• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 18th, 2023

Nicholas Hoult, the Downtrodden, Perpetually Abused Henchman of Dracula in ‘Renfield’

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

A wildly creative take on vampire mythology, “Renfield” stars Nicholas Hoult as the downtrodden, perpetually abused henchman of Dracula (Nicolas Cage).

 

After serving his exploitative master for decades, Renfield grapples with an everlasting-life crisis, no longer willing to do Dracula’s bidding but unsure how to forge his own path.

 

This changes when he meets New Orleans cop Rebecca (Awkwafina), a principled officer tackling unresolved anger issues, determined to bring down the city’s most powerful crime family, led by Bellafrancesca Lobo (Shohreh Aghdashloo) and her son Tedward (Ben Schwartz). Inspired by Rebecca’s stand for justice, Renfield envisions a brighter future, one where he might escape his nightly servitude and rejoin the living.

 

After more than a century of servitude, Renfield longs to be away from all-powerful Dracula, but the vampire has no intention of allowing Renfield to walk free. It’s a situation that’s left Renfield feeling largely hopeless and unhappy. The role is portrayed by Emmy nominee Nicholas Hoult. Hoult immediately zeroed in on Renfield’s emotional core. “Renfield’s just exhausted with the prospect of continuing to do Dracula’s dirty work,” Hoult says.

 

“He’s worn down, beaten down and looking for an escape or some sort of spark to return to his normal life and what he misses. It’s a toxic relationship between Renfield and Dracula—they’ve been together for so long and they really know how to push each other’s buttons and work against each other.”

 

Few actors commit to a role the way Academy Award®-winner Nicolas Cage does, and his outsized presence made him an obvious choice to take on the iconic role of Dracula. Not to mention, he had previously embraced his inner bloodsucker very early in his career, for the 1988 cult favorite Vampire’s Kiss.

 

For Cage, the challenge lay in tapping into the complicated dynamic between his character and Hoult’s—finding the nuances of their rapport while remaining true to both the horrific and comedic moments.

 

“The subject matter itself is not funny, it’s disturbing,” Cage says.

 

“But at the root of it, there is a kind of love there. And then there are moments where it’s just abuse. It’s the dark side of human relationships that we’re exploring in this. That’s not an easy subject to take on, and certainly, to give it the spin of comedy, it’s tricky.”

 

As Renfield battles his toxic relationship with Dracula, New Orleans police officer Rebecca faces her own struggles. Portrayed by Awkwafina, known for her roles in Crazy Rich Asians, The Farewell, and Marvel’s Shang-Chi and the Legend of Ten Rings, the rapport between Hoult and Awkwafina feels genuine, as both actors enjoyed working together.

 

“Nick Hoult is the perfect leading man,” Awkwafina says. “His energy is magnetic, and what he’s bringing to this character is a level of humor that is really hard to embody. I found myself cracking up all the time when I was working with him.”

 

A Universal Pictures International release, “Renfield” will open in PH cinemas on April 26.

(ROHN ROMULO)

Ngayong nasa wastong edad na: JILLIAN, mas may pressure sa sarili dahil gustong mag-improve

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG eighteen years old na si Jillian Ward na nagkaroon ng isang pabulosong debut party noong February 25 sa Cove ng Okada Manila.

 

 

Ano ang maituturing ni Jillian na malaking pagbabago sa kanyang personal na buhay ngayong disiotso anyos na siya?

 

 

“Sa totoo lang po, wala po masyado.

 

 

“Siguro po kasi since bata po ako nagwu-work na po ako, so alam ko na po yung mga responsibilities na kailangan ko pong… na naibibigay po sa akin.

 

 

“Siguro lang po mas may pressure po sa sarili ko, kasi siyempre gusto ko pong mag-improve pa, and gusto ko po na mas galingan ko pa, na mas marami pa po akong matutunan, since adult na rin po ako ngayon.

 

 

 

“So iyon po, mas may pressure lang po sa sarili, pero other than that po parang pareho lang din naman po.”

 

 

Karamihan sa mga bagong nagdadalaga, mas binibigyan na ng kalayaan ng kanilang mga magulang; si Jillian ba ay katulad rin ng ibang mga babae?

 

 

Mas pinapayagan na ba siyang lumabas ng medyo hatinggabi na? Pinapayagan na ba siyang magmaneho na hindi kasama ng parents niya?

 

 

“Alam niyo po, ever since po, never po akong lumabas na hindi ko po kasama either si Mama or si Papa or Tita ko po, ganun.

 

 

“So parang istrikto pero mas naiintindihan po nila ngayon na kunwari gusto ko pong gumala pero kasama ko pa rin po sila, at bawal daw po akong mag-drive kasi tatakas daw po ako,” at tumawa ang magandang Sparkle actress.

 

 

“At natatakot po sila baka kung ano daw po mangyari sa akin, pero si Mama’t si Papa po sa totoo lang po ngayon hindi po sila sobrang istrikto na kasi nga po dahil nga lagi ko po silang kasama, marami na po akong natutunan sa kanila.

 

 

“So ako na po mismo sa sarili ko, ako na po yung nagsasabi na eto po yung gagawin ko, mali po yan, mali ito, ganyan, natuto na po sa ako sa kanila.

 

 

“So minsan nga po parang inaano nila lumabas ako, mag-enjoy daw po ako, pero sinasabi ko po hindi, gusto ko po muna na mag-focus sa work, ganyan.

 

 

“So ako na po mismo sa sarili ko may disiplina na po.”
Bida si Jillian sa toprating GMA series na Abot Kamay Na Pangarap kasama sina Carmina Villarroe, Richard Yap, Dominic Ochoa, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Wilma Doesnt at si Dina Bonnevie.
Ito ay sa direksyon ni LA Madridejos. 
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong nakaraang  taon.

 

 

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PMGen. Eliseo Cruz, Director for Investigation and  Detective Management (DIDM) na mahaharap sa kasong criminal dahil sa paglabag sa Sections 21, 27, at 92 ng RA 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act at grave neglect of duty at grave dishonesty sa kasong administratibo ang mga opisyal at tauhan ng PDEG kabilang si Domingo at PCol. Julian Olonan na hepe ng Region 4A.

 

 

Ayon kay Cruz, lumilitaw din sa pagsisiyasat ng Special Investigation Task Group 990 na umaabot sa mahigit 1 tonelada ang shabu. Aniya ang 990 kilo ay bahagi lamang ng umano’y kinupit ng mga tauhan ng PDEG.

 

 

“Yes it was 990 kilos, plus the 42 kilos and plus the missing. That’s the mathematical explanation on that,” ani Cruz.

 

 

Tiniyak din ni Cruz na patuloy ang kanilang imbes­tigasyon dahil sa lawak ng istorya ng 990 kilo ng shabu.

 

 

‘Yung pilferage, nakita na naman ‘yung mga may kasalanan kaya dapat isampa na ang mga kaso… Nai-submit na natin ito sa PNP chief at NAPOLCOM…”, dagdag pa ni Cruz.

 

 

Ibinunyag din ni Cruz na si PCapt. Jonathan Sosongco ang “nagkukumpas” sa isinagawang anti drug operation. Si Sosongco ang lider ng arresting team na nagresulta ng  pagkakasabat ng  shabu at pagkakaaresto kay Mayo.

 

 

Paliwanag ni Cruz, unang inakala na nasa 30 kilo ng shabu ang nawawala. Subalit nang isurender ito ni PMaster Sgt. Jerrywin Rebosora, lumitaw na umaabot sa 42 kilo ang nasa inabandonang kotse sa harap ng Camp Crame.

 

 

Makikita sa CCTV vi­deo na pinagtulungan nina Rebosora at dalawa pang pulis ang paglalagay ng maleta sa compartment ng kotse.

 

 

Bukod pa ito aniya sa pabalik-balik na motorsiklo na gamit din ng iba pang pulis.

 

 

Nilinaw din ni Cruz na malaki ang responsibilidad ni Domingo dahil mga tauhan niya ang nagsagawa ng drug operations. Ani Cruz, tila naging bulag si Domingo sa kilos at desisyon ng kanyang mga tauhan at hindi gumawa ng aksiyon upang papanagutin ang mga ito.

 

 

“You can be punished for what you have done and also can be punished by what you have not done. We expect him (Domingo) to do the thing that should have been done by a Director (of PDEG) to prevent or even the recovery of these 42. He should have addressed that,” dagdag pa Cruz.

 

 

Nabatid pa kay Cruz na pinadidisarmahan na rin sina Domingo, Sosongco at 47 pang mga police officials. (Daris Jose)

PBBM, nakasubaybay sa pagpasok ng P3.48-T investment pledges- BOI exec

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDS-ON si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit na P3.48 trillion investment pledges para sa  Maynila na na-secure sa kanyang foreign trips.

 

 

Hangad ng Pangulo na magma-materialize at makalilikha ng hanapbuhay “as soon as possible”.

 

 

Sa ginanap na  Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni Board of Investments (BOI) Executive Director for Investments Promotion Services Evariste Cagatan  na mahigpit na naka-monitor ang Pangulo para makapagbigay ng tulong upang “fast-track” ang pagpasok ng mga investors sa bansa.

 

 

“Investment leads pa lang iyan so marami pang kailangang gawin para tuluyang matuloy ‘yong mga pledges,” ayon kay Cagatan.

 

 

“Ang pangulo talagang binabantayan niya ‘yong pledges na ito na binigay sa kanya. So tinitingnan namin kung ano ‘yong mga balakid bakit hindi kaagad makapasok,” dagdag na wika.

 

 

Ang mga hamon aniya ay  “range from securing permits to the need for vast tracts of land and hiring employees with the right set of skills for their businesses.”

 

 

“The Philippines has so far secured USD62 billion or approximately PHP3.48 trillion in investment pledges since Marcos’ first official foreign travel in 2022,” ayon sa ulat.

 

 

“Most of these, for example, the US trip, marami nang pumasok at na-register na natin sa BOI at PEZA (Philippine Economic Zone Authority),” ayon kay Cagatan.

 

 

“But you must understand na ‘yong investment kapag ginawa ‘yong pledge ngayon, not necessarily bukas nandiyan na siya. Medyo mahaba ‘yong gestation,” dagdag na wika nito sabay sabing “while monitoring these pledges, the government also continues to attract local and foreign investors by positioning the country as an ideal destination to achieve their Environmental, Social and Governance (ESG) goals.”

 

 

“(I)yong mga investors ngayon, hinahanap nila kung saan sila puwedeng mag-invest wherein masasagot nila iyong kanilang ESG goals. So iyon ‘yong offer ng Philippines na kung dito sila maglo-locate,” aniya pa rin.

 

 

Sa BOI lang, ang investment approvals mula Enero hanggang  Marso ay umabot na sa P463.3 billion, tumaas ng  155%  mula sa  P181.7 bilyon na nakatala sa kahalintulad ng nakaraang taon.

 

 

Sinabi ni Cagatan na ang malaking bahagi ng  investments ay nasa renewables.

 

 

“(This) is 40 percent of our original target for approval for the year that is PHP1 trillion. And because we are already at that level, our target this year climbed to PHP1.5 trillion,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Alinsunod sa temang “PRC is always first, always ready, and always there in service for humanity”, inilunsad ang programa upang isulong ang programang Red Cross 143 sa lahat ng barangay sa lalawigan at hinihikayat ang bawat pamilya na magkaroon ng isang responder upang palakasin ang misyon ng PRC na magbigay ng humanitarian aid sa mga nangangailangan.

 

 

Bilang isa sa mga sumusuporta sa adbokasiya, ipinaabot ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang suporta sa nasabing layunin sa kanyang mensahe na binasa ng kanyang kinatawan na si James Santos.

 

 

Hinikayat din niya ang mga Bulakenyo na suportahan at isulong ang bolunterismo sa lalawigan.

 

 

Ang ating gobernador ay patuloy na nakikiisa sa mga ganitong aktibidad sa lalawigan ng Bulacan, sa katunayan ay napakahalaga pong yugto ang unity walk para sa inyo sapagkat naipapakita ninyo sa inyong lipunan ang pagkakaisa, ani Santos.

 

 

Nakiisa rin sa paglalakad si Iana Khrys Godoy, isang second-year nursing student, at kanya ring hinikayat ang mga kabataan na lumahok at suportahan ang mga adbokasiya at programa ng PRC.

 

 

“Pumunta po ako dito dahil gusto ko pong sumama sa walk for humanity. Bilang kabataan, tayo ang magsisimula ng pagtulong sa ating kapwa. Itong walk for humanity, hindi lang po ito for clout, nanghihikayat po tayo ng kapwa nating mga Bulakenyo upang matulungan ang mga ito. bawat isa, ani Godoy.

 

 

Dinaluhan din ang programa nina Provincial Social Welfare and Development Office Head Rowena J. Tiongson, Bulacan State University President Cecilia Navasero-Gascon, Congresswoman Lorna C. Silverio, PRC Board of Directors na sina Raymundo Carlos, Bartolome Agustin, Annabelle Talusan, Rosalie Lava, Josefina Natividad at Dr. Erwin Tecson at iba pang mga boluntaryo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads April 18, 2023

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

3 tulak arestado sa P400K shabu sa Caloocan

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Ditrict Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Dennis Odtuhan ang naarestong suspek na si Arnel Laguit, 38 ng Blk. 37 Lot 9, SRCC Garden Ville , Graceville 4, San Jose, Bulacan.

 

 

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng DDEU ng impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya ikinasa nilang ang buy bust operation sa Quirino Highway Cor. Ascoville, Brgy. 185, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Laguit dakong alas-12:05 ng hating gabi.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, nadakip naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ruben Lacuesta sa buy bust operation sa PH8B LOT 42 Bagong Silang Barangay 176, alas-2:50 ng madaling araw sina Divina Ampatin, 45, at Rodolfo Anoba, 47.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakuha sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P68,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 at siyam pirasong P1,000 boodle monet at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr, ang DDEU at Caloocan CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Richard Mesa)

Dengue sa tag-init, babala ng DOH

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga lamok na naghahatid ng dengue dahil hindi umano pinalalagpas nito ang panahon ng tag-init sa pagpapakalat ng sakit.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na marami ang nag-aakala na tuwing tag-ulan lamang umaatake ang mga lamok na may dengue. Ngunit hindi ito ang kaso sa Pilipinas tuwing tag-init.

 

 

“Ang dengue po dito sa Pilipinas ay endemic. Ibig sabihin, whatever type of season or month, ay nangyayari ang dengue sa bansa,” saad ni Vergeire.

 

 

Ipinaliwanag niya na tuwing tag-init kung kailan kapos ang suplay ng tubig, marami sa tao ang nag-iimbak ng tubig sa mga dram, palanggana, at timba nang hindi tinatakpan. Dito umano nangi­ngitlog ang mga lamok kapag naging ‘stagnant’ ang tubig.

 

 

“So, iyon pong ating iniipon na tubig ay clear at stagnant iyan. Kailangan takpan ng lahat ng sisidlan ng tubig  para maiwasan ang mga lamok ay magmultiply at magkaroon sa ating kabahayan,” payo ng opisyal.

 

 

Ipinaliwanag niya na tuwing tag-init kung kailan kapos ang suplay ng tubig, marami sa tao ang nag-iimbak ng tubig sa mga dram, palanggana, at timba nang hindi tinatakpan. Dito umano nangi­ngitlog ang mga lamok kapag naging ‘stagnant’ ang tubig.

 

 

“So, iyon pong ating iniipon na tubig ay clear at stagnant iyan. Kailangan takpan ng lahat ng sisidlan ng tubig  para maiwasan ang mga lamok ay mag-multiply at magkaroon sa ating kabahayan,” payo ng opisyal.

 

 

Mula Enero 1 hanggang Marso 18, nakapagtala na ang bansa ng  27,670 kaso ng dengue.  Mas mataas ito ng 94% kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong mga buwan na uma­bot sa 14,278.

 

 

Karamihan sa mga bagong naitalang kaso ay sa National Capital Region (3,898), Central Luzon (3,053), at Davao Region (2,707). (Daris Jose)

Sobrang nakaka-touch ang IG post: SYLVIA, ligtas na sa pagyayaya ni ARJO dahil kay MAINE

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG nakaka-touch ang latest post ni Sylvia Sanchez sa kanyang IG account na para sa kanyang soon to be daugther-in-law na si Maine Mendoza.

 

Kasama ang isang short video habang nakasakay sa roller coaster si Cong. Arjo Atayde na sumisigaw habang natatawa at Maine na cool at kampante lang.
Panimula ng premyadong aktres, “Watching this brings back so many memories! 😅

 

 

“Dati pag gusto mong mag roller coaster, ayaw mong sumakay mag isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na bata palang. Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha.”

 

Dagdag pa ni Sylvia, “Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo.

 

“Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy!

 

“Thank you, Maine ❤️ My heart is full! Love you both.

 

Nag-reply naman ang actor, “thank you ma!!! 🤗 I love you more ❤️” at pinusuan naman ito ni Maine.
Ganun ang reaction ni Bea Alonzo sa post ni Sylvia.

 

Totoong-totoo naman ang pinost ni Sylvia, dahil nasaksihan namin ito.

 

Na ganun talaga siya katapang ang aktres sa mga rides at wala talagang inuurangan, kaya siya palagi ang kasama at niyaya ng mga anak, pati na ang mga pamangkin.

 

Ramdam din namin ang pagsigaw ni Arjo sa tuwing sasakay mga nakakatakot na rides, dahil ganun din ang ginagawa namin, para ma-enjoy at bawasan ang takot.

 

Kaya naman marami rin ang humahanga kay Maine na chill na chill lang siya, habang ang dyowa niya ay ang sarap ng pagsigaw at pagtawa, kaya kitang-kita ang kaligayahan niya sa mga sandaling ‘yun.

 

Anyway, ang gaganda ng mga comments sa post na ito ni Ibyang at marami talaga ang natuwa at na-touch.
Say ni Sunshine Garcia, “awww apaka sweet na mother inlaw❤️❤️”

 

Comment ni Christine Bersola-Babao, “At nakakabilib si Maine ksi sya chill lang! Parang dedma sa thrill ride! Hahaaha! Kung ako yan wala na akong boses sa kakasigaw!! 😂”

 

Sabi naman ng cousin na si Marivic Nieto, “Naiyak naman ako dun cousz…. It’s so hard to feel that you have to let go but on the other hand masaya ka kasi he finally found his real happiness n his forever pero siyempre ang Nanay pa din ang #1”

 

Narito pa ang comments ng netizens at followers ng ArMaine…

 

“@mainedcm You are so blessed with this beautiful and loving family. God bless you and congressman @arjoatayde”
“Hahaha si meng parang wala lang dpt kay meng pasakayin sa trip to mars tignan ko kung ganyan pa din reaction nya haha ✌️😆😂 si arjo tlaga nag dala hahaha 😂😂😂 love i both #Armaine ❤️❤️”

 

“I used not to like arjo for maine…simply because i’m an aldub fan…but seeing maine is so happy and arjo makes maine happy…gusto ko na din sila…i wish you both happiness forever❤️”

 

“Sana all…Sana ganyan dn ako tulad ni Maine if makasakay ako ng roller coaster…chill at kalma lng…😂..”

 

“Tagos sa heart ang message ❤️”

 

“Paano kaya napipigil ni Maine na di sumigaw? Grabiii ka @mainedcm 😂❤️”

 

“This is so touching, and am happy because Arjo finally find someone as strong and kind hearted like his mom to be his constant adventure buddy. Truly Maine and Arjo are made for each other.”

 

“Awsss Nay Ibyang naiyak nmn po ako… pero ganon pa man po maraming salamat din sainyo dahil minahal at inalagaan nyo po si maine at nakita ni maine ang tao nagmahal sa knya ng tapat po..soon may aalagaan napo kyo.”
“Awwwwww…every time magg caption po kayo,feel na feel ko..napaka swerte ni Maine sa mother in law..at sobrang napala swerte ng magiging anak ni Maine❤️❤️❤️”

 

“Super admire ko si ms.@sylviasanchez sa pagihing super mom❤️🙏”

 

Sabi naman ng isang taga-Kenya, “Hello Sonia 👋..u are the best mom on our screens and I hope in real life too…”
Anyway, patuloy ngang pinalalabas ang huling serye na nagawa ni Sylvia sa iba’t-ibang bansa, ang ‘Huwag Kang Mangamba’ na kung saan gumanap siyang Barang at iba pa niyang teleserye tulad ng ‘Hanggang Saan’ bilang Sonia.
For sure, marami na rin ang naiinip kung kailan siya muling gagawa ng teleserye.

 

Pero inaasahan na baka magkaroon siya ng serye this year.

 

Aminado si Sylvia, after ng magkakasunod na tumatak na character, nagiging mapili lang sila ng kanyang manager na si Arnold Vegafria sa role na tatanggapin.

 

Kaya kailangan na kakaiba ito at hindi pa niya nagagawa. Na kung saan masusubukan na naman ang husay niya sa pag-arte.

 

Kaya abang-abang na lang tayo sa i-announce ng kanyang mother studio.

 

Samantala, inaabangan din kung kailan maipalalabas ang international series ni Arjo na ‘Cattleya Killer.”

 

Ganun ang prinoduce nilang action movie na ‘Topakk’ na pagtatambal nina Arjo at Julia Montes, na mula sa direksyon ni Richard Somès.

 

This May, maghahanap sila ng international distributors sa Europeam Film Market na ginaganap sa Cannes, France.

(ROHN ROMULO)

Speaker Romualdez ipinapanukala ang PH-US-India partnership sa pagtatayo ng digital public infrastructures

Posted on: April 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng partnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang kanyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makausap nito si Mr. Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company ang Infosys.

 

 

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.

 

 

Binigyang-diin ni Spealer na ang pagtatayo ng public digital platforms ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ng Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.

 

 

Ipinunto ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo at magkaroon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.

 

 

Sa kabilang dako, binati naman ni Speaker ang economic team ng Pang. Marcos na matagumpay na naiprinisinta ang economic situation ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington. (Daris Jose)