• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2023

Ads August 4, 2023

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

3 most wanted persons, nabitag sa Caloocan

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, katuwang 3rd MFC, RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons.

 

 

Nadakip sa naturang operation si Elvie Cruz, 49, dakong alas-5:20 ng hapon sa kanilang lugar sa Waling-waling St., Area C, Barangay 174, Camarin, na may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Manuel I.R.A. Barrios, Presiding Judge, RTC Branch 126, Caloocan City noong July 27, 2023, para sa Attempted Murder.

 

 

Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng WSS, sa tulong ng 4th MFC RMFB-NCRPO sa joint manhunt operation, dakong alas-3:00 ng hapon sa Libis Espina St., Barangay 16, ang magkapitbahay na sina John Paul Pagulayan, 21 at Billie Alfaro, 29, kapwa ng Libis Espina St., Brgy. 16.

 

 

Ani Maj. Rivera, ang magkapitbahay na akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Barbara Aleli Hernandez Briones, Presiding Judge, FC Branch 1, Caloocan City noong July 26, 2023, para sa kasong Frustrated Murder.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

 

 

Pinapurihan naman ni BGen Gapas ang Caloocan police sa pamumuni ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap at walang humpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa mga akusado. (Richard Mesa)

Sobrang sweet ng kanyang birthday message: MARIAN, todo-todo talaga ang pagmamahal kay DINGDONG

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAST August 2, nag-celebrate si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng kanyang kaarawan kasama ang asawa na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.

 

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang mga larawan nila na may caption na, “Embracing 43 with all the love and energy from my family!”
“They surprised me with a beautiful breakfast and an early Karaoke medley— huwaw!! @marianrivera (face blowing a kiss emoji) #AgostoDos.”

 

 

Ang sweet naman ng birthday message ni Marian sa kanyang IG, kasama ang photo ni Dong, may caption ito ng, “Cheers to the most amazing husband on his special day! Happy birthday to the one who fills my life with love and happiness.

 

 

“I thank GOD every day for sending you into my life, my good-soul partner. Here’s to another year of laughter, adventures, and endless love. Mahal kita ng todo!#BlessedWithYou #LoveOfMyLife.”

 

 

Na nireplayan naman ng bida nang pinag-uusapang murder-mystery series na ‘Royal Blood’ ng, “Salamat, my love, sa lahat ng (three face blowing a kiss emojis).”

 

 

Sa Instagram Story naman ni Marian, na soon ay mapapanood na rin sa upcoming GMA primetime series na ‘Against All Odds’, ibinahagi niya ang ilang pang litrato ni Dong kasama ang kanyang birthday cake at hawak-hawak ang birthday cards na ginawa nina Zia at Sixto.

 

 

Samantala, few days ago, bago ang birthday ni Dingdong, nag-celebrate din sila sa newest achievement ni Zia na kung saan nag-e-excel din ito sa swimming.

 

 

Kaya naman proud na proud na pinost ito ni Marian, kasama ang photos at videos.

 

 

Caption niya, “Words can’t express how proud I am of my daughter’s incredible swimming accomplishments! She just won a total of 6 medals in the competition and I couldn’t be happier.

 

 

“Thank you, God, for showering us with these blessings! Huge thanks to Coach Angelo and Coach Miguel for their dedication and hard work in training Zia. #BlessedBeyondMeasure

 

 

Nag-post din si Daddy D tungkol dito, “Behind the success of every aspiring athlete is the magic touch of their support team. @marianrivera.”

 

 

Kaya wala talagang masabi ang mga netizen, sa tuloy-tuloy na blessings sa pamilya Dantes, at pawang pampa-good vibes ang hatid nila.

 

 

Happy Birthday Dong, may God bless and always protect you and your family!!!

 

 

(ROHN ROMULO)

EVERYTHING IS BIGGER IN “MEG 2: THE TRENCH”, SAY FILMMAKERS

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FOR director Ben Wheatley, the goal for “Meg 2: The Trench” was simple: “Taking ‘The Meg’ and supercharging it – bigger creatures, bigger action, bigger monsters, bigger environments, bigger equipment – the whole thing. Bigger.”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/HwokLHOYd5c

 

 

 

The cast also got a very welcome addition that helped supersize its cast – global action icon Wu Jing, star of five of the 10 highest-grossing films in China. “To be honest, I’ve always been terrified of monster films,” says Jing. “You can ask me to jump off a high-rise building, and I think that’s easier for me – but fighting a fictitious monster? That is something very hard for me.”

 

 

 

Lucky for Jing, it’s not all about fighting fictitious monsters. Part of the charm of “The Meg,” one of the biggest surprise blockbusters in 2018, was its sense of humor. “Meg 2” producer Lorenzo di Bonaventura admits, “There was a little bit of uncertainty with the first film how the comedy would play for the audience. But they really bought into the notion of ‘Let’s not take ourselves too seriously – let’s have some fun and some scares.’” He adds that for the sequel, everything is more: “This time around, we’ll have some more scares, a little more carnage in and out of the water, two globally popular actors in Jason Statham and Wu Jing, some new cast members, more action… and more Megs. It’s a balance between reminding them of what they really loved and the characters they loved, and then giving them a new experience.”

 

 

 

Looks like it’s mission accomplished for director Wheatley. Producer Belle Avery agrees that “Meg 2: The Trench” is bigger and more. She says that for the sequel, they’re “giving [audiences] more creatures, creating more personalities with the Megs and making more discoveries in the trench. I think that’s pretty important. You know, mankind has a tendency to destroy things, and we touch on that. But, it’s kind of like Jonas [Jason Statham] said in the first film, ‘Meg versus Man is a slaughter.’ So, you’re going to see a little bit of that in this one, too, but fun slaughter.”

 

 

 

In “Meg 2: The Trench,” Statham and Jing lead a daring research team on an exploratory dive into the deepest depths of the ocean. Their voyage spirals into chaos when a malevolent mining operation threatens their mission and forces them into a high-stakes battle for survival. Pitted against colossal Megs and relentless environmental plunderers, our heroes must outrun, outsmart, and outswim their merciless predators in a pulse-pounding race against time.

 

 

 

Watch “Meg 2: The Trench,” now showing in cinemas.

 

 

 

About “Meg 2: The Trench”

 

 

 

Jason Statham and Wu Jing lead an ensemble cast that also includes Sophia Cai (“The Meg”), Page Kennedy (“The Meg”), Sergio Peris-Mencheta (“Rambo: Last Blood”), Skyler Samuels (“The Gifted”), and Cliff Curtis (“Avatar” franchise).

 

 

 

“Meg 2: The Trench” is directed by Ben Wheatley (“In the Earth,” “Free Fire”), from a screenplay by Jon Hoeber & Erich Hoeber (“The Meg,” “Transformers: Rise of the Beasts”) and Dean Georgaris (“The Meg,” “Lara Croft: Toom Raider – The Cradle of Life”), and a screen story by Dean Georgaris and Jon Hoeber & Erich Hoeber, based on the novel The Trench by Steve Alten. The film is produced by Lorenzo di Bonaventura (“The Meg,” “Bumblebee”) and Belle Avery (“The Meg,” “Before the Devil Knows You’re Dead”), and executive produced by Jason Statham, Cate Adams, Ruigang Li, Catherine Xujun Ying, Wu Jing, E. Bennett Walsh, Erik Howsam, Gerald R. Molen and Randy Greenberg.

 

 

 

Now showing in Philippine cinemas, “Meg 2: The Trench” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Meg2

 

(ROHN ROMULO)

P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”

 

 

Ang punong ehekutibo ng Lungsod Quezon ay nagpahayag ng kanyang buong-pusong pasasalamat at pagkilala kay Senador Villanueva para sa P50-million pondo para sa medical access program para sa sampung ospital na matatagpuan sa siyudad.

 

 

“Kumpiyansa ako na malaking bahagi ng ating mga mamamayan ang makikinabang sa programang ito,” sabi ni Mayor Belmonte.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi ni Villanueva na “sa lahat ng propesyon sa mundong ito, ang inyong propesyon sa inyo ako bilib na bilib.”

 

 

Dinagdag nya na ang mga health practitioners ay kailangang pag-aralang mabuti at asahan ang lahat ng scenarios ng kundisyon ng kalusugan ng isang pasyente bago isakatuparan ang kanilang tungkulin. “Sa kasalukuyan, 40 porsyento ang coverage ng PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation) sa ilalim ng Universal Health Care Act. Ang status po, binabalikat pa rin ng mga Pilipino ang 60 percent o mas malaki “out of pocket” ang ginagastos sa kanilang pangangailangang medikal,” sabi ni Villanueca.

 

 

Ayon kay Senate Majority Leader, ang Senado ay masigabong nagtatrabaho ngayon para maitaas sa mas mahigit 40 porsyento ang health coverage ng PhilHealth para sa mga Pilipino.

 

 

“Ang pondong ito ay magsilbing martilyo at chisel sa pagtulong nyo sa mga nangangailangang Pilipino,” sabi ni Villanueva.

 

 

Matatandaang si Villanueva ang pangunahing may-akda ng “Doktor para sa Bayan Act”.

 

 

Ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng sampung ospital na matatagpuan sa Lungsod Quezon ay ginanap sa ika-labinlimang palapag ng High Rise Building ng Bulwagan ng Lungsod Quezon.

 

 

Sina Belmonte, Villanueva at DOH National Capital Region Regional Director Annie Sudiacal ay sumaksi at dumalo sa paglagda ng MOA at seremonya ng pagkakaloob, ayon sa pagkakasunod-sunod.

 

 

Ang sampung benepisaryong ospital na tumanggap ng tig-P5 milyong tseke kada isa ay ang East Avenue Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Philippine Orthopedic Center, Quezon City General Hospital, Quirino Memorial Medical Center, at Veterans Memorial Medical Center. (PAUL JOHN REYES)

Nagugutom sumipa sa 10.4% sa nakalipas na 3 buwan — SWS

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO  lalo ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagsasabing nakaranas sila ng kawalang pagkain. Ito’y sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susugpuin ng gobyerno ang kagutuman.

 

 

Ito ay matapos i-survey ng Social Weather Stations ang nasa 1,500 respondents mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao bago magtapos ang Hunyo gamit ang harapang panayam.

 

 

“The national Social Weather Survey of June 28-July 1, 2023, found that 10.4% of Filipino families experienced involuntary hunger — being hungry and not having anything to eat — at least once in the past three months,” wika ng SWS nitong Miyerkules.

 

 

“The June 2023 Hunger figure was higher than the 9.8% in March 2023. However, it was lower than the 11.8% in December 2022.”

 

 

Ang naturang self-rated hunger rate ay suma ng pinagsamang mga datos na ito:

moderate hunger: 8.3%

severe hunger: 2.1%

 

 

Tumutukoy ang “moderate hunger” sa mga nakaranas ng gutom nang isang beses o minsanan, habang ang “severe hunger” ay tumutukoy sa mga madalas o palaging gutom.

 

 

Nangyayari ito sa kabila ng sinabi ni Pangulong Marcos na nakatulong sa 1.8 milyong pamilya ng mahigit 7,000 Kadiwa stores na itinayo ng gobyerno para makapaglako ng mas murang pagkain, bagay na nailalagay ngayon sa kontrobersiya dahil sa diumano’y anomalya sa pinagkunan ng mga ibinebenta ritong produkto.

 

 

Tumaas ng poryento ng kagutuman sa Metro Manila at Balance Luzon. Taliwas ito sa kinalabasan sa Mindanao kung saan nagkaroon ng pagbaba.

Thankful na nakasama sa top-rating afternoon series: ALLEN, bumili ng pick-up truck para may remembrance

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL ang mahusay na actor na si Allen Dizon na naging part siya ng cast ng top-rating GMA Afternoon drama series na “Abot-Kamay na Pangarap”, na kung saan gumaganap siya bilang katambal si Carmina Villarroel.

 

 

 

Nakabili siya ng Toyota Hilux pick-up truck, mula sa talent fee niya, para raw may remembrance sa drama series.

 

 

 

Sa San Fernando, Pampanga na pala nakatira si Allen and his family, at lumuluwas lamang siya ng Manila para sa showbiz commitments niya. Every Monday, Tuesday, Thursday at Friday ang taping niya ng serye at para makatipid si Allen sa oras at gasoline, nagtsi-check in na lamang siya sa hotel kapag may taping, na may permiso siya ng kanyang wifey.

 

 

 

Ang “Abot-Kamay na Pangarap” ay napapanood Monday to Saturday, 2:30 PM, after “Eat Bulaga.”

 

 

 

***

 

 

 

MARAMING nagtatanong, especially ang fans ng mag-sweetheart, kung okey kay Jak Roberto na ka-loveteam ni Barbie Forteza, ang Kapuso actor na si David Licauco?

 

 

 

Sagot ni Jak sa isang interview: “I’m thankful na successful ang love team nila at maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanila, at ako rin, supportive sa kanilang dalawa.”

 

 

 

Six years na ang relasyon nila ni Barbie at walang problema, suportahan daw sila sa gusto at pa ngarap ng bawat isa.

 

 

 

“Ayun, happy at very supportive si Madam (Barbie) everytime na magkasama kami sa show, sa lahat, happy rin ako for her, supportive ako sa lahat ng achievements niya at marami kaming nilu-look forward ngayong darating na taon.”

 

 

Hindi ba nagseselos si Jak?

 

 

“Walang na selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang!”

 

 

Walang kaso kay Jak na may ibang ka-loveteam ang girlfriend dahil parte iyon ng trabaho nila bilang mga celebrities. Maaari raw ang fans ang naapektuhan, pero hindi niya pinipersonal ang pagtatambal nina Barbie at David. Muling magtatambal sina Barbie at David sa upcoming GMA Primetime series, ang remake ng movie na “Maging Sino Ka Man” nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

 

Si Jak naman ay nasa cast ng malapit ng ipalabas sa GMA Afternoon series na “Missing Husband” nina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Kaya one teleserye na lang in a year: KATRINA, hinangaan sa desisyon na tutukan ang anak na may ‘mild autism’

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang humanga sa sinabi ni Katrina Halili na mas importante sa kanya ang maalagaan ang kanyang anak kesa sa tumanggap siya ng sunud-sunod na trabaho.

 

 

 

Na-diagnose ang unica hija ni Katrina na si Katie with ASD o autism spectrum disorder, isang “neurological and developmental disorder that affects how people interact with others, communicate, learn, and behave.”

 

 

 

Sey ni Katrina: “Sabi ng doctor, kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala, pero nasa mild lang naman po siya. During the pandemic, na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula noong ipinanganak ko siya dahil after ng show, dire-diretso.

 

 

 

“Kaya ang gagawin ko ay one teleserye na lang a year. Mas gusto kong matutukan ang anak ko. Kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon.”

 

 

 

Sa Earth School sa El Nido, Palawan pinasok ni Katrina si Katie para maturuan daw ito na maging independent, magtanim at maglakad sa kagubatan

 

 

 

Dasal ni Katrina para sa anak na maging isang mabuting tao at may takot sa Diyos.

 

 

 

Ang tumutulong daw kay Katrina sa pag-alaga kay Katie ay ang kanyang current boyfriend.

 

 

 

“Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, ‘di ba? Stubborn din ‘yung anak ko. So medyo mahirap kaming dalawa, minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya ‘yung mas kalmado.

 

 

 

“Tinutulungan niya ako talaga. Siya ‘yung mag-uusap, siya ‘yung kakausapin ako, kakausapin niya ‘yung anak ko,” sey ni Katrina na mapapanood sa teleserye na ‘Black Rider’.

 

 

 

***

 

 

 

NAGPAPASALAMAT si Bianca Umali sa mainit na pagtanggap sa kanya noong mag-opening number siya sa noontime show na ‘It’s Showtime’.

 

 

 

Isang sexy dance production number ang ginawa nila Bianca na gamit ang song ni Ariana Grande na ‘Dangerous Woman’. Suot niya ay leather crop top, leather shorts, at thigh-high leather boots.

 

 

 

Hindi napigilan ni Vice Ganda na purihin ang pasabog ni Bianca sa opening number.

 

 

 

“I’m sure maraming madlang people ang naka-appreciate ng prod mo. Ang galing mo and ang ganda mo! Lahat kami happy dito. Hindi lang mga cameramen, kaming mga staff, mga host!”

 

 

 

Napansin din ni Vice na punung-puno rin ng energy ang kanilang camera men sa studio. Panay raw ang close-up nila kay Bianca habang sumasayaw ito. Hindi raw nila ginagawa iyon sa kanya sa tagal nang pagtrabaho nila sa show.

 

 

 

Hirit ni Vice: “Parang close na close mo yung mga cameramen. Close-up na close-up! Fourteen years na ako dito, apat lang ang close-up ko. Kasi yung mga cameramen namin inspired kapag nakakakita sila ng maganda. ‘Yung mukha ko, andami nag-resign dahil sa mukha ko. Pero sa mukha mo, andami pumasok nang maaga!”

 

 

 

Sa Instagram ni Bianca, pinost niya ay: “Muchas gracias, Madlang Kapuso @itsshowtimena”.

 

 

 

Natuwa rin si Bianca na nakilala niya ng personal sina Vice, Kim Chiu at Vhong Navarro.

 

 

 

Sunud-sunod ang mga Kapuso stars na nagiging guest sa ‘It’s Showtime’ at nakiki-madlang pipol sa mga host tulad nila Barbie Forteza, Sanya Lopez at Ken Chan.

 

 

 

***

 

 

 

NAIPANALO ni Taylor Swift ang kinaso sa kanya ng isang nagngangalang Teresa La Dart na copyright lawsuit.

 

 

 

Kine-claim ni Dart na kinopya raw ni Taylor ang “number of creative elements from her 2010 book titled Lover.”

 

 

 

Pero nung magharap ang lawyers nila sa Tennessee federal court, nagdesisyon na i-drop ni Dart ang kaso.

 

 

 

Tinawag ng lawyers ni Taylor ang kaso na “legally and factually baseless” and “never should have been filed.”

 

 

 

Kung tinuloy daw ni Dart ang kaso, matatalo raw ito at uutusan pa siya ng judge ns bayaran ang legal bills ni Taylor na magkakahalaga ng libu-libong dolyares.

 

 

 

Noong August 2022 sinampahan ng kaso ni Dart si Taylor dahil sa nilabas ng singer na Lover book, isang 120 pages of personal diary entries, accompanied by photos na isang special edition book para sa 2019 album na Lover.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Gobyerno, hahanap ng paraan para protektahan ang kabuhayan ng tobacco farmers— PBBM

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na humanap ng paraan ang pamahalaan para protektahan ang kabuhayan ng mga tobacco farmers sa bansa.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng makabuluhang  tax revenues mula sa tobacco industry.

 

 

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe sa idinaos na International Tobacco Agricultural Summit, araw ng Miyerkules na binasa ng kanyang pamangkin na si Ilocos Norte  Governor Matthew J. Marcos Manotoc.

 

 

Sa nakalipas na taon ayon sa Pangulo, mayroong  malaking pagbabago sa “health policies” na nakaapekto sa tobacco industry.

 

 

“As such, we must seek ways to protect the livelihood of thousands of our tobacco farmers. Hence, this summit is a good opportunity to discuss strategies to innovate the industry in ways that safeguard the wellbeing of people and the environment,” dagdag na wika nito.

 

 

Giit pa ng Punong Ehekutibo na ang tobacco industry ay naging “a vibrant catalyst for economic growth in the country,”  lalo na sa mga bahagi ng Northern Luzon at Mindanao.

 

 

“For many of our people, it is an indispensable bedrock that generates income, livelihood, opportunities, and employment, particularly in areas where its cultivation spans generations and holds pivotal significance in the way of life of its communities. It is a significant source of tax revenues that are used to fund government programs,” litaniya nito.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na ang mga ideya at  “best practices” na ibabahagi sa summit ay magagamit ng gobyerno sa pagbuo ng mga hakbang na magpo- promote ng responsableng  “agricultural practices, tiyak na hanapbuhay at kabuhayan para sa mga tobacco farmers, at tugunan ang requirements o kinakailangan para sa  food security.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang  Department of Agriculture (DA), National Tobacco Administration (NTA),  academe, at pribadong sektor na magsaliksik ng iba pang pananim na maaaring tumubo at lumago katabi o kasama ng tobacco, upang sa gayon ay makapag-ambag din ito sa layunin ng administrasyon na  food security.

 

 

Sinabi ng Pangulo sa mga ito na “to keep exploring and engaging in profound, future-driven discussions’ na makatutulong sa  tobacco farming at allied industries nito. (Daris Jose)

DISCLAIMER

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Notice is hereby given that our company disclaims the existence of any paid advertisement in our newspaper relating to a “Notice to the Public” against Jamaica Casano Diaz that even included the name of FPG Insurance Corporation, Inc.  We also disclaim any relationship or association with a certain “Nathaniel Grande”, the alleged author of the email regarding said “Notice to the Public”, in any capacity whatsoever. We have no knowledge whatsoever of who sent the subject email which even contained a fictitious email address of peoples.balitadaily00@gmail.com and a fictitious office address of No. 6  21st Avenue, Country Club Road, Baguio City, which clearly are not our company’s official email address and office address.

 

This disclaimer is being issued to formally clarify the circumstances surrounding the email of “Nathaniel Grande” and to properly inform the readers of our newspaper.

(PEOPLE’S BALITA)