• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 13th, 2023

DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab

Posted on: May 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International  Airport (NAIA).

 

 

Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June.

 

 

Ang nasabing rekomendasyon ay gagamitin ng DOTr upang gumawa ng draft para sa terms of reference (TOR) na gagamitin sa solicited proposals ng operasyon at maintenance ng NAIA.

 

 

Noong nakaraang March, ang Manila International Airport Consortium (MIAC) ay nagbigay ng unsolicited proposal upang mag rehabilitate ng NAIA kung saan naglalayon ang consortium na doblehin ang passenger capacity nito sa 62.5 miilion kada taon.

 

 

Ang nasabing consortium ay binubuo ng anim (6) na infrastructure developers na ang may-ari ay ang mga pinakamayaman na mga tycoons sa Philippines.

 

 

“The DOTr will study the unsolicited proposal filed by the Manila International Airport Consortium (MIAC) to invest P100 billion for the modernization of NAIA. At present, the agency is checking whether the offer complied with all the required documents. The initial study is to have a solicited proposal. That is the reason we engaged ADB, for us to be able to entertain a solicited proposal. Since, there is the unsolicited proposal, we have to work on it. We are given 35 days to do the completion check and that is what we are doing,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

Sinabi rin ni Bautista na may plano sila na gamitin ang rekomendasyon ng ADB sa pag assess ng proposal ng MIAC dahil walang kasiguraduan na ang offer ay mabibigyan ng approval kahit na may proposed na budget na nagkakahalaga ng P100 billion.

 

 

Kapap pinagpatuloy ang plano ng DOTr na gawing solicited bidding, ang mga proponents ay kinakailangan magkaron ng calibration ng cost at design ng kanilang proposal based sa TOR na ginawa ng pamahalaan.

 

 

Ang ADB ay nakikipag trabaho sa DOTr upang ihanda ang mga technical studies tulad ng market sounding at traffic report na siyang magsisilbing framework sa paggawa ng TOR para sa privatization ng NAIA.

 

 

Ang NAIA ay siyang pinaka abalang airport sa Philippines na may passenger capacity na 31 million kada taon. Noong 2019, ang nasabing gateway ay nakapagtala ng paglalakbay ng 48 million na visitors kung kaya’t kailangan na itong sumailalim sa expansion at upgrade upang mabigyan ng magandang serbisyo ang tumataas na bilang ng mga pasahero.

 

 

Samantala, ang grupo ni businessman Manuel Pangalinan na may control sa Manila Electric Co. ay nagbigay ng offer sa DOTr upang sila ang gumawa ng electrical audit sa NAIA na walang bayad.  LASACMAR

First Pinoy endorser ng sikat na eyewear: DINGDONG, proud sa bagong endorsement at nakikita ang billboard sa Times Square

Posted on: May 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PROUD si Dingdong Dantes dahil sa kanyang bagong endorsement. 
Bakit nga ba hindi, ‘di-hamak na institusyon ng matatawag at may legacy na ang bagong endorsement sa buong mundo, ang Police eyewear.
At isang malaking karangalan nga rito na sa Pilipinas, si Dingdong ang kauna-unahang Pinoy na kinuha bilang celebrity endorser nito.
Ang naging Instagram post ng Kapuso Primetime King dito, “Excited to announce that I’m now the first Filipino endorser of Police Eyewear!  As someone who values style and function, I’m proud to represent a brand that offers both.
“And as a firm believer in defying norms and making a difference, it’s an honor to join the audacity movement with Police Eyewear.”
Bukod dito, very proud din na ipinost ni Dingdong na katulad ng ibang local celebrities, makikita na rin ang billboard niya sa Times Square.
Tinawag niyang multi-tasker ang sarili dahil habang nagte-taping daw siya para sa ‘Amazing Earth’, ang campaign photo naman niya ay ipina-flash sa Times Square.
“Just call me the master of multitasking with my Police shades on, of course.”

****

PURING-PURI ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde ang lead actor ng pelikulang horror na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” na si Joshua Garcia.

Siyang tunay rin naman dahil kahit ang mga nakapanood ng premiere night ay pinupuri ang actor na mula umpisa ay siyang nagdala ng movie.

Pre-pandemic at kasagsagan pa ng pandemic nang gawin nila ang movie. Kaya halatang bagets na bagets pa si Joshua pero napag-topless ito.

Inamin ni Joshua na nagkaroon din siya ng hesitation pero, hindi naman daw siya kinailangang pilitin ng director na si Direk Chito Roño, “Meron siyempre, pero hindi naman niya ako kinailangang pilitin. Ginawa ko na lang siya kasi kailangan. At kahit wala akong katawang maipapakita…”

Hiniritan naman si Joshua na, “may katawan na siya ngayon?”

“Hindi ko sinasabi,” natawang sabi niya.

“Pero mas wala akong katawan noon, 2019, ilang taon ako? Twenty-one, twenty-two, ang sarap kumain at that time.”

Sa movie, solo talaga ito ni Joshua dahil wala siyang kasamang  karaniwang leading lady o ka-loveteam.

“Masarap sa pakiramdam kasi, ang dami kong ginagawa na puro may loveteam. This time, parang bago rin sa akin at masaya ko na nasubukan ko siya.”

Sey pa niya, “It’s my first solo movie and lead ako with Regal.  Gusto ko lang din silang maka-trabaho, gusto kong ma-experience na mag-trabaho sa kanila, ‘di ba?

“First ko rin ‘to kay Direk Chito and masaya lang ako.  Kung ano mangyari, mangyari. There’s no stopping.”

Wala rin daw problema kay Joshua kung sa Prime Video ito mapapanood at hindi sa mga sinehan.

(ROSE GARCIA)

De Lima inabswelto ng korte sa ika-2 kaso kaugnay ng droga

Posted on: May 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng isang korte sa Muntinpula kahapon Biyernes ang ikalawang kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng iligal na droga — ito matapos aminin ng isa sa mga susing testigo na gumawa siya noon ng pekeng alegasyon laban sa akusado.

 

 

Nakita ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na hindi totoong tumanggap si De Lima ng P10 milyon mula sa ilang Bilibid inmates upang pondohan ang kanyang 2016 senatorial campaign,  perang nanggaling diumano sa iligal na kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.

 

 

Dahil dito, dalawa na sa tatlong kaso kaugnay ng iligal na droga ang naipapanalo ng opposition figure. Matatandaang inabswelto rin noong 2021 si De Lima sa ibang kaso kaugnay ng droga.

 

 

Sa kabila nito, gumugulong pa ang isang kaso ang dating senadora kung kaya’t mananatili pa rin siya sa kulungan.

 

 

“I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years,” dagdag pa ni De Lima sa hiwalay na pahayag.

 

 

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala at sumama sa aking laban. Hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako pinabayaan. Maraming salamat sa inyong paninindigan na balang araw ay makakamit ko ang katarungan, lalaya, at makakasama kayong muli.”

 

 

Patuloy din daw lalaban ang kanilang kampo upang makamit ang katarungan. Patunay daw itong hindi pa ito ang katapusan.

 

 

Isa si Former Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos sa mga nag-atras ng kanyang testimonya noon laban kay De Lima matapos sabihing pinwersa siya noong magsinungaling laban sa akusado.

 

 

Una nang sinabi ni Ragos na kinita siya noon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong 2021 at pinilit umamin sa bagay na hindi nangyari. Ginawa raw niya ito upang hindi idawit sa kaso at sa halip gawin pang testigo.

 

 

Itinatanggi naman ito hanggang ngayon ni Aguirre.

 

 

Maliban kay Ragos, kumambyo rin noon sa kanilang akusasyon ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at ang kanyang driver-bodyguard na si Marcelo Adorco. Binawi na rin ng kanyang kapwa akusado na si Ronnie Dayan, dati rin nyang aide, ang mga sinabi laban sa senadora.

 

 

“The Court acquits both accussed [De Lima and Ronnie Dayan] on the ground of reasonable doubt,” wika ng ruling na nilagdaan ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara.

 

 

“The general rule is that recantations are hardly given much weight in the determination of a case and in the granting of a new trial. The rare exception is when there is no evidence sustaining the judgement of conviction other than the testimony of a witness or witneeses who are shown to have made contradictory statements to the material facts under which circumstances the court may be led to a different conclusion.”

 

 

“Under the circumstances of this case, the testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction. Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt. Hence, this Court is constrainted to consider the subsequent retraction of witness Ragos. Ultimately, the retraction created reasonable doubt which warrants the acquittal of both accused.”

 

 

Kilalang human rights advocate si De Lima at kritiko ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumatay na nang libu-libo. Sa palagay ng ilan, pagdidiin ito sa kanya noon ng dating administrasyon.

 

 

Anim na taon nang nakakulong si De Lima para sa mga naturang kaso simula pa noong Pebrero 2017, dahilan para ipanawagan nang maraming grupo pati na ng international community ang kanyang paglaya. (Daris Jose)