• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 2nd, 2023

Makikita sa kislap ng mga mata: RITA, masayang ipinakilala sa socmed si Baby UNO

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKITA ang kislap sa mga mata ni Rita Daniela nang ipakilala na niya sa social media ang kanyang first born na si Baby Uno.

 

 

Noong December 2022 sinilang ni Rita si Baby Uno pero ngayon lang niya pinakita ang mukha nito.

 

 

Caption pa niya: “sending good vibes, love and hope to everyone. here’s my hope, my ball of sunshine and my home. my lovely son, UNO. i’m so blessed and proud to be your nanay.”

 

 

Kita naman na masayang-masaya si Rita sa buhay niya ngayon dahil sa kanyang anak. Kahit na alam niyang matagal siyang hindi muna makakapagtrabaho, happy itong nakikitang lumalaking malusog ang kanyang baby.

 

 

Marami na kasing fans ni Rita ang nami-miss siyang umarte sa teleserye at mag-perform sa ‘All-Out Sundays’. Nangako naman si Rita na kapag ready na siya, physically and mentally, babalik ulit siya sa showbiz dahil nami-miss na rin nito ang umarte at kumanta.

 

 

Pero priority niya sa ngayon ay ang kanyang baby.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagbibigay ng financial assistance sa mga balo, ipinanukala

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Inihain ni CIBAC Party-List Rep. Bro Eddie Villanueva ang House Bill 7795 o “Widower and Widow Financial Assistance Act” na naglalayong maglaan ng financial at counseling assistance sa mahihirap na biyudo o biyuda upang matulungan silang mabawasan man lang ang hirap at pasakit dala nang pagkawala ng isang mahal sa buhay na nagtataguyod sa pamilya.

 

 

“Death is an inherent certainty of life and the loss of a loved one, particularly a spouse, surely brings pain, anxiety, or sometimes ‘brain freeze’ in which the mind is deeply entangled in grief and unable to process things normally. Much more if the dead spouse is the sole breadwinner of the family, the financial loss due to the departure of the income earner aggravates the degree of grief and pain of the surviving spouse” ani Villanueva.

 

 

Kapag naging ganap na batas, ang mga balo (biyudo o biyuda) ay mabibigyan ng financial assistance at emotional support upang matulungan ang mga ito na maibsan ang kanilang pasakit.

 

 

Umaasa ang mambabatas na makakatulong ito kahit papaano sa mga balo at kanilang pamilya lalo na yaong mahihirap sa pagkawala ng isang mahal sa buhay.

 

 

Sa ilalim ng HB 7795, ang financial assistance na maaaring makuha ng indigent widower/widow ay katumbas ng prevailing minimum wage rate sa kanilang lugar sa loob ng tatlong buwan.

 

 

Ang nasabing tulong ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpapakita ng residential at indigent certificate na ipinalabas ng barangay o local government unit bukod pa sa marriage certificate at death certificate ng yumaong asawa.  Nakalagay din dapat sa residential/indigent certificate ang sertipikasyon na nagsasama pa rin ang mag-asawa ng mamamatay ang asawa.

 

 

Nakamandato rin sa panukala ang pagbibigay ng social worker mula sa the barangay ng grief counseling upang matulungan ang balo na makalagpas sa dinaranas na pighati sa pagkawala ng asawa. (Ara Romero)

Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie

THE latest South Korean sports-drama movie, 𝗥𝗘𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗 is based on the true story of basketball coach Kang Yang Hyeon and the Busan Jungang High School’s 2012 run to the national championships final in spite of having only six active players and no backup on its team.

 

 

As you can see at the PH poster of ‘Rebound’ it says… ‘With only 6 players… they have to do the impossible.’

 

 

Starring Ahn Jae-Hong as coach Kang; and Lee Sin-Young, Jeong Jin-Woon, Kim Taek, Jung Gun-Joo, Kim Min, Ahn Ji-Ho as the players.

 

The heart warmingly inspirational movie is directed by Chang Hang-jun and written by Kwon Sung-hui and Kim Eun-hee.

 

 

Kang Yang-Hyun (Ahn Jae-Hong) won the MVP award as a high school basketball player and he now begins coaching the basketball team at Busan Jungang High School.

 

 

The basketball team was once an elite team, but not anymore. There are only 6 players on the team: Cheon Ki-Beom (Lee Sin-Young), Bae Kyu-Hyeok (Jinwoon), Hong Soon-Kyu (Kim Taek), Jung Gang-Ho ( Jung Gun-Joo), Heo Jae-Yoon (Kim Min) and Jung Jin-Wook (Ahn Ji-Ho).

 

 

Kang Yang-Hyun coaches his players in a national competition tournament and following Coach Kang’s motto: “There is no such thing as missed shots, there are only rebounds!”, a miracle takes place.

 

 

Don’t miss this highly recommended movie, ‘Rebound’ and follow the real-life story of passionate youths who participated in the 2012 National High School Basketball Championship.

 

 

Watch the trailer below:
https://www.youtube.com/watch?v=XctQk-WhFuk&t=80s

 

 

Opens on May 3, 2023 in Philippine cinemas from 888 Films International.

(ROHN ROMULO)

RED CROSS SUPORTADO ANG MEASLES-RUBELLA AND POLIO VACCINATION CAMPAIGN NG DOH

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO  ng Philippine Red Cross ang “Chikiting Ligtas,” o ang Department of Health Measles-Rubella and Polio Supplementary Immunization campaign na sinimulan sa buong bansa mula May 1 hanggang 31,2023.

 

 

Ang programa ay inilunsad upang maiwasan ang pagsiklab ng tigdas, kasunod ng mas mababa sa inaasahang turnout sa mga nakaraang kampanya ng pagbabakuna, lalo na sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

 

 

Layon ng kampanya na  ibigay ang bakuna laban sa tigdas-rubella sa mga bata na siyam hanggang 59 na buwang gulang at ang bakuna laban sa polio sa mga batang zero hanggang 59 na buwang gulang.

 

 

Noong 2021, sinuportahan din ng PRC ang mga programa sa pagbabakuna ng tigdas-rubella at polio ng DOH at nabakunahan ang 1,056,209 na bata laban sa polio at 193,241 na mga bata laban sa tigdas.

 

 

“We are proud to be part of this campaign to eliminate measles, rubella, and polio in the Philippines. As an organization that is committed to promoting health and well-being, we believe that the power of immunization cannot be overstated. It is a vital tool in protecting our communities and preventing the spread of diseases. I encourage everyone to work together and ensure that every person, especially the most vulnerable, has access to life-saving vaccines,” ayon kay PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

 

 

Sa koordinasyon ng local government at local health officers,  nakatakdang pakilusin ng PRC ang kanilang vaccination team  sa 102 na mga chapter nito sa buong bansa upang suportahan ang kampanya ng DOH na alisin ang tigdas, rubella, at polio sa Pilipinas.

 

 

Ang mga  PRC chapters ay makakatulong din sa bahagi ng komunikasyon at adbokasiya ng kampanya. Papakilosin ng PRC ang kanilang barangay-based  RC 143 volunteers at hikayatin ang mga doktor at nars na sumali sa mga vaccination team nito. Lahat ng bakuna ay kukunin sa DOH.

 

 

Ang PRC vaccination team ay sasanayin kapwa ng mga yunit ng lokal na pamahalaan at ng departamento ng Serbisyong Pangkalusugan ng PRC. GENE ADSUARA 

PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga ahente ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa,

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April 25.

 

 

Sinabi ni Manahan na si Ko ay papasakay ng Cebu Pacific fight patungong Seoul nang arestuhin ng mga operatiba ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airpot.

 

 

Nabatid na ang Korean national ay nasa harapan na ng BI officer sa  immigration departure counter nang napansin na ang pangalan nito ay nasa listahan ng BI’s watchlist ng mga wanted na dayuhan.

 

 

Sa ulat, siya ang nahaharap sa deportation case sa BI legal division kung saan kinasuhan siya ng undesirability dahil sa pagtatago sa hustisya.

 

 

Si Ko ay kinasuhan ng awtoridad ng Korea dahil sa pagiging miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nambibiktima  sa pamamagitan ng voice phishing, o paggamit ng tawang sa telepono upang makakuha ng impormasyon..

 

 

Nabatid na hinihikayat ni Ko ang mga biktima na ibigay sa kanya ang kanilang debit card kung saan na-withdraw nito ang kalahating milyon na won,o US$400,000 mula October  hanggang December 2021 matapos nangako sa biktima na magkaka-interest ito. GENE ADSUARA

Lalamove rider kulong sa pagbebenta ng droga sa Navotas

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng isang lalamove rider matapos makuhanan ng mahgit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Carlo Cagman alyas “Pako”, 32, lalamove rider at residente ng 386 Custodio St., Santolan, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation at surveillance operation.

 

 

Nang positibo ang ulat, kaagad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr, ang buy bust operation sa Tanigue Extension, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humig’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P136,000, buy bust money, coin purse at P70.00 bill recovered money.

 

 

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking kapitbahay dakong alas-12:53 ng madaling araw at pinagsabihang tumigil na sa pagkanta dahil nakakabulahaw na sila sa mga natutulog.

 

 

Bilang paggalang, tumigil na sa pagkanta ang magkaka-anak subalit ilang saglit lang ay sumugod ang anak ng matandang kapitbahay na nakilalang si Ryan Obado, 39, na armado ng kalibre. 22 na baril at tinutukan ang biktimang si Jogie Mabasa, 27, kasabay ng pagsigaw ng katagang “Anong oras na, tumigil na kayo marami ng natutulog,”

 

 

Nang makatiyempo si Mabasa, nakipag-agawan na siya sa hawak na baril ng suspek at dito na tumulong ang pamangkin ng biktima na si Junriel Navea hanggang makuha ng huli ang armas.

 

 

Nang dumating ang mga nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5, inaresto nila ang suspek habang isinuko naman ni Navea ang naagaw na baril na may kargang limang bala.

 

 

Ayon kina police investigators PSSg Bengie Nalogoc at PCpl Marlon Renz Baniqued, kasong Grave Threat at paglabag sa R. A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa nila laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Tuloy na tuloy at wala nang urungan: Cong. ARJO, inaming within this year na ang kasal nila ni MAINE

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAKAIBA talaga ang ‘Korina Interviews’ ni Korina Sanchez-Roxas na umeere tuwing Linggo ng hapon sa NET 25 dahil cool na cool at masarap panoorin.

 

 

At sa latest episode na pinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde naman ang in-interview ni Ate Koring, na kung saan kitang-kita ang closeness ng magkapatid na noong bata pa sila ay para silang aso’t-pusa, na normal lang naman sa magkakapatid, growing up.

 

Kakaiba na ang closeness nila noon, at sa paglaki lalo pa sila naging close at sabi pa ni Ria, “Arjo is one of my bestfriend and I think the same goes with him.”

 

Dagdag pa ng beautiful daugther, “It really changed, noong mas tumanda kami. Same set of friends, tapos same ng trip sa buhay. Especially now, same career. Parang the world put us close together, as erratic and gulo of life would be, we have each other.”

 

Sa pagsalang sa solo interview ng Representative ng QC 1st District, napa-‘sana all’ nga si Korina habang pinapakilala si Arjo na from ‘kontrabida to kongresista’, na isa ring mahusay na aktor, negosyante at higit sa lahat happy pa ang lovelife.

 

Anyway, kitang-kita naman na in-enjoy na si Arjo ang pagiging Congressman, lalo pa nga’t unti-unti nang natutupad ang pangarap niyang makatulong sa mga nangangailangan.

 

Sa naging interview ni Korina kay Sylvia last year, naikuwento nga ng premyadong aktres sa batikang broadcast journalist na bata pa si Arjo ay bukas na ang mga mata sa mga charity projects ng ina sa Nasipit, Agusan del Sur, na taun-taon ay namimigay ng ayuda sa kanilang kababayan tulad ng Pasko at Bagong Taon, at maging sa panahon ng kalamidad.

 

Say nga ni Korina, “ito ang revelation ng kanyang nanay, ‘Korina, wag lang magkamali, gusto talaga niyang mag-politiko. Gusto nga niyang maging Senador’, bata ka palang daw ang sinasabi mo, ‘I want to be a senator’, talaga ba?”
“Yes po, I wanted to be a senator when I was younger for a reason that, i would asked question as basic as what position do I need to be able to help a lot of people.

 

“Because we we’re exposed a foundations, family just helping and that the type of environment we grew up and na-adopt namin.”

 

Kaya noong nang-decide na siyang tumakbo sa pagiging congressman, isa lang naman ang nasa isip niya, ang makatulong sa mga tao.

 

Isa pa naging dahilan para siya mag-decide ay ang pandemya, kasabay pa ang pag-shutdown ng ABS-CBN na kung saan nawala din siya ng trabaho.

 

At sa tingin niya ay meron siyang magagawa para makatulong.

 

Kaya say pa ni Arjo, “I have to do may part, i want to be more responsible person, not trying to do good and not trying to prove anything at all.

 

“I just really want to do, what I want do, to help people.”

 

Natanong tuloy ni Ms. K, kung may time pa si Arjo sa ibang bagay, sa dami ng kanyang ginagawa.

 

Na sinagot naman ni Cong. ng, time management lang ang katapat.

 

Hirit naman ni Korina, ilang percent doon ang soon-to-be-wife na si Maine Mendoza.

 

Ang sarap ng tawa ni Arjo at sumagot na, “a lot of time. As much as I’m free po, we got to spent time together. Even during dinner or late dinner. We try to catch up, as much as possible.”

 

Of course natanong ni Ms. K kung kailan na nga ba ang kasal nina Cong. Arjo at Maine…

 

“To be honest po, we can’t also say it yet,” sagot ni Arjo.

 

“But we are in the process of planning for our big day and we are enjoying every bit of it, I really enjoying with her.
I’m just looking forward to it. But for now po, hindi pa namin puwedeng sabihin.”

 

Paniniguro pa ng premyadong aktor, “within this year at wala na, wala na pong urungan.”

 

Marami pang revealations sina Arjo at Ria sa ‘Korina Interviews’ na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel ng NET25.

(ROHN ROMULO)

Naglagay ng starfish sa katawan para sa photo op: MARTIN, matapang na inamin ang nagawang pagkakamali

Posted on: May 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPANG na inamin ni ‘Voltes V: Legacy’ actor na si Martin del Rosario ang kanyang nagawang pagkakamali.

 

Ito ay ang manguha ng mga starfish sa dagat at ilagay ang mga ito sa kanyang katawan para sa isang photo op sa beach sa Palawan.

 

 

“Kung kilala talaga ako ng mga tao sa paligid ko, hindi naman ako clout chaser. Actually sobrang private ako na tao,” umpisang pahayag ni Martin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes tungkol sa pananaw niya kung bakit tila lapitin siya ng bashing.

 

 

“‘Yung totoo, hindi ko talaga alam na kapag tinanggal ang starfish sa water mamamatay sila kasi, I mean ang daming species ng starfish. Hindi ko alam kung anong species ‘yung kinuha ko,” pag-amin ng aktor tungkol sa isyu.

 

Gayunman, sinabi niya ring nakatanggap siya ng mga panghuhusga mula sa ilang tao.

 

“Tingin ko naunahan ako ng judgment ng mga tao.”

 

Kuwento ni Martin, nagpapahinga siya noon sa beach nang may makita siyang grupo ng mga foreigner na naglalaro ng mga buhangin at mga starfish, bago sila tinawag ng kanilang bangkero.

 

“Ako curious, pumunta ako sa spot nila, nakita ko ‘yung mga starfish, nagandahan ako, nilagay ko sa katawan ko.

 

Hindi naman siya ‘yung as if hinanap ko sa tubig ‘yung mga starfish isa-isa,” paglalahad ni Martin.

 

“Nilagay ko kasi naaliw ako dahil ang daming starfish,” dagdag niya.

 

Ayon kay Martin, halos dalawang minuto tumagal ang kaniyang photo op.

 

Tinanong ni Tito Boy kung may nagpaalala kay Martin na delikado para sa mga starfish kapag inaahon ito mula sa tubig.

 

“‘Yun naman ang, sasabihin kong hindi ko talaga alam. Gusto kong magpasalamat sa mga nag-inform sa akin or nag-educate sa akin.

 

“Pero doon sa mga nag-spread lang ng hate or nam-bash, hindi talaga ako pumapatol,” pahayag pa ni Prinsipe Zardoz ng Voltes V: Legacy.

 

“Lumalabas doon sa komentaryo, kasi kung komentaryo na mali ang ginawa mo, I think it’s something that we should take with open hearts and arms, because you learned from your own mistakes and experiences,” payo naman ng King of Talk kay Martin, bagay na sinang-ayunan ng aktor.

 

 

***

 

 

BIGLAANG nagkaroon ng anniversary moment ang celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong Biyernes, April 28 sa ‘Eat Bulaga!’

 

 

Bibisita lang sana si Judy Ann sa kaniyang asawa na si Ryan sa trabaho nito pero hindi niya inakala na haharap siya sa mga Dabarkads.

 

 

Isinama kasi siya ng kanyang asawa sa stage ng noontime show kung saan naroroon ang iba pang co-hosts nito.

 

 

Pagtuntong ni Judy Ann sa stage dito na siya binati ni Ryan ng happy anniversary (14 years na silang kasal) at ng iba pang Eat Bulaga hosts gaya nina Joey De Leon, Allan K, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo.

 

 

“Patunayan niyo naman na anniversary niyo,” tukso ni Joey kina Ryan at Judy Ann.

 

 

Dito na live na nagbigayan ng matamis na halik ang dalawa sa isa’t isa sa harap ng maraming Dabarkads.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)