TARGET ng Privatization and Management Office (PMO) ng Department of Finance (DoF) na ibenta ang 143 property na nagkakahalaga ng P2.5 billion para sa natitirang bahagi ng taon.
“The aggressive disposition of nonperforming assets will provide much-needed revenues for priority projects. It will also clear the National Government’s books of stagnant assets,” ayon kay Finance Secretary Benjamin E. Diokno.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng pamahalaan ang pagbebenta ng anim na property na nagkakahalaga ng P152.8 million, na ibi-bid out ng PMO. Kabilang na rito ang P25 milyong halaga ng property na pag-aari ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines sa Davao City at dalawang lote na nagkakahalaga rin ng P25.34 bilyong piso sa Davao City na pag-aari rin ng bangko.
Kasama rin ang P1.92-million property na pag-aari ng Central Bank Board of Liquidators sa Pasay City; at dalawang lote sa Visayas na pag-aari ng Technology Resource Center na nagkakahalaga ng P50.4 million at P50.2 million.
Sa first quarter, inaprubahan ng PMO ang disposisyon ng 31 property na nagkakahalaga ng P912.17 million “via public auction.” Plano nito na ibenta ang 19 property na nagkakahalaga ng P799.05 million sa second quarter.
“The government is also targeting to sell 36 properties worth P397.73 million by the third quarter and 57 properties worth P431.4 million in the fourth quarter,” ayon kay Diokno.
“The PMO is also targeting to dispose of the government’s 3.46% stake in NLEX Corp. by the third quarter, although this is still subject to third-party valuation. This plan is expected to be endorsed to the Privatization Council within the month,” ayon pa rin kay Diokno.
Samantala, winika ni Diokno na inaprubahan ng gobyerno ang “final sale” ng P800 milyong halaga ng assets sa second half ng 2022.
“I’d like to share that within the first six months of the administration, the Privatization Council approved the final sale of P800 million from the approved P1.9 billion worth of assets for disposition,” aniya pa rin. (Daris Jose)