• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2023

Nakapag-recharge sa bakasyon sa Japan; CARLA, naging stress-reliever ang mag-yoga

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PROUD si Patricia Javier sa kanyang 16-year old son na si Robert Douglas Walcher IV dahil ito ang mag-represent ng ating bansa sa Mister Teen International 2023 pageant na magaganap sa Thailand on June 1.

 

 

Noong May 28 ay sinamahan ni Patricia si Robert sa paglipad nito sa Thailand. Bilang mother ay gustong masiguro ni Patricia na maayos ang mga gagamitin ng anak sa kanyang pag-compete sa naturang male pageant.

 

 

Mensahe ni Patricia sa kanyang anak ay: “Thank you for being a good son. Ang galing pala sumagot ng anak ko sa Q&A. Just enjoy your pageant journey and be proud to be a Filipino. We plant a good seed in your heart. Be God-fearing and continue to e generous to others. And when you are in the pageant, show them how Filipinos love other people. As you have said also, it’s not the looks but how you treat people. We love you.”

 

 

Mensahe naman ng ama ni Robert na si Dr. Robert Walcher: “I’ve said to Robert, you have been presented this opportunity to represent the Philippines. So why not do this and why not give it 100 percent? Who knows what’s gonna happen? This is just a part of your journey in life. I always tell my kids that we grow when we come out of our comfort zone. Whether you’re old or young you have to continue to push yourself. Of course, this is gonna be hard and Robert needs to be strong and lean to God. Just do the best that you can. You’re gonna do great and I’m just excited for you.”

 

 

Sinabi naman ni Robert sa kanyang supportive parents ay: “I  just want to thank my parents for the support. You guys have been so good to me. So thank you guys. I love you!”

 

 

Papasukin din daw ni Robert ang show business after ng competition sa Thailand. Ang Fashion designer na si Don Cristobal ang gumawa ng national costume at ilang outfits na isusuot ni Robert sa naturang international competition.

 

 

***

 

 

NAKAPAG-RECHARGE na si Carla Abellana noong magbakasyon ito sa Japan kamakailan.

 

 

Bukod sa pag-asikaso ng kanyang malapit nang matapos na bahay, nagiging therapy niya ang kanyang handcrafted soap business.

 

 

Pinost ni Carla sa Instagram ang proseso sa paggawa ng kanyang sabon. Isa raw ito sa nakakakalma sa aktres lalo na kapag nase-stress ito sa trabaho at para na rin gumaan ang anumang mabigat sa kalooban niya.

 

 

“Sharing my passion with all of you. Looking for ways to cope with my pain and grief, I decided to turn my vulnerability into something creative in hopes of encouraging others that they can overcome their own pain and grief too,” caption pa ni Carla sa IG.

 

 

Naging stress-reliever din ng Voltes V: Legacy star ang mag-yoga. Pinost nga niya ang ilang yoga poses sa social media na kayang gawin ng kanyang followers.

 

 

At kapag gusto naman daw ng aktres na magsaya, nagvi-videoke ito kahit na mag-isa lang siya. Caption pa ni Carla sa pinost na IG video: “When you’re the last one standing, ay este singing. Missing the barkada extra tonight!”

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM, malugod na tinanggap ang $2.5-B investment pledge ng Thai firm

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALUGOD na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng  Thailand conglomerate Charoen Pokphand Group (CP Group) na mamuhunan ng USD2.5 billion (P140.8 billion) sa Pilipinas para palakasin ang sektor ng agrikultura. 
Tinalakay ang  investment pledge nang makipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng CP Group, pinangunahan ni  chairman Soopakij Chearavanont, sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ni Communication Secretary Cheloy Garafil na ang  expansion plans  ng CP Group ay may kinalaman sa paggamit ng bagong teknolohiya, sakop ang babuyan (USD1.3 billion),  manukan (USD280 million), shrimp (USD800 million), at pagkain (USD120 million).
Sa nasabing pulong, winika ng Pangulo na layon ng  CP Group na magbitbit ng  “state-of-the-art” technology  sa bansa  na gagayahin ng Pilipinas.
“We’re very impressed with the new technologies that you use. I remember you told me that each plant farm you build is different from the last one because you immediately incorporate and adopt new techniques in technology,” ang sinabi ni Pangulong Marcos  sa CP Group executives, ayon kay sa Presidential Communications Office (PCO).
“Learning new things and applying new things, that’s the only way I think to compete as well. CP Group has done so well… to be a state-of-the-art company,” ayon pa rin kay Garafil.
Sa naturang pulong pa rin, nagpasaklolo ang CP Group sa administrasyong Marcos na maghanap ng angkop na lupain  sakop ang  400 ektarya ng aquaculture (hipon) at 300 ektarya para sa baboy at manok kabilang na itlog.
Nais din ng grupo na gumamit ng makabagong teknolohiya upang matupad ang “whole upstream at downstream raw materials” hanggang sa finished product para sa merkado at future exports.
Sinabi pa nito na ang bansa ay mayroong raw materials at magaling na labor force na pupunan sa available na teknolohiya para palakasin ang  value chain sa  agriculture sector.
“Even in terms of the ecosystem of agronomists and agriculturists, experts in fisheries, experts in rice, in broiler production… we have many people who are very, very good. It’s the system that we need,” ayon kay Garafil.
“They’re not working independently as if the other parts of the system don’t exist. That’s more or less where we find ourselves. Now…, I suppose we could start from where we are and try to just keep improving,” dagdag na wika nito.
Kinilala ang papel ng pamahalaan para suportahan ang inisyatiba ng pribadong sektor,  sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa mga stakeholders ang  kakayahan na pagsama-samahin ang proyekto na magpapalakas sa produksyon at katatagan ng agriculture sector.
Nangako naman ang Pangulo na pananatilihin ang momentum ng agrikultura na “move forward,” tinukoy nito ang non-mechanization bilang dahilan ng pagkabigo ng bansa  na ipagpatuloy ang proseso ng konsolidasyon apra mapabuti ang sistema.
“That’s why now we’re trying to catch up. So yes, we, I’m sure we can. I’m sure that there has to be a way… to get all the lessons that have been learned by not only you, but everyone around the world,” aniya pa rin sabay sabing “We will discuss amongst ourselves with all the others, those who will be helping put together the project. We will certainly see what is the most ideal way.”
Matatandaang, unang nakipagpulong si Pangulong MArcos sa CP Group executives noong November 2022 kung saan bumisita ang una sa  Thailand.
“The CP Group is now a leading holding company in Thailand, holding investments in 21 countries and economies worldwide, operating through more than 200 subsidiaries, and employing more than 300,000 people,” ayon sa ulat.
“It operates across eight business lines – agro-industry and food; retail and distribution; media and telecommunications; e-commerce and digital; property development; automotive and industrial products; pharmaceuticals; and finance and investment,” ayon pa rin sa ulat.
Samantala, nakita naman sa pulong ang presensiya nina business tycoons Sabin Aboitiz at Francis Chua, at mga mga opisyal at kinatawan ng Asia-Pacific Economic Cooperation Business Advisory Council (ABAC) Philippines.
Ang mga opisyal ng PIlipinas na dumalo sa pulong ay sina  Garafil, Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, House of Representatives Speaker Martin Romualdez, at Deputy House Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.   (Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang ‘Malacañang Heritage Tours’

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagbubukas ng  “Malacañang Heritage Tours,” kabilang na ang museo  na nagpapakita ng “road to the Palace” ng Pangulo.      

 

                

Pinasimulan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, ang  Malacañang Heritage Tours ay umikot sa dalawang tanyag na  museo na nagnagpapakita ng mga pamana ng mga Pangulo ng Pilipinas.

 

Kabilang na rito ang  Bahay Ugnayan, nagpapakita ng buhay at political career ni Marcos. naka-display naman ang mga ‘early photos’ ni Marcos gaya ng buhay-estudyante,  may lugar na nagpapakita ng pananatili sa Oxford University at larawan ng kanyang  special diploma sa social studies.

 

Samantala, ang Teus Mansion ay isang museo na naglalayong turuan ang publiko ukol sa iba’t ibang kasaysayan  ng  mga Pangulo ng Pilipinas.

 

Makikita roon ng mga bisita ang  mga  dating “presidential attire, footwear, flags, and exquisitely sculpted busts, paying homage to the former leaders of the country.”

 

Tampok din sa museo ang  portraits  ng mga  dating naging Unang Ginang.

 

Sa kabilang dako, ang  Goldenberg Series exhibit ay nagsisilbi bilang platform para itaas ang kamalayan at ipagdiwang ang iba’t ibang  “cultural heritage’ ng Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang nakabibighaning  events.

 

Dahil dito, inimbitahan ni Pangulong Marcos ang publiko lalo na ang mga estudyante na pumunta at bisitahin ang mga nabanggit na museo.

 

“It is now open to the public. I invite everyone to come, puntahan ninyo lalo na ‘yung mga estudyante na nais makita ang lahat ng mga Pangulo ng ating Republika. Nandiyan lahat, may kaunting kwento ng kanilang buhay,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

Sinabi naman ng Presidential Communications Office na ang  Malacañang Heritage Tours ay “provide a unique opportunity for individuals seeking a deeper appreciation for the remarkable past and distinguished leaders of the Philippines.”

 

“It stands as a must-see attraction, offering an engaging and enlightening experience that delves into the rich tapestry of Philippine history,” ayon sa PCO.

 

Tiniyak naman ng PCO na ang  tours ay bukas sa publiko ng libre, ang  guided tours ay available mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4  ng hapon.

 

Magugunitang, naglabas si Pangulong Marcos ng executive order (EO) para sa pagtataguyod at pag-iingat ng mga makasaysayan at kultural na pamana ng Pilipinas sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala sa Malacañang Heritage Mansions at paglikha ng mga advisory at management bodies.

 

Ayon kay PCO, batay sa EO No. 26 ay ipinag-utos ni Pangulong Marcos nang pagbuo ng isang advisory board na bubuuin ng tatlong kinatawan mula sa Office of the President (OP), na magsisilbi sa ex officio capacity, at tatlong kinatawan mula sa pribadong sektor na itatalaga ng chief executive.

 

Inatasan ng Pangulo ang advisory board na bumalangkas ng mga patakaran, proyekto at programa para sa mahusay na pamamahala ng Malacañang Heritage Mansions na napapailalim sa mga umiiral na batas at regulasyon.

 

Nakapaloob din sa naturang kautusan ang pagtatatag ng Malacañang Heritage Mansions Management Center na magbibigay naman ng technical at administrative support sa binuong Advisory Board.

 

Ito ay pamumunuan naman ng isang Executive Director na titiyak sa day-to-day operations at maintenance sa mga subject properties.

 

Pangangasiwaan din nito ang mga operational activities kabilang na ang performance ng lahat ng empleyado at tauhan nito, kasama ang SoSec na nagsasagawa ng administrative supervision dito. (Daris Jose)

Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.”

 

 

Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi.

 

 

Ayon kay Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba, awtor ng panukala, ang kahalagahan ng personal na pagpaplano sa pananalapi ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral na magtakda ng mga layunin sa pananalapi, kontrolin ang paggasta, at gumawa ng maingat na mga desisyon sa pananalapi.

 

 

Sa ilalim ng panukalang batas, makikipagtulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF) at Securities and Exchange Commission (SEC), para bumuo ng mga pamantayang pang-akademiko, kurikula, at materyales para sa kursong personal na pananalapi.

 

 

Ang iba pang mga panukalang inaprubahan ay ang HB 7219, o “Higher Education Institutions’ Development Research Fund Act of 2023;” HB 2316, na naglalayong magtatag ng Artificial Intelligence Industrial Research Park sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology; HB 321, na magtatatag ng Dinagat Islands State College; HB 7289, na naglalayong gawing State University of Siquijor ang Siquijor State College at ang extension campus nito; HB 6566, na naglalayong itatag ang Sarangani State College; HB 1457, na magtatatag ng Techno-Parks Development Fund (TPDF) para sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 1451, na naglalayong maglaan ng P1 bilyon para pondohan ang pagpapaunlad ng imprastraktura ng Alubijid Campus sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 7643, na naglalayong gawing regular na kampus ang satellite campus ng Bukidnon State University; at mga HBs 7173, 7516, 7570, 7571, 7702 at 7746, na naglalayong magtatag ng TESDA training and assessment

 

 

centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Nagsagawa rin ng pagdinig ang komite kasama ang Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo, para aprubahan ang mga HBs 5462, 7279 at 7710, na naglalayong suspindihin ang mga pagbabayad ng student loan sa panahon ng kalamidad at iba pang kagipitan.

 

 

Iginiit ni Ecleo na dapat palawigin ng kongreso ang tulong na ito para maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ang mga walang kabuhayan at matatag na pinagkukunan ng kita.

 

 

Sinabi ni Go na inaprubahan na ng senado ang katulad na panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa. (Ara Romero)

Desisyon na ng bawat isa kung sasama o maiiwan: TITO, VIC at JOEY, nagpaalam na sa Tape Inc. at sa Dabarkads

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALAM na ang Eat Bulaga!

 

 

 

Ayon kay Tito Sotto, pumasok daw silang lahat, pero hindi raw sila pinayagan ng new management na mag-live. Pero sa kalagitnaan ng show, pumasok ang tatlo ng live.

 

 

 

Nagpasalamat sila sa lahat ng mga tumangkilik daw sa kanila mula noong July 30, 1979, kaya 44 years na sila sa taong ito, ayon naman kay Joey de Leon. Kaya lubos ang pasasalamat nila sa RPN-9, ABS-CBN-2 at GMA-7.

 

 

 

At saka sinabi ni Vic Sotto na, “Simula po ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE Incorporated.”

 

 

 

“Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t-saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay niyo.

 

 

 

“Maraming salamat po sa inyon lahat. Hanggang sa muli… Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

 

 

 

Ang naisip namin ay ang bagong dabarkads na si Carren Eistrup. Bilang winner siya ng contest, kung sakali at magkakalipatan at magtutuloy-tuloy naman ang TAPE sa GMA-7 sa noontime show pa rin bilang meron silang kontrata sa network hanggang sa December ng taong ito, ano ang mangyayari sa kanya?

 

 

 

So ‘eto na, wala palang kontrata ang mga host. At kahit si Carren na winner, hindi rin ito naka-bound sa any written contract. Talagang ang pinanhahawakan lang ay loyalty at word of honor.

 

 

 

Base sa nakausap namin like in the case of Carren, wala raw itong alam talaga sa mga nangyayari at magaganap. Trabaho lang daw ito at kung ano ang kailangan niyang gawin.

 

 

 

Kaya siguro kung sakali at magkakalipatan, desisyon na ng bawat isa kung sasama sa aalis o maiiwan sa TAPE at sa GMA-7.

 

 

 

***

 

 

 

BREAK na nga ba sina Liza Soberano at Enrique Gil?

 

 

 

Nagti-trending ang LizQuen at si Ogie Diaz dahil rebelasyon ng huli na diumano’y may nagsabi sa kanya na break na ang dalawa. At nanghihinayang daw siya kung totoo dahil halos 8 years din daw ang relasyon ng mga ito.

 

 

 

Dahil dito, maraming netizens ang bina-bash si Ogie. Hindi raw proper na siya ang nagbabalita kung totoo man bilang ex-manager ni Liza. At bakit daw hindi hayaan ang dalawa ang mag-announce totoo man o hindi.

 

 

 

Sa iba naman, hindi na sila nagugulat.

 

 

 

Una, sa mga sunod-sunod na desisyon daw kasi ni Liza sa career niya, hindi na nakapagtataka na makikipag-break din ito kay Enrique.

 

 

 

So, abangan natin kung ano nga ang katotohanan.

 

(ROSE GARCIA)

Ads June 1, 2023

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Panukalang batas na gawing regular licensing center ang LTO-Las Pinas extension, aprubado na ng Kamara

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.

 

 

Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023.

 

 

“We are elated that our colleagues supported this measure not only for our constituents in Las Pinas but also for our neighboring towns,” pahayag ni Rep. Villar.

 

 

Si Rep. Villar ang principal author sa nasabing panukala.

 

 

Ayon kay Rep. Villar, sa sandaling maging ganap na batas ang nasabing measure, mas magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo ng LTO-Las Pinas sa mga residente at sa mataas na bilang ng mga transactions. (Daris Jose)

2 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, NAPIGIL

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa  Singapore.

 

 

Sa ulat ng  BI  travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang  sumakay sa Scoot Airlines  sa Clark International Airport (CIA) na nagpanggap na mga turista.

 

 

Itinanggi ng dalawa na magkakilala sila  at sinabing bibiyehe sila upang magbakasyon pero sa beripikasyon nalaman na may active work permits na magtrabaho sa Singapore bilang mga entertainers.

 

 

Pero inamin sa bandang huli, inamin nila  na nag-aplay sila sa pamamagitan ng online at sinabihan na mag turista sila para mapagtakpan ang totoong pakay nilang magtrabaho. Nagbayad sila ng P30,000 at P15,000 para sap ag-proseso ng kanilang dokumento.

 

 

“In many cases, these victims are made to believe that they will be working as entertainers, but many end up forced to work in sex trade,” ayon  kay Tansingco.  “This is a clear case of human trafficking, wherein the victims are instructed to pretend to be tourists,” dagdag pa nito.

 

 

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng CIA Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng demanda ng kanilang recruiters. GENE ADSUARA

Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.

 

 

 

Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

 

 

 

Maganda ang role ni Eula bilang nanay ni Joshua sa teleserye, na kasamang naninirahan sa Switzerland. Si Romnick Sarmenta naman ang gumaganap na tatay ng aktor at asawa ni Eula.

 

 

Sa naganap na grand mediacon para sa “Unbreak My Heart”, natanong si Eula kung ano ang masasabi niya sa pinag-uusapan collaboration ng GMA at ABS-CBN, kasama ang Viu Philippines.

 

 

 

“Feeling ko is parang, kapag sa school ka ‘yung aabsent ka, ito may permiso na,” say ng mahusay na aktres.

 

 

 

“Parang kunwari matatapos ako sa project sa ABS-CBN, magpapaalam ganu’n. Ngayon legal na. Feeling ko na-experience ko ‘yung both worlds.

 

 

 

“Sobrang nawalan ng bigat na baka magtampo sila kapag sa kabilang network. Nawala ‘yung bigat.”

 

 

Dagdag pa ni Eula, “Sobrang nag-benefit ang mga artista. Blessed ako, itong lifetime na ito na-experience ko ang collab ng GMA at ABS, at ng Viu (Philippines).”

 

 

 

Kasama rin sa powerhouse cast ng “Unbreak My Heart” sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Victor Neri, Nikki Valdez, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca De Vera, Dionne Monsanto, Maey Bautista, Philip Joshua Endrinal, Mark Rivera, at marami pang iba.

 

 

 

Dahil sa Viu kami nanonood, advance naming napanood ang pilot week (Episode 1 to 4). Ngayong gabi pa lang ipalalabas sa GMA channel ang ikaapat na episode na kung saan lalabas ang character ni Gabbi at masisilayan ding kagandahan ng Italy, bukod pa sa Switzerland.

 

 

 

Nagpakitang gilas talaga sa husay sa pag-arte sina Jodi at Joshua, kasama pa ang kanilang sensual scenes. Hindi rin nagpahuli sa first week sina Richard, Laurice, Nikki at Eula, na pawang may kanya-kanyang highlights.

 

 

 

Congrats GMA, ABS at Viu, dahil tinututukan talaga ang “Unbreak My Heart” gabi-gabi at mahirap nang bitawan ng mga manonood.

 

 

(ROHN ROMULO)

PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.

 

 

Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo.

 

 

Ayon sa alkalde, direktang apektado ang mga lungsod ng plastic crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.

 

 

Inihayag din ni Belmonte ang mga programa ng Quezon City sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC, pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel, at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.

 

 

Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.

 

 

Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa ibat-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat. (PAUL JOHN REYES)