NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P105.6 bilyong piso para sa state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program para sa taong 2024.
Sinabi ng DBM na ang alokasyon ay susuporta sa free tertiary education sa SUCs at maging para tugunan ang nawalang pag-aaral dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang Budget Message, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng access sa free tertiary education para sa mga Filipino lalo pa’t karamihan na sa mga educational institutions ay nagsasagawa na ng full face-to-face classes.
“With 99.5% of our public schools now implementing five-day in-person classes, this amount will fund significant investments in the education of over 28 million learners nationwide,” ayon sa Pangulo.
“Echoing the pronouncement of our President, alongside the strengthening of our economy, we will also invest heavily in human capital development through education, health, and social protection,” ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Sa kabuuang alokasyon, sinabi ng DBM, P21.7 bilyong piso ang ilalaan sa 116 SUCs sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) program —na garantiya para sa free tertiary education sa 3,145,098 mag-aaral sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education,” ayon sa Kalihim.
Winika pa ng departamento na ang panukalang UAQTE budget para sa SUCs ay itinaas ng halos P3 bilyong piso o 14.32% mas mataas kumpara sa P18.8 bilyong pisong budget mula sa Fiscal Year 2023’s NEP.
Bukod dito, naglaan din ng P26 bilyong piso sa ilalim ng UAQTE budget para suportahan ang mga programa ng Commission on Higher Education (CHED) at maging panibagong P3.4 bilyong piso para sa Free Technical-Vocational Education and Training ng 38,179 enrollees at 10,126 graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sinabi ng DBM na makatatanggap din ang SUCs ng P3.4 bilyong piso para sa kanilang infrastructure projects.
“Improving education facilities is essential for creating a conducive learning environment for all learners, including those in remote and hard-to-reach areas,” ayon sa Pangulo sa kanyang Budget Message.
“A well-equipped and well-designed classroom can foster a positive atmosphere for learning,” ayon sa Pangulo sabay iginiit na “all projects will be implemented in all corners of the country, including the underserved areas.”
Samantala, sinabi pa ng DBM na ipinagkaloob ang kabuuang P924.7 bilyong piso para sa education sector, katumbas ng 16% sa panukalang P5.768 trillion 2024 budget plan. (Daris Jose)