• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 1st, 2023

Pagdiriwang ng 22nd Malabon Cityhood Anniversary

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama si former Ricky Sandoval at City Administrator Alexander Rosete si Senador Cynthia Villar bilang Guest Speaker sa Gabi ng Parangal 2023 na ginanap sa Malabon City Sports Complex, kung saan binigyan ng pagkilala ang top business at real property taxpayers ng lungsod. Ang kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-22nd Malabon Cityhood Anniversary at 424th Malabon Foundation Day. (Richard Mesa)

Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa  raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa  Pasay City, araw ng Linggo. 
Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina  Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, ang lahat ay benepisaryo ng iba’t ibang assistance packages ng  Department of Labor and Employment (DOLE) .
Ang bawat isa sa mga ito ay binigyan ng symbolic key ng socialized house and lot packages ng Punong Ehekutibo.
Ang limang nanalo ng house and lot packages ay kasama sa  20,165 qualified beneficiaries ng iba’t ibang  assistance packages ng  Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kalakhang Maynila na nagkakahalaga ng P162.23 milyong piso.
Alinsunod sa Labor Day celebration, ang  DOLE ang siyang kasalukuyang nangunguna sa “distribution of wages” at nag-award ng livelihood projects” sa  229,823 qualified beneficiaries sa buong bansa na nagkakahalaga ng P1.29 bilyong piso.
Ang Labor assistance programs ay kinabibilangan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers Program (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), Government Internship Program (GIP), at Special Program for Employment Students (SPES).  (Daris Jose)

‘The Seed of Love’, three years in the making: RICKY, ipinapasa lang ang natutunang style kay Direk LINO

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ano raw ang natutunan ni Ricky Davao sa kanyang mentor noon na si Direk Lino Brocka, iyon din daw ang ipinapasa niya sa kanyang mga dinidirek na artista.

 

 

Naging direktor ni Ricky si Direk Lino sa dalawang pelikula na ‘White Slavery’ (1985) at ‘Natutulog Pa Ang Diyos’ (1988). Marami raw siyang nakuhang directing style ni Direk Lino, lalo raw yung emotional side ng pagdidirek.

 

 

“Si Direk Lino kasi, he’s such a passionate person. Kapag may mabigat na eksena, he would act out the scene for you. Pero hindi mo siya gagayahin, gusto lang niyang makita ang interpretation mo sa pinakita niyang eksena.

 

 

“From there, dun ka na mag-create ng sarili mong eksena. I try to do that with the actors I’m working with,” sey ni Ricky na muling dinirek si Glazia de Castro sa bagong GMA Afternoon Prime series na ‘The Seed Of Love.’

 

 

Three years in the making ang ‘The Seed Of Love’ na nasimulang gawin noong 2020 bago magkaroon ng pandemic. Naka-nine taping days na raw sila at yung ibang malalaking eksena ay kinunan pa sa Benguet. Sayang naman daw ‘yung mga eksenang iyon kung hindi matatapos ang teleserye.

 

 

Sey ni Direk Ricky: “Noong tiningnan namin ulit yung mga eksena, puwede pa siyang magamit. Then we updated the script. Tapos inayos namin uit ‘yung schedules ng mga artista.

 

 

“We resumed taping noong kalagitnaan na ng 2022 noong okey na at medyo maluwag na ang safety protocols kasi may mga bata rin sa istorya. And salamat sa Diyos, natapos din namin. And it turned out more than what we expected, story-wise, acting ng mga artista, lahat naging maganda.”

 

***

 

KINAALIWAN ng mga manonood ng GMA afternoon teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ang team-up nila Jillian Ward at ng Sparkle artist na si Jeff Moses.

 

 

Bukod kasi sa mga eksena nila sa show, mas kinikilig ang mga fan sa kanilang mga off-cam na biruan.

 

 

Sa latest TikTok video nilang dalawa na pinost ni Jess sa kanyang Facebook account, mapapanood si Jillian habang may lumalabas na pictures ng ilang celebrity heartthrobs at namimili siya sa mga ito. Ilan sa mga photos ay sina Patrick Garcia, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, John Prats, at marami pang iba.

 

 

Sa kalagitnaan nito, makikita na kunwaring nagtampo si Jeff kay Jillian dahil gusto niya na siya ang piliin nito.

 

 

Dahil sa video ay pinu-push ng fans na si Jeff na ang maging permanenteng loveteam ni Jillian. May kakaibang chemistry raw ang dalawa na bigla na lang nangyari. Bukod sa pareho silang magaling umarte, mahusay din silang dalawa sumayaw na mapapanood sa mga pinu-post na TikTok videos ni Jeff.

 

 

Si Jeff Moses pala ay kabilang sa SPARKADA, ang unang batch ng Sparkle artists na ni-launch last year.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon.

 

 

Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi ng Parangal, isang espesyal na gabi para ipakita ang lalim ng kanilang pagpapahalaga sa sektor ng negosyo na tumulong sa Malabon na lumakas mula sa pandemya ng COVID-19.

 

 

Kasama sa listahan ng mga Awardees ang Brew Cave, Jacks, Mary Jay restaurant, Balsa, Benny’s Lounge, Burger King, Jollibee Potrero at Concepcion, at McDonald’s Flores.

 

 

Bilang pagkilala naman sa turismo at kalusugan, inilunsad ni Major Jeannie ang “Best Seat in the City” na kumikilala sa mga establisyimentong nakatugon sa sanitary, health at kaligtasan ng Malabon.“It is only through the unified effort of the local government and the private sector that we can achieve true progress for Malabon” ani Mayor Jeannie.

 

 

Kinilala rin ng Gabi ng Parangal ang top business and real estate taxpayers na kapuri-puri sa pagsunod at sumusuporta sa paghahatid ng inclusive economic growth sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Jeannie.

 

 

Kabilang sa Top corporate taxpayers ang Malabon Soap and Oil, Maynilad Water Services, First PGMC Enterprises, Coca Cola FEMSA Philippines, MSO Premium Oil Corporation, Manly Plastics Inc, Good 555 Deal Trading Corporation, Basic Packaging Corporation, MC Master Siomai Hut, Starbright Office Depot.

 

 

Sa ilalim naman ng Single Proprietorship category, ang top taxpayers ay kinabibilangan ng Chyrus Marketing, Formingtech Marketing, Zinc Marketing, NCLA Enterprises, REATON Mart, TIBRL Enterprises, Wisezon Soap Trading, P&E Meat Dealer at St. Rita Pharmacy.

 

 

Mas naging espesyal ang gabi sa presensya ni Senator Cynthia Villar na nakiisa sa pagdiriwang.

 

 

Ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng Malabon ay susundan ng isang buwang Tambobong Festival sa Mayo kung saan ang mga bisita ay maaaring makilahok sa iba’t ibang aktibidad.

 

 

Ang espesyal na mga kaganapan ng Malabon ay magtatapos sa pageant nito sa Ginoo at Binibining Malabon na ang mga mananalo ay makakatanggap ng mga premyo at magsisilbi rin bilang “mga ambassador” ng lungsod na nagtataguyod ng mayamang kultura at pamana ng Malabon. (Richard Mesa)

Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente ng No. 103 Celia 2, Barangay Bayan Bayanan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Daro na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Catmon.

 

 

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr, at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa Interior Street, Brgy. Catmon, alas-10:30 ng umaga.

 

 

Ani Col. Daro, ang akusado ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Branch 290, noong April 18, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni BGen Peñones ang Malabon police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)

Inamin na naiinip na ang Kuya Jak niya: SANYA, malinaw na ang mga mata pero hirap pa ring makikita ng dyowa

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang mga ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez.

 

 

Pareho silang sumailalim sa lasik surgery kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga mata. Inamin si Sanya na noong una ay sobra siyang kinabahan sa gagawin procedure.

 

 

“In-assure naman ako ng mga taga-Shinagawa na it’s safe at sabi nila na, ‘we will make sure na magiging happy, right after na procedure.’ At nangyari po talaga ‘yun, kaya ngayon part na ako ng Shinagawa. ”

 

 

Dati extra effort ang ginagawa niya sa pag-arte dahil malabo ang kanyang mga mata. Hindi nga siya masyadong nakita ang kaguwapuhan ni Gabby Concepcion sa pagsisimula ng ‘First Yaya’.

 

 

Natanong din si Sanya, na ngayong 20/20 na ang vision niya, makita na kaya niya ang ‘the right one’.

 

 

“Masyado na ngang malinaw, tapos naghahanap ka ng ano…” sabay-tawa ni Sanya.

 

 

Open naman siya sa pakikipag-date at magkaroon na ng boyfriend pero, “nalilibang kasi ako sobra sa trabaho. Parang iniisip ko nga, paano ko pa ilalagay sa kanya, kung ‘yun tulog ko nga, hindi ko magawa. Paano pa yung relationship.

 

 

“Pero pag dumating naman ‘yun time na magkaroon tayo ng karelasyon, if ever na dumating man siya, ibibigay ko naman ang time ko, gagawa ako ng paraan.”

 

 

Aminado naman si Sanya na may nagpaparamdam at nangungulit sa kanya.

 

 

“Meron naman po, kaya lang hindi talaga ako pala-sagot pag nagmi-message sila at gustong lumabas. O baka naman friendly date lang. At lalabas man ako, palaging mga friends lang ang kasama ko.”

 

 

Opinyon naman niya sa pagkakaroon ng boyfriend na taga-showbiz at private person…

 

 

“Marami ang nagsasabi na, okey din ang taga-showbiz, para maintindihan ka sa trabaho mo.

 

 

“Meron ding nagsasabi na non-showbiz para pag nag-uusap kayo hindi about work, kasi magkaiba kayo ng industry. May matututunan ka from him, may matututunan siya sa ‘yo. So parang nagbi-blend kayo at nagma-match.”

 

 

Tanong pa namin, dapat pa bang ipaalam sa Kuya Jak (Roberto) niya at magkaroon ng approval sa magiging dyowa niya?

 

 

“Parang hindi na, go na kasi ang Kuya ko. Ang kuya ko na ang naiinip, ‘kelan ka ba? Anong plano mo day?

 

 

Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical na nag-o-offer ng Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.

 

 

Matatagpuan ang kanilang clinic sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig. Open ito Mondays to Saturdays mula 8am hanggang 5pm.

 

 

Para sa mga interesadong i-avail ang kanilang services bisitahin lang ang kanilang official website www.shinagawa-healthcare.ph.

 

(ROHN ROMULO)

Sa 7th Asia Pacific Luminare Awards: JILLIAN, kinilala bilang ‘Asia’s Most Remarkable Actress of the Year’

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AT 4;30 am, last Sunday, April 30, maagang na nag-live broadcast si Senator Bong Revilla, sa kanyang Facebook.

 

 

Hindi niya itinago ang kanyang excitement habang papunta siya sa location para sa balik-acting niya ng bagong project sa GMA-7, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” na ayon sa kanya ay isang action, comedy at romance teleserye.

 

 

“Handog namin ang comedy series para sa mga mister na takot sa asawa, yung mga ander de saya,” biro pa ni Sen. Bong.

 

 

“First time naming magtatambal ni Kapuso actress Beauty Gonzalez na gaganap na wife ko at marami pang mga superstars na mapapanood dito.  Malapit na ninyo kaming mapanood dahil magkakaroon na kami ng world premiere nito on Sunday, June 4.”

 

 

Makakasama rin sa cast sina Max Collins, Kate Valdez at Kelvin Miranda, after nilang magtambal sa katatapos na seryeng “Unica Hija;” Raphael Landicho (na una munang mapapanood sa “Voltes V: Legacy” simula sa Monday, May 8), Carmi Martin, with Nino Muhlach, ER Ejercito, Ronnie Ricketts, Archie Alemania, Dennis Marasigan, and others.

 

 

Main director si Enzo Williams who will handle the action scenes, Associate Director Frasco Mortiz will be in charge of the comedy scenes.  Bago nagsimula ang taping, nag-offer muna ang cast at production staff ng isang prayer.

 

 

                                                            ***

 

 

MULTI-AWARDED actor Tirso Cruz III, posted on his Instagram account ng information tungkol sa isang product na ini-endorse daw niya pero fake news naman ito.

 

 

“This is to inform everyone that I am not endorsing a product being promoted with my picture. www.healthsolution01.click/supermixnut.healthy.  And I have not ordered for myself or even taken this product.  This company has not even talked to me for any deal or endorsing this product.

 

 

“Once again, for everyone’s information, this account and post is fraudulent.  I have NOT made any statements or testimonials endorsing this product.”

 

 

Kasalukuyan namang nagti-taping si Tirso ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang “Royal Blood” with Dingdong Dantes, after niyang gumanap sa very successful  historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na hanggang sa ngayon ay hindi natitinag sa number one spot sa Neflix Philippines.

 

 

***

 

 

CONGRATULATIONS to GenZ Superstar Jillian Ward.

 

 

Kung unstoppable ang mga papuri sa kanyang pagganap bilang si Dr. Analyn Santos, sa most watched GMA Afternoon prime series na “Abot-Kamay na Pangarap” with Carmina Villarroel, recently, she was awarded “Asia’s Most Remarkable Actress of the Year” by the 7th Asia Pacific Luminare Awards.

 

 

Comment nga ng isang GMA executive, “mahal talaga ng masa si Jill,” na nagsimulang mapanood when she was only five years old sa “Trudis Liit,”  At 6, nagsimula na siyang makatanggap ng mga acting awards sa pagganap niya sa iba’t ibang teleserye, like “Prima Donnas” (na nag-dalawang seasons pa) bago nasundan nga ng “Abot-Kamay na Pangarap,”

 

 

Ang awards night ay gaganapin sa May 24, 2023, sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

 

 

Meanwhile, isa rin ang “Abot-Kamay na Pangarap” sa mga Kapuso teleserye na mapapanood ng mga Kapuso abroad sa iWantTFC ng ABS-CBN, tulad ng “Maria Clara at Ibarra,” “First Lady,” “The World Between Us,” “Apoy sa Langit,” and more.

(NORA V. CALDERON)

EO para sa paglikha ng Inter-Agency Body na titingin sa labor cases, oks kay PBBM

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  executive order (EO) na lilikha sa  isang inter-agency committee para palakasin ang koordinasyon at padaliin ang  resolusyon ng labor cases  sa bansa. 
Nauna rito, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 23, araw ng Linggo,  na naglalayon din na palakasin at protektahan ang freedom of association at karapatan na iorganisa o ayusin ang mga manggagawa.
Nabanggit din sa EO  ang mga alalahanin ng iba’t ibang grupo ukol sa implementasyon ng  ILO (International Labor Organization) Convention No. 87 sa Pilipinas, “in view of reported incidents of acts of violence, extra-judicial killings, harassment, suppression of trade union rights and red-tagging allegedly perpetrated by State agents, targeting in particular, certain trade unions and workers.”
“At the 108th session of the International Labor Conference (ILC) in June 2019, a high-level tripartite mission(HLTM) was created to inquire into the aforementioned reported incidents in the purpose of assisting the Philippine government in taking immediate and effective action on the following specific areas:  (i) measures to prevent violence in relation to the exercise of legitimate activities by workers’ organizations; (ii) investigation of allegations of violence against members of workers’ organizations with a view of establishing the facts, determining culpability and punishing the perpetrators; (iii) operationalization of  monitoring bodies; and (iv) measures to ensure that all workers, without distinction, are able to form and join organizations of their choosing, in accordance to ILO Convention No. 87,” ayon pa rin sa EO.
Nakasaad pa rin sa  EO  na ang  Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association at  Right to Organize of Workers ay pamumunuan ng  Executive Secretary habang ang Kalihim ng Department of Labor and Employment, ang magiging vice chair nito.
Ang mga miyembro naman ng  Inter-Agency panel ay ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, Department of Trade and Industry, National Security Council at Philippine National Police.
“When necessary, the Inter-Agency Committee may request the attendance or participation of other relevant agencies, such as the Civil Service Commission and the Commission of Human Rights,” ang nakasaad sa  EO.
Ang mga tungkulin naman ng Inter-Agency Committee ay kinabibilangan ng “consolidation and evaluation of all comprehensive reports, which contain findings and recommendations by concerned agencies to be submitted to the President; and developing a roadmap containing the priority areas of action, tangible deliverables, clear responsibilities and appropriate timeframes, consistent with the recommendations of the HLTM.”
“The roadmap shall be subject to regular review and should consider the consolidated reports and recommendations from the concerned agencies and inputs from other relevant stakeholders,” ayon sa EO.
“Each of the concerned agencies shall designate a focal unit or office within the agency, to be headed by an official with a rank not lower than that of an Undersecretary, which shall monitor, evaluate and report on the implementation and progress of agency action plans, initiatives relating to freedom of association and rights to organize and to collective bargaining,”  ang makikita sa EO. (Daris Jose)

PBBM, lumipad na patungong Washington para palakasin ang ugnayan hinggil sa food security, economy at energy

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
LUMIPAD na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng LInggo, para isakaturapan ang kanyang misyon na magpanday ng mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos pagdating sa larangan  ng food security, digital economy, energy security, at climate change. 
Sa kanyang departure speech sa  Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa Estados Unidos, itinuturing na “long standing ally” ng PIlipinas ay naglalayong mas pagtitibayin ang  “already strong bonds”  ng Maynila at Washington sa pamamagitan ng “bringing our alliance into the 21st century.”
“My visit to the United States, and more especially my meeting with President Joe Biden, is essential to advancing our national interests and strengthening that very important alliance,” ayon sa Pangulo.
Tinuran pa ng Chief Executive na ang kanyang pagbisita ay nabuo at resulta na rin ng  “active exchanges” sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na rito ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay US President Joseph Biden sa New York noong nakaraang Setyembre, pagbisita sa Maynila ni  US Vice President Kamala Harris noong nakaraang Nobyembre at maging ang maraming bilang ng pagbisita ng mga  senior officials ng magkabilang panig.
“Manila and Washington are also expected to bolster partnerships in the semiconductor industry, critical minerals, renewable and clean energy, including nuclear, and infrastructure projects “that will improve our digital and telecommunication systems and facilitate sustainability efforts to address climate change,”  ayon sa Pangulo.
Inaasahan naman na makakapulong ng Pangulo ang mga  American business leaders upang mas ma-promote ang trade at investment opportunities sa Pilipinas.
Sa roundtable meetings, sasamahan si Pangulong Marcos ng kanyang  economic team at maging ang mahahalagang Filipino private sector leaders para i-explore ang business opportunities “that would serve to grow our economy even more.”
Habang nasa  Washington, makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community “who continue to contribute towards the country’s economic prosperity.”

THE AUTOBOTS BATTLE A NEW BREED OF TRANSFORMERS IN NEW TRAILER FOR “RISE OF THE BEASTS”

Posted on: May 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UNITE or FALL. Watch the brand new trailer for Transformers: Rise of the Beasts. The epic action adventure from Paramount Pictures arrives in cinemas across the Philippines June 7. 

YouTube: https://youtu.be/Q36-envs5OU

About Transformers: Rise of the Beasts

Returning to the action and spectacle that have captured moviegoers around the world, Transformers: Rise of the Beasts will take audiences on a ’90s globetrotting adventure with the Autobots and introduce a whole new breed of Transformer – the Maximals – to join them as allies in the existing battle for earth. Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the film arrives in theatres June 7.

The screenplay is by Joby Harold and Darnell Metayer & Josh Peters and Erich Hoeber & Jon Hoeber, story by Joby Harold, based on Hasbro’s Transformers™ Action Figures.

Produced by Lorenzo di Bonaventura, Tom DeSanto & Don Murphy, Michael Bay, Mark Vahradian, Duncan Henderson.

The film stars Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, Michelle Yeoh, Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández.

Transformers: Rise of the Beasts is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #Transformers #RiseOfTheBeasts and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)