• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 17th, 2023

Mas madaling medical access sa mga buntis, isinulong

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,

 

 

Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na rin sa kakulangan ng access sa health services.

 

 

“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ayon kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang press release.

 

 

Ang kanyang pahayag ay base sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, kung saan ipinapakita na 2,478 babae ang namatay dahil sa maternal causes noong 2021, mula 1,458  noong 2019.

 

 

Nabatid din ng UNFPA na 14% ng buntis ang hindi sumasailalim sa regular check-ups at iba pang kinakailangang medical care tuwing nagbubuntis at isa sa bawat 10 kababaihan ang hindi nanganganak sa health facilities o nakatanggap ng assistance mula sa skilled healthcare personnel tuwing nanganganak.

 

 

“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” anang mambabatas.

 

 

Idinagdag nito na mahalaga na inilalapit ang serbisyo sa kanila (Ara Romero)

95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG  nasa 95% hanggang  96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.

 

 

“As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.

 

 

“I expect mga 100 million more or less, so mga 95% to 96% na tayo,” ayon kay Uy nang tanungin  ukol sa bilang ng mga  registrants  na patuloy na hinihintay ng DICT para magparehistro at porsiyento ng kabuuang registration.

 

 

Buwan ng Abril, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% registration ng 168 million SIM owners.

 

 

Tinukoy ang mga karanasan mula sa ibang bansa na nagpatupad ng SIM registration, sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan  na ang  average percentage ng registered subscribers ay 70% lamang.

 

 

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang users ay mayroong 180 araw, o hanggang Abril 26, 2023, para iparehistro ang kanilang SIMs o harapin ang panganib na ma- deactivate ang kanilang SIM card.

 

 

Gayunman, inaprubahan ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng  SIM registration period, epektibong inilipat ang deadline sa Hulyo 25, 2023.

 

 

Ang kabiguan na magparehistro ay magreresuta ng deactivation ng SIMs.

 

 

Sa oras na na-deactivate ang SIM, mapipigilan na ang subscriber  na makatanggap at makapagpadala ng tawag at text messages at maka- access sa  mobile applications at digital wallets. (Daris Jose)

Presyo ng karneng baboy sa merkado sa Metro Manila, hindi pa gaanong apektado ng ASF

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa gaanong ramdam ang epekto ng African Swine Fever sa presyo at supply ng karneng baboy dito sa bahagi ng Pasay Public Market.

 

 

Sa katunayan ay bahagyang bumaba pa ang presyo nito kumpara noong nakaraang buwan.

 

 

Ngunit kung mapapansin, nasa limangput apat na probinsya na ang apektado ng African Swine Fever, mahigit kalahati na ng mga probinsya sa buong bansa.

 

 

Kaya naman inaasahan na ninipis ang supply ng karneng baboy sa mga pamilihan.

 

 

Ayon sa mga tindero dito sa bahagi ng Pasay Public Market ay hindi pa naman gaanong ramdam ang epekto nitong African Swine Fever.

 

 

Samantala, ang presyo naman ng mga imported na baboy ay higit na mas mababa kumpara sa fresh na karne dito sa bansa. (Daris Jose)

OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022.

 

 

Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs.

 

 

Dinala ng data ng Marso ang kabuuan para sa unang quarter ng taong ito sa $8.9 billion, isang pagtaas ng 3 porsyento mula sa $8.65 billion noong Enero-Marso 2022.

 

 

Ang mga kontribusyon sa unang quarter na paglago ay pangunahing nagmula sa United States, Singapore, Saudi Arabia, at United Arab Emirates. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

SSS may condonation program sa mga employer

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin ang kanilang  contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Ma­nagement and Restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program (CPCR-P) para sa  household employers.

 

 

Sa ilalim ng contribution penalty condonation programs, aasistihan ng SSS ang business at household employers na ayusin ang kanilang delinquencies sa pamamagitan ng pagbayad ng unremitted contributions habang sumasailalim sa condonation ng penalties.

 

 

Ang  CPCoDe MRP ay para sa lahat ng  emplo­yers na classified bilang  single proprietors, corporations, partnerships, coo­peratives, at  associations na may delinquencies sa  contribution payments, kasama na ang penalties simula nang kanilang  actual date of operation.

 

 

Sinabi ni SSS Account Management Group Concurrent Acting Head Neil F. Hernaez na sa ilalim ng  programa, ang  delinquent business employers ay babayaran ang  unremitted SS contributions plus legal interest na 6% per annum sa panahon na ang  employer ay nagpakita ng katunayan na ang kanilang negosyo ay nalugi o walang kita.