• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 13th, 2023

Milyon-milyon na ang views ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: Kinakikiligang tambalan nina WILBERT at YUKII, patuloy na tinatangkilik

Posted on: June 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PITONG linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile mula sa Puregold Channel, at mula noon, nakakuha na ng milyon-milyong views ang serye–sa mga teaser at episode nito. 

 

 

Lumawak na rin ang mga tagapagtangkilik ng kapana-panabik na tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi).

 

Malinaw na malinaw mula sa mga numero ang lahat: bawat episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay nakakalikom ng 90,000 hanggang 171,000 views, habang 160,000 hanggang 186,000 naman para sa bawat trailer. Kung lalahatin, 12.3 milyon na ang views sa Facebook at YouTube. Dagdag pa rito, ang opisyal na hashtag na #anglalakisalikodngprofile ay mayroon nang higit sa 12 milyon na views sa Tiktok. Napatutunayan lamang nito na walang makatatalo sa mahuhusay na kuwentong pag-ibig, at ang kilig nitong dala-dala.

 

Walang pagdududa na inaabangan na ng mga manonood ang bawat bagong episode tuwing Sabado nang gabi, at nakatutok sa pag-unlad ng kuwento.

 

Dahil sa pagpapakita ng tradisyonal na mga paniniwala at gawi ng mga Pilipino, at ng modernong mga karanasan sa online dating, kumapit ang mga manonood sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa naratibong mayroong saya, pagpapatawa, at kilig, nakikilahok ang fans sa paghihirap at ligaya ng mga tauhan.

 

Bakas din sa mga komento ang epekto ng serye sa mga manonood.

 

Sabi ni Lavender Gurl sa Episode 7, kung saan nagkita na sina Bryce at Angge, “Grabe, sobrang kilig ko na nagkita na sila! Love love love it to the max over! Sana matagal pa matapos. Ang ganda ng songs at ang linis ng quality ng video. Bagay talaga sila.”

 

Dagdag naman ni Grande Sorella Vlog, “Finalmente! Nagkita rin sila. I love it! Thanks Ninang Puregold. Naku, ituloy niyo na po ang kilig ha. Huwag na kayong maging bitter, char! Waiting for the next episode.”

 

Si Jamil De Torres, masayang naghihintay sa bawat episode. “Excited na sa episode 8. Nagkita na sila, grabe. Kapana-panabik naman ang story, paganda nang paganda!”

 

Pagbibiro ni Dorothy Joy Emiliano, “Mas excited pa ako dito sa series na ito kaysa sa sahod ko, promise.”

 

Paniniwala ng Puregold, itong napakaraming views at nakakatuwang mga komento ay testamento ng mahusay na content na nagagawa ng channel.

 

Pahayag ni Ivy Piedad, Marketing Manager ng Puregold, “Ipinagmamalaki namin ang impact ng serye sa mga manonood. Ito ay tunay na repleksyon ng dedikasyon ng Puregold sa paggawa ng dekalidad na retailtainment. Mahalaga at nakakokonekta ang mga Pilipino sa mga kuwentong inilalatag ng Puregold Channel, at masaya kaming maramdaman ang kanilang positibong pagtanggap.”

 

 

Sa Episode 8 (napanood na noong Sabado, Hunyo 10), lumipat na sina Angge at Bryce mula sa digital na mundo, tungo sa totoo at pisikal na espasyo.

 

 

Kikiligin ba ang dalawa? Uunlad ba ang kanilang pagkakaibigan sa pag-iibigan? May manunumbalik ba mula sa nakaraan at magsisilbing pagsubok sa namumuo nilang relasyon?

 

Para sa kasagutan ay ulit-uliting panoorin ang nakakikilig na episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa opisyal na Puregold Channel sa YouTube.

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ROMULO)

Puring-puri naman siya ng veteran actor: DINGDONG, sobrang saya na muling makatrabaho si TIRSO

Posted on: June 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Dingdong Dantes makatrabaho ulit sa isang malaking teleserye ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.

 

 

Unang nagkasama sina Dong at Kuya Pip sa 2002 teleserye na ‘Sana ay Ikaw Na Nga’. Nagkasama sila ulit sa teleserye na ‘Endless Love’ noong 2010 at sa ‘I Heart U Pare’ in 2011.

 

 

Ngayon ay gaganap silang mag-ama sa inaabangan na murder mystery serye ng GMA na ‘Royal Blood’.

 

 

Kuwento ni Dingdong, “Nu’ng malaman ko na makakasama ko siya sa ‘Royal Blood’ sobrang saya. Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny.”

 

 

Kuwento ni Kuya Pip na tuwing nagkikita sila ni Dong, ang tawag niya rito parati ay Carlos Miguel. Yun kasi ang pangalan ni Dong sa ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’.

 

 

“For a long long time, for so many many years, ang tawag ko sa kanya tuwing magkikita kami is Carlos Miguel. And ngayon mapapalitan na ‘yan, iba na ‘yung pangalan niya ngayon.

 

 

“But it was always been a very nice experience for me everytime I work with Dingdong. He’s a very kindhearted man, he’s very professional, and I can see he really loves his job. He’s not here just for the glory, for the fame, no. He has his heart into the art itself, the craft of acting.”

 

 

Sa ‘Royal Blood’, gaganap si Tirso bilang Gustavo Royales, ang pinatay na business tycoon. Gaganap pang tatlong anak ni Gustavo sina Mikael Daez, Rhian Ramos at Lianne Valentin.

 

 

***

 

 

INIHAYAG ni Mavy Legaspi na in love siya ngayon, at sinabing si Kyline Alcantara ang kahulugan ng pag-ibig para sa kaniya.

 

 

Si Kyline naman, tinawag ang aktor na, “my protector.”

 

 

Tinanong ang aktor kung gaano siya ka-protective kay Kyline.

 

 

“Protective? 10, 20, 30, 40, 50… 100. Mataas talaga,” sabi ni Mavy.

 

 

Ngunit sa pagiging istrikto, minarkahan ni Mavy ang sarili na 3 out of 10 lang siya pagdating kay Kyline, dahil hindi siya konserbatibo.

 

 

“Sa damit, that’s it. Doon ako… I have this agreement with Kyline na she’s free to wear anything she wants. But for example, mini skirt, ganoon, I always remind her na ‘You can wear cycling shorts,’ just in case. Kasi she has instances where she is a very clumsy woman,” paliwanag ng binata.

 

 

Muling nagtambal ang MavLine loveteam sa bagong GMA-Wattpad series na ‘Luv Is: Love At First Read’. Kasama pa nila sina Therese Malvar, Pam Prinster, Larkin Castor, Bruce Roeland, Mariel Pamintuan, Kiel and Gabby Gueco at sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon at Maricar de Mesa.

 

 

***

 

 

NATULOY din sa wakas ang matagal nang inaasam na European vacation ng pamilya ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, and Gavin. Tawag sa kanila ay Team Kramer.

 

 

Hinintay lang daw ng mag-asawa ang bakasyon ng mga bata sa school para ma-enjoy nila ng matagal ang paggala sa Europe.

 

 

Post ni Doug on IG: “Bye Manila! After a hectic May schedule of meetings, schools, launches, and shoots, please pray for us as we go on our longest vacation yet! A much-needed one.”

 

 

Unang stop ng Team Kramer ay sa London na first time marating ng mag-asawa.

 

 

“We’re in London baby!” caption pa ni Doug sa IG post habang naka-pose sila sa Tower Bridge.

 

 

Three years din daw kasi hindi nakapagbakasyon abroad ang Team Kramer dahil sa pandemic. Noong magluwag na ay nag-local travel muna sila sa Palawan at Boracay. Noong nakaraang holidays ay bumiyahe ang Team Kramer to Japan and Hong Kong.

 

 

At kahit super expensive ang magbiyahe to Europe, hindi naman kakapusin sa budget ang Team Kramer dahil in-demand pa rin ang kanilang pamilya sa pag-endorse ng iba’t ibang produkto at laman pa rin sila ng maraming TV commercials.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Nagpapasalamat sa guidance ng aktor… RABIYA, kabadong-kabado kapag kaeksena si DINGDONG

Posted on: June 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na gumawa ng isang drama series, ang murder mystery series na “Royal Blood” sa GMA Primetime, kaya kabadong-kabado siya lalo na kapag kaeksena niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.  

 

 

Sa story, gumaganap si Rabiya bilang si Tasha, ang kind-hearted neighbor ni Dingdong as Napoy na may secret feelings for him.  Siya ang nag-aalaga sa anak ni Napoy, si Lizzie played by a new child actress, si Sienna Stevens.

 

 

Kapag nahihirapan daw siyang i-execute ang eksena,  laging naroon si Dingdong to help her.

 

 

“Salamat sa guidance ni Kuya Dong kapag nahihirapan ako kung paano gawin ang eksena, naroon siya para tulungan ako,” kuwento ni Rabiya.

 

 

“Hindi nga ako makapaniwala na makakasama ako sa isang teleserye at makakatrabaho ang mga bigating artista ng GMA Network. It’s a dream come true for me, and I’m very thankful.”

 

 

                                                            *****

 

 

PLAYING a special and significant role sa “Royal Blood” si Tirso Cruz III as Gustavo Royales, the rich and shrewd business tycoon and patriarch of the Royales family.

 

 

Ang story ay iikot kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales.  Marami siyang anak na pare-parehong may interest sa yaman niya, pero ang mapagbibintangan ay si Napoy na bastardong anak ni Gustavo.

 

 

Sa mediacon, nagbiro si Pip na nagtataka siya kung bakit itinago sa kanya, sa kanila, kung sino ang papatay sa kanya, ganoong hindi naman daw magtatagal ang exposure niya sa serye.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa tapos ang taping ng serye, kaya si Pip na rin ang nagsabing, “it give us, ang buong cast, para pagbutihin ng lahat ang pag-arte, para i-build up ang kani-kanilang character na ginagampanan.”

 

 

Sa story, ang gaganap na mga kapatid ni Napoy ay sina Mikael Daez, ang kanyang half-brother na asawa ni Megan Young.  Sister naman niya ang conservative but mysterious daughter ni Gustavo si Rhian Ramos, na asawa ang ambisyosong si Dion Ignacio.  Sister din ni Napoy ang witty at materialistic na si Lianne Valentin.

 

 

Sino kaya sa kanila ang papatay kay Gustavo?

 

 

Abangan ang world premiere ng “Royal Blood” sa June 19, 8:50 p.m. pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” sa GMA-7  at 11:30 p.m. fom Monday to Thursday at 11 p.m. every Friday sa GTV.

 

 

                                                            *****

 

 

AFTER seven years na hindi napapanood sa small screen si Cesar Montano, ngayon ay muli siyang magbabalik, para sa television remake ng pelikulang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan”  na mapapanood naman sa TV5 simula sa July 10,  2023.

 

 

Nagsimula nang mag-taping si Cesar last May 18, kasama niya sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kasama rin nila sina Lito Pimentel, Mickey Ferriols at Felix Roco.

 

 

Gagampanan naman ni Cesar ang role na dating ginampanan ni Eddie Garcia na ipinalabas noong November 7, 1983 na pinagbidahan naman noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos.

 

 

Kamakailan ay napanood si Cesar sa “Martir or Murderer” ng Viva Films katambal si Ruffa Gutierrez.

(NORA V. CALDERON)

Ads June 13, 2023

Posted on: June 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

James Gunn’s ‘The Brave and the Bold’ Could Finally Be A Proper Batman and Robin Movie

Posted on: June 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE Batman franchise will be rebooted yet again in The Brave and the Bold, a film set in James Gunn’s DC Universe that could finally be a proper Batman and Robin movie.

 

 

Robin has been an indispensable part of the Batman mythos, debuting less than a year after Batman himself. While the original Robin, Dick Grayson, is the first and most famous of Batman’s sidekicks, he has had many successors over the decades, including Bruce Wayne’s biological son, Damian Wayne. Damian will be the Robin of Gunn’s The Brave and the Bold, making it the first Batman film in over two decades to include Robin as a co-star.

 

 

In the mainstream Batman comic mythos, Bruce Wayne’s adopted son, Dick Grayson, first used the Robin mantle, followed by Jason Todd, Tim Drake, Stephanie Brown, and Damian Wayne, with Carrie Kelley being Grayson and Todd’s only successor in Frank Miller’s The Dark Knight Returns.

 

 

While Batman is popularly and erroneously perceived as a loner, one of his definitive characteristics in his decades of comics is his leadership and mentorship of the various Robins. Robin, as both a mantle and an individual, is as essential to a proper Batman adaptation as Alfred Pennyworth or Commissioner Gordon.

 

 

Robin has been featured in several Batman films, including 1966’s Batman: The Movie, Batman Forever, and Batman & Robin, yet James Gunn promises the best use of the character yet in The Brave and the Bold. Gunn intends to adapt Grant Morrison’s various Batman comic runs, implying that, like his comic counterpart, the DCU’s Damian Wayne will be far from the first Robin. This means The Brave and the Bold will not only give Robin a well-deserved co-starring role, but it also implies that it will be the first movie to truly delve into the “Bat Family,” making acknowledgments or even appearances of former Robins, like Nightwing or Spoiler, possible.

 

 

Most Batman films struggle to get Robin right, in large part due to them omitting him entirely and incorrectly depicting Batman as a loner. Joel Schumacher’s duology came close to an authentic portrayal, but they oddly chose an adult actor to play Dick Grayson, making it difficult to see him as Bruce Wayne’s adopted son. Burt Ward’s Robin was every bit as competent as Batman, but the 1966 film’s intentional camp made it overall too irreverent. The original DCEU came close to including an authentic depiction of Robin, however.

 

 

Dick Grayson was dead by the events of Batman v Superman, having been killed by the Joker. Grayson’s death continued to haunt Ben Affleck’s Batman, contributing to him nearly becoming a villain, and Snyder intended to eventually introduce Carrie Kelley as Grayson’s successor. This plan never came to pass, but considering how important the late Grayson continued to be, Snyder’s iteration of Kelley would likely have been the first authentic and comic-accurate version of Robin on film. With the DC Universe set to undergo a partial reboot, however, The Brave and the Bold will likely end up being the Batman film to finally get Robin right. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)