG tatlong linggo para ipalista ang Subscriber Identity Module (SIM) numbers, nanawagan ang isang mambabatas sa mga kaukulang government agencies at public telecommunications entities (PTEs) na magpatupad ng full-blast sa kanilang registration drives pagkatapos ng Holy Week.

 

 

Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, ito ay upang mapaalalahanan ang mga users na iparehistro ang  tinatayang nasa 100 milyong mahigit na SIM cards bago umabot ang dealine ngayong Abril 26.

 

 

Dapat magtulungan aniya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) kasama ang mga PTEs sa pagsasagawa ng full-blast sa kanilang nationwide registration drives.

 

 

“Otherwise, the government will have to extend the four-month deadline if it wants to record in the system as many numbers possible from the total SIM cards in the country whose owners have yet to register their SIMs,” dagdag ni Villafuerte.

 

 

Isa sa mga solusyon ay ang paglalagay ng mga karagdagang registration booths o assistance desks lalo na sa mga malalayong lugar.

 

 

Puwede rin aniyang manghingi ng tulong o suporta ang NTC at PTEs mula sa local government units (LGUs), particular na sa malalayong komunidad na may mahinang internet connection para sa paglalagay ng registration booths sa kani-kanilang lokalidad.

 

 

Naiulat sa NTC website na nitong nakalipas na weekend o tatlong linggo bago ang deadline,  nasa 57.19 million SIM cards ang nakapagparehistro sa tatlong PTEs, na tanging 34 % sa tinatayang 168.977 million SIMs sa buong bansa.

 

 

Nasa 28.97 million SIM card owners ang nakapagpalista sa Smart Communications Inc.; 23.83  million sa Globe Telecom Inc.; at 4.38 million naman sa DITO Telecommunity Corp. (Daris Jose)

Teves, ‘pinaka-utak’ sa Degamo slay – DOJ

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINURO na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.na siyang pangunahing ‘utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.

 

 

Habang ang nadakip na isa pang ‘utak’ na si ex- military reservist Marvin Miranda na kung baga sa pelikula ay siyang nagsilbing ‘direktor’ sa naganap na krimen.

 

 

Sa press conference sa Camp Crame, inihalintulad ni Remulla ang papel ni Miranda na ‘casting director/director’ sa pagpaslang kay Degamo, habang si Teves na nasa ibang bansa nang panahong iyon ay itinuro naman niya na siyang ‘executive producer’.

 

 

“Kung sa sine, Cong. Teves is the executive producer and producer and he (Miranda) is the director and casting director,” ayon kay Remulla.

 

 

Si Miranda umano ang itinuro ng ibang mga suspek na siyang nag-recruit, nangontrata sa kanila at humagilap ng mga armas.

 

 

Sa akusasyon ng ‘warrantless arrest’, iginiit ni Remulla na ang pagkakadakip kay Miranda ay resulta ng ‘hot pursuit ope­ration’ dahil sa pinaghahanap ang suspek mula noon pang Marso 4, na siyang araw ng pagpaslang sa mga biktima.

 

 

Idinitalye naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. ang relasyon ni Miranda at ni Congressman Teves.

 

 

Lumilitaw na matagal nang naninilbihan bilang security at bodyguard ni Teves si Miranda.

 

 

Sabi ni Abalos, napaka­halaga ang naging papel ni Miranda sa pagpaplano gayundin sa mismong pagpatay kay Degamo, lalo at malakas ang ugnayan nito kay Rep. Teves.

 

 

Dagdag pa ni Abalos, na sumusunod si Miranda sa tinatawag niyang “boss idol, big boss o kalbo” na siyang sumagot aniya ng material support sa pagpatay kay Degamo.

 

 

Sa kasalukuyan ayon kay Abalos, nasa 12 nang mga suspek sa pagpatay kay Degamo ang accounted, at 11 dito ang hawak na ng National Bureau of Investigation habang isa naman ay napatay sa follow-up operations.

 

 

Pagbubunyag pa ni Abalos, nakapangalan din kay Rep. Teves ang isa sa mga baril na nakumpiska sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa HDJ Compound, na pagmamay-ari naman ng kapatid ng mambabatas na si dating Negros Gov. Pryde Henry Teves.

 

 

Kasalukuyang sinusuri pa ng DOJ ang testimonya ni Miranda na kumuha umano ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) at hindi isang pribadong abogado.

 

 

Una nang inihayag ni Remulla noong nakaraang Biyernes na nadakip nila sa labas ng Negros Oriental ang isa sa ‘main player’ sa pagpaslang kay Degamo. Dahil sa pagkakadakip na ito, itinuturing niya na ‘99%’ nang solved ang kaso.

 

 

Nananatiling nasa ibang bansa ang kongresista dahil sa umano’y panganib sa kaniyang buhay. Una na ring itinanggi ni Teves ang akusasyon laban sa kanya. (Daris Jose)

THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

 

THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION
As we face life’s challenges…in the midst of our busyness…
we are invited to take an opportunity to reflect on the personal
meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s
Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy
Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; Holy Thursday, April 6,
9:00am-12:00nn and Holy Friday, April 7, 9:00am-12:00nn…
with Bishop Emeritus Ted Bacani, Fr. Jerry Orbos, Fr. Anton
Pascual, Fr. Bong Guerrero and Sis. Techie Rodriguez. This is
OPEN TO ALL & for FREE…happening at no.5 Catanduanes
St. near corner of West Ave. and Del Monte Ave., Q.C. For more
details, you may call 8376-5780 or visit the Facebook Page: The
Lord’s Flock Catholic Charismatic Community.

Nagulat na napiling maging part ng ‘Voltes V’: JULIE ANNE, na-challenge sa pagkanta ng OG Japanese theme song

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang napiling kumanta ng original Japanese theme song ng “Voltes V: Legacy.”  

 

 

Ikinagulat iyon ni Julie Anne at nasabi niyang, “parang wow!” from ‘Maria Clara’ tapes ngayon naman, ‘Voltes V’ siyempre isang malaking karangalan talaga kasi I’m singing it in Japanese, like ‘yung mismong theme song talaga!”

 

 

“It’s harder than I thought it would be. Challenge din ulit siya for me kasi nga ibang language itong aaralin ko, tapos wala naman akong masyadong alam sa Japanese language, iba kasi yung twang nila, so I also had to really listen and study it.”

 

 

Nagkataon namang fan pala si Julie Anne ng anime series since she was young, kaya talagang na-excite to be a part of the biggest live action series this 2023.

 

 

***

 

 

MASAYANG humarap sa entertainment press si Senator Bong Revilla, Jr. matapos ang successful operation na kung saan tinanggal ang mga gall bladder stones na siyang naging cause ng sobrang sakit ng kanyang tiyan.

 

 

After three days ay na-discharge na siya at pinayuhan lamang ng kanyang doctor na mag-rest for at least three weeks at bawal muna ang strenuous activities.  Tamang-tama naman dahil naka-recess ngayong Holy Week ang Senado. Kasama ni Sen. Bong ang wife niyang si Cong. Lani Mercado-Revilla.

 

 

Nagpasalamat si Sen. Bong sa lahat ng mga nagdasal para sa early recovery niya.

 

 

Nabalita noon na gagawa muli ng isang serye si Sen. Bong sa GMA Network.

 

 

Ayon sa Senador, “naghahanda na kami sa isang action-comedy series na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ na una naming ginawa movie noon ni Lani.

 

 

“Pero secret pa kung sino ang magiging leading lady ko, ang GMA ang mag-a-announce, pero hindi ko pa siya nakatambal.  Magsisimula na kaming mag-taping this end of April or first week of May, dahil by June na ang airing nito.”

 

 

Bale advance birthday celebration na rin ni Cong. Lani ang tsikahan dahil she will turn 55 years old sa April 13.

 

 

Wish lamang niya ay good health para sa buo niyang pamilya at ang gusto raw lamang niyang gift from Sen. Bong ay ‘quality time.’  Sa Palawan sila magpapalipas ng Holy Week.

 

 

***

 

 

NAGING busy ang Twitter matapos makabalik na mula sa kanyang Chicago, USA vacation si Kapuso Primetime Princess, Barbie Forteza, na tamang-tama namang natapos na last Sunday, April 2, ang “Lady & Luke” episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko” na muli nilang pinagtambalan ni Pambansang Ginoo David Licauco.

 

 

Natupad ang wish ng mga #FiLay loveteam nina Barbie at David, na magkaroon agad ng follow-up project ang mga idolo nila.  Katuparan din naman ito ng wish ni David, na sa bagong project na gagawin niya ay si Barbie muli ang makatambal niya.

 

 

“I respect Barbie so much, I admire her work ethics and her as a person.  I’m just so excited for this partnership.” Ang binanggit ni David ay ang unang pagtatambal nila ni Barbie sa isang movie na ididirek ni Cathy Camarillo for Pocket Media Productions.

 

 

Wala pang sinabing title ng movie, pero sa first day na nagkita sina Barbie at David, nagulat sila na may look-test na sila.  Ayon kay Barbie role daw ng isang matchmaker ang gagampanan niya.  Sa naturang meeting na-meet din ni David ang parents ni Barbie.

 

 

This Holy Week ay muling pupunta sina Barbie sa Bohol (with Jak Roberto?) pero si David ay pupunta lamang sa Tagaytay with his family.

 

 

(NORA CALDERON)

Bianca, gustong i-feature ang ‘journey’ ni Vhong: Success story ni MADAM LYN, sobrang nakaka-inspire

Posted on: April 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WINNER na winner ang grand launch ng TOP SHELF Magazine na ginanap sa Quezon 2 & 3 function rooms ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Linggo, Abril 2.

 

Proud na proud ang newest business and lifestyle magazine sa pagpi-feature nang nakaka-inspire na TOP entreprenuers at professionals na pina-publish ng Velvet Media Inc.

 

Para sa ikalawang isyu ng Top Shelf, in-unveil ang cover na tungkol sa ’empowered woman’ na si Madam Lyn Macanas, ang CEO at Presidente ng Chrizmarie Builders and Construction Supply.

 

Ayon sa marketing director na si Bianca Lapus, na nagsusulat din sa Top Shelf, nakapukaw ng pansin sa kanila ang istorya ng buhay at tagumpay ng businesswoman, na single mother na may apat na anak na babae at isang anak na lalaki, na nagsumikap para makilala at manguna sa isang industriyang pinangungunahan ng mga lalaki.

 

Pahayag ni Bianca, “Our purpose kasi is maka-inspire ng maraming tao. There is so many inspiring stories like that of Madam Lyn na masarap mabasa.”

 

At sa daming problema sa mundo, at nakalulungkot, naisip nila ng partner na si JJ Maghirang, na maglabas ng magazine na tungkol sa business, fashion, lifestyle at may inspiring stories.

 

Ayon kay Madam Lyn, hindi siya makapaniwala na gustong i-feature ang story niya at siya pa ang magiging cover ng second issue. Sa paningin niya ay ordinaryong tao lang siya nagsumikap.

 

“Sabi ko, ano bang meron sa buhay ko. Mahirap kasi na pribado kang tao, tapos may ganito at sa dami ng struggle na pinagdaanan ko.

 

“Kaya noong kinukulit na nila ako, nagdasal ako, siguro wala namang masama kung pauunlakan ko sila. Kasi sa istorya ko, baka sakali, lalo ‘yung mga kababaihan, baka may mapulot silang aral at maging inspirasyon.”

 

Sobra ngang nakaka-inspire ang kuwento niya, lalo nga’t matagumpay niyang napasok ang mundo na pinangungunahan ng mga kalalakihan.

 

“Kumbaga, ano ang alam ko dyan (construction)? Pero naisip ko, lahat naman ng bagay, pag ginusto mo, kahit hindi mo linya, magagawa mo pala.

 

“Kaya nung sinabi nila na ituloy yun sa Top Shelf, sabi ko okay lang. Kasi gusto ko rin i-empower ang mga babae, na hindi puwedeng minamaliit lang.”

 

Kaya ‘yun ang naging dahilan kung bakit siya napapayag na ibahagi ang kanilang pinagmulan, na nagsimula sa pagiging OFW, nagkaroon pa ng jewelry business at sa matagumpay na contruction companies na pinasok na rin ng dalawa niyang anak.

 

Samantala, sa maiden issue ng Top Shelf, si Gigi de Lana ang napiling cover, na present din sa event, na kung saan nagkaroon ng mini concert na labis na ikinatuwa ng mga guests.

 

Tsika pa ni Bianca, marami na silang naka-line up. Ang susunod nilang celebrity cover, ay ang actress, director, writer at entrepreneur na si Bela Padilla.

 

Pagbabahagi pa ng dating aktres, “sana mag-yes si Vhong (Navarro). Sabi ko baka gusto mong ilabas naman ang journey mo.”

 

Mababasa rin sa sophomore issue ng Top Shelf ang mga empowered women na sina Miss Supermodel Worldwide 2022 Alexandra Rosales, Miss Supermodel Philippines 2023 Dr. Shryla Santos Nunez, at Undersecretary for Legal and Special Concerns of DOT na si Atty. Elaine Nathan.

 

Featuring sa travel section ang our very own Camotes Island at ang 5 cities of Italy. Sa event section tunghayan ang coronation night ng Miss Supermodel PH (franchise by Velvet Media) led by a woman National Director na si Mae Evelyn Maghirang, na siya ring circulation manager ng Top Shelf.

 

Mabibili na ito sa lahat ng bookstores at para sa worldwide circulation pumunta lang sa www.magzter.com at bisitahin din ang kanilang website na www.topshelf.asia.

(ROHN ROMULO)