Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
DAHIL sa maliit na seafood business ni Neil Ryan Sese noong magkaroon ng pandemya, nagbunga na ito sa pagkakaroon ng isang malaking farm sa Zambales.
Ito ang naging kapalit ng sipag, tiyaga at tiwala ng aktor sa Diyos noong simulan niya ang K&G Seafood noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.
Nahinto kasi ang lahat ng trabaho sa showbiz sa unang anim na buwan ng pandemya kaya naisipan ni Neil na magbenta at mag-deliver ng iba’t ibang seafoods gamit lang ang kanyang bisikleta.
“Nag-start ‘yung K&G Seafood noong pandemic so kailangan mo ng ibang pagkakakitaan so sabi ko mahilig kasi talaga ako sa seafood e so dapat kung magbi-business ka dapat ‘yung gusto mo.
“Akala natin ‘yung COVID parang three months lang max ang itatagal so ang akala namin ‘yung business na ‘yun siguro habang pandemic lang tapos tumagal nang two years tapos dumami ‘yung orders no’ng na-guest ako sa ‘Eat Bulaga’ sa Bawal Judgmental,” sey pa niya.
Thankful si Neil sa mga kaibigan niya sa showbiz na sinuportahan ang kanyang negosyo. Kaya hindi raw magiging success ang negosyo niya kung walang nagtiwala sa kanya, kabilang na rito sina Vic Sotto, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Camille Prats, Carlo Gonzalez, at marami pang iba.
Ngayon ay balik na sa normal ang trabaho sa showbiz at kasama si Neil sa cast ng ‘Voltes V: Legacy.’ Pero tuloy pa rin daw si Neil sa seafood business niya.
“Hangga’t may nag-o-order, tinuloy ko pa rin siya kasi sayang saka maganda talaga kaya okay pala ang kita ng seafood eh. Kung hindi naman kasi nag-pandemic, ‘di ko naman maiisip na gawin itong business.”
***
NAG-WORRY ang mga kaibigan at pamilya ng former Hollywood teen actor na si Drake Bell dahil na-report itong missing at baka nasa panganib ang buhay.
Ayon sa Daytona Beach police, si Drake raw ay “considered missing and endangered.” Huling nakita ang aktor na nagmamaneho ng 2022 grey BMW noong nakaraang Wednesday at 9 PM sa area ng Mainland High School.
Ilang beses na kasing nasangkot sa gulo si Drake na nakilala dahil sa Nickelodeon show na Drake & Josh. Nabigyan ito ng probation para sa attempted child endangerment case, in which he pled guilty. Nagkaroon din siya ng inappropriate conduct sa isang club with a girl under 18 years old na nakarelasyon niya online.
Meron din siyang DUI arrest noong 2015 at may physical abuse case siya involving a woman na nakarelasyon niya ng limang taon. He also filed for bankruptcy back in 2014.
Pero natapos din ang search sa aktor nang may witness na nagsabi sa pulis na nakita si Drake sa SeaWorld in Orlando, Flordisa kasama ang anak nito.
Nasa mabuting kalagayan daw ang aktor at hindi raw ito sumasagot sa mga messages sa phone niya dahil pinlano niya ang tahimik at cellphone-free day kasama ang kanyang anak.
(RUEL J. MENDOZA)
MALUGOD na tinanggap ng isang grupo ng mga guro sa buong bansa ang hakbang ng Department of Education na ihinto ang paggawad ng pinakamahusay na Brigada Eskwela implementers para sa school year na ito.
Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sinusuportahan nito ang desisyon ng DepEd kasunod ng mga ulat ng mga guro na napipilitan na humingi ng mga donasyon at maglabas ng kanilang sariling pera upang pagandahin ang kanilang mga paaralan.
Ang isang memorandum ng DepEd na inilabas noong Marso ngunit ginawang magagamit lamang sa publiko noong Abril ay nagsasaad na ang paghahanap para sa pinakamahusay na mga tagapagpatupad ng Brigada Eskwela ay matatanggal bilang tugon sa mga isyu at alalahanin sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela Program.
Kaugnay niyan, sinabi ni Education Undersecretary Revsee Escobedo, na sa ilalim ng bagong polisiya para sa Brigada Eskwela, lahat ng pampublikong paaralang sa elementarya at sekondarya ay makakatanggap ng certificate of recognition para sa pagsunod at pagtratrabaho kasama ang mga partner ng mga ito na nagbigay ng suporta sa kampaniya.
Sinabi ni Education Undersecretary Revsee Escobedo, na sa ilalim ng bagong polisiya para sa Brigada Eskwela, lahat ng pampublikong paaralang sa elementarya at sekondarya ay makakatanggap ng certificate of recognition para sa pagsunod at pagtratrabaho kasama ang mga partner ng mga ito na nagbigay ng suporta sa kampaniya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
INIHAYAG ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.
Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot sa $2.5 billion, bumaba mula sa $2.7 billion na naitala noong Enero.
Pinakamababa naman ang naitalang $2.4 billion noong Mayo 2022.
Gayunpaman, ito ay 2.4% na mas mataas kaysa sa $2.5 billion noong Pebrero 2022 na iniugnay ng BSP sa mas mataas na mga resibo mula sa mga international workers.
Ayon sa BSP, ang pagpapalawak ng mga cash remittances noong Pebrero 2023 ay dahil sa paglaki ng mga resibo mula sa mga land at sea based workers.
Gayundin, ang mga personal remittance na kabuuan ng mga paglilipat na ipinadala sa cash o in-kind sa pamamagitan ng mga informall channel — ay naitala sa $2.8 billion.
DUMATING na sa Palasyo ng Malakanyang si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, araw ng Lunes para sa bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa katunayan, alas 4 ng hapon nang mainit na salubungin at tanggapin ni Pangulong Marcos si Fiala sa Malakanyang.
Si Fiala ay nasa Pilipinas ngayon para sa kanyang three-day official visit.
Siya ang pangalawang head of state na bumisita sa bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Bitbit ang layon nito na palakasin ang bilateral ties, inaasahan naman na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Fiala ang iba’t ibang isyu ng mutual interest, kabilang na ang defense cooperation, trade at investment, university linkages, judicial cooperation, at labor cooperation.
Inaasahan din na magpapalitan ang dalawang lider ng kani-kanilang pananaw ukol sa regional at international issues ng common concern.
Nauna rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs na mahalaga ang pagbisita ni Fiala sa Pilipinas dahil naghahanda na ang dalawang bansa para sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng pagsisimula ng bilateral relations sa pagitan ng Maynila at Prague sa Oktubre 5.
Matatandaang unang nagkita sina Pangulong Marcos at Fiala sa Brussels, Belgium sa idinaos na commemorative summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at European Union (EU) noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa nasabing panahon, pinag-usapan ng mga ito ang kooperasyon o pagtutulungan sa security sector, kabilang na ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Philippine and Czech officials convened the Joint Defense Committee for the first time in 2019,” ayon sa DFA.
Sinabi pa nito na ang ugnayan ng Pilipinas sa European states, kabilang na ang Czech Republic, ay “energized by mutual interests in upholding democracy and freedom, rule of law, peace and stability and human rights.”
“The ties between the two countries seemed to go way back, as according to an entry in the website of the Embassy of the Czech Republic in Manila, there were Czechoslovak nationals who volunteered to defend the Philippines during World War II, specifically in Bataan,” ayon sa ulat.
Kinokonsidera ang mga ito bilang tanging mamamayan na magsisilbi sa United States Army Forces in the Far East (USAFFE) mula sa mga bansa na inokopa ng Nazi forces. (Daris Jose)
SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis.
Ang pahayag na ito ni Abalos ay tugon sa depensa ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na walang nangyaring cover-up na nangyari sa operasyon.
“In law, there is the principle of res ipsa loquitur. The thing speaks for itself. The video in itself is a statement of what transpired,” ang pahayag na ito sa statement.
“While I respect General Azurin, I am sure he agrees with me that the public deserves to know the truth. Hindi lamang sa isyu ng 42 kilos kundi higit sa lahat sa kung ano ang nangyari sa 900 kilos na nakumpiska,” dagdag na wika nito.
Nagpahayag naman ng tiwala si Abalos sa National Police Commission (Napolcom), kung saan siya ang tumatayong chairman na masusing iimbestigahan ang insidente base sa mandato nito.
Nauna nang nanawagan si Abalos sa 10 pulis na mag-leave muna upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre na nakakulimbat ng P6.7 bilyong halaga ng shabu.
Agad naman na nagkasa ng imbestigasyon si Abalos na pinangunahan ng National Police Commission kaugnay sa illegal drug case ni ngayon ay dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na sangkot sa 990 kilo ng nakumpiskang shabu.
Aniya, binuo ang fact-finding panel ng Napolcom dahil sa mabagal na imbestigasyon ng pulisya sa kaso ni Mayo.
Ayon kay Abalos, lumabas sa imbestigasyon ng Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.”
Samantala, ipinresenta pa ni Abalos sa media ang CCTV footage, na nagpapakita na nakaposas si Mayo at pagkatapos ay kinalagan ito.
Makikita rin sa video ang pagdating at pag-alis ng mga police officials sa lugar ng establisimyento kung saan nandoon si Mayo.
Sinabi ni Abalos na makikita sa imbestigasyon ng Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.” (Daris Jose)
NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ilang beses nang naranasan ni Carla Abella ang lock-in taping, at mas pabor siya sa ganung situwasyon.
“Opo, pero kung tutuusin po hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy.
“That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in terms of sa production, sa taping. Ito naman pong aking bagong teleserye na kasama po ako, yung ‘Stolen Life’, hindi na din po required ang lock-in, so back to ano na po kami… yung uwian na po.
“Uwian na po every taping day, so although mostly daily pa din ang taping, nakakauwi pa rin naman po kami sa mga bahay po namin gabi-gabi and we have more than enough time to rest po in between taping days.”
Kung ikukumpara, ano mas gusto ni Carla, ang lock-in or yung uwian na taping?
“Yung totoo po parang mas wala pong problema sa akin yung lock-in, mas ano po, parang napansin ko na yes may sacrifices po, medyo nakakalungkot na we’re away from our families ng medyo mahaba-haba pong length of time.
“Pero parang mas ano po, mas na-enjoy ko siya, mas na-appreciate ko kasi mas na-observe ko po na mas efficient po ang lahat ng tao kumilos, mas may energy, mas may lakas, mas mabilis pong natatapos yung buong show.
“Hindi na po kailangan manghula sa takbo ng kuwento, mas may time po na mailatag in terms of production, yung mga eksena, kung anu-ano pong mga kukunan, kung saan-saan and yun nga po, mas mabilis pong natatapos.
“Kaya though mahirap po being away from our families, at least shorter span of time na lang naman po and worth naman po yung sakripisyo.”
Gaganap si Carla bilang Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy kung saan ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert at Raphael Landicho bilang Little Jon.
Mapapanood rin sa Voltes V: Legacy sa GMA ngayong Mayo sina Martin del Rosario bilang Prinsipe Zardoz, Liezel Lopez bilang Zandra, Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.
Samantala maaring bumili ng ticket para sa Voltes V: Legacy The Cinematic Experience (special edit ng unang tatlong lingo ng Voltes V: Legacy na mapapanood sa mga SM cinemas) sa https://bit.ly/VoltesVAtSMCinema at sa mga SM Cinema App at SM Cinema ticket booths.
***
NAGING “traffic enforcer” pala noon sivGabby Eigenmann.
Dahil leader ng Earth Defense Force o armed forces na kalaban ng mga aliens si Gabby bilang si Commander Robinson sa Voltes V: Legacy, tinanong namin kung noon ba ay pinangarap niyang maging sundalo o pulis?
“Well it wasn’t really a dream but nung panahon namin nung high school ako na nag-CAT at tsaka COCC, ROTC, sobrang excited ako!
“I was excited to lead, also I was excited to be a follower, sumali pa ako sa rifle exhibition, sumali pa ako noon before and since yung school namin kasi sa OB Montessori sa Greenhills, may mga assigned tasks kami ako I always choose to be sa traffic.
“Ako yung nag-aano ng traffic flow sa Greenhills.
“Natutuwa ako pagdating sa ganun kasi siyempre given the fact na sikat na sikat nung araw e yung Top Gun so uso yung mga Aviator shades, ako gusto ko lang magbilad sa araw na nakasuot ng shades,” at tumawa si Gabby.
“So, kasi naka-uniform ka e so tipong, ‘O wait lang, dito ang daan, mga kotse!’
“Hindi siya dream pero nae-excite ako sa mga ganun, lalo na pagka suot mo na yung costume. The costume itself when you fit it or when you put it on gives a lot of character already.
“So mai-imbibe mo kaagad uniform pa lang, ‘Uy, I’m a general, I’m a commander, I’m a soldier!’
“Iba yung feeling so yeah, I consider it as… I get excited! I guess iyon ang, I think that’s the best term, I get excited when I put on a uniform.”
Biro namin kay Gabby na kausap namin via Zoom sa pocket interview sa mga cast ng “Voltes V: Legacy’, mula sa pagiging student traffic enforcer, ngayon ay Commander na siya na nagpoprotekta sa buong mundo laban sa mga aliens.
“Yes, buong mundo talaga! Isa sa mga unforgettable scenes ko dun is yung niyu-unite ko lahat ng mga leaders of the world.
“Meron ako speech doon na, may eksena dun na may speech ako, I was uniting all the leaders of the earth to help and defend the whole world.
“Iba, iba yung feeling, ang sarap ng ano na all eyes on you tapos ikaw yung nagko-command sa kanilang lahat na, ‘Tama na ang away-away, tara tulungan natin ang Voltes V!’
“Ang sarap, ang sarap ng feeling na ganun. Sana totoo,” at muling tumawa si Gabby.
Bukod sa ‘Voltes V: Legacy’a ay kasama rin si Gabby sa cast ng pelikulang Papa Mascot kung saan bida si Ken Chan at kasama rin sina Miles Ocampo, Erin Espiritu, Jericho Arceo, Tabs Sumulong, Sue Prado, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta at Liza Diño.
Ito ay mula sa produksyon ng Wide International, sa panulat ni Ralston Jover at sa direksyon ni Louie Ignacio at ipapalabas sa mga sinehan sa April 26.
(ROMMEL L. GONZALES)
PARA sa fourth birthday ni Sixto IV last Sunday, April 16, isang wooden Pinocchio angregalo nina Marian Rivera at Dingdong Dantessa bunso nila.
Favorite daw kasi ni Sixto na panoorin ang “Pinocchio”, ayon kay Dingdong.
Kasama ang series of photos, nilagyan ito ng caption ng host ng top-rating show na ‘Family Feud’ ng…
“Sixto’s 4th birthday with a special surprise – Guillermo Del Toro’s Pinocchio!
“This wooden toy (from old ipil), carved by our talented sculptor friend Charming Baldemor, has quickly become one of his favorites. Just like how I watched Superman 2 countless times in the 80s, Sixto has seen this movie about 20 times already! 😄
“It’s amazing how stories and characters like Pinocchio are timeless and carry valuable lessons.
“Here’s to a birthday filled with imagination, wonder, and lots of playtime with this special gift!”
Iba’t-iba naman ang naging reaction ng netizens sa kakaibang regalo ng mag-asawa sa kanilang bunsong anak.
“Guapo naman ..happy birthday sixto.”
the 2nd and 5th photo is absolutely adorbs! nakuha lahat ng best features ng nanay at tatay 🥰🥰
“Boy version ni Marian paka gwapo!”
“Nope carbon copy ni dd.”
“poging bata. 4 years old na agad! happy bday Sixto.”
“Gandang mga bata! Jackpot sa genes!”
“I want a baby like Sixto. Napaka cute na palaging smiley yung eyes, gentle, and loves his mama so much.”
Say pa ng ibang netizens na masyadong worry sa naturang gift.
“Sorry pero ang creepy!!”
“Feeling ko gagalaw yan sa gabi.”
“Ako din matatakot lalo na pag mag-isa ka lang tapos kasama mo yan.”
“Akala ko ako lang nakaisip nito! Ang tapang ng kids, hindi sila takot. Sorry naman but it is giving me “horror” vibes ala Annabelle/Chucky.”
“Ganyan ang Pinocchio ni Guillermo Del Toro. Sa interview intentional na medyo crude and unpolished yung gawa kay Pinocchio.”
“Actually maganda yung pagkagawa and kuhang-kuha yung likeness like yung sa movie. Gusto ko rin nyan. Hehe.”
“Ang creepy ng woodwork na yan. Pero sa kanila yan eh baka they enjoy seeing it lalo na pag gabi. Hahah.”
“Ganyan kasi yun hitsura nung Pinnochio sa cartoon na lumabas sa Netflix.”
“The toy sculpture is not appropriate to be handled or played with by young kids, especially with the pointed nose that can pose injury if not handled well. It also looks scary and creepy tbh. I hope DD will listen and get rid of it asap!”
“Sixto is so cute and adorable, but THAT toy is not! It should not be considered a toy and Dingdong should know better!”
“Baka naman display toy lang. Ang hirap sa mga netizens palaging assuming tne worst at siempre may kaakibat agad na judgemet. Alagang alaga nila ung anak nila sa tingin mo hindi nila naiisip ug mga ganyan.”
“Hindi maganda na ibigay yang ganyan sa bata. Matulis ang ilong pwede masugatan pa. Eh kung kayong matatanda yan ang trip nyo ihiwalay nyo sa bata. Buti pa bigyan nyo ng libro or iba pang friendly toys.”
“Sana yung ilong ni Pinocchio Hindi masyadong sharp kasi delikado din lalo na sa bata.”
“Sana hindi na lang ginawang laruan ng bata…parang hindi tama…”
“Yup I think it’s not appropriate to be considered a toy. Especially the pointed nose which can be a safety hazard, as well as the dark features of it.”
“Sa mga nagsasabing matulis yung ilong ng toy, mukhang hindi naman. Rounded yung tip and hindi matulis parang lapis.”
“It should be kept in a museum and not as toy because it is NOT…”
(ROHN ROMULO)
WHO is Sonny Vaccaro?
It was 1984 and Vaccaro, a basketball expert at Nike, hadn’t had much success recruiting top players to Nike’s basketball division. Converse had all but cornered the market with superstars like Magic Johnson and Larry Bird. Adidas, hyping its cool factor, was attracting the hot prospects from the draft, including the third pick – a guard out of the University of North Carolina named Michael Jordan. Putting his career on the line, Vaccaro decided to take the biggest gamble of his life. In an unprecedented move, he wanted Nike to create a shoe designed specifically for Jordan.
“It is an all-or-nothing gamble, but one in which he entirely believes because he absolutely knows and loves the game,” says Matt Damon, who plays Vaccaro in the film “AIR,” in cinemas April 19. “But he’s at a point where his career is in a precarious place and Nike’s entire basketball division is on the brink. He is risking all their jobs by pushing that agenda because he’s been told Jordan really wants to go with Adidas. Their shoes are cooler, and Nike is considered a jogging shoe company that Michael doesn’t associate with basketball. Nobody really does.
[Watch the official trailer of “AIR” here: https://youtu.be/7OKPknt7EtU]
“That was one of the things that was so surprising to me when I read the script,” Damon continues, “because I always had this idea of Nike as this absolute powerhouse in the basketball shoe market, which they are now. But when you catch them at the beginning of this story, they are the clear underdogs… One thing Sonny Vaccaro was very clear with me about was that the feelings of camaraderie, friendship and loyalty are his takeaways from that time. That’s what we wanted to put in the movie—a story about these underdogs doing something that had never been done before.”
Working with director Ben Affleck
Besides the inspiring story of “AIR,” Damon relished working with his longtime buddy Ben Affleck as his director. “Obviously, we’ve written and produced together over the years, but getting to work with him as a director was utter joy and so creatively rewarding,” shares Damon. “We tend to have similar sensibilities about what’s working in a scene and what isn’t, so we had such an ease with each other.”
Affleck also had only great things to say about his old pal. “He is very, very gifted and it was a pleasure to direct him for the first time and discover even more about him as an actor,” says Affleck about Damon. “I feel very lucky that my oldest friend and I are in the same line of work and get to work together. We’re doubly blessed in that way.”
The ticketing site for “AIR” is already live at www.airmovie.com.ph. Don’t forget to calendar your “AIR” movie date!
About “AIR”
From award-winning director Ben Affleck and starring Matt Damon, “AIR” reveals the unbelievable game-changing partnership between a then-rookie Michael Jordan and Nike’s fledgling basketball division, which revolutionized the world of sports and contemporary culture with the Air Jordan brand.
“AIR” also stars Ben Affleck, Jason Bateman, Chris Messina, Marlon Wayans, with Chris Tucker and Viola Davis in a moving story that follows the career-defining gamble of an unconventional team with everything on the line, the uncompromising vision of a mother who knows the worth of her son’s immense talent, and the basketball phenom who would become the greatest of all time.
Affleck directed from a screenplay by Alex Convery. “AIR” is produced by Peter Guber, Jason Michael Berman, David Ellison, Jeff Robinov, Madison Ainley, Damon and Affleck.
In Philippine cinemas April 19, “AIR” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.
Join the conversation online and use the hashtag #AIRMovie
(ROHN ROMULO)
KINUMPIRMA kahapon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nananatili pa ring Abril 26 ang deadline para sa mandatory registration ng mga SIM cards sa bansa.
“We like to as much as possible stick to what the law allows us to do and let’s see how the public has so far complied with what the law requires,” ayon pa kay Uy. “And as of today the deadline is still April 26.”
Kasabay nito, iniulat din ni Uy na may nakikita naman silang magandang progreso sa registration at nadadagdagan pa ang bilang ng mga rehistradong SIM cards.
Matatandaang ang SIM card registration ay sinimulan noong Disyembre 27 at nakatakdang magtapos sa Abril 26 lamang.
Nagbabala naman ang DICT na ang mga SIM cards na hindi mairerehistro bago ang deadline ay made-deactivate at hindi na magagamit pa.
Patuloy namang umaapela ang mga telecommunications firms na Globe Telecom Inc. at Smart Communications Inc. sa pamahalaan na palawigin pa ang deadline upang mabigyan ng sapat na panahon sa pagrerehistro ng SIM cards ang mga mobile users, partikular na ang mga marginalized sectors at yaong mga nasa malalayo at liblib na lugar.