• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 24th, 2023

Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign

Posted on: June 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng media at information literacy campaign  habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.”

 

 

Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki  ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program.

 

 

“We also have to highlight that the FOI Program has greatly advanced the campaign against misinformation and disinformation in the country — a problem that we in the Philippines also suffer from as I guess all of us do around the world,” anito.

 

 

“Like everyone here, we too recognize as a matter of principle that fake news should have no place in modern society,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Para labanan ang disinformation at misinformation, magro-roll out ang gobyerno ng  media at information literacy campaign na dinesenyo na maging digital, multi-media, at youth-oriented.

 

 

“Our people can be assured of the continued implementation of the FOI Program in the executive branch, through the Presidential Communications Office,” ayon sa Pangulo.

 

 

“At this juncture, I reiterate our call not only to the executive branch, but to all branches of government, to genuinely uphold and give effect to the people’s freedom of information in the course of our day-to-day operations, with good faith and with openness,” aniya pa rin.

 

 

Sa kamakailan lamang na report ng Britain-based Reuters Institute, makikita rito na para sa mga kabataan, ang influencers ay mas naging popular bilang news source kumpara sa mga mamamahayag.

 

 

Sa Pilipinas, mas maraming Filipino ang gumagamit ng  social media platforms, kabilang na ang Chinese short-form video app TikTok, upang makakuha ng kanilang balita. (Daris Jose)